logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3

Thalia's POV
"Wag po!" sigaw ko dahil para mapabangon yung katabi ko sa kama, ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa mangyari kagabi.
"Are you ok?" tanong sa akin ni Prince na kagigising pa lang.
Nanlaki naman ang mata ko ng ma-realize kong wala ako sa sarili kong kwarto, paano naman ako napunta sa kwartong ito? "Ano bang nangyari? Paano ako napunta dito?" tanong ko sa kanya.
(Prince's POV – Flashback)
"Prince, ano bang ginagawa natin dito?" tanong sa akin ni Wesley, kaibigan ko. "Bakit mo ako pinapunta dito?"
Nandito pa din ako sa labas ng bahay na tinutuluyan ni Lia, hindi pa din ako makapaniwalang buhay siya.
"Nasa loob ng bahay na yan si Lia." Maikling sagot ko sa kanya.
"Lia? Lia Villabella?" tanong nito sa akin at tumango naman ako, alam kong hindi naniniwala sa akin si Wesley pero mas pinili niyang samahan pa rin ako. "Pre, hindi kaya nakonsensya ka lang sa pagkawala niya?"
Tinignan ko naman siya ng masama, "Totoong nandyan sa bahay na yan si Lia." Sagot ko sa kanya.
"P-pero, paano nangyaring buhay siya kung nakita na yung bangkay niya?" tanong sa akin ni Wesley, umiling na lang din ako dahil hindi ko din alam kung anong sagot sa tanong niya.
Natigilan kami ni Wesley sa pagkwentuhan nung may lalaking kumatok sa bahay na tinitirhanan ni Lia, nagulat na lang kaming dalawa nung biglang sabunutan ng lalaki si Lia, may balak sana akong sugurin ang lalaki pero pinigilan ako ni Wesley.
"Bitawan mo ako, ikaw ang mapapatay ko." Pagbabanta ko kay Wesley, hindi naman niya ako binitawan sa kabila ng sinabi ko.
"Nasisiraan ka na ba? Hindi pwedeng basta basta ka na lang susugod sa gyera ng walang dalang bala, mamaya lalo lang mapahamak si Lia dahil sa gagawin mo." Sabi ni Wesley at pinaupo ako sa may tapat ng tindahan.
"Anong gagawin ko?"
"Basta talaga si Lia ang usapan bigla na lang nawawala ang talino mo." Sabi niya sa akin bago lumapit sa may tindera. "Sino yung lalaking yun?"
Tahimik lang akong nakinig sa usapan nilang dalawa, "Sino? Yung lalaking dumating sa may tapat na bahay?" tanong ng tindera at tumango naman si Wesley. "Kuya yun ni Thalia, bakit mo natanong iho?"
"Kapatid niya ba talaga yun? Bakit bigla na lang siyang sinabunutan?" narinig kong tanong ni Wesley.
"Naku, hindi nga lang sabunot ang inaabot niyang si Thalia sa kapatid at tatay niya kapag wala dyan ang nanay niya, minsan nga pumapasok yang batang yan ng eskuwelahan ng puro bugbog sarado at pasa sa katawan." Sabi nung tindera kaya lalo namang nagdilim ang paningin ko dahil sa sinabi niya. 
"Naawa na nga kami sa bata kaso wala naman kaming magawa, ayaw naman niyang magsubong sa baranggay o pulis dahil ayaw niyang masira ang pamilya niya."
Nagpasalamat naman si Wesley sa ale bago ito bumalik sa pagtitinda niya, "Chill lang Prince." Sabi ni Wesley nung mapansin niyang nakakuyom na ang kamao ko.
"Paano ko magagawang mag-chill kung sinasaktan nila si Lia?" tanong ko sa kanya, napatingin naman sa amin ang mga tao dahil sa pagsigaw ko.
Nagulat na lang kami nung bumalik yung aleng kausap ni Wesley kanina, "May balak ba kayong iligtas si Thalia? Bilisan niyo na dahil hindi na din namin makayanan ang ginagawa sa kanya ng pamilya niya." Sabi nung ale.
Napatingin naman kami nung may isang lalaking may katandaan ang nasa may pintuan nila Lia, siguro ito na yung kinikilala niyang tatay.
Pagbukas niya ng pintuan, agad siyang sinalubong ng sampal ng isang demonyo, gusto kong sumugod pero pinigilan ulit ako ni Wesley. Dapat pala hindi ko na lang sinama ang lalaking ito dahil hindi ako makakilos, palagi niya akong pinipigilan.
Mukhang nabasa naman niya kung ano ang nasa isip ko, "Kung bubugbugin mo ang kinikilalang tatay at kuya ni Lia sa tingin mo sasama siya sa iyo, tandaan mo Prince hindi ka niya maaalala kaya dapat mong pag-isipan ang gagawin mong hakbang." Paalala nito sa akin.
Unti unti naman akong natauhan dahil sa sinabi niya, tama siya, hindi sasama sa akin si Lia at mas pipiliin niya ang magulo niyang buhay dahil ito lang ang naaalala niya.
11 pm
"Wala ka bang balak na umuwi, may practice pa tayo bukas baka hinahanap ka na sa bahay niyo." Sabi sa akin ni Wesley pero umiling naman ako,napatingin naman ako sa bintana ng kwarto niya, nakasara na ang ilaw siguro tulog na siya.
"Bukas na lang natin balikan si Lia." Sabi nito bago ako hinila patayo, wala ako sa sariling sumunod kay Wesley, siguro bukas makakaisip na ako ng paraan kung paano mapapauwi si Lia, ngayo siguro kailangan ko ng matulog.
"Wag po 'tay!" narinig naming sigaw ng isang babae, nagkatinginan naman kami ni Wesley ng ma-realize naming boses iyon ni Lia kaya naman nagmamadali kaming tumakbo papuntang bahay ni Lia.
"Buksan mo na!" sigaw ko kay Wesley, sinipa naman niya ang pintuan dahilan para bumukas iyon.
Dali dali kaming umakyat sa may 2nd floor kung nasaan nanggagaling yung boses ni Lia na nagmamakaawa, pagbukas namin ng pintuan ay may dugo ang noo niya habang nakapatong sa kanya ang tatay tatayan niya.
"Lia."
"Prince?" huli niyang sabi bago siya tuluyang nawalan ng malay.
Tuluyan namang nagdilim ang paningin ko kaya hinila ko paalis sa ibabaw niya ang lalaki at doon sinimulang basagin ang mukha niya, anong karapatan niyang gawin yun kay Lia?
Balak ko sanang basagin ang bungo ng lalaking ito pero pinigilan na ako ni Wesley, tinuro niya ang walang malay na Lia sa may higaan, sinabi niyang siya na ang bahala sa matanda at dadalhin na niya ito sa presinto.
"Maayos na ang condition niya, pahinga at tulog lang ang kailangan niya at siguradong lalakas na ulit siya." Sabi nung doctor sa akin at napatango naman ako bago siya lumabas ng kwarto.
Nanlumo naman ako habang tinitignan ang katawan ni Lia na punong puno ng pasa at sugat mula sa dalawang iyon, kung pwede ko lang sanang patayin ang dalawang yun, ginawa ko na.
"Musta?" tanong ko kay Wesley nung pumasok siya ng kwarto.
"Nasa kulungan na ang mga tarantado." Sagot niya sa akin, umupo siya may tabi ni Lia bago hinaplos ang buhok nito. "Hindi pa din ako makapaniwalang buhay siya."
"Ako din." Sabi ko sa kanya, tumingin naman ako sa natutulog na babae pero hindi ko mapigilang mapatingin sa mga pasa niya, bumabalik ang galit sa loob ko. "Turuan mo ng lection ang dalawang lalaking gumawa nito sa kanya."
"Yes, boss."
"Nasaan na yung nanay niya?"
"Hindi ko pa din mahanap, bukas na lang dahil pagod na pagod na ako." Sagot sa akin ni Wesley bago natulog sa may couch.
"Ahh." Tanging nasabi ko.
Kita ko namang kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko, "Ang haba haba ng kwento ko tapos 'ahh' lang ang reaction mo?" tanong nito sa akin.
"Ano ban gusto mong maging reaction ko?" tanong ko sa kanya. "Tinatanong ko lang naman kung paano ako napunta dito."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa kanya dahil niligtas niya ako o malulungkot ako dahil nasira ko ang pamilya namin.
Inangat niya ang mukha ko, "Masakit pa ba ang katawan mo?" tanong niya sa akin.
Tumango naman ako at tumingin sa ibang direction, "Konti na lang, bakit?" tanong ko sa kanya.
"Kailangan na kasi kitang iharap sa lolo mo bukas."
Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya, "Hindi mo ba talaga ako titigilan? Hindi nga ako yung Lia na hinahanap mo." Sagot ko sa kanya.
"Nagkaroon ka lang ng amnesia kaya hindi mo kami maalala." Sabi niya at hiniga na ulit ako sa kama. "Magpahinga ka na ulit para mas bumilis ang paggaling mo."
Lumabas na siya ng kwarto at pinatay ang ilaw, ginulo ko naman ang buhok ko dahil sa sobrang inis sa lalaking yun, bakit ba ayaw niyang maniwalang hindi ako yung babaeng hinahanap niya?
"Amnesia? Kailan ba ako nagkaroon ng amnesia?"
End of Chapter

Komento sa Aklat (50)

  • avatar
    JunioJayvelyn flor

    please continue the book of mistaken identity sayang Naman Ang pag Basta Ng story mo 😍😍

    8d

      0
  • avatar
    Ermest Abellera

    Nice quality

    10/08

      0
  • avatar
    herang

    ang ganda,nabitin ako teeee!😭

    25/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata