logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Thalia's POV
Napanganga ako dahil sa dress na nakalatag sa may kama, aaminin kong ngayon pa lang ako nakahawak ng ganito kagandang damit, napakaganda at sobrang lambot kaso sobrang iksi naman nito. "Wala bang mas mahaba dito?" tanong ko kay Nina, ang pinakabatang kasambahay nila Prince.
"Ayan na ang pinakamahaba kung gusto mo ng mas mahaba, gown na lang ang suotin mo." Sagot naman sa akin ni Ms. Zelda, nagkatinginan na lang kami ni Nina at sinenyasan niya akong huwag na lang sumagot.
Wala naman kasi akong balak na sagutin si Ms. Zelda, pinalaki ako ni Nanay Rosy na marunong gumalang sa matatanda, siguro nasa menopausal stage na ito kaya dapat ko na lang pagpasensyahan.
Tahimik kong sinuot ang pinakamahabang dress na nasa closet ni Lia, nakakasawa na kasing marinig ang boses ni Ms. Zelda na parang manok, putak ng putak. Ang bagal ko daw kasing mamili ng susuotin samantalang sa hospital lang naman kami pupunta.
"Naku, Ms. Lia huwag mo na pong pansinin si Ms. Zelda, naiinggit lang yun dahil may lovelife ka." Natatawang sabi naman ni Nina nung nakalabas na si Ms. Zelda ng kwarto, patuloy lang na sinusuklay ang buhok ko.
Natawa na lang ako sa sinabi niya, sa lahat kasi ng kasambahay dito, siya lang ang nakakausap ko ng maayos. "Wala naman akong love life saka kung may nagawa mang masama si Lia sa kanya, huwag niya akong idamay." Sabi ko dito. Kita ko namang kumunot ang noo ni Nina dahil sa sinabi ko, "Huwag mo na nga lang pansinin ang sinabi ko."
"Alam niyo po bang simula ng bumalik ka dito halos isumpa niya ang pangalang Lia." Kwento naman sa akin ni Nina.
"Siguro may masamang nagawa sa kanya si Lia." Sabi ko sa kanya, hindi naman siguro magiging ganun si Ms. Zelda kung walang ginawang masama si Lia sa kanya.
"Ma'am, ikaw po si Lia." Paalala sa akin ni Nina.
"Hindi ako yung Lia na hinahanap nila, Thalia ang totoo kong pangalan, napagkamalan lang ako ni Prince na ako yung fiancée niya kaya nandito ako ngayon." Paliwanag ko sa kanya pero imbis na maliwanagan, mukhang mas naguluhan si Nina dahil sa sinabi ko.
Bumaba na ako at sinalubong ako ni Prince, "Ready?" tanong nito sa akin at tumango naman ako.
...
Lahat sila napanganga nung pumasok kami ni Prince sa isang hospital room, "Lia, ikaw na ba yan?" tanong ng isang lalaki at agad naman siyang tumakbo para yakapin ako.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa ginawa niya pero ang nakakagulat, hindi ko nagawang pigilan ang sarili kong yakapin siya, weird. "Thank God Lia, you're alive." Ipagtatapat ko na sanang hindi ako ang anak niya pero nung nakita ko ang ngiti nila unti unting natunaw ang puso ko.
Napatingin din ako sa lalaking nasa may hospital bed na nakangiti sa akin, pinunasan niya ang luha niya habang nakatingin sa amin ng tatay ni Lia, hindi kaya ng konsensya kong saktan ang puso nilang dalawa. "Buhay nga po ako, hindi naman ako namatay." Sagot ko sa kanya.
Sa susunod ko na lang sasabihin sa kanila ang totoo, mamaya atakin silang dalawa.
"Anong nangyari sa iyo?" tanong ng tatay ni Lia sa akin habang tinitignan ang mga galos at pasa ko sa braso.
Lumapit naman sa akin si Prince at inakbayan ako, "Nagkaroon siya ng amnesia kaya wala po siyang matandaan." Sagot nito sa tatay ni Lia, akala ko papabayaan na niya ako pero hindi pala.
"Kawawa naman ang baby girl ko,halika ka nga dito kay Granpa." Sabi nung lolo ni Lia, pumunta naman ako sa may higaan niya at binigyan siya ng isang yakap. "Alam mo bang miss na miss ka ni lolo, hindi ako nakakain nung nawala ang nag-iisa kong apo."
Napangiti naman ako sa sinabi niya bigla tuloy akong nakaramdam ng inggit ka Lia, mayroon siyang isang tatay at lolo na mahal na mahal siya, isang bagay na hindi ako nagkaroon. Nasa kanya na ang lahat, ang ganda, yaman at mapagmahal na pamilya, bakit kaya ang sama ng ugali niya?
Ginala ko ang tingin ko sa paligid, mayroon nga siyang mapagmahal na lolo at tatay pero parang may nawawala. "May tanong po ako." Hindi ko napigilang sabihin, tumingin naman silang lahat sa akin na parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Nasaan po si mommy?"
Hindi naman sila nakasagot sa akin, nagulat na lang ako ng hinila ako ni Prince palabas ng room. "May mali ba akong nasabi?" tanong ko sa kanya.
"Wala naman pero Lia galit ka kasi sa stepmother mo." Sabi niya sa akin at napataas naman ang kilay ko.
Hindi naman ako nakasagot sa kanya, galit si Lia sa stepmother niya? Sorry naman, malay ko bang hindi na niya kasama ang nanay niya at may galit siya sa stepmother niya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit siya ganun kasama, kulang siya sa pagmamahal ng tunay na ina.
"Nasaan na ang nanay ni Lia?" hindi ko napigilang itanong kay Prince, umiling naman siya at binuksan na ulit ang pintuan ng kwarto.
Hindi kaya sumama si Lia sa nanay niya?
Bakit ko ba pinoproblema ang problemang hindi ko dapat pinoproblema?
Ha?
Ano daw?
Prince's POV
"Gusto kong mag-organize ka ng party para sa pagbabalik ng apo ko." Sabi sa akin ni Lolo Fernando, lolo ni Lia.
Nandito ako ngayon sa bahay ng lolo ni Lia, na-discharge na siya dahil sa galing mag-alaga ng kanyang nurse na si Thalia. Part na ng daily routine namin ang bumisita kay Lolo Fernando para siguraduhing bumuti na ang lagay niya, ngayon nasa may kusina si Lia at nagpapatulong sa paggawa ng ham sandwich kay Nina dahil naglambing sa kanya ang lolo niya.
"Tito hindi niyo ba napansin na may nagbago kay Lia, she's the total opposite of Lia that we used to know." Sabi ko at tumango naman ang si Lolo Fernando at Tito Luis.
"Ikaw na din ang may sabing may amnesia si Lia, maybe this is the effect of her memory loss." Sagot sa akin ni Tito Luis.
Hindi ko naman napigilan ang sarili kong magtanong sa kanya, ang tanong na gumugulo sa akin simula ng makilala ko si Thalia. "Tito, wala po bang kakambal si Thalia?" tanong ko at natigilan naman sa pag-inom ng kape niya sa si Tito Luis.
"What do you mean?"
"Kamukhang kamukha niya si Lia but it feels like she's a different person." Sagot ko sa kanya.
"Masyado ka lang nanunuod ng movies kaya kung ano ano na ang pumapasok sa utak mo." Sabi nito sa akin. "Lia is my only child."
Tumango naman ako, "Nasaan na po ang tunay niyang ina?" tanong ko pa.
"Hindi ko alam dahil simula ng iwan niya kami ni Lia, hindi ko na inalam kung ano pa ang nangyari sa kanya." Sagot naman ni Tito Luis sa akin.
"I'm sorry."
"It's okay Prince, sana hindi na makarating kay Lia kung ano ang nangyari sa amin ng mommy niya, hindi ko kayang siraan ang nanay niya sa kanya kahit na nung bata pa siya." Sagot nito sa akin. "Ituring na lang nating blessing ang pagbabago ni Lia, she became responsible which is a good sign since she'll be the one who'll handling the family business after her college graduation."
"Gusto kong bumalik na sa pag-aaral si Lia sa Monday, tulungan mo siyang maka-adjust sa bago niyang environment, maaasahan ko ba yun sa iyo?" tanong ni Tito Luis sa akin at tumango naman ako.
"Hindi niyo po ba kukuhanin si Lia?"
"Hindi na muna, ikaw na muna ang tumulong sa kanya na mabalik ang alaala niya." Sagot sa akin ni Lolo Fernando at tumango naman ako. "Hindi din namin siya maaalagaan lalong hindi siya maaalagaan ng stepmother niya, sa iyo na lang muna siya tumira, alam ko namang kaya mo siyang alagaan."
Thalia's POV
Ilang araw na ang nakakalipas simula ng iligtas ako ni Prince sa kamay ni Tatay Nando at Kuya Terrence, ilang araw na din akong nagpapanggap na Lia at isa lang ang masasabi ko, maling mali itong ginagawa ko.
Sa bawat araw na dumaan, gusto ko ng kuhanin ang buhay na mayroon si Lia, ngayon ko lang kasi naranasang mahalin. Nakakainggit siya, naiinggit ako at hindi ito maganda kaya kailangan ko ng umalis, hindi magandang agawin ko ang buhay ng iba.
Tumalon ako mula sa terrace ng 2nd floor ng bahay ni Prince at parang ninja na nagtatago sa halamanan nila, naglagay na ako ng thank you note sa may kama, pasasalamat ko sa pag-alaga at pagtulong sa akin ni Prince. Hahanapin ko si Salvador at kukuhanin ko sa kanya si Nanay Rosy, pupunta kami sa malayong lugar at doon kami mamumuhay ng magkasama.
Sinigurado ko munang ok na ang lagay ni Lolo Fernando bago umalis, hindi naman kaya ng konsenysa kong maging dahilan kung bakit siya mawawala sa mundong ibabaw. Kakalabas ko pa lang ng subdivision nila Prince, nagulat ako ng may dalawang pamilyar na tao ang sumalubong sa akin.
"Akala mo makakatakas ka sa amin?" tanong ito sa akin.
Napaatras naman ako dahil sa sobrang takot, yung mga mata nila namumula sa galit habang yung isa naman hindi niya mamulat ang mata niya dahil sa black eye niya sa kaliwang mata, punong puno sila ng pasa sa katawan pero nanginginig ang katawan nila at nakakuyom ang kamao dahil sa sobrang galit.
Pinagsisihan kong umalis ako ng bahay ni Prince kung alam ko lang na mangyayari ito, sana hindi na ako umalis.
"Hindi ka pwedeng sumaya habang kami miserable." Dagdag pa nito.
Lumapit naman ang isa sa akin, "Akala ko hindi ka nalulubayan nung lalaking yun, nagsawa na ba siya sa iyo kaya naman tinapon ka na niya?" tanong nito sa akin.
Hindi naman ako sumagot kaya hinila niya ang buhok ko, "K-kuya, nasasaktan ako." Tanging nasabi ko.
"Talagang masasaktan ka sa amin." Sabi naman ni Tatay habang hinihila ako papasok ng isang kotse, "Kita mo itong nangyari sa katawan namin, gawa ito ng boyfriend mo, ikaw ang ang magbabayad sa lahat ng pahirap na ginawa sa amin ng nobyo mo."
End of Chapter

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    JunioJayvelyn flor

    please continue the book of mistaken identity sayang Naman Ang pag Basta Ng story mo 😍😍

    8d

      0
  • avatar
    Ermest Abellera

    Nice quality

    10/08

      0
  • avatar
    herang

    ang ganda,nabitin ako teeee!😭

    25/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata