logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER THREE

"Bakit ba ang sama ng ugali no'n?"
Inis kong hinagis sa puno ang jacket kong may mga laman pang pagkain mula kanina. Ni-hindi manlang niya ako binigyan ng plastic para may paglalagyan ako. Nagmukha pa akong pulubi na nasa tabi ng daanan.
Malapit lang ako roon sa bahay kasi baka magbago ang isip ko. Kung hindi ako papayag doon, sa kalsada ako matutulog ngayon. Pero kahit saan ko tingnan, ayaw ko talaga. Ang dumi!
Hindi ba siya marunong maglinis ng bahay?
Nakaupo lang ako sa sahig habang nakatulala lang ako rito habang tumitingin sa dumadaang sasakyan sa harapan ko. Napatigil ang tingin ko sa isang salamin na nasa tabing kalsada—sa harapan ko. Nakikita ko roon ang repleksyon ko. May naalala na naman tuloy ako.
Déjà vu
Nang lumayo ang tingin ko roon ay napunta naman ang tingin ko sa dati kong school. Doon ako nag-aaral dati pero simula nung nag-away-away kaming magkakaibigan ay kusa na lamang akong lumipat ng school.
"Rackhie!"
Napatingin ako kay Celine na palapit sa akin. Nakangiti pa ako hanggang makalapit siya sa akin kaya gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla niya akong sampalin.
Sa sobrang lakas no'n ay napahawak ako sa pisngi ko. Bakit niya ako sinampal?
Gulat ko siyang tiningnan. "Para sa'n 'yon?"
"Napakasama mo!" puno ng galit ang mga mata niya. Nararamdaman ko rin na paiyak na siya kaya mas lalo akong nataranta.
"What do you mean---"
"Rackhie, paano mo nagawa 'yon sa'min?" boses iyon ni Renzo na seryoso ring nakatingin sa akin. Nakasunod mula sa likod niya si Sunny na hindi makatingin ng maayos sa akin.
"'Yung ano ba? Wala akong ginagawang masama!" depensa ko. Ano bang ginawa ko para  magalit sila sa akin?
"Wala? Sinabi na sa'min ni Wendy lahat!"
Farrah...
"Farrah, paki-explain naman oh, please," sabi ko sa kanya. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya pero agad niyang tinabig ang kamay ko. "Please, wala talaga akong maintindihan. Naguguluhan ako. Please sabihin niyo sa akin kung anong ginawa ko..."
"'Wag kang pa-victim! Ginamit mo ang parents mo para alisin si Aia dito sa school!" galit na sigaw niya sa akin. "Alam mo kung anong sunod na nangyari? Si Aia, nawawala ngayon kasi ayaw na siyang tanggapin ng ibang school!"
"A-Anong---"
"Never ka naming hinusgahan ko pinatulan kahit sumosobra ka na! Pero paano mo nagawa 'yon sa kanya?! Kaibigan natin siya!" sigaw niya pa sa akin.
Nang tingnan ko si Renzo para tanungin gamit ang mga mata ko ay yumuko lamang siya. Hawak niya rin ang kamay ni Celine para tulungan itong pakalmahin. Napakasama ng tingin niya sa akin. Si Sunny naman ay hindi pa rin makatingin sa akin ng diretso.
"Ano?! Hindi ka makasagot, 'di ba? Kasi totoo!"
"Farrah..." boses iyon ni Sunny.
"Paano mo nagawa 'yon? Tinanggap ka namin! Hindi ka naman talaga namin kaibigan kung hindi dahil kay Wendy pero kinaibigan ka pa rin namin kahit ayaw namin sa'yo una pa lang! Tapos pagkatapos ng lahat babaliktarin mo kami? After ni Wendy, si Aia naman? Sino sa susunod? Ako?"
Natiklop ang bibig ko sa mga sinabi niya. Ni-hindi manlang siya pinigilan ng mga kaibigan namin.
"H-hindi niyo naman talaga dapat ako kaibigan?" ulit ko sa sinabi niya. "So, all this time, ayaw niyo talaga sa akin? Ako lang 'yung nagpupumilit na kaibigan niyo ako?"
"Ayaw ka na naming makita,"
"Farrah. Let's stop this here, let's just help the police find Aia so we can talk about this later---"
"Simula ngayon, hindi ka na namin kaibigan. Wala na kaming kilalang Rackhie Sun Mendiola. Kalimutan mo na kami kasi kakalimutan ka na rin namin. 'Wag ka na rin magpakita. Kung pwede, lumipat ka na lang ng school kasi kapag nakikita, mas lalong kumukulo ang ulo ko."
"Okay," iyon na lamang ang nasabi ko. Pinipigilan ko rin ang luha't paghikbi ko kaya isang salita lang ang nasabi ko. Baka marinig nila ang pagkapaos ang boses ko.
"I'm sorry," 'yon na lamang ang nasabi ni Renzo bago sila tuluyang umalis sa harap ko. Isa-isa. Hindi ko na rin sila nakikita sa school namin. Ganoon din si Wendy.
Dahil sa sobrang lungkot ko na wala akong kaibigan doon at para na rin sa katahimikan naming lahat, lumipat na lang ako ng school.
Iyong bahay nila Ameer kanina ay kamukhang-kamukha nung bahay na pinuntahan ni Wendy nung nakaraang taon. Naalala ko na naman tuloy sila, nakakainis.
Idagdag mo pa 'yung nakita ko kaninang salamin. Ganoong-ganoon ang naaalala ko kapag sinusubukan kong balikan 'yung pangyayari noong araw na naiwan ako roon sa madilim na kwarto.
"Ano? Hindi talaga kaya ng pride mo na bumalik?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ameer sa likuran ko. Nakakunot ang nuo niya— para siyang naiinis sa hindi ko malamang kadahilanan.
Napatayo agad ako. "Hindi pride ang tawag do'n. Ayaw ko sa maduming bahay. Kung nandito ka para pilitin akong matulog sa marumi niyong bahay... pwes ayaw ko." Dire-diretso kong sabi.
Mula sa pagkakakunot ng nuo niya ay tumaas naman ang kilay niya. "Sinong may sabing pipilitin kita? Ang kapal naman ng mukha mo." masungit niyang sabi dahilan para bahagyang bumuka ang bibig ko.
Sinabihan niya ba akong makapal ang mukha? Aba! Ako? Makapal ang mukha?!
"E anong ginagawa mo rito kung hindi mo ako pipilitin?" tanong ko sa kanya gamit ang pasigaw na tono.
"May binili lang ako. Tapos nakita kita rito."
Tiningnan ko ang hawak niya. May binili nga siya, naka-plastic. Una kong nakita ang pain killer 'ata iyon dahil pamilyar 'yung brand. Tapos halos lahat na ng nakikita ko ay puro prutas.
"Ah. Edi umuwi ka na," simpleng sabi ko pero sa loob-loob ko ay gusto ko na agad bawiin ang sinabi ko. Hindi ko pinapahalata pero gusto ko talagang pilitin niya ako. Kaso imposible 'yon.
Kahit talaga madumi, keri ko na. Okay lang. Isang araw lang naman 'di ba? Isang araw lang?
Tumalikod na siya sa akin.
Please lang pilitin mo 'ko. Please po sana pilitin na niya ako. Pilit mo na ako please lang. Please.
Naglakad na siya agad palayo—pabalik sa bahay niya. Sinusundan ko lamang ng tingin ang likod niya habang palayo siya.
Nang pumasok na siya sa loob, hindi ko na siya nakita. May pader kasi na nakaharang doon.
Umupo na lamang ako sa inuupuan ko kanina. Bumuntong-hininga na lamang ako 'saka bumusangot. Madali lang naman ako pilitin! Ni-hindi manlang tinry!
Sinipa ko 'yung maliit na bato na nasa harapan ko kasi naiinis ako. Agad ko iyong pinagsisihan dahil shuta, ang sakit! Pakiramdam ko mapuputulan na ako ng hinliliit!
"Shit," taranta kong inalis ang sapatos ko na katutuyo lang kanina. Ganoon din ang medyas kong nabasa na kaya nagkaamoy rin.
Nang tiningnan ko 'yon ay namumula 'yung hinliliit ko sa paa.
Muli akong napabuntong-hininga. Wala akong magawa kundi bumusangot dahil dito ako matutulog ngayong gabi. Tapos magkakapasa pa 'ata 'tong hinliliit ko, mahapdi pa!
"Ang tanga talaga,"
"Hwaaa!" muntik na akong mahulog sa inuupuan ko dahil sa gulat. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil akala ko babagsak ako. Buti nasalo ako ng paa ko.
"Ano? Hindi ka talaga susunod?" tanong niya sa akin. Ramdam ko rin ang inis sa tono niya. Bakit parang siya pa 'yung mas inis? E ako nga 'yung hindi niya pinilit. "Walang  tatanggap sa 'yo rito. Baka batuhin ka pa ng itlog at kamatis."
"Bakit ka pa bumalik? Akala ko ba may binili ka lang?" tanong ko ulit—pilit na itinatago ang ngisi dahil alam ng isip ko na ako talaga ang pinuntahan niya rito.
"Mas gusto mong humilata rito buong magdamag? E pinagtitinginan ka na ng mga tao rito." sabi niya.
Tiningnan ko ang paligid at nakumpirma ko nga ang sinasabi niya. Ngayon ko lang din napansin na naka-mask pala siya. Sa mata lang kasi niya ako nakatingin.
"Ayaw mo nga akong pilitin," bulong ko.
"Ano?"
"Sabi ko, wala akong choice kasi nga ang dumi ng bahay mo," walang emosyong sabi ko. "Paano mo nalamang nandito ako?"
"Bumili nga ako 'di ba? Hindi mo nakita?"
"Weh?" pang-iinis ko pa. Iritadong-iritado na kasi ang mukha niya na para bang ilang segundo lamang ay sasabog na siya.
"Nakita 'yung picture mo rito sa isang news article kanina. Sure akong dadating na rito 'yung mga reporter dahil pakalat-kalat ka. Ang init pa naman ng pangalan niyo sa publiko."
"Huh?! Nakita mo ako sa article?! Seryoso ka ba ryan?!" gulat na sabi ko.
"Mukha ba akong nagbibiro? Kung ayaw mong maniwala, edi 'wag. Problema mo na 'yan."  inis na sabi niya pabalik. "Mukha ba 'kong mahilig sa pagbibiro?" bulong niya pero narinig ko pa rin. Hindi 'yon nakaligtas sa paningin ko.
Ngumisi ako, "Oo. Kaya nga type kita eh," wala sa sariling bulong ko.
Nawala ang ngisi ko nang magplay sa utak ko ang sinabi ko. Gago?! Sinabi ko 'yon?!
"Amp'," 'yun na lamang ang nasabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay namumula na ang pisngi ko dahil sa hiya.
"E-edi nandito ka nga para sunduin ako..."
"Tara na." sabi niya at muling tumalikod.
Bumusangot ako bago tumayo para sumunod sa kanya, "Sige na nga. Pinilit mo 'ko eh," bulong ko ulit tapos pekeng bumuntong-hininga. "Kahit madumi ang bahay, ako na lang ang maglilinis." pangongonsensya ko pa.
Hinarap niya ako ulit—nakakunot ulit ang nuo niya habang nakatingin sa akin.
"Ano?" kunwari ay walang ideyang tanong ko.
"Nilinis ko na 'yung bahay kanina bago pa ako umalis para pumunta rito."
Nang tumalikod siya ulit ay hindi ko na napigilang ilabas ang ngiti ko. Talaga ba?! Nilinis niya 'yung bahay para sa 'kin?!
May gusto ba siya sa 'kin?
Pangiti-ngiti lang tuloy ako habang nakasunod sa kanya sa paglalakad. Lumilingon siya sa akin kaya tinanggal ko agad ang ngiti ko. Baka kung ano pang isipin niya eh.
Nang makarating na kami sa bahay ay malinis na nga ang sahig no'n. Madilim na rin pala ang langit nang matanaw ko iyon mula sa bintana. Maggagabi na pala.
"Saan ako matutulog?" tanong ko.
Nasa harapan ko siya ngayon. Nag-aayos siya ng aircon ng isang kwarto. Alam ko naman na dito ako matutulog pero kunwari hindi ko alam. Mahirap na, baka mapahiya pa ulit ako.
"Hindi pa nalilinis 'yung ibang kwarto," sabi niya 'saka ibinaba 'yung wrenches at humarap sa akin. "Saan ba sa tingin mo?"
Kinagat ko ang labi ko, nagkukunwari pa ring walang kahit anong ideya. "Hindi ko alam,"
"Wala ka bang common sense?" iritadong sabi niya bago binalik ang tingin doon sa aircon na inaayos niya.
"Nagtatanong nga ako eh!"
Hindi niya ako hinarap, sa halip ay nagpatuloy lang siya sa pag-aayos no'n. "Pink 'tong kwartong 'to. Sabi ko sa 'yo marumi 'yung ibang kwarto. Itong aircon, ako pa naglinis para magamit mo. Saan pa ba sa tingin mo?"
"Aba malay ko! Baka gusto mong ako mismo maglinis ng kwartong gagamitin ko eh," wika ko.
Binigyan niya ako ng sarkastikong ngiti, "Sana naisip mo 'yan kanina bago ka nag-inarte at umalis dito sa bahay para maglupasay roon sa tabing kalsada."
Nanlaki ang mga mata ko. Aba! Grabe 'to! Ako? Nag-iinarte? E ang dumi naman talaga! At isa pa, hindi ako naglupasay 'no!
"Hindi ako naglupasay!"
"Yeah. Whatever," bulong pa niya bago niya inayos ang mga tools at umalis na sa kwarto. Kahit nakatalikod na siya ay ramdam ko pa rin ang inis na nasa mukha niya ngayon.
Ang hirap magpigil ng tawa.
"Ayoko sa kulay pink!" pahabol na sigaw ko bago tumawa.
Nang tumahimik na ang paligid ay inilibot ko ang tingin ko sa kabuoan nung kwarto. Maganda naman talaga! Halatang girly ang dating may-ari nitong kwarto.
May kapatid ba siyang babae?
Nakaramdam na rin ako ng pagod kaya humiga na lamang ako roon sa kama. Kinuha ko ang phone ko para magpatugtog hanggang sa nakatulog na ako.
Paggising ko, tiningnan ko agad ang bintana. Gabi pa rin. Ilang oras lang pala ako nakatulog. Ang music sa cellphone ko, patay na rin. Titingnan ko sana kung anong oras na pero ayaw mabuksan ng phone ko.
Hala, ayaw talaga mabuksan!
Napa-upo tuloy ako para tingnan kung anong nangyari. Hindi naman nabagsak, kasi kung nabagsak 'to baka may basag—or dapat nasa sahig 'to.
Maliban na lang kung may pumulot?
"Baba," biglang sumulpot sa harapan ng pintuan ng kwarto si Ameer na halatang kaliligo lang dahil mamasa-masa pa ang buhok niya. "Kakain." 'yon lang ang sinabi niya tapos iniwan na niya ako rito.
Tiningnan ko ulit 'yung phone ko tapos sinuri kung may basag ba o ano.
Nakakainis naman! Ngayon pa nasira! Nakalimutan ko pa naman ang password ko sa ilang social media accounts ko. Baka hindi ko na mabuksan!
Kahit mangiyak-ngiyak ay tumayo na ako para umalis sa kama at bumaba para kumain. Dala-dala ko pa rin 'yung cellphone ko. As if naman mabuhay 'to pag-umiyak ako ng dugo.
Nang makalabas ako ay nahirapan pa akong hanapin ang kusina. Buti na lang at dumaan sa harap ko si Ameer na may hawak na plato, papunta siya roon sa kusina para kumain.
Umupo siya sa upuan kaya umupo rin ako roon sa upuan na nasa harap niya. Ang pa-rectangle na lamesa lamang ang naghihiwalay sa aming dalawa.
Kumuha siya ng kutsara at tinidor doon sa holder na nasa gitna. Kumuha na rin ako no'n.
Pagkatapos, nagsandok na siya ng kanin mula roon sa rice cooker. Una niyang nilagyan 'yung akin tapos sunod 'yung sa kanya.
At dahil nakaka-overwhelmed ang ginawa niya, naisipan ko na naman siyang asarin. "Mabait naman pala eh,"
Tiningnan niya ako pero blangko pa rin ang ekspresyon niya. Alam ko sa loob-loob niya ay gusto niya akong sapakin pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.
Nang matapos na kami sa paglalagay ng pagkain sa kanya-kanya naming plato, naisipan kong magpray muna bago kumain.
Ngunit papikit pa lamang ako para mag-sign of the cross ay biglang gumalaw si Ameer kaya napatingin ako sa kanya. "Ba't?" tanong ko.
"Anong gagawin mo?"
Kinunutan ko siya ng nuo, "Ano pa ba? Hindi ba obvious? Nagdadasal muna bago kumain." sagot ko. "Hindi ka ba marunong magdasal?"
Imbis na sagutin ay hindi niya ako pinansin. Tumayo na lamang siya at umaktong aalis kaya medyo nataranta ako.
"Huy! Bakit aalis ka na naman? Akala ko ba kakain tayo?"
"Nawalan ako ng gana," simpleng sagot niya tapos umalis na sa harapan ko.
"Huh?" napatayo na rin tuloy ako sa inuupuan ko. "Bakit naman? Hindi ka nagdadasal? Muslim ka ba?" sunod-sunod na tanong ko pero hindi niya pa rin ako pinapansin.
Hala, nagalit 'ata!
"Sige, h'wag ka na kumain. Ako na lang kakain nito lahat. Hindi kita titirhan kahit kaunti!" pagpaparinig ko habang tahimik na bumalik doon sa inuupuan ko para makapagsimula na akong kumain.
Mukhang ayaw talaga niya.
Edi wow, sino bang tinakot niya? Hindi ko naman siya boyfriend para mag-alala pa ako sa kanya. Naaawa lang ako kasi siya na nga ang nagluto at naghanda ng pagkain tapos siya pa ang hindi makakatikim. Gutom din ako, 'no!
Kinain ko na lamang ang luto niyang sinigang. Infairness ha! Ang galing niya magtimpla. Masarap talaga!
Nang matapos kumain ay ibinalik ko na ang kanin niya roon sa rice cooker tutal wala naman 'yong bawas.
Pagkatapos ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko dahil nakakahiya na sa kanya. Ako na nga ang nakikitira tapos nakikikain pa ako. Ultimo pag-uurong hindi ko gagawin? Napaka kapal naman ng face ko.
Natapos na ako sa lahat. Ayaw ko pang matulog dahil kagigising ko lang. Anong gagawin ko ngayon?
Umupo na lang din ulit ako roon sa pinag-upuan ko kanina at nangalumbaba. Nahagip ng paningin ko ang cellphone ko kaya sumimangot ako at pinaglaruan na lamang 'yon sa kamay ko.
"Paano na? Hindi manlang ako makapaglaro. Ang boring naman hays." nakasimangot kong sabi. "Bakit kasi ngayon ka pa nasira?" tanong ko pa roon sa cellphone na para bang marunong iyong magsalita kahit hindi naman.
"Oh,"
Umangat ang tingin ko sa nagsalita no'n.
"Hi!" napasigaw ako bigla—napatayo na rin ako sa upuan ko. Muntikan pa ngang bumagsak 'yung cellphone eh, buti at nasalo ko agad. "Bakit?"
Magkasalubong ang dalawa niyang kilay habang nakatingin sa akin, "Ilagay mo sa cellphone mo 'to," tinuro niya iyong battery na inilagay niya roon sa lamesa.
Nanlaki ang mga mata ko. "Tinanggal mo 'yung battery?! Bakit?!" napataas pa ang boses ko habang masamang nakatingin sa kanya—may kasamang gulat pa rin ang ekspresyon.
Umirap siya sa akin. Kinuha iyong upuan para i-usod at makaupo siya nang maayos. Pagkatapos ay nagcrossarms siya at tumingin sa akin—diretso sa mga mata ko. "Ang ingay ng cellphone mo. Ang pangit din ng pinapakanta mo. Sakit sa tenga, nakakairita," sagot niya.
"Kaya tinanggal mo 'yung battery?! Tinago mo pa pala!"
"E bakit hindi mo hinanap?" he fired back.
Inis kong kinuha 'yung battery at inilagay roon sa cellphone ko.
Oo nga, medyo tanga nga ako sa part na hindi ko chineck na nawawala pala 'yung battery. Nakasarado kasi eh! Malay ko ba! Pero mas malaki ang kasalanan niya dahil tinanggal niya pa 'yung battery at tinago niya pa iyon sa akin.
"Nakakainis ka," bulong ko. "Bukas na bukas maghahanap na ako ng titirhan ko. Aalis na ako rito." sabi ko at umalis na sa harapan niya— pumasok na ako roon sa kwartong pinagtulugan ko kanina para humilata na lang doon.
Nang bumukas na ang cellphone ko ay nagscroll ulit ako sa music list ko para hanapin 'yung pinapatugtog ko sa kanya at mas lalo siyang inisin.
Pero sinearch ko na lahat-lahat 'yung song pero wala pa ring lumalabas.
Don't tell me he deleted my favorite song?!
Akala niya ah. Kahit na i-delete niya pa 'yung kantang 'yon, makikita't makikita ko pa rin 'yon sa internet. Madaming pwede pagkuhanan ng music ngayon!
Pumunta ulit ako sa dating site na pinagdownload-an ko no'n. Dinownload ko ulit 'yung kantang 'yon para inisin pa siya lalo. Bakit ba parang inis na inis siya sa kantang 'yon? Wala namang ginagawang masama sa kanya 'yung kanta eh, dinelete niya pa.
Say You Won't Let Go
— James Arthur
"Why do he dislike this song so much? Ang ganda-ganda ng lyrics eh," sabi ko sa sarili 'saka ko pinlay 'yung kanta, tinodo ko pa 'yung volume.
"I met you in the dark, you lit me up... you made me feel as though I was enough---"
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Ang lakas pa nung tunog noong pinto!
"Hoy! Baka masira! Hindi ka ba marunong kumatok---"
Gano'n na lamang ang gulat ko nang bigla niyang kinuha 'yung cellphone ko at hinagis. Nagkanda-lasog-lasog tuloy ang bawat piraso no'n.
"Ano ba!" sigaw ko at tumakbo papunta roon sa cellphone ko para tingnan kung gagana pa ba 'yon. Binalik ko muna 'yung battery sa loob at tonry 'yong buksan. Buti na lamang at nabuksan pa.
Napakahalaga ng cellphone ko sa 'kin. Nandito pa ang huling message ng Ate ko. Nandito rin lahat ng importanteng account na ginagamit ko sa school at public.
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya.
Nawala ang gulat sa mukha ko—napalitan iyon ng takot nang makita ko ang mata niya.
Nag-iba ng kulay ang mga mata niya! Naging kulay pula na 'yon. Pulang-pula, parang dugo.
Ang galit niyang ekspresyon ay kumalma na. Bumalik din agad ang kulay ng mga mata niya sa dati. Mula kulay red ay bumalik 'yon sa pagiging kulay brown.
"G-Get out,"
"Y-You're a monster!" takot na sigaw ko sa kanya. Kahit na sumisigaw na ako ay napakahina pa rin ng boses na lumalabas sa labi ko. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba at takot kaya napaupo ako sa sahig. "You're a monster!" ulit ko pa.
"Please get out," sabi niya at umambang lalapit sa akin pero hinarang ko ang kamay ko sa kanya.
"Aalis na ako! H'wag mo akong hahawakan!" sigaw ko muli at dumaan ako patagilid para hindi kami magkabangga. Kinakabahan ako.
"Don't tell anyone about this---"
"I won't! I promise!" putol ko sa kanya. Nakakatakot talaga. Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.
Kinuha ko ang isang paper bag at inilagay roon ang ilang pagkaing binili ko kanina. Iniwan ko na sa ref 'yung iba para magpasalamat sa kanya kaya ito na lamang ang dadalhin ko.
"Paano nangyari 'yon?" bulong ko habang nakatalikod sa kanya.
"I'm sorry,"
Tumigil ako sa ginagawa ko at humarap ako sa kanya. "Anong klaseng tao ka—kung tao ka ba talaga? Paano mo nagawa 'yon?"
Malalim ang pagbuntong-hininga niya. "I'm a vampire—also an actor,"
"W-What?"
"You need to stay here. You can't leave. I don't trust you. I'm sorry," sabi niya at sinarado ang pinto. Narinig ko ang paglock niya roon kaya nagpanic ako.
"Buksan mo 'to! Let me go!"
"You're not leaving. You'll stay here until you die." rinig kong sabi niya bago ko marinig ang lakad niya palayo.
"Let me go! Damn you! Fuck you! Fuck off! Fuck! Let me go!" sunod-sunod na mura ko.
Nahihirapan na akong huminga kakasigaw at pagod na rin ako kakagalaw ng pinto para subukan kung mabubuksan ba 'yon. Pero ayaw talaga. Ni-hindi manlang gumagalaw 'yon.
Sinubukan ko na ring buksan ang cellphone ko pero hindi na 'yon mabuksan. Sa palagay ko ay may kinalaman na naman siya sa pagkasira ulit ng cellphone ko. May powers ba siya?
Nakaka-ilang buntong hininga na ako rito pero wala pa ring nangyayari. Mukhang seryoso siyang ikulong ako rito.
Akala niya ba may pagsasabihan ako? As if naman may maniwala sa akin e halos lahat ng tao ngayon sa social media sinasabihang sinungaling buong pamilya ko.
"Ahhh!" sigaw ko at sunod-sunod na hinagis ang mga nadadampot kong unan pati na rin ang comforter. Inis na inis na talaga ako.
Bakit ba ako sumama sa hindi ko kilala? Tangina. Hindi pa ako natuto dati. Inulit ko pa. Ang tanga mo talaga, Rackhie! Ang tanga-tanga mo!
I'm fucked.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Nurhan Palada

    good morning

    09/08

      0
  • avatar
    Badenas Macmac Kenneth Jake

    beautiful ❤️

    29/05

      0
  • avatar
    Nicky Villamor Vega

    good message

    05/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata