logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 1

Kabanata 1
NANDITO NA kami sa apartment ko at binuksan ko na ang pinto para makapasok.
Pinaupo ko muna siya sa sofa bago ko siya hinarap.
"Ano ba ang pangalan mo? Kanina pa ako nangangapa kung ano bang itatawag ko sa'yo. Nakakaloka ah! Kung hindi ka lang pogi aba'y nunkang i-help ko ang beauty ko sa'yo pero dahil pogi ka. Hayan at tinutulungan na kita, pero s'yempre charot lang," bigkas ko.
"Hoy, babae ano ba ang iyong mga ibinibigkas at hindi kita maunawaan," kunot noong sabi niya.
Tumikhim muna ako 'tsaka nagsalita. "Ang sabi ko, ano'ng pangalan mo."
"Ako si Panginoong Ashtonio Claide Ferretis. Alam kong hindi kagandahan ang aking ngalan kaya naman Ashton na lamang ang itawag mo sa akin," sabi niya.
"Ahh . . . okay, Ashton! Nagugutom ka na ba?" tanong ko.
"Halamang dagat din ba ang iyong kinakain? Medyo nauuhaw nga ako't may maiinom ka ba riyan?"
"H-ha? Oo naman, tara! Doon tayo sa kusina," aya ko sa kaniya 'tsaka kami tumayo at nauna nang pumuntang kusina at sumunod naman siya sa akin.
Pinaupo ko siya sa upuan katapat ng lamesa. Kinuha ko ang softdrinks sa ref at binigyan siya ng coke-in can.
"Ano ito?" tanong niya.
"Sabi mo na uuhaw ka na 'di ba? Hayaan na ang maiinom mo," sabi ko 'tsaka ako na ang nagbukas ng coke in can. "Oh, inumin mo na."
"Hindi ito ang gusto kong inumin, ang gusto ko ay tubig dagat," sabi niya.
Ha? Seryoso ba?
"Wala akong tubig dagat dito pero may tubig gripo ako naman," sabi ko.
"Tubig gripo? Ngayon ko lamang narinig iyan pero sige iyon na lamang," sabi niya.
Seryoso ba? Tubig gripo talaga? 'Di ba siya choosy? Ayaw ba niya ng mineral water? Okay. Ayon ang gusto niya wala na akong magagawa.
Kumuha ako ng baso at naglagay ng tubig gripo doon 'tsaka ko ibinigay sa kaniya.
"Oh, heto na ang tubig gripo mo," sabay abot ng basong may tubig.
Kinuha niya 'yon at walang alinlangan na inubos 'yon.
"Wala talagang tatalo sa tubig dagat, hindi malinamnam ang iyong tubig gripo," sabi niya 'tsaka tiningnan ang coke-in can. "Ito kaya, masarap kaya ito? Tanong niya habang titig na titig sa coke-in can.
"Oo, masarap 'yan, inumin mo," sabi ko 'tsaka ako nagsimula nang magluto.
Nakita kong sinuri niya muna 'yon bago niya ininom.
"Kakaiba ang lasa na ito hindi ko masasabing tubig dagat siya."
"Hindi naman talaga tubig dagat 'yan dahil isa 'yang softdrinks."
"S-softdrinks? Ngayon ko lang ito nakita at na tikman," sabi niya.
"As in? Ngayon mo lang na inom 'yan?" takang tanong ko.
"Oo, marahil wala sa amin ang bagay na ito."
Hindi ko na lang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagpri-prito ng bangus.
Itong bangus na lang ang natira sa ref bukod sa mga prutas kaya bukas na bukas kailangan ko nang mag-grocery.
Pagkatapos kong magluto ay naghain na ako sa lamesa. Matapos maghain ay naupo na ako sa harap ni Ashton.
"Kain na," sabi ko.
Titig na titig siya sa isadang prinito ko.
"May problema ba sa luto kong isda at titig na titig ka diyan?" tanong ko sa kaniya.
"Sinong nagpahintulot sa'yo na lutuin mo ang isda na 'yan? Hindi mo ba alam na may mga pamilya pa ito? Wala namang atraso sa inyo ang mga isda pero bakit niyo ito pinapaslang at kinakain!" sigaw niyang sabi kaya nagulat ako.
Ano bang problema nitong lokong 'to?
"Ano bang problema mo? S'yempre kakainin namin 'yan dahil 'yong iba na walang trabaho ay tanging pangingisda lang ang hanap-buhay," sabi ko.
"Alam mo bang magkakasala kayo sa Panginoon ng dagat dahil sa mga ginagawa niyo sa mga isda? Hindi niyo na nga inaalagaan ang aking kaharian tapos ay sinisira niyo pa ang mga tirahan ng mga isda at iba pa! Mga lapastangan!" galit niyang sabi.
Titig na titig siya sa mga mata ko at halatang galit.
"Ha? Ano ba kasing pinaglalaban mo?" kunot noo kong tanong.
Padabog siyang tumayo at lumabas sa kusina.
Problema no'n?
Matapos kong kumain naabutan ko si Ashton na nakaharap sa aqaurium ng mga isda na niregalo ni Tatay.
"Bakit kayo nandito sa bagay na ito? Alam kong hindi maayos ang kalagayan ninyo diyan sa bagay na ito, huwag kayong mag-aalala't dadalhin ko kayo sa laot para mas maging maayos kayo, nang sagayon ay makalangoy kayo ng matiwasay," pagkaka-usap niya sa mga isda. "Hindi ako papayag na paslangin kayo ng mga tao rito," sabi pa niya.
"H-hoy! Saan mo dadalhin 'yan!" sigaw ko sa kaniya nang makuha niya ang isang isda ko.
"Doon sa aming tirahan," sagot niya.
"Ano bang pinagsasabi mong baliw ka! Ibalik mo nga 'yan! Akin 'yan e! Regalo 'yan ng Tatay ko!" 'di ko na napigilan ang sarili ko dahil sa inis.
"Hindi ito sa iyong ama dahil ninakaw lamang niya ito sa aking kaharian! Hindi mo ba alam na mas nadaragdagan ang iyong pagkakasala sa inyong Panginoon ng dagat?! Hindi niyo inaalagaan ang aking karagatan kung saan kayo nabubuhay para magkaroon kayo ng makakain sa pang araw-araw!" galit na giit niyang sabi.
"Kahit ano pa 'yang sinasabi mo, ibalik mo 'yan sa aquarium ko!" sigaw ko pabalik sa kaniya at itinuro 'yong aquarium para ibalik niya 'yong isdang kinuha niya.
"Hindi maaari! Ibabalik ko sila sa aking kaharian kung saan doon sila makakalangoy nang malaya, hindi tulad dito sa bagay na ito ay sobrang liit para sa kanilang nandirito!" sigaw din niya.
"Wala kang utang na loob! Ikaw na nga itong tinulungan, ikaw pa ang may ganang nakawan ako!" sigaw ko.
"Wala akong ninanakaw sa iyo o nanakawin sa iyo dahil sa ating dalawa'y kayo ang mga magnanakaw! Kinukuha at pinapaslang niyo ang aking mga isda sa aking kaharian!" sigaw niya.
"Tigil-tigilan mo nga ako sa kaharian mo na 'yan! Ibalik mo na 'yang isda sa aquarium ko kung ayaw mong ipahuli kita sa mga pulis! Kahit pa may diperensya ka sa pag-iisip o trauma sa nangyari sa'yo hindi ako magdadalawang isip na ipakulong ka!" sigaw ko.
"Wala kang galang sa nakakataas sa'yo! Isa ka lang sa mga mortal na tao kaya gumalang ka sa nakakataas sa'yo! Lapastangan!" sigaw niya.
"Hoy! Ang yabang mo ah! Alam ko namang mas matangkad ka kaysa sa akin, ano bang gusto mong palabasin, ha? Na pandak ako! Hoy lalaking may deperensya sa pag-iisip kung lalaitin mo lang ako ay mas mabuti pang lumayas ka na lang sa pamamahay ko! At iyang isda na iyan, ibalik mo 'yan sa kung saan mo 'yan kinuha!" napipikon kong sigaw.
"Walang maaaring sumuway sa nakakataas! At wala kang karapatang utusan ang Panginoon ng dagat!" sigaw niya.
"Wala akong pakialam sa mga pinagsasabi mong baliw ka! Kung ayaw mong ibalik 'yan ako ang magbabalik sa isda ko!" sigaw ko sa kaniya 'tsaka ako lumapit at inagaw ang isda mula sa kaniya at inilagay ko ulit sa akwaryum.
"Tingnan mo ang ginawa mo! Muntik mo ng mapatay ang alaga ko!" sigaw ko habang nakatingin sa isdang ibinalik ko.
"Hindi mo maaaring suwayin ang iyong Panginoon at dahil sa ginawa mo ay nagkaroon ka lamang ng isa pang pagkakasala mula sa akin at para maging malinis ulit ang iyong pagkatao at mapatawad kita . . . isang halik sa aking mga labi ang paraan para ang iyong mga pagkakasala sa nakakataas sa iyo ay mapuksa," seryosong paliwanag niya.
Ano raw?! Isang halik sa mga labi niya ay mawawala ang pagkakasala ko? Sinong niloko niya? Siya kaya ang puksain ko para malaman niya? Manyakis!

Komento sa Aklat (78)

  • avatar
    ApiladoJm

    wow

    16d

      0
  • avatar
    Cristine Ruda

    Ang Ganda ng kwento nag kakilala sila dahil nakahandusay yung lalaki at nakita Ng babae

    31/07

      0
  • avatar
    Maxine Delavega

    ang ganda ng story

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata