logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

My Innocent boyfriend

My Innocent boyfriend

Cutie_sell08


Simula

AKO SI Alyhanna Cadyara Mariano . . . isa akong Veterinarian.
Ngayong araw ay hindi muna ako makakapasok dahil balak kong mag grocery.
Tutal weekends naman ngayon napagdesisyonan kong bumili ng mga pagkain. Wala na rin naman kasi akong stock sa apartment ko.
Habang nag da-drive ako ng kotse patungo sa grocery store.
May nakita akong nakahandusay sa daan.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat kaya hininto ko muna ang kotse at mabilis na bumaba para lapitan 'yong lalaking nakahandusay.
Napamura ako nang makita kong nakahubut hubad siya.
Putek! an'yare ba dito?
Nakadapa siya kaya nakita ko 'yong p'wet niya pero mabilis akong nag-iwas ng tingin 'tsaka ako bumalik sa kotse para kumuha ng pantabing sa kaniya.
Tumakbo na agad ako pabalik sa kaniya at itinabing ko 'yong jacket ko.
Buti na lang talaga may jacket ako sa kotse. Wala man lang katao-tao dito kaya wala sigurong tumutulong sa kaniya. Pero bakit nakahubut hubad ang isang 'to?
Nakapikit ako habang pinapalibot sa kaniya ang jacket.
Nang matapos kong mailagay 'yon sa kaniya 'tsaka ko siya itinihaya para maalalayan siyang makatayo.
Literal na mabigat ang isang 'to kaya pinagpawisan agad ako.
Pina-akbay ko siya sa balikat ko 'tsaka kami naglakad papuntang kotse.
Nang maihiga ko siya sa backseat mabilis akong sumakay sa driverseat at nag seatbelt.
Bumuntong hininga ako nang malakas dahil sa sobrang bigat ng lalaki.
Pinaharurot ko ang kotse patungong hospital.
Nang makarating ako sa hospital tinawag ko agad 'yong lalaking nurse para may magbuhat sa lalaking 'to.
Ayoko nang umalalay dahil sobra niyang bigat hindi siya kaya ng powers ko, literal na nakakapagod kahit nakaalalay ka lang!
Nang makapasok na sa loob at inasikaso na siya
Naghintay ako sa waiting area. Ilang minuto lang ay inilipat na siya sa k'warto.
Kinausap ako ng doktor. Ang sabi, wala naman daw siyang sakit o kahit na anong karamdaman siguro raw ay sa sobrang pagod kaya nahimatay. Tapos p'wede na rin daw siyang makauwi mamaya.
Pero may tanong ako, bakit nakahubad siya sa kalsada?
Hindi kaya . . . na rape siya?
OH MY GOSH! kawawa naman siya kung gano'n nga ang nangyari sa kaniya.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang mahimbing siyang natutulog. Nakaupo ako sa sofa at pinagmamasdan ang mukha niya.
Infairness, g'wapo siya.
Kaya siguro siya na rape?
Dinamitan na siya ng mga nag-aasikaso sa kaniya kaya hindi na ako naiilang na tingnan siya, hindi katulad kanina na parang mawawala ako sa ulirat kung makita ko 'yong something down there niya.
Wews!
Hindi ko na malayang nakatulog na pala ako.
NAGISING AKO 'tsaka ko tiningnan ang relong pambisig ko. Mag ga-gabi na pala kaya bumaling ako sa kama at nakita kong nakaupo 'yong lalaki sa gilid ng kama at nakatalikod siya sa akin.
lumapit ako sa lalaki at hinawakan siya sa balikat.
Humarap siya sa akin.
"Sino ka?" masungit niyang tanong.
"Ahh? Ako 'yong tumulong sa'yo, natagpuan kita kanina sa kalsada na walang malay kaya dinala kita dito para matignan ka ng doktor," paliwanag ko.
"Ano ang iyong pangalan?" tanong niya.
Bakit ang weird niyang makipag-usap? Ito ba ang sanhi ng pagkaraped sa kaniya? kawawa naman siya, mukhang sobra siyang na apektuhan sa pang ga-gahasa sa kaniya nang walang kalaban-laban.
"Alyhanna," sabi ko.
"Kailangan ko ng umalis dito, kailangan na ako sa aking kaharian. Saan ba rito ang patungong laot?" seryoso niyang sabi at tanong.
Kawawa naman talaga siya. Hindi na niya alam kung ano ang mga pinagsasabi niya kaya gumagawa na lang siya ng imahinasyon sa kaniyang isip para matakasan ang reyalidad.
Reyalidad kung saan nagahasa siya at malaki ang naging epekto nito sa kaniya kaya tuluyan na siyang nawala sa tamang pag-iisip.
Hindi kaya...
OMG!
Hindi kaya takas talaga siya sa mental?
"A-aahh... Kuya, okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"
Takas ka ba sa mental?
Hindi ko lang masabi dahil baka ma-offend siya sa akin pero hindi naman na siguro siya ma-o-offend dahil kaka-sabi ko pa lang na. Wala na siya sa tamang katinuan kaya bakit ko pa maiisip na ma-o-offend siya sa sasabihin o ita-tanong ko?
"Wala akong karamdaman... Gusto ko ng lumisan at tumungo sa aking kaharian."
Ahh! Baka 'yong kahariang sinasabi niya ay ang mental hospital.
Napatango ako sa sarili.
"Sige ihahatid kita sa kaharian niyo," sabi ko.
"Maraming salamat sa iyong tulong... Pagkahatid mo sa aking kaharian ay bibigyan kita ng ganting pala," seryoso pa rin ang mukha niya.
"Hehe.. Sige po.. Pero babayaran ko muna 'yong bills mo," sabi ko na lang 'tsaka umalis sa k'wartong 'yon.
Bumuntong hinga ako. Grabe 'yon ah?
Biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.
Naiiling na naglakad ako para makapag bayad na ng bills sa hospital.
Imbis na mag gro-grocery ako ngayon ay hindi na matutuloy.
Matapos kong bayaran ang bills niya, bumalik na ako sa k'warto at inaya siyang umalis.
"Ahh... Kuya, p'wede bang bukas na lang kita ihatid sa kaharian niyo? Malalim na rin ang gabi at delikado na kapag ganitong oras," sabi ko.
Tumango lang siya 'tsaka ko siya inaya patungong kotse.
"Ano ang bagay na ito?" turo niya sa kotse.
"Kotse, para kung saan mo gustong pumunta makakarating ka agad," paliwanag ko sa kaniya 'tsaka ko siya pinasakay sa loob.
"Saktong-sakto ang bagay na ito! Maaari ko bang mahiram ang bagay na ito kapag tayo'y dumating na sa aking kaharian?" tanong niya.
Pinaandar ko na ang kotse 'tsaka ko siya tiningnan. Katabi ko lang siya kaya makikita ko ang mga ginagawa niya.
"Hindi p'wede," sabi ko.
"Subalit ang sabi mo ay makakarating ako sa aking paroroonan? Kung hihiramin ko ang bagay na ito ay mabilis lamang akong makakarating sa aking patutunguhan," sabi niya.
Jusmiyo! Bakit ba ganito makipag-usap ang lalaking 'to? Galing ba siya sa sinaunang panahon at napakalalim ng kaniyang mga salita.
Tulungan niyo naman ako kung paano ko ito pagtitiisan.
O kaya naman, kahit na anong sign.
"Sinabi ko nga 'yon sa'yo pero hindi mo 'to p'wedeng gamitin dahil ... dahil..."
Dahil baka mapahamak lang ang baby car-car ko.
"Subalit?" paghihintay niya ng kasagutan.
Napalunok ako sa uri ng tingin niya.
"Hehe... Basta b-bawal," 'yon na lang ang na sabi ko.
"Hindi ka p'wedeng tumanggi sa nakakataas sa'yo kaya sa utos ng Hari! Ipahiram mo sa akin ang bagay na ito!" ma-awtoridad niyang sabi.
Ano bang pinagsasabi niya? Anong nakakataas? alam kong mas matangkad siya kaysa sa akin kaya 'wag naman niya sa akin ipa-mukha kung gaano ako kaliit.
Grabe 'tong si Kuya nakakasakit! Bakit hindi na lang niya ako diretsuhin at sabihing pandak ako at siya ang matangkad, sinabi pa niyang mas nakakataas sa kaniya. Edi, siya na ang matangkad!
Masakit pa rin 'yon 'no! Hindi ko nga sinabi sa kaniya na may kondisyon siya sa pag-iisip tapos, siya? Hindi man lang nagdalawang isip kung ma-o-offend ba ako sa sinabi niyang 'yon.
Tss..
Pero kung sabagay, ako na nga ang mismong nagsabi na may kondisyon siya sa pag-iisip so, hindi na niya maiisip kung ma-o-offend ba ako sa sinabi niya o hindi. Dahil in the first place, hindi matino ang kaniyang pag-iisip.

Komento sa Aklat (78)

  • avatar
    ApiladoJm

    wow

    16d

      0
  • avatar
    Cristine Ruda

    Ang Ganda ng kwento nag kakilala sila dahil nakahandusay yung lalaki at nakita Ng babae

    31/07

      0
  • avatar
    Maxine Delavega

    ang ganda ng story

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata