logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 01 : Living with my Enemy

“Manang! Pakibilisan naman ho ng paglagay niyo diyaan! Ang bigat-bigat na nitong dala ko!” malakas kong reklamo habang pilit na itinataas ang hawak kong maleta.
Laking peste naman kasi! Bakit ba hindi ako na inform na ngayon na kami lilipat sa bahay 'kuno' namin ng asawa ko?! Like yucks! Nakakasuka maging asawa ang asong iyon! Pero wala akong choice! Ugh!
“Sandali lang po ma'am! Marami pa po ang mga gamit niyo eh!” ani Manang Linda. Oo nga pala, nakalimutan ko. Halos anim na malalaking maleta pala ang dala ko. Kung bakit? Wala lang! Puro lang 'yon mga damit at make-up's. May mga iniwan pa nga ako sa bahay, e. Hehe.
“Ay leche naman, o!” sigaw ko nang magsimula ng umulan. What the F lang ha?! Bakit ang malas ko yata ngayong araw na 'to? Siguro dahil lilipat na ako kasama iyong panget na si Neil! Tama! Siya ang malas sa buhay ko! Tsk!
“Ahh! Manong, dali!” utos ko at iniabot kay Manong 'yong dalawang maleta na pilit kong binubuhat. Bakit ba ang bigat nun?! Eh puro lang naman mga damit ang laman.
“Woah. Finally!” bulalas ko at prenteng naupo sa backseat ng van namin. Nagsimula ng mag-drive si Manong Tomi kaya pinikit ko na lang muna ang mga mata ko. Tutal malayo-layo pa naman ang biyahe namin.
Malapit na akong makatulog nang tumunog bigla ang cellphone ko. Peste! Sino naman kaya ang istorbong 'to?!
Agad kong sinagot ang tawag without looking kung sino ang hudas na caller.
“Hello?!” sigaw ko sa kabilang linya. “Ay galit na galit, ghorl?!” Narinig ko ang tawa ni Maui. Siya pala ang tumawag. I rolled my eyes as if she can see me.
“Anong kailangan mo?!”
“Bakit ba galit na galit ka?! Pwede namang malumanay 'di ba?! Nakakabingi ang bunganga mo!”
Muli akong umirap. Ang demanding naman ng isang 'to. Pake niya ba kung ganito ako magsalita?! Laging pasigaw?! Tsk!
“Tss. Why did you call?” tanong ko ulit sa mahinahon ng boses.
“Itatanong ko lang sana kung nasa bahay na kayo? Maganda ba?” Oh yeah, aside nga pala sa parents namin ay alam din ni Maui ang tungkol doon sa kontrata na pinirmahan namin. Silang lima lang ang nakakaalam nun. The rest, akala nila kinasal talaga kami ng gusto at hindi pilit. Ampucha.
“Hindi pa nga eh. Buwisit kasi umulan pa. Medyo traffic tuloy.” sagot ko at sumulyap sa may bintana. Medyo blurred na ang glass dahil sa ulan. Buti na lang at may aircon sa loob ng van. Ayoko kasi ng wala, feeling ko masusuka ako lalo na kung traffic.
“Haha. Malamang uulan. What do you expect? Malapit na ang Ber Months, ghorl.” sabi niya.
“Yeah, yeah. Excited na nga ako kasi malapit na ang december! Gusto ko mag-pasko na para makuha ko na 'yong sarili kong condo.” sambit ko at ngumuso. Sabi kasi ni Daddy sa december ko pa raw pwedeng makuha ang condo na binili nila para sa akin. Iyon ang isa sa mga binigay nila sa akin kapalit ng pag-pirma ko doon sa kontrata.
“Yah. Basta isama mo'ko doon ah? Mag-oover night din ako gaya ng ginawa mo sa condo ko dati!” Napatawa ako. Naaalala ko kasi dati noong binilhan siya ng bagong condo ay nakitulog ako agad roon at bininyagan ang condo niya. When I say, bininyagan, you know what I mean already. Haha.
“Oo na. Oh sige, ibababa ko na muna 'to ah? Inaantok kasi ako. I'll sleep muna.” sabi ko. “Sige. Basta ah? Kapag nakarating na kayo do'n, balitaan mo'ko!”
“Yeah, yeah. Bye, bye na.”
“Oo na! Bye, bye! Good luck! Muah!” pahabol niya pa. She ended the call kaya ibinalik ko na ulit sa bag ang cellphone ko at tuluyan ng pumikit. Antok na antok na ako at gusto ko talagang matulog.
“Manong, pakigising na lang ako kapag andun na tayo. Thanks.” bilin ko kay Manong.
****
Naalimpungatan ako dahil may yumuyugyog sa akin. Mukha agad ni Manong Tomi ang nabungaran ko. Minulat ko ang aking precious eyes at umayos ng upo.
“Nandito na tayo, ineng. Bumaba ka na at tutulungan kita sa pagbubuhat.” sabi niya. Tumango ako at nag-unat muna bago lumabas. When I stepped out of the van, the smell of the rain is the first thing that my precious nose, smelled. Tumila na rin ang ulan pero malamig ang simoy ng hangin. 
Nasa harap kami ng isang bahay na hindi gaanong malaki, hindi rin gaanong maliit. Sakto lang. Maganda naman 'yong design at 'yong color pero dahil isang mukhang basahan ang kasama ko ay siguradong panget ang magiging buhay ko sa loob ng bahay na 'to.
Hay. Ako ang naaawa sa mukha ng Neil na iyon. Masyado siyang swerte dahil isang tulad ko na mala-anghel sa ganda ang napang-asawa niya. Tsk. Tsk. Tsk.
“Manong, may mga katulong din ba sa loob?” I asked, Manong Tomi. Medyo ako kasi ang nahihirapan sa ginagawa niya.
“Sa pagkakaalam ko meron naman, ineng. Siguro apat 'yong pinadalang katulong nina Donya Tina dito.” sagot niya. Tumango ako at tumulong na sa pagbubuhat ng iba pang maleta.
“Need help?”
“Ay leche!” Napatalon ako sa gulat nang may magsalita sa gilid ko. When I turned around, I saw the disgusting face of my so-called husband. Psh. Naiirita na naman ako dahil sa nakakabwisit niyang ngisi. Ano bang nakakatawa?!
“No thanks!” pagsusungit ko sabay irap. Tinalikuran ko na siya habang bitbit sa magkabilang kamay ang maleta ko. M-Medyo, paika-ika ako sa paglalakad kasi super bigat! Kapag ako talaga nainis, itatapon ko na ang mga pesteng damit na 'to! Mga damit lang naman pero ang bigat-bigat! Grr.
Nagulat naman ako nang bigla na lang may kumuha ng isang maleta sa kamay ko. Sino ang kumuha? Edi sino pa ba? Edi si panget na Neil.
“Hindi ko 'to ginagawa para tulungan ka. Ginagawa ko 'to para mapabilis ang trabaho ni manong na matanda na nga ay siya pa ang pinagbuhat mo.” panunumbat niya.
“Ang dami mong sinabi! Eh ano bang gusto mong gawin ko?! Eh siya lang naman ang available naming maid na pwedeng maghatid at tumulong sa akin!” giit ko. Nakakainis siya ha! Hindi ko naman ginustong pagbuhatin si Manong ng mga maleta ko. Kung kaya ko lang ang lahat ng iyon ay baka ako pa ang nagbuhat at itapon ko sa mismong mukha niya.
Hindi siya umimik at inunahan pa ako sa pagpasok sa bahay. Matalim ko siyang tiningnan sa likod at inirapan. Nagpatuloy na lang din ako sa paglalakad at nang papasok na ako ay, bigla niya na lang na sinara 'yong pintuan.
“Aba't?! Hoy! Ano na namang trip mo ha?! Buksan mo nga 'to!” inis kong sigaw. Narinig ko naman na sumagot siya mula sa loob.
“Buksan mo na lang! May sarili ka namang kamay 'di ba?!” sabi niya tapos narinig ko pa ang mahina niyang tawa na mas lalo nakapagpa-init ng ulo ko. Ang hilig niya talagang mambwusit! Grr!
“Ugh! Buksan mo sabi! Neil na mukhang aso! Buksan mo ang pinto! Isa!” pagwawala ko pero wala ng sumagot.
'Wag mong sabihing---
“Argh, fuck you! Nakakainis ka! 'Pag ako talaga nakapasok malilintikan ka sa akin! Neil!” nagsisigaw ako pero wala pa rin. Napaka-gago talaga ng lechugas na 'yon!
Hindi ko naman magagawang mabuksan ang pinto dahil aside sa may hawak akong dalawang maleta ay na kay Manong Tomi pa ang susi na ngayo'y umalis na!
Wala na ba akong mas imamalas pa?! Damn, this life!

Komento sa Aklat (87)

  • avatar
    AbibasMay

    👌👌👌

    6d

      0
  • avatar
    Tahara Trabo

    yes

    7d

      0
  • avatar
    Hanifa U Pendilang

    ❤️❤️❤️

    11d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata