logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 5

KABANATA 5
MISAKI AKELDAMA
Isang buwan na ang nakakalipas simula noong nakausap ko ang matanda na yun sa gubat. Namangha ako sakanya ng slight… well, sabihin na nating namangha talaga ako sakanya sa kadahilanang walang sino man ang nakakaalam sa tunay kong pagkatao. Lalong lalo na kung saan ako nangmula. Kahit pa nga si Yuki… o kung sino man ang malapit sakin ay walang nakakaalam patungkol sa kung ano talaga ako. Hindi nya o nila alam na isa akong hybrid.
“Good morning Miss Misaki!” masayang bati nung isang student sakin habang iniipon ang mga tuyong dahon sa isang tabi. Tumango lang ako bilang sagot at nagpatuloy sa paglalakad. Sa nagdaang isang buwan ay marami na ang nangyari at next month is the big event for Lycothropians.
Nagiging close narin sila Yuki pati narin yung mga bungol. Araw araw ba namang magkasama. Well… kahit rin naman ako ay madalas ko silang kasama pero hindi sindalas ni Yuki. Madalas kong pinagmamasdan sa malayo si Baozi na Tristan Jayvee pala ang tunay na pangalan but I prefer calling him my Baozi at paminsan minsa’y pinagmamasdan ko rin sya ng palihim.
Pagkapasok ko sa loob ay maingay na’t marami nang mga tao pero yung iba nasa labas pa dahil break time. Pagkaupo ko’y ubob lang ako sa desk ko dito sa likodan. Katulad ng isang normal na classroom ay hindi nawawala ang mga mayayabang, chizmosa at kung ano ano pa. Ang mas malala nga lang ay yung mga fan girls nilang madalas na pinagkakalat na idine-date namin ang isa sa anim na hottie boys o hindi kaya ay malalandi kami. Katulad nalang ngayon…
“Hala! Si Misaki!”
“Shhh~ wag kang maingay! Kita mong natutulog!”
“Hindi nya kasama ang mga prinsipe natin!”
“Tama ka jan!”
“May binabalak na naman siguro sya?”
“Well… napapansin kong madalas nyang titigan si Prince Terrence natin,” napapasin pala nilang may tinititigan ako pero maling tao naman. Mga tanga ang p*t*!
“Weh! Hindi nga?!” Well… I just wanted to say na… maputulan sana kayo ng dila o hindi kaya ako na mismo ang gagawa para lang tumahimig kayo. Tanga na nga… madumi pa kung magisip.
“NOONA!!!! BILI TAYONG PAGKAIN!!!” Sigaw ni Lelluch Zyn. Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan ko sya ng masama. Nagpiece sign naman sya. Nagpatingin narin sa amin yung mga kaklase namin sabay tawa. Sino ba ang hindi matatawa? Dalawang buwan lang naman ang tanda nya sakin tapos tatawagin nya akong Noona. What the heck?! Same age nga lang kami kung tutuusin.
“Bili tayong pagkain... Libre ko,” sabi nito. Si Lelluch Zhyn (Shin) ay isang time controller. Kaya nyang ihinto ang oras kahit kelan nya gusto. Na master na raw nya yun kaya hindi na sya nanghihina. At ang pinagaaralan naman nya ngayon kung paano makita ang nakaraan at ang hinaharap. Well… ayon lang naman kay Yukira.
Ang pinaka magandang strategy sa pag-eliminate ng mga kaaway ay alamin mo kung saan sila malakas at kung saan sila mahina o hindi kaya ay ikaw na mismo ang gumawa ng paraan na hindi ka mahahalatang kumukuha ka ng inpormasyon. In short! MAGPANGAP KA! Yung pagpapanggap na makatotohanan na walang manghihinala sayo. And then boom! Pwede mo nang isagawa ang plano mo.
Pero kapag ang plano mong mapaibig ang lalaking kalaban mo… ikaw at ikaw rin ang matatalo sa bandang huli ng planong isinagawa mo. Uhmm… maisegway ko lang yung mga nababasa ko sa ibang libro.
“Ayoko... Ikaw nalang…” malamig kong tangi sakanya at umobob ulit. Medyo hindi maganda ang timpla ng katawan ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Nagsilabasan narin ang mga kaklase namin at siguro pupunta sa cafeteria dahil break time na.
“Sige na... Libre ko naman eh!!!” pangungulit nito. Binaling ko naman pakanan ang ulo ko para makita kung anong ginagawa nya sa buhay nya. Ayun nakaluhod lang sya’t nagpapacute.
Napatingin naman ako sa kapapasok lang na lalaki. Mabilis nyang nilapitan si Lelluch Zhyn at chineck kung anong nangyari sakanya. He’s Terrence Leighan, yung mukhang antukin na lalaki ay isang healer.
"Bro... Anong nangyari sayo?"
“Huwag kang magulo Hyung! Inaaya kong makipagde—este magpunta kami sa cafeteria,” napailang nalang ako sakanya at umobob ulit sa lamesa ko. Ayokong lumabas ng classroom dahil tinatamad akong maglakad.
“HEY! Whazup?! Oh tol! Pre?! Nakaluhod ka jan?” Malakas na sabi ni Anthony Jayden. Si Yuki, sya, at si Lelluch Zhyn lang naman ang may malakas na boses dito eh. Nagpuppy eyes pa sya sakin pero umiling ako. Kakalabas ko lang tapos papalabasin nya ko. Nako! Manahimik sya at isa pa! sa labas na sya nanggaling hindi pa sya bumili ng pagkain nya. Tanga lang.
“UUUUUUUUIIIIIIIII~ ANO YUN?!~” tukso nila. Hindi ko nalang sila pinansin at umobob sa lamesa ko hanggang sa dumating na ang prof namin.
Kinse minutos nang nagtuturo yung prof namin nang may naramdaman akong kumalabit sa likod ko. Tinignan ko naman iyon at nakita ko si Baozi na nakatingin din sakin. Napakunot naman ang noo ko. May inabot naman sya saking isang box at tsaka namumulang iniwas ang kanyang mukha sakin. Napataas naman ang kilay ko pero tinangap ko rin naman yung box. Inilapag ko sa lamesa yung box at kinuha yung papel na nakaipit sa box saying that…
“Thank you for saving my life…” wika sa papel at dahan dahan ko itong binubuksan. Nang mabuksan ko na ang box ay—ewan… hindi ko alam… kinuha ko yung bracelet na gawa mismo sa kapangyarihan nya. I could tell dahil ramdam ko yung iba’t ibang emosyon nya. Humarap naman ako sakanya na ikinagulat pa nya. Ngumisi o ngumiti basta nagstretch yung labi ko na ikinapula ng tenga nya and I mouth him thanks. I am not a material type of girl pero pinaghirapan nya ang bagay na ito so… I must treasure it the most.
Monday na naman at nakakatamad pumasok. Kahit pa na nakadorm kami ay nakakatamad paring pumasok. I mean magklakad. Kukuhanin ko na sana yung bag ko sa couch nang may narinig akong kaluskos at naramdamang prisensya sa itaas. Napakunot naman ang noo ko at ramdam kong nagbago ang kulay nito. Tumingala naman ako at kita ko mula dito ang hugis nang tao na kulay pula habang ang ibang bagay sa paligid na walang buhay ay kulay gray lang. Pinagmamasdan at pinakikiramdaman ko lang ang taong nasa itaas na gumagalaw papunta sa ibang bahagi ng kwarto. Pagka-appear ko sa madilim na bahagi ng study room ay kita kong may kinakalkal sya sa table ko.
“Nasan na ba yun?” napangiti naman ako ng demonyo. Dahan dahan ako lumakad sa liwanag hanggang sa dibdib ko lang ang kita dahil natatakpan ng anino ang buong mukha ko.
“May kailangan ka?” malamig kong tanong sakanya. Napatigil naman sya at dahan dahang umangat ang ulo nya and…
“Ang ayoko sa lahat yung pinakikialaman yung gamit ko na walang permiso. Alam mo kung anong mangyayari sa nangingialam ng gamit ko? Nawawalan ng buhay,” sabi ko habang madilim na nakatitig sa nangangalkal ng gamit ko.
“Hindi mo na nga pala malalaman… wala ka na palang buhay,” balewalang wika ko sa bangkay ng lalaki. I don’t know him dahil wala syang profile sa office.
“Misaki? Ano pa ang ginagawa mo? Pumasok ka na… ako na ang bahalang maglinis jan,” tch~ kailangan ko pang maligo ulit para lang matangal yung amoy ng peste na yun. Malalaman at malalaman ko rin kung sino ang nagpadala saiyo.
“I trust you… kailangan pagbalik ko wala na akong kalat na makikita…” wika ko sakanya habang naglalakad palabas ng study room.
Mabilis lang ang lahat ng pagkilos ko nang matapos na ay kinuha ko nalang ang bag pack ko at dumeretcho sa classroom. Pagpasok ko pa lang sa loob ng classroom ay may bumuhos na agad sa buong katawan ko na malamig na tubig na may kasamang tipak tipak na yelo. Narinig ko naman silang nagtawanan.
“Oh~ Anong nangyari sayo Misaki? Huh? Hindi mo napredict na may tatamang yelo sa mukha mo?” kahit hindi ko pa makita ang mukha ng babaeng impakta nato ay kilalang kilala ko na sya sa nakakairitang boses palang nya. Hindi ko pa man nakikita ang mukha nya naiinis na ko sakanya.
Si Abigail Thana Clemente ang Queen Bee ‘kuno’ ng LA. Sapok ata gusto ng impakta na toh eh. Yung nahulog na yelo sa mukha ko ay unti unting natunaw pati narin yung nasa mukha ko na butil butil at tinignan sya ng masama. At ang impakta nakasmirk pa. Tapyasin ko labi mo sa mukha mo eh, makita mo. Kapag ganitong inis ako at dinagdagan nya pa baka makalimutan kong estudyante sya dito.
“Ano na namang kailangan ng isang impaktang katulad mo?” napa-Oh~ naman sila sa sinabi ko. Buti nalang wala pa ang mga kumag pati narin si Yuki kung hindi… ewan ko nalang sa impaktang reyna ng mga bubuyog na to. Nakita ko kung pano nagbago ang kulay ng mata nya. Napasmirk naman ako at lumapit sa may bandang tenga nya na ikinaatras nya. Lalo akong napasmirk sabay sabing—“Try to control yourself impakta. Baka mabalitaan ko na wala ka nang hininga dahil sa nalaman nilang hindi ka kabilang dito,” paalala ko sakanya. Mukha naman syang nagulat sa sinabi ko. Oh well… *smirk*
“You can’t hide yourself, impaktita. Kahit ilang kwintas pa ang suotin mo o kahit gaano makapangyarihan ang suotin mo hinding hindi nito maiaalis ang mabagsik na amoy ng isa—”
*BELL RINGS*
“Pasalamat ka…” sabi ko sabay bungo sa balikat nya. Natulala naman sya doon. Wala kang maitatago sakin impakta… alam ko kung ano at sino ka. Tch… lahat ng mga estudyate dito. Kilala ko. Kilalang kilala ko. Napatapos ang klase na wala sa itinuturo ang buong atensyon ko. Pake ko. Hanapin nya ang pake ko. Hanggang sa naguwi ay wala akong kinausap sakanila kahit sila ay daldal ng daldal ng walang katuturan.
*BOOGSSSHH!!!!!!!**BOOOMMM!!!!!!!!!!**BOOGSSSH!!!!!!!!!!* *BOOGSSSHH!!!!!!!* *KLANG!!!!!!* *KASHING!!!!!!!!* *BUSHING!!!!!!!!* *TUGGGGSSSHHH!!!!!!!!**BAAGGGGAAAAAMMM!!!!!!!!!!!!*
Napatukod naman ako sa tuhod ko dahil sa hingal na nararamdaman. Marahas kong pinunasan ang pawis na tumulo sa mukha ko at nagsimula ulit akong maglaro o magensayo na madalas ginagamit ng mga mahihina.
Mabilis akong tumakbo paikot sa hologram na bampira at agad kong pinutol ang ulo nya. Tumalon naman ako patalikod at tinukod ko ang kanang kamay ko at tsaka ko sya binigyan ng malakas na sipa sa tyan na naging dahilan sa pagtama nya sa pader na syang nakagawa ng malaking uka. Mabilis akong tumayo ng tuwid sabay suntok sa mukha ng isa pang bampira na sumugod sakin at giniltan ito ng leeg gamit ang punyal ko.
Napa-bend naman ako pa-left side para iwasan ang bumubulusok na punyal papunta sakin na sana'y tatama sa likoran ko. Binato ko rin sya ng apat na punyal na hinding hindi nya maiiwasan. Sinipa ko naman patalikod yung sumugod sakin at tumama ito sa isang puno na syang naging sanhi ng pagkabagsak nito.
Nagsilabasan na ang huling mga bampira na sinet ko. Sabay sabay silang sumugod pero inisa isa ko lang silang patayin para naman maienjoy ko yung pagsirit at pagpunta ng mga dugo sa iba't ibang parte ng katawan ko. Pagkatapos ng pangyayaring yun ay nilibot ko naman ang mata ko sa buong paligid ng training room.
“OH MY GOSH!!!!” Napatingin naman ako sa kung saan dahil may narinig akong boses na kilalang kilala ko.
FYI lang… triple ang senses ko katulad nalang ng sense of hearing, touch, smell and sight kaya madali na sakin kung sino ba iyon. Binalutan naman ako ng makapal na usok at unti unti ko nang nakikita si Yuki na nakatabon ang kamay sa bibig nito.
Napansin ko namang kasama nya yung anim na lalaking yun. Napapikit naman ako ng maamoy ko ang mabangong amoy nya. Mabilis akong napadilat ng maramdaman ko ang prisensya nya sa malapit at kitang kita ko ang mukha nya lalo na ang pisngi nyang mala-siopao na namumula. Napatingin ako sa orasan at ilang oras na rin pala ako naglalaro sa loob ng real life stimulator.
Binigyan naman ako ng tubig ni Yuki pati na rin ng towel. Dahan dahan lang akong nagpunas sa katawan ko. Ganoon din si Yuki sa likod ko na basang basa ng pawis.
"Tanong ko lang Noona... Bampira ka ba?" napatigil naman ako sa pagpupunas yun at ganoon din si Yuki.
“Nagpapatawa ka ba, Lele?” natatawang tanong ni Yuki sakanya. Hindi ko sya sinagot bagkus ay tinignan ko lang sya at nagpatuloy nalang sa pagpupunas. Anong pake nya kung ano ako? Hanapin nya pake ko.
“Mukha ba akong nagpapatawa? Ha? Yuyu?” pinapanood ko lang sila habang uminom ng tubig. At nagsimula na nga ang bangayan ng dalawa. Napalingon naman ako sa likod nang makaramdam ako ng prisenya. Napatingala naman ako dahil sa tangkad nya. Kita ko pa sa mukha nya ang pagkagukat pero ngumiti lang sya sakin sabay patong ng puting roba na hindi ko alam kung saan nangaling.
“Hindi ka ba nilalamig? Basa ka ng pawis tapos ganyan lang ang suot mo?” napatingin naman ako sa suot ko na color black na sports bra at lantad na lantad ang apat kong abs na dinadaluyan pa ng pawis ko. Tapos nakasuot lang din ako ng itim na leggings na hanggang tuhod at syempre nakapaa lang ako. Okay naman sya at hindi rin naman ako nalalamigan.
“Okay lang naman…” sagot ko. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang itsura nya sa ngayon. Mukha syang ewan. Napakunot naman ang noo ko nang makaramdam ako ng prisensya sa likoran ko. Napalingon naman ako paharap at sila Delvin Jeff, Terrence Leighan at Sebastian ang bumungad sakin.
“Hindi ko alam na may ganyan palang katawan ng babae,” wika ni Terrence Leighan.
“Bro, ngayon ka lang ba nakakita ng ganyang katawan?” tanong ni Anthony sakanya. Tinignan ko naman yung katawan ko. Okay naman… wala namang problema. Bukod sa kaliwang braso ko na nakabenda na hanggang balikat.
“Oo… ngayon lang,” sagot nya.
“Ako rin bro ngayon lang,” natatawang wika nya. Tch! Inayos ko naman ang pagsusuot ko ng robang nakapatong lang sa balikat ko.
“Misaki, bampira ka ba? Nararamdaman ko na bampira ka,” sabi naman ni Delvin Jeff. Problema ng mga to.
“I told ya’!” napatingin naman ako kay Lelluch Zhyn nang sumigaw ito. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa sitwasyon nilang dalawa dahil na naka-lock na sa braso ni Yuki si Lelluch Zhyn.
“Meron din akong nararamdaman sakanya,” segunda naman ni Terrence Leighan.
“Mga engot!!! Bukod sa wala pa kayong alam dito sa training r—”
“Dahil isang buwan pa lang silang nadito Yuki, huwag tanga,” putol ko sa sasabihin nya. Napairap naman sya sakin.
“Anyways… I suggest na wala kayong suot na damit para mas makagalaw kayo,” nagkibit balikat nalang ako.
“Huwag mong ibahin ang usapan Yuyu. Bukod sa amoy nya ay iba rin ang kulay nya,” wika ni Lelluch Zhyn.
Andali nga… bukod sa ang haba ng mga pangalan nila ay nakakatamad bangitin. Tatatwagin ko nalang silang Zhyn bukod sa Lelluch Zhyn, Leigh bukos sa Terrence Leighan, Sebby bukod sa Sebatian, Vin-Vin bukod sa Delvin Jeff, Den-Den bukod sa Anthony Jayden, at ang pinakahuli ay si Baozi dahil Baozi ko sya walang may pake, ako lang.
Balik tayo sa anim na nagbabangayan kung lobo ba ako o bampira. At walang nakakuha ng sagot dahil kalahating bampira't kalahating lobo lang naman kasi ako.
“Yung unang pagkikita nyo ba ni Misaki sa classroom ay naamoy mo sya bilang bampira?! Ha?!” at hindi parin sila tapos.
“Hindi,” sagot nila. Pwer lang sa Baozi ko na nanonood lang sa mga kasama nya. Bukod sa dalawa ang dugong nanalaytay sa katawan ko ay pupwede akong maging isang full wolf o purong lobo lang walang halong kahit ano katulad nalang ng normal na lobiat pwede rin akong maging full vampire o purong bampira katulad ng mga normal na bampira.
“OH! TAPOS ITATANONG MO KUNG BAMPIRA SYA!!! HUWAG TANGA!!!” Napailing nalang ako sakanila.
“Manahimik kayo kung pwede lang... Subukan nyo kayang makipaglaban sa loob ng REAL LIFE stimulator kung hindi maiiwan saiyo yung amoy ng mga pesteng yun.” sabi ko sakanila habang pinagdidiinan ang salitang REAL LIFE para naman makuha ng mga bungol nato. Mamaya maya ay bigla nalang silang sabay sabay na nagsabi na—“Oo nga noh, hindi ko naisip yun,”—napailing nalang ako sa kabungulan nila.
“Bampira… ha…” napatingin naman ako sa gawi ni Baozi dahil doon ko narinig ang boses. Napaiwas nalang ako ng tingin at hinagod ko naman ang magulo kong buhok. Nagulo yan sa pakikipaglaro ko sa holograms kanina. Pinony ko ng maayos at mahigpit para hindi na sya matatangal.
“Magbihis ka na muna tapos panoorin mo kaming magensayo, ididiscuss ko nalang sayo pagkatapos mong magbihis,” tumango lang ako at nagtungo sa shower room.
Pagkatapos kong magshower ng mabilisan ay simpleng black oversize t-shirt at cotton short na umaabot hanggang tuhod at lumabas na ko sa clinic. May hallway kasi na nagkokonekta sa schower room at clinic na trentang hakbang lang naman kung lalakaron. Tsaka hindi lang simpleng shower room ang shower room kung hindi may mga cubicle na mula lapag hanggang kisame ang taas. Pagkalabas ko… nakita ko agad silang nagwawarm up. Good, ikondisyon nyo muna ang sarili ninyo dahil mamaya may gagawin ako sa inyong pito *evil smile*
Nakikipaglaban ako sakanilang lahat. Ako laban sakanilang pito pero hindi nila ako matangal sa pwestong kinatatayuan ko kanina pa. Mahigit dalawang oras na kaming ganito at halatang halata sakanila na pagod na sila. Sumugod si Yuki na syang iniwasan ko lang. Pinaulanan naman niya ko ng mga suntok at sipa. Hinuli ko naman ang paa nya at binigyan ito ng malakas na sipa sa tyan na syang tumama sa pader.
"Stop this shits!" galit na sabi ko sakanila. Pinagbibigyan ko sila ng masasamang tingin. At kahit na si Baozi.
"Wala mananalo sainyo kapag grupo kayo… wala kayong team work. Binigyan ko pa kayo ng time para pagisipan kung isa isa kayong lalaban sakin or grupo kanina pero maspinili nyo ay grupo, pito kayo, isa lang ako. Pero ang naging sistema ay parang isa isa lang din kaso sabay sabay kayo. Tch!” Bwisit. I must say na marunong silang lumaban kung individual lang din naman ang pagbabasihan pero kapag grupo na walang wala silang team work sa isa’t isa at naobserbahan ko sila na nagpapaligasahan sila kung sino ang malakas. Tch!
"You’re all weak. You’re all pathetic creatures that I haven't seen yet. Ngayon pa lang ako nakakita ng nilalang na katulad nyo na walang tiwala sa isa’t isa. Walang tiwala sa kakayanan ng kasamahan. Pah!" Sabi ko then went out leaving them mouth hanging. Totoo naman eh. Makapunta na nga lang sa garden para makapagrelax. Nakaataas ng dugo sa loob ng training room. Pagkapunta ko sa garden ay hinanap ko agad ang puno na lagi kong pinagtatambayan. Umakyat naman ako don at pumwesto na para magpahinga.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    LamelaDaisy Sia

    good

    19d

      0
  • avatar
    SarteMatthew

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Leonard Marcelino

    yes

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata