logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

12:51

Tumayo ako at mabilis na hinarap ang lalaking nasa ibaba. Inayos ko ang aking postura saka ako dumungaw sa kaniya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kaniya.
Nakakunot ang noo at unti unting kinakagat ang cupcake na hawak.
“Nauna akong nagtanong, kaya sagutin mo ako,” saad niya.
Umiling ako.
“It’s my secret place,” sagot ko.
“Your secret place?” tinuro niya ako.
“Oo bakit?”
Itinaas ko ang isang kilay.
Siya naman ang umiling. He licked his lips after finishing the last bite of cupcake. Ibinulsa niya ang dalawang kamay at tumitig sa akin ng nakatingala.
“You are in a camping?” tanong ulit niya.
Iniayos ko ang buhok sa aking tainga na hinahangin at tinatakpan ang mukha ko. Nilingon ko ang camping side. Mula rito sa pwesto ko ay tanaw ang mga nagsisiliyabang mga apoy galing sa mga bonfire na nilikha. Madami palang nagcamping ngayon. Hindi ko alam na ganito karami.
Nilingon ko si Ephraim mula sa baba. Tumango ko.
“Oo, kayo din ba?” tanong niya.
“Obviously? Umuwi na si Kuya Apollo kagabi kasama ang fiance niya, kaya nagyaya si Kuya na magcamping sa sea side dahil namiss niya daw ang dagat.” Tumingin ulit ako sa mga tent. “Hindi ko alam na madami palang magcacamping ngayon.”
“You’re mother invited some people from our neighborhood for a welcome back feast for your brother and his fiance. Kaya anong ginagawa mo rito?” kumunot ang aking noo.
Kaya pala bigla na lang dumami ang mga tents na makikita sa seaside.
Bakit hindi sa akin sinabi ni mommy na ganito? Ang alam ko ay gusto lang nila ng simpleng salo salo pero mukhang sobra naman ata ito? Ang ibroadcast na nagbalik na si Kuya Apollo at Ate Raphie? Napakasimple lang naman. Bakit hindi na lang nagbigay si mommy ng meryenda sa bawat bahay. Kailangan pang mapuno ng tent ang seaside para lang doon?
Sabagay. Hindi ko naman masisisi si mommy. Mabibilang lang ng mga daliri ang pagbisita ni Kuya rito. Alam kong maraming nakamiss kay Kuya. At isa na ako roon. Wala lang akong planong makisabay sa malakas na pagragasa ng mga ingay.
“Isa rin ba kayo sa inimbitahan ni mommy?”
Tumango si Ephraim. “My mother was so happy at the news kaya mabilis silang napapayag ng mommy mo. You know. Malapit ang loob nila sa Kuya Apollo mo.”
“Bakit wala ka doon?”
“You know what I hate,” sabi niya na siyang nakapagpatigil sa akin.
Alam ko.
“Bumaba ka na riyan, Zaphira. Nangangalay na leeg ko kakatingala sa’yo.”
“You can go first, Ephraim. Dito na lang muna ako.”
Tinalikuran ko na siya at muling umupo. Pabagsak ko pa iyong ginawa dahil sa biglang pagbabago ng mood ko. Biglang bumigat ang dibdib ko. At alam ko kung bakit.
I know what he hates. Alam ko din kung bakit iyon ginawa ng mommy ko. Alam na alam ko ang rason sa lahat. Iyon ang pinakaayaw ko. Alam ko lahat ng rason. Ang puno at dulo.
Nang matapos ang aking pagmumuni-muni ay naglakad na ako pabalik sa camp side. Nasa seashore ako naglalakad at tuwing hinahakbang ko ang aking mga paa ay maingat itong bumabagsak sa buhanging mabasa at inaabot ng alon. Bitbit ko ang tsinelas ko sa kabilang kamay.
Diretso lang ang aking tingin sa dinadaanan ko kaya nakikita ko kung paano magsiyahan ang mga tao. Napailing na lang ako.
Gusto kong makisali sa kasiyahan ngunit hindi ko naman ramdam.
Tinanggal ko ang pagkakatali ng aking buhok at isinuot ang aking hood. Ramdam ko na kasi ang palamig na palamig na ihip ng hangin. Nagsisitayuan na ang mga balahibo ko sa batok dahil sa nararamdaman.
Sana pala ginawa kong dalawa yong panloob kong t-shirt. Kung alam ko lang na mas malamig pa ngayon kaysa kahapon ay hindi na ako nagshort.
“Still not going to join them?” napaigtad ako at nilingon si Ephhraim na nasa likuran ko.
Sinusundan ba ako ni Ephraim?
Umangat ang gilid ng labi ko sa naisip.
“I’m on my way na diba? Nakikita mo naman dahil kanina ka pa nakasunod sa akin.”
Kumunot ang kaniyang noo. “We’re both heading on the same path. Kaya hindi kita sinusundan.”
“Oh. That’s why we are both walking in the seaside.”
Bumaba ang aking mata sa kaniyang paa na pabalik balik hinahalikan ng alon.
Ngayon ko lang napansin na wala talaga siyang suot na tsinelas mula pa kanina.
“See those two couple in there?” itinuro niya ang dalawang magjowa na naglalakad sa seaside. “It’s a coincidence right? So, don’t assume,” sabi ni Ephraim pagkatapos ay inirapan ako at lagpasan. Ngayon ay siya na ang naunang naglakad.
Tumayo lang ako doon at hindi makapaniwalang tiningnan siya. What the heck?
Hindi ko alam kung maiinis ba ako dahil sa pagkasuplado niya o sa pakikipagsagutan niya sa akin ng matagal. 10/90 maybe?
Kinagat ko ang aking ibabang labi para mapigilan ang ngiting gustong kumawala sa pagitan nila.
Bihira lang kasi ang pakikipag-usap sa akin ni Ephraim.Well, sa lahat naman siguro ganon siya makipag-usap. He is a man with less words. And a man with unidentified moods.
Hinabol ko si Ephraim at nakisabay sa mga bawat pagyapak niya. Ginaya ko iyon ngunit sa huli ay sumuko ako at ginawa na lamang ang aking normal na lakad.
Napanguso ako. Bakit ba kasi ang liit ng mga paa ko? Ang hirap ko tuloy sundan si Ephraim! Napapajogging na lang ako para masundan lang ng bawat pagyapak niya.
“Hintayin mo naman ako, Ephraim. Ang bilis mo maglakad e,” pagrereklamo ko.
“Bakit? Sinabi ko bang sundan mo ako?”
Pinanliitan ko siya ng mata.
“Wala. Ang bilis mong maglakad e.”
“Kung pabalik ka na sa camping side, huwag kang makisabay sa akin kung magrereklamo ka. Nasa sa ‘iyo kung mauuna ka o makikipagsabayan ka sa akin,” sabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Psh. Suplado talaga.
Bumaba ang tingin ko sa buhangin at nakaisip ng kalokohan. Ayaw na ayaw kong nag gaganito noong bata ako dahil masakit sa mata pag hinangin yong buhangin. Pero mukhang gusto kong gawin ang kademonyohang iyon ngayon.
Yumuko ako at kumuha ng buhangin gamit ang aking dalawang palad. Agad sumilay ang ngising mapaglaro sa aking labi nang makita kung gaano karami ang napulot ko.
Humanda ka ngayon Ephraim Val de Montez.
Isinuot ko ang aking tsinelas para mahawakan ko ng mabuti ang buhangin nang wala masiyadong makakatakas mula sa mga maliliit na butas ng kamay ko.
Sinigurado kong hindi mapipigtas ang tsinelas ko kung sakaling tatakbo man ako ng mabilis dito sa buhanginan.
And in just one swift move. The clear white sand were already mixed in the unseen element. Nakita ko kung paano bumuhos lahat ng iyon mula sa buhok ni Ephraim papunta sa kaniyang mukha. The sands little particles were sticking into his face making him feel irritated.
Napangiti ako at kumaripas ng takbo. Ngayong gabing lang ito. Gusto kong magpapansin kay Ephraim ng walang kahit na hiyang nasa katawan ko. Gusto kong mapansin niya ako ng magdamag manlang. I want him to think of me. I want him to think that he’ll get even me. Nang sa gayon ay siya naman ang lumabas na nagpapapansin sa akin.
I’m not insane. I’m just craving for his attention.
Lumapit ako kay mommy at kinuha ang isang bowl na may mga lamang barbeque. Itinabi ko na ito bago pa ako umalis kanina. Pumasok ako sa loob ng tent ko at nilock iyon mula sa loob. Pwede namang malock iyon dahil may number padlock na nakakabit sa zipper nito na pwedeng idugtong sa nakadikit na magaang metal.
Pinanatili ko lang na bukas ang maliit na bintana ko nang sa gayon ay may pumasok na malamig na hangin.
Umupo ako. Kinumutan ko ang aking mga nanlalamig na paa at sinimulang kainin ang barbque. Bahala na kung maimpatso ako. I’m happy. Masaya ako dahil sa nangyari kanina so I must need a simple celebration. Tsaka bihira lang ito at mababaw lang ang kaligayahan ko. Huwag epal.
Nang matapos kumain ay isinauli ko ang bowl sa mesa sa labas. Naabutan kong nagkakasiyahan pa sila doon at mukhang mag-iinoman pa kasama ang mga kumare niya. Tsk. Mga lasingera. Dinaig pa ang mga lalake na nasa harap lang ng bonfire nagkukumpulan at nagkukwentuhan.
I don’t mind them anyway. I have my own business. Masaya ako kaya walang dapat sumira ng gabi ko.
Hindi ko namamalayang nakatulog pala ako dahil sa paghele sa akin ng malamig na simoy ng hangin. Nagising na lang ako nang marinig ang ilang beses na pagbagsak ng buhangin mula sa pinakatuktok ng tent ko. Umaagos iyon mula sa taas pababa.
Nakakita ako ng anino na pa-ulit -ulit yumuyuko para kumuha ng buhangin at malakas na ibabagsak iyon sa taas ng tent.
What the? Sino ba iyon? Nakakasira ng tulog ah. Hatinggabi na ano pa bang ginagawa niya. Naglalaro pa?
Nanlaki ang aking mata. Agad natamaan ng reyalisasyon. Sumilip ako mula sa binta para kumpirmahin kung si Ephraim nga iyon at isinasagawa na ang paghihiganti. Ngunit para lang akong pinagsakluban ng langit at lupa nang makita kong si Kuya Apollo lang iyon.
Ngumisi siya sa akin at itinigil ang ginagawa. “Okay ka lang, Zhaph?” tanong niya.
Ngumuso ako.
“Kuya naman e! Nakakasira ka ng tulog. Alam mo ba ‘yon?”
“Come on, Zaph. Ang aga mong natulog kagabi sira pa ba tulog mo niyan?”
“E yon nga Kuya! Ang ganda ng gabi ko tapos sisirain mo. Nakakabanas ka naman,” pagrereklamo ko.
“I woke you up dahil baka naimpatso ka.” Tiningnan ako ni Kuya sa mata. “But you look okay?” tumango ako. In just an instant, my face lit up while the scene from last night keep replaying in my memory.
Napakababaw ng kasiyahan ko.
“Inaantok pa ako Kuya. Bumalik ka na sa tent niyo ni Ate Raphie,” sabi ko at nagkunwaring humihikab.
“You sure? Baka gusto mo pang kumain? I have meds there kung sakaling magka-impatso ka,” itinuro niya ang tent nila ni Ate Raphie.
“No need Kuya. Masakit sa tyan.”
Pinakita ko sa kaniya ang tyan ko at hinaplos iyon.
Humalakhak siya. “Tirhan ka na lang namin kung gusto mo. I’ll keep it on the freezer,” itinuro niya ang bahay namin na nasa malapit lang.
Babalik siya doon?
Bago tumalikod si Kuya Apollo ay pinigilan ko siya.
Lumingon siya sa akin. “You change your mind?” nakataas ang isa niyang kilay.
“Hindi. But….. can I borrow your phone, Kuya?”
May pag-aalinlangan na tanong ko habang ginagamitan siya ng puppy eyes.
“Don’t you have yours?” tanong niya.
“Ni-conphiscate ni Mommy lahat ng gadgets ko.”
“May nilabag ka na naman sa batas niya noh?”
Napairap na lang ako sa sinabi ng Kuya. Rules. Rules. Rules. Does she even have the rights? Nakakainis! Wala nga akong nilalabag e.
“I know that face.”
Tumatawang turan niya sa naging reaction ko.
“Here. I’ll talk to mom about yours.”
Ibinigay niya sa akin ang kaniyang selpon pagkatapos ay hinalikan ako sa noo bago umalis.
Sumilay ang ngiti sa pagitan ng aking labi habang iniisip ang aking bagong kalokohan. I just hope it won’t fail.
Binuksan ko ang selpon ni Kuya Apollo at nakita kong si Ate Raphie ang lockscreen niya. Kuha iyon habang kumakain si Ate Raphie. Ang sweet!
Iniswipe ko ang screen at nakitang wala iyong password. So they really trust each other huh? And they just let each other to invade their privacy that easily.
But nah. I want a relationship that is something more challenging. And exciting.
Binuksan ko ang messenger ni Kuya at inilog-in ang account ko. I didn’t even bother checking his private messages.
Naghintay lang ako hanggang sa magloading na ang mga messages ko. There are too many messages but I didn’t bother reading them. Nagpunta agad ako sa search bar at isinearch ang pangalan ni Ephraim.
Ephraim Val de Montez.
Pagtatype ko sa search bar. Nang magloading iyon ay tinap ko agad ang profile ni Epharim at lumabas ang mga naging conversation namin.
Napakagat labi na lang ako nang makita kung anong last date ng pagchahat namin. 4 years ago pa iyon. Noong nag-aaral pa si Ephraim sa Jordan. Tungkol sa isang program ang pinag-usapan namin noon. It was because we were both assigned to prepare everything for a very important ocassion.
Kinausap ko siya kung anong mga dapat gawin through chats because he can’t even give me a glance at school that time. Nagre-reply naman siya. Mga putol putol nga lang. And It was really obvious that I was just the one interested on our topic.
Nag-iimagine na tuloy ako kung ano -ano ang mga nagiging topic niya sa mga babaeng kachat niya sa mga oras na iyon noon. Wild siguro?
Ipinilig ko ang aking ulo para iwasan ang pag-iisip sa mga bagay bagay at itinuloy na lang ang aking plano. Nagtype na ako ng ichachat at mabilis na pinindot ang send button.
Zaphira:
Hi? Masakit ba ang mata mo?
Napakagat labi na lang ako sa tanong ko. What a stupid question. Concern ka girl?
Pinakaialaman ko muna ang mga movies ni Kuya Apollo sa cellphone niya habang hinihintay ang reply ni Ephraim. And as usual, late na naman noong nagreply siya.
Pinindot ko ang chathead ni Ephraim at binasa ang nireply niya.
Ephraim:
It’s not. I’ve just wash my face with a warm water.
Reply niya. Tiningnan ko ang oras ng reply niya. 11:16. Tiningnan ko kung anong oras ko sinend ang message ko at ganon na lang ang panlalaki ng mata ko nang makita kung anong oras ko siya chinat.
Great. It’s 11:11.
Hindi pa pala tapos ang gabi just like what I thought.
Mabilis akong nagtipa ng reply pabalik.
Zaphira:
Nasa camping side ka?
Tanong ko.
Five minutes after again. He replied.
Ephraim:
Yes.
Isang maikling reply. Hindi na tuloy ako makapag-isip ng susunod na irereply ko.
Zaphira:
With your mom?
Ephraim:
Yes.
Zaphira:
Pwedeng pumunta diyan? Makikipagkwentuhan lang ako sa mommy mo. Sige na. Please..
Napatitig ako sa huling salita ng sinend kong chat kay Ephraim. Oh my gad! I’m really desperate.
Naghintay ako ng reply ni Ephraim. Halos tangayin ulit ako ng antok sa kahihintay sa reply niya. Mabuti na lang at bago ko pa magawang matulog ulit ay narinig ko na ang pagdating ng mensahe niya.
Ephraim:
No.
Basa ko. Tiningnan ko ang oras at halos ibato ko na ang cellphone ni Kuya Apollo sa bagal magreply ni Ephraim.
Gosh! It’s 12:51!

Komento sa Aklat (228)

  • avatar
    Geraldine Tamon

    she’s buetyfull story

    7d

      0
  • avatar
    Frias Eron

    cool

    15d

      0
  • avatar
    Bûåñg Kâ Kol

    the story I'd very good Nice 🙂👍

    18d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata