logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

College

“Goodluck, Zaphira!” sigaw ni Kuya Apollo habang sinasabayan ng paghalakhak niya.
Mas binilisan ko pa ang pagtakbo sa malambot na buhanginan habang pinipigilan ang aking pagtawa. Nahihiya na ako dahil sa nakukuhang atensiyon mula sa mga kapitbahay. Lahat sila nakangisi.
Gosh! I feel so embarassed! I’m exposed!
Imbes na lumiko at dumiretso sa bahay para magpalit ay tinungo ko ang malagubat na taniman ng niyogan at mga gulay. Sa likod ng mga tanim ay ang magandang tanawin na kinukubli ng masukal at matatayog na halaman.
Hindi ito alam ng mga tao sa isla. This place has never been mention to anyone.
Nadiskubre ko lang naman ang lugar na ito dahil kay Ephraim. It is his secret place. Malayong malayo ito sa kung ano ang itsura ng sa kabilang pampang. It is more cleaner and refreshing than the other side.
Mas malalaki ang mga bato kaysa sa kabila.
Kumuha ako ng isang tuyong dahon at nilagyan iyon ng maraming buhangin. Tinungo ko ang maliit na kweba na siyang palagi kong pinagtataguan at sa bawat paghakbang ko ay tinatabunan ko ng buhangin ang mga footprints na nililikha ko.
Lahat napapansin ni Ephraim. Kaya sigurado ako na ang mga bagong footprints ay hindi niya palalagpasin.
Inihanda ko na ang komportableng pag-upo habang hinihintay na dumating si Ephraim. Most of the time, ganitong sikat ng araw ay dumadating siya dala ang mga gamit niya.
Hindi naman ako naiinitan dahil hindi naman nasisikatan ng araw ang loob ng kweba. Kumuha ako ng isang maliit na bato at sumulat sa buhangin.
Zaphira A. Val de Montez.
Napahagikgik ako nang mabasa ang sinulat. Bagay pala sa pangalan ko ang apelyido ni Ephraim. Natanaw ko na si Ephraim sa malapit habang hawak sa isang kamay ang fishing rod at isang maliit na folded table na gawa sa kahoy. Sa kabila naman ay isang timba at may bag sa loob nito.
Nakajacket lang siya at naka shorts. I just silently watch him from afar. Adoring him more. Pinanood ko ang pagpwesto niya sa isang puno ng niyog na may maliit na batong nakapwesto sa malapit sa ugat nito. Nasisilongan ng dahon ng niyog ang ibaba kaya doon siya pumwesto. Inayos ang folded wooden table at inilagay sa baba nito ang may kalakihang timba. Isinandal niya ang fishing rod sa puno ng niyog bago sinimulang ayosin ang mga pagkaing nakita kong laman ng bag na laman ng timba kanina.
Tinaggal niya ang jacket at isinampay iyon sa isang malapit na sanga.
Oh my gosh! Kahit sa malayo ay silip na silip ko kung paano yakapin ng kaniyang kasuotan ang katawan! Kitang kita ko kung paano kuminang ang balat sa sobrang pagkaflex ng mga muscles niya.Shit! One of the greek gods has fallen!
Nakita ko ang pagkuha niya sa fishing rod at timba. Umakyat siya sa may batohan at doon ay pinakawalan ang kaniyang pain.
I was surprised when he just left his rod there being not fully attended. Paano kung biglang may kumagat sa pain niya at gumalaw ang rod? No one will hold the rod! Mahuhulog iyon sa dagat kapag walang nagbantay!
Bumaba si Ephraim ngunit nanatili lang ang mata ko sa fishing rod. Kung hindi niya mababantayan iyon. Ako ang magbabantay. Sayang ang isdang mahuhuli kapag bigla na lang mawala yong fishing rod. At halos mapasigaw ako nang bigla ngang bumulusok pababa sa tubig iyon. Mabuti na lang at napatakip ako sa bibig para pigilan ang sigaw na gustong kumawala kanina.
Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib nang maramdaman ko ang bigla nitong pagkirot. Shit. Na-sunburn pala ito kanina. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nagsuot ako ng one piece swimsuit? Pati ang mga hita ko ay namumula rin.
Ohmy! Kailangan ko nang umalis. Humahapdi na ng humahapdi ang balat ko. My dripping sweats are making it sting more.
Paano ba ako makakaalis nito kung nasa may niyog si Ephraim at nagbabantay? There is no other way than the way on his back.Tumakbo ako papunta sa likod ng pinakamalapit na bato na nakita ko. Hindi naman siguro ako nakita ni Ephraim dahil sa liit kong ‘to. Yumuko naman ako e.
Ngayon ay humahaplos na sa balat ko ang mainit na sikat ng araw.
“Aww!” mahinang daing ko.
Mas lalo pa kasi atang humapdi yong balat ko dahil sa mga buhangin.
Kinagat ko pang-ibabang labi habang kinakalkula kung gaano kalayo ang susunod kong tatakbuhin para marating ang susunod na bato. Bahala na. Ang importante ay makaalis ako. Gustong-gusto ko ng maagapan agad ang balat ko. Masiyado ng mahapdi. Hindi ko na kaya.
Pumikit ako at tinakbo ang bato. Muntik pa akong mapasubsob dahil sa sobrang pagkakayuko ko. Sumandal ako sa bato at hinabol ang aking paghinga.
“Whew!” napangiti ako. Damn. I never thought that it would be fun. Escaping while he is still there. Kadalasan kasi ay naghihintay ako kung kailan aalis si Ephraim. Kung nakaalis na siya ay doon lang ako umaalis.
Pero ngayon ay nasa ibang situation ako. Bakit ba kasi ako pumayag kay Kuya na daluhan sila sa pampang? Ayan tuloy.
Hindi ko alam kung anong patutunguhan ng pambubuso ko kay Ephraim. But all I can say, is I was having fun!
Kinuha ko na ang panghuling tsansa ko nang makita ko siya na nasa tuktok na ng bato. Sumilip siya sa ibaba at nagulat ako nang bigla na lang siyang tumalon. Ngayon lang ba niya napansin na inagos na ng alon ang fishing rod niya?
Well. Whatever.
Tumakbo ako. Ngunit hindi pinaglagpas ng aking mga kamay ang jacket ni Ephraim. Tinalon ko iyon at tinangay na palayo sa lugar.
I’m sorry, Ephraim. Magiging snatcher na ata ako.
Sinuot ko ang jacket habang tumatakbo. Medyo guminhawa ang pakiramdam ko dahi nabawasan nito ang init na nararamdaman ko hanggang sa makarating ako sa bahay.
Agad akong sinalubong ni Kuya ng mapaglarong ngisi niya.
“Kamusta? Success ba?” may pataas taas ng kilay pang nalalaman.
Umirap ako. Kapagkuwan ay ngumiti ng malapad. “Wala ng mas sasaya pa sa pambubuso sa taong gusto mo!”
“Proud ka pa? And you even steal that?” turo ni Kuya sa jacket na suot ko. Napansin pala niya.
“Natemp akong kunin ‘to Kuya. Ang sakit na kaya ng balat ko dahil sa pagbabad sa gitna ng araw mula kaninang umaga,” pagrereklamo ko.
I’m a thief now.
“How bad is it?”
“Very bad, Kuya. Sobrang sakit e,” humalakhak na naman siya.
Ano bang nakakatawa? Buti nga hindi siya na sunburn e. He didn’t know what it feels like.
“Come.”
Dinala ako ni Kuya sa kwarto nila ni Ate Raphie. Naabutan namin si Ate na naka-upo sa single sofa at nagbabasa ng libro. She’s only wearing a robe. Her hair was so messy and wet. But that makes her look so gorgeous. Hindi manlang nabawasan ang ganda niya. She’s not even wearing a make up.
Lumapit si Kuya Apollo kay Ate Raphie at hinalikan siya sa likod ng kaniyang kamay. Binalingan ako ni Ate at ngumiti.
“Do you still have a cream, Raph?” tanong ni Kuya kay Ate.
“Marami pa,” sagot ni Ate.
“Malala yong sunburn ni Zaphira. Can you help her apply some in her body?” tanong niya.
Tumango si Ate Raphie na may ngiti sa labi. Binalingan ulit ako ni Kuya.
“She’ll take care of you,” sabi niya.
Kumunot ang aking noo. “Kuya! Hindi naman ganon kalala yong sunburn ko. You still didn’t even see it,” sabi ko.
“Worst. Sobrang pula ng mukha mo. And you look more tanned now,” aniya.
Ngumuso na lang ako sa likod ni Kuya na nasasarhan na ng pinto. I am more tanned now! Magiging morena na talaga ako. The real filipina beauty. Hindi ko naman kinakahiya ang pagiging morena ko kung sakali.
Lumapit sa akin si Ate Raphie. Nakangiti siya habang pinapatanggal sa akin ang jacket na suot. Narinig ko ang pagsinghap niya nang makita ang katawan ko.
Muli ay naramdaman ko ang hapdi. “Mas malala pa pala yang sayo kaysa sa akin. You look more tanned now. Ang lalaki ng mga namumulang parte ngkatawan mo,” sabi niya sa malumanay na boses.
Hindi ako umimik at pinagmasdan lang siya. Ngayon lang ako nakipag-usap sa kaniya ng kaming dalawa lang. It looks really awkward for me.
Tumigil siya sa pag-inspeksiyon sa katawan ko at sinabing maligo muna ako bago lagyan ng cream. Bumalik ako sa kwarto. Naligo ako ngunit hindi kasing tagal ng nakasanayan ko. Humahapdi kasi tuwing nasasabuyan ng tubig. Nag suot lang ako ng slip-on bra at panty tsaka ko iyon pinatungan ng bath robe kagaya ng sinabi sa akin ni Ate Raphie.
Matapos malagyan lahat ng cream ang mga namumulang parte ng katawan ko ay mas pinili ko muna ang manatili sa kwarto nila Kuya. Nakipagkwentuhan ako sa kaniya habang hinihintay naming pumasok ulit si Kuya sa kwarto nila. Nag-eenjoy akong makipagkwentuhan kay Ate dahil napakarami niyang kwento. She is not that hard to deal with. Napakaamo niya.
Hindi namin namamalayan ang oras. Wala na ang araw noong matapos kaming magkwentuhan ni Ate Raphie. Saktong palabas na kami nang makasalubong namin si Kuya Apollo sa labas ng pinto.
Hinalikan niya sI Ate Raphie sa pisngi at kinawayan naman ako.
Tumungo kami sa kusina para kumain na. Nang matapos ay nagpunta kaming lahat sa sala at nagmovie marathon. Pumwesto sila Kuya sa lapag at ako naman sa mahabang sofa. Si mommy ay nasa single sofa naman nakapwesto. Pansin ko ang minu-minutong paglipat ng kaniyang tingin mula sa t.v at sa dalawang nasa lapag. Pangiti ngiti siya habang ginagawa iyon.
Naluha na lang ako. Damn. I want to speak. But I can’t.
Natapos ang movie na na kay mommy lang ang atensiyon ko. Doble na ang sakit na nararamdaman ko kapag umalis ulit si Kuya at ma-iiwan akong mag-isa.
It hurts being only with the person whose responsible for everything. It’s a torture. Matapos ang movie ay hinarap ako ni Kuya.
“Gusto mong sumama sa amin pabalik sa Manila?” tanong niya.
Nanlaki ang aking mata. “Pwede?”
“Oo naman!”
“Sasama ako-’’ naputol ang aking sasabihin.
“But, not for fun. Isasama ka lang namin sa Manila, to visit the University.”
“University for college?”
“Oo.”
“No, I’m not going kung iyon lang ang pupuntahan ko doon. I’ll be staying here,” mabilis na pagputol ko.
Hindi ako magtatransfer sa college!
“Come on, Zaph. Mas maganda ang mga skwelahan sa Manila,” sabi niya.
“It’s over crowded in there! I’ll be staying here! Mas tahimik dito,” pagpupumilit ko. Kahit anong gawin nila ay hindi nila ako mapipilit.
“Zaph! Hindi habang buhay mananatiling tahimik ang buhay mo. Learn to live in the crowd,” sabi ni Kuya ngunit ayaw ko pa rin.
Umiling ako. “Mananatiling tahimik ang buhay ko kung mananatili ako dito sa Guimaras.”
“You don’t understand, Zaphira,” nakakunot noo na siya.
Halatang na frufrustrate na.
“Ano ba ang hindi ko maintindihan Kuya? As far as I know, I can clearly understand what you are saying.”
“Just…” Nakita ko ang pagdaan ng kaniyang mata sa gilid. Para niyang tinutukoy si Mommy gamit ang kaniyang mga mata.
Mas lalong lumalim ang gitla sa pagitan ng aking noo. Napahilamos na lang si Kuya dahil sa ginawa ko.
Bakit ba bigla siyang namomoblema? Parang pasan na niya ang buong mundo dahil sa sobrang frustration na makikita ko sa mukha niya. He was like very happy this morning until the movie marathon. Well, except now ‘cause he looks really bothered of something.
Napatingin ako kay Mommy nang bigla siyang magsalita.
“Apollo, bakit naman aalis si Zaphira dito sa Guimaras pagdating niya ng college?” tanong ni mommy na parang hindi mapakali.
“Mommy, walang college dito,” sabi ni Kuya na hindi manlang makatingin kay mommy.
Tinatalikuran pa nga niya ito.
“Nanjan ‘yong state college sa Jordan.”
“Yeah. Nandiyan nga, but I don’t trust their educational system,” sabi niya.
Tuluyan na akong naguluhan.
“Kuya! You graduated in that school. Palaging mataas ang ranggo mo noong nag-aaral ka doon. And now you’re saying, you don’t trust their educational system? You even enjoyed studying there!”
“I enjoyed, not because of the high grades or low grades but because of the memories, okay? Look, Zaphira,” he paused “I want you to study in Manila. No reasons,” aniya at sumibad na paalis.
What? Iyon lang ang rason at nakipagtalo pa siya? No. I’m not going to Manila after highschool. Mag-istay ako dito sa Yato! Walang makakapilit sa akin na umalis rito.

Komento sa Aklat (228)

  • avatar
    Geraldine Tamon

    she’s buetyfull story

    7d

      0
  • avatar
    Frias Eron

    cool

    15d

      0
  • avatar
    Bûåñg Kâ Kol

    the story I'd very good Nice 🙂👍

    18d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata