logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

Maxine POV
Halos isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkaayos na dalawa. I miss him already. Ilang beses ko pa rin siyang kausapin pero hindi niya talaga sinasagot ang mga tawag ko.
Kahit dito sa University ay halatang iniiwasan niya ako. I know my fault. Alam kung ako lang inaalala niya pero minasama ko pa. Alam kung nasaktan ko siya sa sinabi ko at hindi ko naman ‘yon sinasadya ng araw na ‘yon. Pero ginagawa ko naman ang lahat para lang makabawi sa kanya pero paano ko naman gagawin ang bagay na ‘yon kung ayaw niya akong kausapin?
Nandito lang ako ngayon sa field at nakaupo na mag isa, hindi ko kasama si Sapphire dahil may pinuntahan ito. Mayamaya pa ay biglang may tumabi sa akin. It's Josh!
"Hi, Bakit mag isa ka lang?” ngiting tanong niya.
"Umalis kasi si Sapphire kaya tumambay muna ako bago umuwi.” anas ko.
"I see! Cutting class. Akalain mo ’yon, ang isang Cyan Maxine di pumasok? "natatawang anas niya.
Hinampas ko naman siya ng mahina. “Hoy hindi ko gawain ang bagay na ‘yan ah. Sadyang wala lang kaming klase ngayon.” dependa ko.
Nakita ko naman siyang natawa. Ano kayang nangyayari sa lalaking ‘to? Nasisiraan na yata ng bait.
“Nakita ko si Ace kanina ah, ang akala ko naman ay magkasama kayong dalawa.”
Napatingin naman ako sa kanya. “Paano mo naman nasabi? Eh nakita mo naman na mag isa lang ako dito.” saad ko.
“Wala naman nasabi ko lang kaya nga akala diba? Eh close kayong dalawa eh.”
“Kung makapagsalita ka naman akala mo naman palagi kaming magkasama ng kaibigan mo.” wika ko.
“Hindi ko naman sinabi na palagi pero madalas pa rin kayong nag uusap. Kung hindi ka nga lang transferee ay iisipin ko na matagal na kayong magkakilala.”
“At bakit naman?” kinakabahan kung tanong.
“Naisip ko lang, kasi kapag magkakasama tayo parang ang komportable niyo sa isa’t isa. Eh alam mo naman ‘yang President natin pinaglihi sa sama ng loob.”
Natawa naman ako dahil sa kanyang tinuran, kung nandito lang si Ace tiyak na makakatikim na naman siya ng mura dito.
“Pero maiba ako Max, may problema ba kayong dalawa?”
Mabilis naman akong napatingin sa kanya dahil sa biglang pagtatanong niya.
“Kami? Wala naman, bakit mo natanong?” ani ko.
“Akala ko kasi meron, napapansin ko kasi nitong mga nakaraag araw na hindi kayo masyadong nagkikibuan na dalawa kaya akala ko naman nag away kayo.”
“Hindi ah, wala naman rason para mag away kami. Baka nasanay ka lang na nakikita mong nag uusap kami madalas.” ngumiti ako ng pilit para hindi niya mahalata na nagsisinungaling ako.
Masaya naman kausap at kasama si Josh siya kasi ‘yong tipong aakalain mong misteryosong tao at hindi pala salita pero kapag nakilala mo naman siya at naging close ay masasabi mong madaldal din siya. At dahil marami kaming napagkwentuhan na dalawa ay hindi namin namalayan na mag uuwian na. Kaya sabay na din kaming tumayong dalawa.
At dahil hindi niya pa dala ang kanyang gamit ng makita niya ako ay kailangan niyang bumalik sa Student Council Office para kunin ito kaya nagpasya na din akong samahan siya para malaman ko kung nando’n pa ba si Ace, pero ng makapasok kami ni Josh ay nadismaya lang ako dahil nalaman kung umuwi na pala ito.
Hindi man lang ako hinintay o tinawagan na umuwi na siya. Hayss. - isip ko.
Duh! Bakit niya gagawin ‘yon? Okay ba kayo?- kontra ng isip ko.
Sabay na lang naming tinahak ni Josh ang daan palabas ng University, nag offer pa siyang ihatid ako pero tumanggi naman ako dahil may iba pa akong plano.
Napag isip isip ko kasi na puntahan na lang si Ace sa bahay nila at do’n na lang kausapin. Wala ang parents niya dahil nag aasikaso ito ng kanilang business sa ibang bansa, nakakamiss din ang mommy niya dahil ka close ko ‘yon.
At dahil wala naman akong dalang kotse at hindi din kami okay ni Ace kaya wala akong taga hatid at sundo ay wala akong ibang choice kung hindi ang mag commute. Ng makarating na siya sa subdibisyon ay bumaba na siya sa guard house pa lang, gusto niya kasing maglakad lakad para makapag isip ng sasabihin sa binata dahil alam niyang mahirap suyuin ang dragon kapag galit ito.
Habang naglalakad siya ay biglang kumulimlim at bumuhos ang malakas na ulan. At dahil malapit na din naman ang bahay nila Ace ay nag patuloy na lang ako. Ng makarating na ako sa gate nila ay kinuha ko ang phone ko para tawagan siya, mabuti na lang at hindi ito nabasa.
Nakailang ring lang ito ng sagutin niya. "Hello, Love" bungad ko.
"Hmmm. Napatawag ka?" ramdam ko pa rin ang lamig ng kanyang boses.
"Pwede ba tayong mag usap?"mabilis na anas ko.
"Nag uusap naman na tayo, ano sa tingin mo ang ginagawa natin?"
"Ang ibig kung sabihin magkita tayo.Napaka mo talaga eh." nakangusong turan ko kahit alam kung hindi niya naman ako nakikita.
"Hindi ako pwede ngayon marami akong gagawin."
Bumuntong hininga naman ako. "Galit ka pa rin ba sa akin? Edi hintayin ko na lang matapos ang gagawin mo para makapag usap tayo.” pagpupumilit ko.
"Wala ako sa bahay ngayon kaya next time na lang,"
Bigla naman ako nakaramdam ng lungkot. Ayaw niya talaga akong kausapin.. "Ah, gano’n ba? Akala ko kasi nakauwi ka na. S-sige sa susunod na lang.” mahinang saad ko.
Ibinalik ko naman ang phone ko sa aking bag at tiningnan kung saan ang kwarto niya at nakita kung nakabukas ang ilaw nito at bintana. Ngumiti naman ako ng mapait. “Galit pa rin talaga siya sa akin, kaya niya nagawang magsinungaling. Ayaw niya akong makita.”- bulong ko sa sarili ko at tumalikod na para umalis, bigla na namang bumuhos ang ulan pero hinayaan ko na lang na mabasa ako.

Komento sa Aklat (23)

  • avatar
    mendozamark lawrence

    it's saw beautiful story

    16/06

      0
  • avatar
    Inzaiplay S Yagnul

    ganda nang kwenti

    30/05

      0
  • avatar
    Gabing Solasco Jhacel

    good job po and god bless

    16/04

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata