logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER TWO

"HAPPY BIRTHDAY, RACKS!"
Nagpalakpakan lahat ng tao rito sa amin habang 'yung ibang kamag-anak ko ay nagkakantahan sa isang maliit na cubicle. Hindi 'yon marinig kasi nga soundproof 'yon.
"Happy birthday, nak," bati ni Mama at hinalikan ako sa pisngi. Gano'n din si Papa matapos nila akong batiin. Parehas silang nakasuot ng isang mamahalig suit na kulay itim. Mukha tuloy silang mga mafia boss— para silang umattend ng libing.
Napansin 'ata nilang nakatingin ako roon kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Why? Is there something wrong with my outfit?" Tanong sa akin ni Mama sabay tingin sa outfit niya. May hawak pa siyang shotglass sa kamay habang nakatingin siya roon sa damit niya.
"Why are you wearing black? Am I dead already? Para kayong pumunta sa burol." Komento ko.
Tumawa lang si Papa at pinunasan ang nuo niyang nagpapawis gamit ang itim niyang panyo.
"You know, it's called fashion, sweetie."
"Anong fashion? Fashion show sa birthday party ko?" Tanong ko 'saka ko sila tiningnan na parang 'di ako makapaniwala na kaya nilang magfashion show sa sarili kong birthday party.
"Why not? We look great anyway." Sabi ni Mama atsaka ngumisi. "Anyways, where do you want to go in college? Do you want to study in Brown University?"
"Brown University is expensive, love. You even threw this expensive party. You know our Rackhie doesn't want to socialize." Malambing na sabi ni Papa kay Mama atsaka mabilis siyang hinalikan sa labi.
Yuck, PDA.
"Sabi ko kasi sa inyo 'wag na kayo mag-abalang magpa-party. May pa-debut-debut pang nalalaman mamamatay rin naman." Sabi ko pa atsaka bumuntong-hininga. "Kahit saan po ako mag-aral, okay lang."
"Fine. Just tell me if you change your mind. We can find you a better university in U.S, okay?"
Umalis na sila sa harapan ko para pumunta sa stage at magbigay ng speech nila sa harap. Kanina pa tapos ang 18 roses ko na wala namang ka-kwenta-kwenta dahil puro lalaki nga ang isinayaw ko. Gusto ko babae. Kaso nando'n naman si Papa kaya wala akong nagawa huhu.
'Yung mga kaibigan ko ay nag-uusap lang sa isang puting sofa. Red and white themed kasi ang party ko kaya lahat sila ay naka-red.
"This venue looks expensive. I bet your family is super rich, Rackhie. I've never been in a big party like this before, you're so lucky." Komento ni Eva habang iniikot ang tingin sa paligid pero binalik niya rin ang tingin sa mukha ko papunta sa damit ko ulit. "Look at that dress, I didn't even imagine you could wear one. I thought you're still that bisexual girl I know a year ago." Sabi niya pa habang nakaturo sa damit ko.
I'm wearing a red, one shoulder dress with sparkling real diamonds. It's partnered with my red stilettos and a simple but a fierce makeup.
"It's never too late to change, Eva," I said in a monotone voice. All they care about is my money. They're the students from the same school I attended in highschool.
It's been a year since me and my highschool friends ended our friendship because of what Wendy said to them. I don't know what shit did she say for them to completely ruin our friendship just like that. They accused me for something I didn't even do.
Our family is rich. I never boasted that to anyone 'cause I wanted them to accept me for who I am. Not because I'm rich or what.
But after that friendship ended, I started ignoring those poor students. I used to be friends and greet them every morning but not anymore. It's too tiring.
"Hey, are you even listening? The emcee said it's time for your gifts." Boses ulit 'yon ni Eva gamit ang plastic niyang ngiti at tingin. "Just tell me if you don't want gifts. Pwede mo namang ibigay sa akin," peke pa niya akong nginitian kaya palihim akong napa-irap. Ang kapal talaga ng kalyo nito.
I rolled my eyes again when she turned her back against me. Why did I even consider her as a friend? She's not even true to me. I no longer care if she fakes everything. Mga kaibigan ko nga dati iniwan ako dahil sa false information, ito pa kayang mukhang pera—pera lang ang habol? 
Can she just act like she genuinely care for me for a day? She looks dumb faking her expression.
"Hi, baby, so my gift for you is..." Pabitin na sabi ni Mama 'saka ako nginitian. "I'll let you guess."
My brows furrowed while looking at her. "A mansion? Yacht? A car? What?" Sunod-sunod na hula ko.
Narinig ko ang sunod-sunod na "woah" ng mga tao dahil sa mga sinabi ko. Nakakagulat ba 'yon? E halos sa lahat na 'ata ng birthday ko simula nung nag-16 ako ganoon ang nireregalo nila sa akin eh. Nakakasawa na, hindi nakakasurprise.
"Rhei at Siona Mendiola, inaaresto namin kayo sa kasong extortion. May karapatan kang manahimik. Anumang sasabihin niyo ay maaari at gagamitin laban sa inyo sa korte ng batas. May karapatan kayo sa isang abogado. Kung hindi niyo kayang bayaran ang isang abogado, may ibibigay para sa inyo." Dire-diretsong sabi nuong isang pulis 'saka pinosasan nung mga kasama niyang pulis ang mga magulang ko.
Taka akong tumingin doon sa nagsalita tapos ibinalik ko ang tingin sa mga magulang ko. "Extortion?" Tanong ko pero napayuko lang sila sa akin. "Ma? Pa? Anong extortion?"
"Tawagan mo si Giffer Mendoza, nak. Matutulungan niya tayo. Pagkatiwalaan mo lang siya." Sabi ni Papa bago siya tuluyang sinama palabas.
Hindi pa sila gaanong nakakalayo ay nakita ko na agad ang media na nagkalat sa gate ng bahay namin. 'Yung iba ay sinusundan pa 'yung police car kahit tumatakbo lang. Napabuntong- hininga na lamang ako.
"What did you just said? You can't do anything?" Hindi makapaniwalang tanong ko kay Attorney Hernandez habang nakaupo siya sa desk niya rito sa law firm. "That's not possible. You are a lawyer, you can do whatever it takes."
"That's wrong, ma'am." Sagot niya. "You can't even pay me. How can I help you?" Tanong pa nito sa akin habang nakataas ang kilay.
"I can pay you! I'll use all of my credit cards to---"
"All your credit cards can't be used." putol niya sa sasabihin ko.
I raised my brow. "And why?" nagcrossarms pa ako.
"Your family is in debt, Ms. Mendiola. All your money is transferred to the government. You're now penniless. How can I assure you will pay me?" Tanong niya sa akin pabalik.
Nanlaki ang mga mata ko. "What? You mean, no house, even shopping?!"
Unti-unti siyang tumango, "Yes. All the money you're using belongs to the Villarez family. They claim all your cars, credit cards, houses and even the other properties."
"What? How--- I mean, what can I do? We didn't even stole that! I know my parents and they can never do something like that." Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko nga maisip kung tama ba 'tong sinasabi ko kasi hindi ko rin alam... kung dapat ko rin bang pagkatiwalaan ang parents ko sa mga bagay na gano'n.
"We can't do anything without your parents— their money, for now," he answered and sighed. "For now, excuse me, Miss Mendiola." He left.
I signed in disbelief. What now?
Hindi ko tuloy maiwasang mag-overthink. I am nothing without my money. Ang dami ko pa namang nalait ngayon dahil wala silang pera tapos ngayon ay wala na rin ako. Nakakainis.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko para tawagan ang ilang mga kaibigan ko at para manghingi na rin ng tulong. Kailangan kong kapalan ang mukha ko, kung hindi, wala akong matutulugan mamaya.
Unang sumagot si Eva sa tawag ko. Nakakarami na rin kasi akong tawag sa kanya dahil laging nagriring.
"What now?" Tanong niya gamit ang paos na boses. Halatang alam niya na rin ang dahilan bakit ako tumawag sa kanya. "I have no money so stop calling me." narinig ko pa ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.
"I'm not asking for money. I have money." I answered with the same tone. "I just want to ask if I can sleep in your place for tonight 'cause I'm still finding how can I fix this shit---"
"I'm sorry I can't help you. My parents will kill me. So please stop calling me and fix things yourself." She said and hung up.
What the hell? That bitch.
Ano pa bang aasahan ko sa babaeng 'yon? E sipsip lang naman 'yon sa pamilya namin dahil pilit nilang isinisiksik ang maliit nilang business sa company nila daddy. Tch. I swear I won't let even one step of her feet walk in our house when I fix this fucking thing.
Tatawagan ko sana ang iba kong kaibigan pero naalala ko na pare-parehas lang pala sila ni Eva na sipsip at pera lang din ang habol kaya hindi ko na lang tuloy. Sa halip, nag-isip na lang ako ng ibang paraan at kung kanino ako pwedeng makitira ngayong gabi.
"Tawagan mo si Giffer Mendoza, nak. Matutulungan niya tayo. Pagkatiwalaan mo lang siya."
Right!
My face slightly lightened. I smiled but my smile faded that fast when I remember I don't know who the hell is that Giffer Mendoza. I don't even know his number.
What am I supposed to do? I'm homeless.
"Your name is Rackhie, right? The daughter of Rhei Mendiola?" Tanong noong babae nang makita niya akong naglalakad ngayon sa isang grocery store.
Nandito ako ngayon para gamitin ang natitira kong pera pambili ng pagkain.
A reporter...
"I'm not. Excuse me." I awkwardly smiled at her and tried to hide my face. Pero ang bilis niyang kumilos, kakaikot ko lang patalikod sa kanya ay naroon na siya agad sa harapan ko.
"Can I ask a few questions regarding to the---"
"I told you, I'm not the one you're talking about. So please get the hell out of my sight."
Hindi siya nagpatinag at naglabas pa ng phone para i-record ang usapan namin. Naiinis na 'ko sa kanya dahil nagsisimula na tumingin ang mga tao rito.
Pumunta na ako sa cashier para magbayad ng mga binili ko. Hindi na ako nakapunta sa ibang section para bumili ng mga gamit sa panglinis ng katawan at mukha ko dahil masyadong maraming tao roon at baka may makakilala pa sa akin kaya hindi na ako tumuloy.
"Ma'am isang tanong lang po," pagsusumamo niya.
Hindi ko siya tiningnan at hinintay lamang na matapos 'yung babae sa pagchecheck ng items na binili ko. Nang ibinigay niya na sa akin ang bills ay binayaran ko na 'yon agad para makaalis na ako roon.
Hinabol niya pa rin ako kaya tumakbo na agad ako palabas at maghanap ng taxi at sumakay roon.
Nang makapasok na ako sa loob ay nakahinga ako nang maluwag. Tumingin ako sa rear view mirror upang tingnan kung sinundan ba nila ako pero mukhang hindi naman. Wala akong nakikitang nakasunod sa amin.
"Sa pinakamalapit ma park na lang po niyo ako ibaba," sabi ko sabay tingin sa bintana. Nakasarado 'yon kaya binuksan ko para makalanghap ako ng sariwang hangin.
Hindi pa man ako nagtatagal sa ginagawa ko ay biglang nagvibrate ang cellphone ko mula sa handbag ko kaya kinuha ko 'yon para tingnan kung bakit 'yon nagvibrate. Galing pala 'yon sa Instagram ko—message request.
@ameergraye: nasan ka ba pumunta tabgina muntik na ko maligaw
@ameergraye: tangina*
Seen.
Tumaas ang kilay ko. Sino naman 'to?
Hindi ko na lamang sana siya papansinin pero muling tumunog ang cellphone ko kaya mariing napapikit ang mga mata ko. Paano ba nila nalaman ang secret account ko?
@ameergraye: ano magrereply ka ba o sapakan tayo
@rxckhie: sino ka naman putanginamo ( rin )
seen.
typing...
Dahil sa tagal niya magreply, naisipan kong tingnan ang profile niya para malaman kung sino ba siya. Wala kaming mutuals. Sino ba 'to? Wala rin siyang profile at posts.
@ameergraye
Ameer Graye Mendoza
0 posts 762k followers 102 following
Proverbs 3:5-6
follows you
Hala? Artista ba 'to? Verified ang profile niya! Kaso wala siyang post kaya hindi ko makita ang mukha niya. Hindi ko masabi kung pamilyar siya.
Muling tumunog ang notification ko.
@ameergraye: aba
@ameergraye: followback moko
@rxckhie: yoko kapal naman ng mukha mo
@ameergraye: nasan ka ba nandito ako sa bahay niyo pero sabi umalis ka raw
btw makapal din ilong ko baka gusto mo i-try
@rxckhie: sorry, 'di ako basta-basta nakikipagkita sa 'di ko kilala. wala rin akong pake kung makapal 'yung ilong mo kaya please lubayan mo na 'tong secret account ko. thanks.
@ameergraye: di moko kilala? seacut ako.
@rxckhie: pakihanap pake ko
@ameergraye: bat ka nagreply kung di ka nakikipag usap sa di mo kilala?
Hindi ko na siya nireplyan. Hinintay ko na lamang na makarating kami sa park dahil malapit na naman daw kami roon noong tinanong ko 'yung driver kanina.
Nang makarating kami ay inayos ko muna ang hoodie at face mask ko tsaka ako nagbayad at tuluyang lumabas ng kotse. Tumingin-tingin pa ako sa paligid dahil baka may makakilala sa akin. Kaaalis pa lang ng kotse noong magsimula ang ulan. Kamalas-malasan ko talaga.
At dahil wala akong dalang payong, tumakbo ako roon sa isang tindahan para sana sumilong pero sa kalagitnaan ng pagtakbo ay nadulas ako dahil doon sa basa na hindi ko nakita kanina. Nasa sahig.
Akala ko talaga mahuhulog na 'ko.
"Are you okay?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha noong lalaki sa likod ko. Hawak-hawak niya ang damit ko mula sa likod kaya hindi ako tuluyang nahulog. Buti na lang matibay ang damit ko kaya hindi bumitaw.
"G-Gago," halu-halo ang reaksyon ko. Gulat na namamangha na kinakabahan na masaya tapos takot. Gulat tapos namamangha kasi nakaya niya akong buhatin gamit lang ang isang kamay, kinakabahan kasi baka bitawan niya ako tapos masaya kasi 'di pa niya ako binibitawan.
 
Para akong laruan na pinatayo nang maitayo na niya ako. Hawak-hawak niya pa rin 'yung hoodie ko mula sa likod.
Hawak niya ako sa kanang kamay niya samantala ang kaliwang kamay niya ay may hawak na kulay itim na payong. Ramdam ko rin ang lamig ng kamay niya dahil dumampi 'yon kanina sa likod ng leeg ko.
"S-salamat." Sabi ko at ngumiti. Aalis na sana ako pero hindi ako makalayo dahil hawak niya pa rin 'yung hoodie ko. Ayaw niyang bitawan. Hinarap ko na lamang siya at tiningnan, "P-pwede pakialis 'yung kamay mo? Aalis na kasi ako."
Tinaasan niya ako ng kilay. Ang kilay ko rin tuloy ay kusang tumaas. Bakit? Naghahamon ba siya ng away? Hindi ko siya uurungan.
"Ayoko." nakatingin pa siya sa akin noong sinabi niya 'yon.
Magsasalita pa sana ako nang mapansin kong pamilyar ang mukha niya. Parang nakita ko na siya pero hindi ko maalala kung saan.
 
"Nagkakilala na ba tayo?" tanong ko.
"Hindi." sagot niya. "Nandito ka lang pala. Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo." sabi niya pa tapos pinayungan niya na ako.
 
Ramdam ko ang paglamig ng buong katawan ko nang lumapit sa akin ang mukha niya. Mukhang naramdaman niya rin 'yon kaya gumuhit ang ngisi sa kanyang mukha.
Kahit na nakatingin siya sa sahig ay ramdam ko ang ngisi niyang iyon.
"Kinakabahan ka ba?"
"F-feeling ko kilala kita eh," halos pabulong kong sabi. Familiar talaga siya sa akin eh. Iyong mukha niya. Hindi ko lamg masabi kung saan ko siya nakita. Basta sure akong more than twice ko na siyang nakita or nakasalubong sa kung saan. Hindi ko talaga maalala kahit kaunti. Saan nga ba 'yon? Hays. "Tsaka bakit naman ako kakabahan? Sino ka ba?" dagdag ko pa pero pabulong pa rin.
Siguro tawang-tawa na ang utak niya sa 'kin. Pero wala akong gusto sa kanya ah! Pero ang pogi niya! Sobrang puti niya pa.
"Ngayon lang ako nakakita ng mayaman na mas trip magtagalog kesa magsalita ng ingles," nang sabihin niya 'yon ay tiningnan niya na ako sa mata. "Hindi mo ako kilala. Pero ako, kilalang-kilala kita."
"Huh?"
"My name is Ameer Graye Mendoza." sabi niya habang nakatingin pa rin sa mata ko. Nawala na ang ngising kanina ay nakalagay sa mukha niya. Ngayon ay napalitan na 'yon ng isang malawak na ngiti.
Kumikinang ba 'yung mata niya o namamalikmata lang ako.
"H-hindi nga kita kilala," sabi ko at pilit na inalis 'yung kamay niya roon sa hoodie ko kahit basang-basa pa ang kamay ko dahil sa ulan.
"Kanina lang magkausap tayo tapos ngayon hindi mo na ako maalala." ngayon ay mabilis na naglaho ang nakangiti niyang labi. "Sikat ako, hindi mo talaga ako kilala? Aba tangina. Nakakadismaya 'to,"
Umiwas na rin siya ng tingin sa akin pero nanatili siya sa pagpapayong sa akin.
"I seriously have no idea who the hell are you."
"Have you heard about Giffer Mendoza?"
Nanatili akong tahimik pero biglang nagprocess sa utak ko lahat ng sinabi niya. Ganoon ba ako kalutang para hindi ko maalala na siya 'yung kachat ko kanina?!
At teka, magka-apelyido pa sila nung Giffer! Sigurado akong kamag-anak niya iyon.
"Wala siya," walang ekspresyon niyang sabi.
Nanlaki ang mga mata ko. "Huh?" 
Paano 'yan? Wala na 'yung taong dapat tutulong sa amin. Ano na kaya ang gagawin ko? Siya na lang ang natitirang pag-asa namin sa ngayon.
"Kilala mo ba si Giffer? Baka naman pwede mo akong dalhin sa bahay nila—babayaran kita kahit magkano. Basta dalhin mo lang ako sa bahay nila."
"Kahit magkano?"
Tiningnan ko siya nang tinanong niya 'yon sa akin. Nakatingin din pala siya sa akin kahit na walang ekspresyon ang mukha niya. Kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Wala pa naman akong masyadong dala ngayong pera dahil pinangbili ko ng grocery.
"Kahit magkano." ulit ko.
"Sige, deal." sabi niya 'saka naglakad papunta sa kung saan. Baka sa kotse niya.
Susundan ko sana siya nang bigla siyang bumalik.
"Hindi mo kukuhanin 'yang mga binili mo?" tanong niya sabay turo roon sa mga binili ko kanina. Nagkalat na ang mga 'yon sa sahig.
Ni-hindi ko manlang 'yon napansin o naramdaman kanina.
"Teka lang," sabi ko atsaka awkward na ngumiti sa kanya. Ewan ko ba, kinakabahan ako kahit wala namang dahilan.
Kinuha ko 'yung mga laman nung mga plastic dahil karamihan doon ay butas na. Nilagay ko na lamang doon sa bulsa ng hoodie ko 'yung mga maliliit na chips tapos tinaas ko yung hem ng hoodie para ilagay roon ang mga natirang nakakalat doon sa sahig na medyo basa na.
Iniwan niya ako kaya nabasa na ako ng ulan. Dinala niya pala 'yung payong kasama niya. Ni- hindi manlang siya nagdala ng extra payong kung hinahanap niya talaga ako kanina.
Tumakbo na lamang ako para makahabol sa kanya dahil medyo nakakalayo na siya.
Nang huminto siya ay nasa tapat na siya ng kotse niyang itim. Sports car 'yon! Ang ganda!
Pero wala pa ring tatalo sa puting Porsche ko.
Siya ang nagd-drive. Lagi rin siyang tumitingin sa rear view mirror kaya medyo naiilang ako. Napagdesisyunan ko na lang tuloy na gumamit ng cellphone at makinig sa mga kanta sa Spotify. Nilalamig din ako pero ayokong magreklamo. Sanay na rin naman ako.
Medyo malayo na ang narating namin nang magsalita siya.
"Laman ng balita ang pamilya n'yo," sabi niya.
Tumango na lamang ako—hindi pa rin tumitingin sa kanya.
"Oh," biglang sabi niya kaya nagtaka ako. Siya sana ang gusto kong tingnan pero isang twalya ang sumalubong sa mukha ko. "Magpunas ka ryan, baka mamatay ka pa rito ako pa sasagot sa gastusin mo." sabi niya pa 'saka sinarado ang air conditioner.
Kinuha ko na lamang 'yon at pinunasan ang parte ng katawan ko na basa.
"Salamat," sabi ko sabay ngiti.
Kahit na medyo natuyo na 'yung mga basa sa katawan ko ay nilalamig pa rin ako kaya ipinatong ko na lamang sa balikat ko 'yon at ginawang jacket.
"Malayo pa ba?" tanong ko makalipas ang ilang minuto. Tumingin din ako sa labas para tingnan kung pamilyar ba ako sa pupuntahan namin.
"Malapit na."
Tama nga siya. Matapos ang ilang minuto ay huminto na kami sa isang malaking bahay. Alam ko ang bahay na 'yon! Hindi ako maaaring magkamali.
"I-Ito 'yung bahay ni Giffer?" tanong ko.
Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, "Dadalhin ba kita rito kung hindi?"
Muli kong tiningnan 'yung bahay para makasigurado. "Baka naman..." binalik ko muli ang tingin ko sa kanya. "Ako ba pinaglololoko mo?" tanong ko sa kanya. Nagsimula na tuloy akong kabahan.
Baka mamaya ay mangyari na naman 'yung nangyari sa akin noong nakaraang taon.
Sarkastiko siyang tumingin sa akin, "Kung alam mo na niloloko kita, ba't sumama ka agad? Ayos mo. Kung kailan nandito na tayo tsaka ka pa nagreklamo."
"Kilala ko may ari ng bahay na 'to, hindi mo ako maloloko."
Tumaas muli ang kilay niya, "Kilala mo? Sino?"
Napaisip ako kung sasabihin ko ba talaga 'yon o hindi. Baka kilala niya rin si Wendy at malaman pa nila na sinundan ko siya dati.
"Basta kilala ko." sagot ko na lang. "Paano ako makasisigurado na ito talaga 'yung bahay niya? Maniniwala na ako kung may ebidensya ka." dagdag ko pa.
"Giffer Mendoza is already dead." walang buhay niyang sabi.
Doon na ako nawindang, "Ano?!" gulat na tanong ko. "Eh bakit mo pa 'ko dinala rito?!"
"Kasi sabi mo dalhin kita rito." sarkastikong sagot niya sa akin.
"Gago ka ba?!" bulyaw ko.
"Giffer Mendoza is dead but I'm alive, as you can see. Obviously,"
"You have nothing to do with him!"
"I do have a thing to do with him. Especially, to you and your family. I'm his son. Again, in case you forgot, my name is Ameer Graye Mendoza. We own this house so I have something else to do with you." aniya. "Kung wala lang akong utang na loob na anak, I will never do this bullshit with you."
"Kanina ang bait-bait mo tapos ngayon binu-bullshit-bullshit na lang." bulong ko.
"Ano? Papasok ka ba o hindi?" tanong niya sa'kin.
"Papasok," sagot ko. "Kailangan tulungan niyo kami. Ewan ko kung bakit kayo 'yung minention ng mga magulang ko pero sana naman tulungan niyo kaming maayos lahat ng 'to." sabi ko pa habang papasok ako sa loob.
Nauna akong pumasok dahil sinarado niya pa 'yung gate sa labas.
Biglang may pumasok sa isip ko nang nando'n na ako sa pintuan mismo nung bahay nila. Hindi ko kasi mabuksan 'yung door knob kaya siya muna ang hinarap ko.
Binubuksan niya na ang pinto noong nagsimula akong magsalita muli.
"May kasama ka ba rito?" curious na tanong ko.
"Wala." mabilis na sagot niya habang binubuksan pa rin ang pinto.
"Ilan kwarto niyo?"
"Apat."
"Dito na lang ako matutulog!" sigaw ko.
Napahinto tuloy siya sa pagbubukas ng pintuan para tingnan ako. "Hindi pwede."
"Sige naaa! Magbabayad naman ako, eh,"
"Hindi na ako naniniwala sa 'yo. Ni-hindi ka nga nagbayad kanina. Sabi mo kahit magkano."
"Hindi ka naman nagsabi kung magkano," palusot ko pa.
"Bakit? May pambayad ka?" Tumaas pa ang isang kilay niya. Halatang-halata ko na ngayon ang makapal niyang kilay. May scar pa ang kanang kilay niya na nakababa. 
Sarkastiko akong tumingin sa kanya. "Syempre! " inis kong sabi. "Kung hindi man ngayon, sa mga susunod na araw. Basta magbabayad ako."
"Ulol," bulong niya pero narinig ko.
"Naririnig kita ah!" galit na sigaw ko. Ulol? Naiinis na talaga ako. Nakakainis siya! Hobby niya bang mang-inis? O sadyang sinusubukan niya ang pasensya ko? Konti na lang sasampalin ko na 'to.
Tuluyan nang bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang mga nagkalat na gamit. Muntikan pa ngang sumabit 'yung sapatos ko roon sa unan na nakakalat sa sahig.
"Hoy tangina, dugyot!" bulaslas ko. "Ayoko na. Hindi na pala ako matutulog dito! Hindi ka ba marunong maglinis?" Inilibot ko pa ang tingin ko sa buong bahay. May mga spider webs pa sa mga sulok kaya mas lalo akong na-turnoff. Ano ba naman!
"Marunong." blangko pa rin ang ekspresyon niya.
"Eh bakit hindi mo subukang linisin 'tong bahay niyo?"
"Manahimik ka nga kung gusto mong tulungan pa kita."
Aba teka nga, pinagbabantaaan ba niya ako? Aba. Ibang klase 'tong lalaking 'to ah.
"Ayoko. Aalis na 'ko. Tsaka mo na lang ako imbitahan ulit pagnilinis mo na 'tong bahay niyo." sabi ko sabay labas.
"Wala kang matutulugan ngayong gabi," seryosong sabi niya.
"Maghahanap ako. Basta hindi madumi." tuluyan na akong nakalabas ng pinto pero nando'n pa rin siya sa loob.
Ni-hindi manlang niya sinabing, 'teka maglilinis muna ako,' o 'di kaya, 'pasensya ka na ah nakalimutan ko kasing maglinis ng bahay.' kaso kahit ano sa dalawa, wala!
"Bahala ka sa buhay mo," sabi niya 'saka sinarado nang malakas 'yung pinto.
Aba! Sigurado akong hindi kami magkakasundo nitong nilalang na 'to.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Nurhan Palada

    good morning

    09/08

      0
  • avatar
    Badenas Macmac Kenneth Jake

    beautiful ❤️

    29/05

      0
  • avatar
    Nicky Villamor Vega

    good message

    05/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata