GUSTO sanang matawa ni Paco sa sinabi ni Polly pero minabuti niyang awatin na lang ang sarili at baka ma-offend niya 'to. Bagkus ay tinitigan na lang niya ito at sinipat. "Ano 'yang tingin na 'yan ha?" Kunwa'y nahihintatakutan pa si Polly na niyakap ang sarili. Pagak siyang natawa. "Polly, hindi ako katulad ng mga lalaking customers niyo sa bar." "Hala, grabe! Hindi ko alam kung dapat ba 'kong ma-offend sa sinabi mong 'yan, pag-isipan ko na muna." Natawa siya ulit. Pero saglit lang ay sumeryoso na siya at tumikhim. "Seriously, may offer ako sa 'yong matinong trabaho." "Matinong trabaho? Ano naman 'yan? Hoy, sinasabi ko sa 'yo, hindi ako naglalaba, masisira kasi 'tong kuko ko. Hindi rin ako nagluluto, wala akong panahon na pag-aralan din ang pagluluto dahil mas madali na lang sa solo sa buhay na 'pag nagutom ka ay bumili na lang do'n sa squatter, nakatulong ka pa sa maliliit na tindahan." "Hay, ang daldal mo naman e," kunwa'y reklamo niya rito. "E, ano ba kasi 'yan? Ang matinong trabaho para sa mga katulad kong hindi nakapag-aral ay kasambahay, de kotse ka, ano sa tingin mo ang iisipin kong trabaho na iaalok mo sa 'kin?" Gusto man niyang sawatahin ang pangmamaliit nito sa sarili ay bumuntonghininga na lang siya. Sa mas seryosong tinig ay tinugon niya ito, "Maging misis ko, kunwari." Natigagal ito, saka ibinuka ang maliit na labi na may pinturang pagkapula—and to his great surprise, tumawa ang kausap niya! "Polly, I'm serious, okay?" medyo inis niyang sabi. "Talaga ba?" mapang-asar naman nitong tugon, tataw-tawa pa. Instantly, he rolled his eyeballs. Napahawak siya sa sarili niyang batok at minasahe niya iyon sandali. Ganoon siya kapag bumubwelo sa nais sabihin. Sa nais sabihin na medyo nakakahiya, oo na nga. "Seryoso nga ako, Polly. Look, tutal kasi naman ay naipakilala na kita kay Monica bilang asawa ko." "O? Ano namang kinalaman ko sa inyo?" "Kaka-confess ko lang sa 'yo kung bakit ako nag-decide na umalis ng bahay—" "Ah! Dahil may plano ka pala na iuwi ako at ipambala sa lola mo at do'n sa Monica na 'yon!" "Not really. Polly, look, again, wala ka naman ng work na babalikan sa bar. Then, sabi mo nga, hindi ka naman nagpapalabas, ni hindi ka puwedeng maging maid. Kung ipipilit mo pa ang sarili mo sa bar na 'yan, pipilitin ka rin panigurado ng matanda na sinasabi mo." "Paano mo naman nasabi?" "Sigurado ako na pipilitin ka niya dahil lalaki rin ako," he said, then he crossed his arms and looked at Polly's... humps… Para sa humps ay medyo may kalakihan iyon, actually. And to be honest, kanina niya pa ito sinisipat at isa rin talaga siya sa nagpipilit lang na awatin ang sarili rito dahil again, lalaki rin siya. Lalaki siya at ang babaeng kasama niya ay may magandang kurba ng katawan. Pero dahil hindi siya katulad ng ibang lalaki, nag-adjust siya rito, nilalambingan niya ang boses niya para lang makagaanan siya nito ng loob sa sandaling oras nilang magkakilala dahil well, oo na, may hidden agenda nga siya— ang maisama ito sa bahay niya. "Sige lang, titig lang." "Come again?" "Sige lang, titigan mo lang dahil hindi mo naman makukuha ang katawang 'to." He laughed. Out loud. "Aba't, ano ang nakakatawa ha?!" Nag-peace sign siya gamit ang mga daliri niya para huwag tuluyan na magalit ang babaeng halatang nainsulto sa tawa niya. E, sa natawa siya. Natawa siya dahil gaano ba ito kasigurado na hindi niya ito makukuha kung gugustuhin niya? Isa siyang Hondradez, hayun nga at si Monica ay ganoon na lang kung habulin siya. "Wala, wala," aniya na lang dito. "Ikaw Paco ah, kanina ka pa. Nababaitan na sana ako sa 'yo e!" "Natawa lang talaga ako sa klase ng pananalita mo." "Hala? E, anong gusto mong gawin ko, lambingan ko ang pagsasalita ko sa 'yo?" "But seriously, please, Polly, samahan mo na 'ko sa bahay ko. Ikaw lang ang nakikita kong pag-asa para lubayan ako ni Monica, para naman makabalik na 'ko sa totoong trabaho ko." Nami-miss na rin naman niya ang company nila na sa ngayon ay pinangangasiwaan ng mas nakababatang kapatid niyang si Preston dahil wala nga siya. Para makumbinsi niya si Polly, itinalikod niya ang suot niyang cap at tinitigan niya ang mga mata nito. Marami kasing nagsasabi na ang mga mata niya raw ay mahirap tanggihan kapag nagsimula na siyang magsumamo gamit iyon. "Please..." pakiusap pa niya. Saglit siyang pinagmasdan nito. Siya naman ay nag-puppy eyes... "Haist, oo na, oo na, sige na!" "Pumapayag ka na?" Inismiran siya nito. "May sahod 'yan ah, kailangan kong magbayad ng upa ng bahay ko, kuryente at tubig kahit hindi ko na muna uuwian 'yon at mahirap maghanap ng bahay ngayon na gano'n kaliit lang ang bayad sa upa." "Sure! Heck, no problem with that." Naglakad ito at tinalikuran na siya. "Saan ka pupunta?" "Sa kotse mo, kukuhang pambayad sa balut."
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
ang Ganda
16/07
0lolo gusto ko pera
16/05/2025
0ang ganda
29/04/2025
0Tingnan Lahat