logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Jacket

“I’ll be back, 1 month after your high school graduation,” saad ni Kuya na masinsinang nakikipag-usap sa akin.
After 2 weeks of staying in Yato ay ngayon na sila babalik sa Manila. Kuya had to take care of things kaya ay napaaga ang kanilang alis. They are both planning of staying here for 1 month but an emergency came all off a sudden. They are hesitant at first, kesyo daw walang magbabantay sa akin.
Wow. Nasanay na silang palagi akong nakikitang mag-isa tapos ngayon lang sila mag-aalala?
“I’m staying here in Yato, Kuya. You can’t change my mind,” sabi ko habang matapang na nakikipag-pilitan sa kaniya.
“Oh yes I can,” sabi niya at tinalikuran ako.
Napahinga na lang ako ng malalim habang nakatingin sa likod ni Kuya habang nakikipag-usap sa bangkero na magdadala sa kanila sa kabila
Naglakad ako papunta kay Ate Raphie. Nakasuot siya ng bohemian dress na abot hanggang tuhod niya. Ang buhok niya ay nakalugay at tila ba mga dahong nagwawala sa kanilang mga puno sa sobrang pagsayaw. Ganon rin sana ang akin pero nakabun ako ngayon. Ang pinagkaibahan rin namin ay straight ang style ng kaniyang buhok. Sa akin naman ay kulot. Ang shades niya naman ay nasa kaniyang ulo.
“I’ll miss you, Ate!” Ngumiti siya ng malapad at ibinuka ang mga kamay para sa isang mahigpit na yakap.
“I’ll miss you too.” Tugon niya habang hinahaplos ang aking likuran. “Malapit naman na ang kasal. You’re one of the bridesmaids. Kaya huwag kang mag-alala, hindi pa naman ito ang huli nating pagkikita.”
“Yeah. And it’ll be 4 weeks from now,” ani ko na siyang nakapagpagaan ng aking kalooban.
Nakalimutan kong hindi na pala siya basta basta na lang fiancé ni Kuya. Soon, she’ll be carrying our surname ‘Aguillera’. Kahit hindi pa nga sila kasal ni Kuya ay itinuturing na siya nito bilang asawa niya. They truly treasure each other. Aguillera na ang tawag sa kaniya ng marami. Which we love so much. Lalo na ang aking ina. Tuwang tuwa siya kapag tinatawag ng mga kapitbahay namin si Ate Raphie na Mrs. Aguillera.
“Sa Manila ang venue. Gusto mo pa din bang dumalo sa kasal?” tanong niya na siyang nakapagpatigil sa akin.
There is nothing wrong with me going on Manila. I just hate the idea of Kuya Apollo forcing me to study in the city.
“Ofcourse! It’s your wedding. Bakit naman ako hindi pupunta, Ate?” taas noong sagot ko.
She chuckled. “I thought you wouldn’t dahil kay Kuya Apollo mo.”
“Why wouldn’t I? It’s your special day. The day you will officially become an Aguillera.” Proud na proud kong sabi. Why wouldn’t I be proud about our surname? It is something we can be proud of.
“Oh sure. Mrs. Aguillera,” sabi ni Kuya na nasa likod na ni Ate Raphie. Tapos na pala siyang makipag-usap sa bangkero.
Tumawa na lang ako para pigilan ang impit na pagtili. He is so possessive when it comes with Ate Raphie. I salute their relationship.
“Aalis na ba talaga kayo?”
“We need to,” sabi ni Kuya.
Inakbayan niya ako habang dinadala kaming dalawa ni Ate Raphie patungo sa harap ng bangka. Handang handa ng umalis. Nakikita ko na ang mga gamit nila na nakapwesto na sa loob nito. I sigh. They really are leaving.
Lumapit pa kami sa bangka hanggang sa mahalikan na ng nagsisiyahang mga alon ang aming mga paa. Inalalayan ni Kuya si Ate Raphie na umakyat roon tsaka ako hinarap muli.
“Is this something about your wedding?”
“Nope.”
“E ano?”
“Tungkol ito sa mga papeles at sa amponan.” Doon ako tuluyang napatigil. Ang mga papeles at ang amponan. Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Ate at Kuya. They looked so stress out. Gustuhin ko mang tulungan sila ay hindi ko kaya. Dahil maging ako man ay matagal ng parte ng problema nila.
Damn. Napakainosente nila. Wala silang kalam-alam sa mga nangyayari. Sila ay mga biktima.
“Where’s mommy by the way?” tanong ni Kuya nang mapansin ang katahimikan ko.
Nagkibit balikat ako. “Nag-usap na sila ni Ate Raphie kanina. Sigurado akong nakapagpaalam na si mommy,” sabi ko.
“Hindi ba siya magpapaalam sa akin?”
Napairap ako sa tanong niya. “You know her. Mas mahalaga ang future daughter in law niya kaysa sa’yo.”
“I know that.” Tumawa siya kapagkuwan ay bigla akong hinawakan sa tuktok ng ulo. “I’ll see you after a month then.” Ginulo niya ang aking buhok habang nakangiti siyang nakatingin sa akin.
Nababasa ko ang mga pangungusap sa kaniyang mga mata na hindi niya kayang sabihin. Sinasabi ng mga ito na mag-iingat ako. Kahit hindi naman niya sabihin ay palagi kong ginagawa dahil alam ko, malapit lang sa akin ang problema na maaaring magdulot sa akin ng kapahamakan na siyang ikinakabahala ko.
“I’ll see you soon again,” I said as I bid my goodbye to them and watch how their boat sail, away from Yato.
Tumayo lang ako roon at nanatili sa dalampasigan habang nakatitig sa papalayo na nilang bangka. They are already getting smaller and smaller in my sight. Nakita ko pa ang pahabol nilang pagkaway kahit na nasisiguro kong maliit na lang ako sa kanilang paningin dahil sa layo na ng narating ng bangka nila mula sa malawak na karagatan kung saan nakapwesto ang aming pinamumungaran.
By the time, my sight lost them. Sumibad na ako paalis roon at naglakad pabalik. Hinayaan ko na lang ang aking mga paa na dalhin ako sa kung saan mang lupalop ng dalampasigan.
Napapaisip ako sa mga sinabi ni Kuya bago siya umalis. He can’t be so sure, but. . . There’s a possibility. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang maghintay para makompirma kung totoo nga.
Namalayan ko na lang na dinala pala ako ng aking mga paa sa isang puno. Malayo na ito sa camping side kung nasaan ang bahay namin pero bahala na. Wala namang makakapanakit sa akin. Ramdam ko na ang pananakit ng aking balat. Naalala kong hindi pa pala tuluyang gumagaling ang mga sunburn ko sa katawan.
Tinanggal ko ang aking jacket at itinaas ang aking t-shirt mula sa likod. Hinaplos ko ang mga nasunburn na parte ng aking katawan at napapaigik na lang tuwing mas lalo kong nababahiran ng pawis ang mga sugat.
Severe. Iyon ang sinabi sa akin ni Ate Raphie noong huling siya ang naglagay ng cream sa mga sugat ko. After that ay ako na ang naglalagay ng cream sa sarili ko. Nakalimutan kong ipacheck kanina sa kaniya yong mga sunburnt area ko dahil nagmamadali sila. And here I am. Suffering. Sobrang hapdi ng nararamdaman ko.
Pinanatili ko muna sa ganoong ayos ang aking damit habang hinihintay ang tuluyang paglubog ng araw.
Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ng aking shorts. Binuksan ko iyon at naghanap ng pagkakaabalahan. My old phone was still conphiscated. Ito ay bago lang dahil regalo sa akin ni Kuya Apollo kagabi. I was really happy when he gave me this. Dahil si mommy ay mukhang wala nang balak ibalik sa akin ang old phone ko.
Wala din akong nakitang laro sa cellphone na regalo sa akin ni Kuya dahil bago pa at hindi pa nagagamit. Itinabi ko na lang ulit at tumitig sa walang kataposang layo ng karagatan habang pinapanood ang dahan dahang paglubog ng araw.
It was such a majestic sight because of the light’s reflection in the water. Kumikining ang ilaw na binibigay ng araw sa dagat. Mga kasingkinang ng mga diyamante na nakakaakit at kay sarap pagmasdan.
Sa tuluyang paglubog ng araw. Pinalitan iyon ng buwan na hindi na kalakihan. Tumayo na ako at inihanda ang aking sarili para sa pag-alis.
Muli kong kinapa ang jacket at sinuot bago sumibad palayo sa puno. Pagkarating ko sa bahay ay binungaran ako ng madilim na paligid.
Sobrang tahimik nito. Imbes na dumiretso sa kusina para kumain ay tinungo ko ang daan patungo sa maid’s quarter. Sa sobrang tahimik ng paligid ay naririnig ko ang sarili kong paghinga at pagyapak. Hindi man lang sila nagbukas ng kahit na isang ilaw.
Ang lampara lang rin na nakapatong sa isang stand sa hallway ang ginagamit ko patungo sa tinatahak na daan. Pumasok ako sa loob ng maid’s quarter at nakitang wala iyong laman at napakalinis.
Napahinga ako ng malalim. Nakuyom ko ang sarili sa biglang pagkainis na nararamdaman. I chuckled. Bakit ba kasi ako nagpunta rito e alam ko na naman ang sagot sa katanungan ko.
Nakakabanas!
Inis na umalis ako doon at ibinulsa ang kamay sa loob ng jacket para mapigilan ko ang panggigigil sa mga bagay na nakikita ko. Ngayong wala na si Kuya ay ako na naman ang magtatrabaho sa lahat!
Tinungo ko ang kusina para kumain dahil sa sobrang pagkalam ng sikmura ko. Hays. Buti hindi pa ako nagkaka-ulcer sa lagay na ‘to.
Binuksan ko ang ilaw at hinarap ang lamesa kung saan alam kung nakadisplay ang mga pagkain.
“What the heck!” napasigaw na lang ako sa biglaang paglitaw ni Ephraim sa harapan ko. Napaangat ang aking kamay dahilan para dumampi ang mainit na salamin ng lampara sa aking braso. Nabitiwan ko iyon dahil sa naramdamang hapdi. “Aww.” Hinaplos ko ang parteng nadampihan.
“Anong ginagawa mo rito?” kunot noong tanong ko sa kaniya habang pinagkakaabalahan ang aking braso.
Hindi siya sumagot. Nag-angat ako ng tingin at nakitang wala na siya roon sa aking harapan.
What? Multo ba ‘yon? Agad akong kinilabutan at kumaripas ng takbo papunta sa lababo para hugasan muna ang burnt area bago bumalik sa kwarto. Damn. Hindi na lang ako kakain! Knowing that may multong gumagala sa kusina ngayon at nagpapanggap pang si Ephraim? Ano yon dopple ganger? No way!
Hinahaplos ko pa rin ang aking braso nang mauntog ako sa malaking pader na nakaharang sa harapan ko. Napaaray ako at iniba ang direksiyon ng aking paa ngunit nauntog ulit ako.
Literal na napahinto ako at tiningnan ang pader na iyon mula sa baba hanggang sa taas. I literally screamed my lungs out of when I saw him again. Ephraim! Dopple ganger! Multo or whatsoever.
“Multo! AAAHHH!” sigaw ko.
Kumunot ang noo ng nasa harapan ko. At doon ay napatigil ako. Dayum hot. How can be a ghost be this hot?
Teka! Multo ba talaga siya? He is not uttering a word! That makes it creepy.
“Who are you?”
“Do you even need to scream that loud and break my ears out? Napakatinis ng sigaw mo. Masakit sa tainga.” Wow ha!
“Multo ka ba?”
“May multo bang hindi natatagosan? Ang gwapo ko kaya,” ngisi niya.
“Yikes.”
“Well. . . . Here’s a cold compress for your burnt arm.” Iniabot niya sa akin ang cold compress na ngayon ko lang napansin na hawak niya.
“I’ve already washed it with water.”
“Not enough. Humahapdi pa iyan,” sabi niya sa akin kapagkuwan ay siya na mismo ang naglagay ng cold compress sa braso. Nakaiwas siya ng tingin habang ginagawa iyo.Pinanatili lang niya ang kaniyang titig sa braso ko na mas pinagkakainteresan niya pa yata kaysa sa mukha ko.
“Ako na,” inilahad ko ang aking kamay. Pinagkatitigan niya iyon.Ilang sandali’y mukhang pinag-isipan niya pa iyon bago ibigay sa akin.
Umupo ako. Siya naman ay nanataling nakasandal sa pinto ng ref habang binabantayan ang bawat galaw ko.
“Anong ginagawa mo rito?” I asked.
“Kailangan ko pa bang sagutin ‘yan?” sarkastikong tanong niya.
Napairap ako. “Of course.Tanong yon diba?” pabalang kong sagot. Pinipigilan ko ang paglabas ng isang munting ngiti sa pagitan ng aking labi. Ang kaninang inis na ikinukuyom ko lamang ay agad kong nawala.
“Kumain ka na. Hindi ko sasagutin ang tanong mo.” Iminuwestra ng kaniyang kamay ang mga pagkain sa ibabaw ng lamesa na natatakpan lamang ng mga plato. Nanatili siyang nakatayo roon habang masuring pinapanood ang bawat paggalaw na ginagawa ko.
Naasiwa ako sa tinging ibinibigay niya. Napakalakas ng intensidad nito at para akong kinikiliti sa loob ng aking tyan sa hindi malamang kadahilanan. Pakiramdam ko ay tagos iyon hanggang sa kaluluwa ko.
“Hindi ka kakain?”
Umiling siya at pinagcrus pa ang mga braso sa harap ng dibdib niya. Damn. Paano ako makakakilos ng normal nito? Sa loob loob ko ay para na akong naglulupasay sa kilig dahil sa mga simpleng paggalaw niya lamang.
Kagat ang labing nagsandok ako ng kanin. Kahit gaano ako kailang ay pinanatili ko ang aking seryosong mukha para hindi niya mahalata ang nararamdaman ko ngayon. Kinakabahan na ako. Halos kapusin na ako ng hininga dahil sa sobrang pagtambol ng puso ko.
Tumayo ako para maghugas ng kamay at bumalik ulit sa upuan ko habang nakatago sa aking likod ang aking mga kamay na hinugasan. Nanginginig ang mga iyon at hindi niya dapat kailangang makita. Pasimple akong huminga ng malalim nang sa ganoo’y mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
Hindi ito pwede. Ang kumakain ako habang pinapanood niya.It’s disrespectful. Hindi pwedeng ako lang ang kakain at mananatili lang siyang nakatayo roon.
Why didn’t you even invited him to join you, Zaphira? Hindi mo manlang siya pinaupo. Stupid!
“Hindi ka talaga kakain?” umiling siya.
“Hindi ako gutom.”
“E tatayo ka na lang ba diyan? Maupo ka,” sabi ko habang nginunguya ang pagkaing kasusubo ko lamang. He just stared at me.Ni wala manlang siyang kahit na anong imik.
Para na tuloy akong nabibingi sa sobrang tahimik. I’m use to silence but not this undefining one. Para na tuloy kaming may kasamang multo dahil sa sobrang katahimikan.
Matapos kumain ay nagligpit na ako ng mga pinagkainan. Ephraim was just there the whole time waching my every movements. I wonder kung hindi pa siya inaantok. Hindi ba nangalay ang paa niya kakatayo sa pinto ng ref?
Pinunasan ko ang aking kamay pagkatapos ay hinarap ko na siya. “So, anong ginagawa mo dito?” tanong ko at nakipaglabanan ng titig sa kaniya.
“Your mother left you a message.”
My forehead creased. “What message?”
Tumikhim siya at umalis sa pagkakasandal sa ref. tinanggal niya sa pagkaka krus ang kaniyang mga braso at itinago iyon sa loob ng bulsa ng kaniyang pang-ibabang suot na hanggang tuhod lang niya.
Nagulat ako nang bigla niya akong ihead to foot. Bumalik sa aking mata ang kaniyang titig ngunit palipatlipat iyon sa aking pantaas.
What? Is he checking me? What’s wrong with my outfit.Hindi naman badoy. I’m actually feeling fresh and cool right now.
“I’ve been looking for my favorite jacket for a week now,” he paused “Nasayo lang pala.” Aniya habang nakaturo ang kaniyang isang daliri sa akin.
Mabilis na nanlaki ang aking mata at nayakap ng wala sa oras ang sarili. Unti unting bumaba ang aking mata mula sa aking suot. Napapikit na lang ako at napatampal sa ulo nang tamaan ako ng realizasyon.
Itong jacket niya pala ang nasuot ko dahil hindi ko nalabhan ang mga hoodie ko! Ang jacket niyang ninakaw ko!
“Sa’yo ba ‘to? Nakita ko kasi sa sampayan sa labas. I thought it was mine kaya ko nakuha.” Mariin ulit akong napapapikit dahil sa kasinungalingang pinagsasabi ko. Pipi na lang akong humiling na sana ay hindi niya maalalang sinuot niya iyon noong pumunta siya sa kabilang pampang. I’m doomed.
“Akin yan.”
Lumunok ako. “Walang pangalan mo—” mabilis kong nahigit ang aking hininga nang humakbang siya palapit.Tumigil lang siya nang maramdaman kong nagkakabungguan na ang aming mga daliri sa paa.
I simply move a little backwards when I felt his toe nails touch mine. The electrifying feeling has been hitting me since earlier. Ramdam ko na ang mas lalong panlalambot ng aking mga tuhod sa bawat segundong nakakaharap ko siya.
Hindi ako nag-angat ng tingin. Pinanatili ko lang ang aking mga mata sa kaniyang dibdib upang nang sa ganoo’y hindi na ako tuluyang manlambot.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan ng maramdaman ko ang pag-angat ng kaniyang kamay. Nakita ko ang unti-unti nitong paglapit sa aking mukha mula sa gilid ng aking mata. Napapikit na lang ako habang hinihintay ang sunod pang pagdaloy ng nakakapanghinang elektrisidad mula sa kamay niya papunta sa aking mukha.
Few seconds of closing my eyes, I felt something on my shoulder.As I opened my eyes and turn to see what it is, I was shock when I saw his hands pinned above my shoulder while gripping the jacket’s neckline showing the fabric where his initials were written; EVM.
“Nakikita mo yan? Ephraim Val de Montez ang ibig sabihin niyan,” saad niya saka ako binitawan.
Napapikit na lang ako habang dahan dahang pinoproseso ng isip ko ang katangahang aking ginawa. Hindi ko napansin na nakasulat pala ang mga initials niya sa jacket. I mean, minsan ko ng nakita ang mga gamit niya, everything has his initials on it. Ang jacket lang na ito ang naiiba. Noong nilabhan ko kasi ito ay wala akong nakitang kahit anong marka. Nasa neckline lang pala nakatago. Damn.
Nanliit ang aking mata. I can feel the the tense building up.
“Sorry,” agad kong paghingi ng tawad. Nahihiya ako. He caught me! Would I go in jail now for stealing his property?
I heard him sigh. “By this time, you can borrow that.Isauli mo na lang kapag uuwi na ako,” aniya. “By the way, basahin mo muna ang text ng mommy.” Hindi ako makapaniwala nang makita ko ang luma kong cellphone sa mga palad niya at inilalahad iyon sa akin.
Ngayon hindi ko na ito kailangan ay tska lang isinauli ni mommy?
“How?”
“Just read what your mom has texted you. Napakadami mong satsat,” aniya at lumabas na ng kusina.
Hindi pa rin ako makapaniwala habang hinahaplos ang bawat gilid ng cellphone ko. Sobrang saya ko nang isauli ni mommy sa akin ang gadget ko.Ngayon ay mas rumami pa ang gamit na aking aalagaan.
Mabilis kong binuksan ang cellphone at nakitang wala iyong password. Tinanggal siguro ni mommy.
Nagkibit balikat na lang ako habang kuryosong binubuksan ang recent message niya sa akin.
“Ephraim will be staying with you for a week. Sinundan ko ang Kuya Apollo mo. Tutulong ako sa pag aayos ng kasal.” My lips parted.
What he fvck!

Komento sa Aklat (228)

  • avatar
    Geraldine Tamon

    she’s buetyfull story

    7d

      0
  • avatar
    Frias Eron

    cool

    15d

      0
  • avatar
    Bûåñg Kâ Kol

    the story I'd very good Nice 🙂👍

    18d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata