logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 2

KABANATA 2
3RD PERSON
May limang kalalakihan ang naghaharutan sa loob ng isang itim na limousine at ang isa naman ay payapang natutulog lang sa isang tabi habang papunta sa kanilang lilipatang eskwelahan. Sila’y nagmula sa lungsod ng Heart Stone Valley ng Lilamila Mcrenon ngunit nanatili sila sa mundo ng mga mortal ng ilang taon upang obserbahan ang mga ito kung paano mabuhay.
“Pre, balita ko maganda raw ang turo sa academy na papasukan natin…” sabi nung lalaking may malaking eyebags ngunit master sa wusho. Ang problema nga lang ay duwag paminsan minsan.
“Yeah… at mas safe sa lilipatan natin ngayon kesa sa mundo ng mga mortal, makailang beses na nga tayo muntikang mahuli sa kung ano tayo sa dating eskwelahan natin edi kapag na-expose na ng tuluyan ang mga identity natin… edi sa hukay na ang kasunod,” sang ayon naman ng lalaking may malaki ang mata pero kapag laban na… nagkakaron sya ng ikalawang katauhan na iniiwasan ng ilan. Habang nilalagyan ng concealer yung lalaking may eyebags.
“Bahala na si dyosa Helfrina kung anong magiging lagay natin sa akademya,” nakangiting sabi ng lalaking prenteng nakaupo sa limo habang pinapanood lang ang mga kasamahan nya.
“Ikaw, Seb? Anong masasabi mo?” duktong natanong nya sa lalaking nagngangalang Seb.
“Wala lang… ikaw ba Rence Hyung? Anong masasabi mo?” tanong ng lalaking ala gatas ang kutis ng balat na tinawag na Seb.
“Ewan… mukhang parehas lang din naman yun sa mundo ng mga mortal…” sabi ng lalaking may mala antuking mata na si Rence raw ang pangalan.
“Hano kamo?! Parehas lang?! What the hell Hyung?!” bulaslas na wika ng may malaking eyebags.
“Malaki ang pinagkaiba ng lilipatan natin kesa nandon tayo sa mundo ng mga mortal! Hindi mo ba nakikita na kapag ang mga kauri natin ang kasama natin walang papatay satin at magagawa na natin ang kahit anong gusto natin? Tapos sasabihin mo Hyung parehas lang! Oh~ may~ gee!” hysterical na wika nito.
“Hey! Don’t curse me kid… tsaka pake ko ba kung saan ako mapuntang lugar? Pareparehas lang naman na tulungan yan,” inaantok nitong sita sabay hikab.
“Guys! Natutulog si Hyung pwedeng pakihinaan naman yang mga boses nya, lalo ka na Lelluch,” sita ng lalaking may malaking mata.
“Si Hyu—”
"Young Masters... Nandito na po tayo," sabi nung driver nila na nagpatigil sa lalaking may eyebags ang mata.
“Gisingin nyo narin si Hyung…” wika ng lalaking prente lang sa pagkakaupo.
“Hyung… Hyung… gising na… nandito na tayo… gising ka na jan…” panggigising ni Rence. Kinusot kusot naman ng lalaki ang kanyang mata habang namumula pa ang pisngi’t ilong nito.
“Nandito na tayo Hyung…” tumango lang ito pagkatapos humikab.
“Young Masters…” wika ng lalaking nakasuot ng black suit na nagbukas ng pintuan ng limo para sa anim. Paglabas nilang anim sa loob ng limo ay syang pagtili’t pagsigaw ng mga kababaihan at nakisama pa ang kabaklaan sa nasabing akademya. Hinarangan agad sila ng mga bodyguards ng akademya upang maprotektahan sila sa mga kababaihan at kabaklaang agresibo. Inakbayan naman ni Rence ang lalaking kagigising lang.
“Hyung… ayos ka lang ba? Ang pula pula ng pisngi’t ilong mo…” nagaalaalang wika ng lalaking may malagatas ang kulay ng balat. Tumango lang ang lalaking may malasiopao naman ang pisngi na namumula mula pa.
“Hindi ka na nasanay kay Hyung… namumula naman nyan talaga kapag bagong gising…” wika ng lalaking matangkad na ineenjoy lang ang paligid sabay derp na nagpalakas pa sa sigawan at tiliaan ng mga naturang estudyante. At syarin ang prenteng nakaupo sa limo kanina sa byahe.
“Sabi ko nga!” irap nito’t nauna nang maglakad.
“Ikaw naman Anthony! Alam mo nang matampuhin yung isang yun sinasagot sagot mo pa ng ganayan!” natawa nalang sya habang pinagsasabihan ni Rence.
“Young Master Tristan,” napalingon naman ang lalaking nagngangalang Tristan. Yumuko naman ang matandang nakauniporme.
“Young Master, sasamahan nalang po kayo nila Seri at Motcha sa opisina ni Master Loren. Kami na po ang bahala dito,” tumango nalang yung lalaking Tristan ang pangalan at sinenyasan ang dalawa na igude sila. Agad namang tumalima ang dalawa’t nauna nang maglakad papunta opisina ni Loren.
Pagkapasok na pagkapasok nila sa loob ay naabutan nila si Loren na nagbabasa ng mga dokumento. Natigil lang ang pagbabasa nya nang makita nya ang mga binata na hindi maipinta ang mga mukha.
"Oh? Boys! Bakit ganyan ang mga mukha nyo? Kung ako naging pintor at kayo ang magiging model ko ay hinding hindi ko kayo maipipinta ng maayos," takang tanong ni Loren sakanila.
“Yung mga students po kasi dito eh... Kung ano ano po ang sinasabi…” sumbong ng lalaking matangkad at malaki ang tenga na kanina’y prenteng nakaupo sa limo.
"Hayaan nyo na ang mga yun. Wala lang silang magawa kaya ganoon. Anyway, pano kayo nakapunta dito?" Tanong nya sa mga bata. Isa isa namang naghanap ng mauupuan ang anim na lalaki at...
"Salamat kay Hyung Tristan at isinabay kami sa pagpunta dito, dahil kung si Lelluch yung nagdrive siguro bukas o sa makalawa pa kami darating," paliwanag ng lalaking malaki ang mata.
"HAH?! Sobra ka naman Hyung!" Sigaw ng lalaking nagngangalang Lelluch.
"Oh tama na yan. Pumunta na kayo sa dorm nyo para makapag pahinga na kayo at sa lunes eh makapasok na kayo... Masyado na kayong late pumasok. August na at September na next week..." naiiling na sabi ni Loren sa mga bata.
“Sensya na…” natatawang hinging sabi ni Lelluch. Umalis na sila sa office ni Loren at laking pasasalamat nila na wala nang mga estudyante na nasa labas.
MISAKI AKELDAMA
Naalimpungatan naman ako ng may marinig akong mga tawanan na papalapit sa pwesto ko. Di ba nila alam na nakakaistorbo sila ng nilalang na katulad ko? Binuksan ko naman ang mata ko at tinignan ang pasilyo kung san ko narinig ang ingay ng mga nilalang nayun.
"Salamat! Nakapunta na tayo sa dorm! Whoo~" hiyaw ng lalaking di ko kilala.
"Baliw kasi itong si Seb eh! Magtatanong na nga lang sa isang babaeng malandi pa... Naku!" Narinig kong nagtawanan pa sila.
“Alam ko ba na ganoon pala sya! May bayad na pala ang pagtatanong ngayon! And worst sex pa ang bayad!” reklamo ng isa at nagsitawanan na naman sila. Anong nirereklamo neto? Hindi ba sya natutuwa na grasya na mismo ang lumalapit sakanya. Ang choosy nya.
Mga ilang minuto pa ang lumipas eh... Nakita ko na kung sino ang mga nilalang na nambulabog sa pagtulog ko. Di na nga ako pumunta sa office kase nga napakaingay sa labas kaya dito nalang ako sa puno na malapit sa dorm nagpahinga. Tapos may maingay parin? The hell is that! Hmm… May naisip naman akong kalokohan kaya napangisi nalang ako ng malademonyo. This is going to be fun! Dahil pagbabayaran nyo ang punyetang pagsira nyo sa pagtulog ko.
Pagtapat nila mismo sa punong kinalalagyan ko ay tumalon na agad ako sa harapan nila na nakagawa ng uka sa sahig dahil sa lakas ng impact. Well… I let all my emotion na lumabas upang makagawa ito ng malaking uka sa sahig.
Nakatingin kasi ako sa unahan at nasa gilid ko sila kaya di ko nakita ang reaksyon nila but base on their movement and the movement of their heart ay nagulat sila. Humarap naman ako sa kanila na walang emosyon.
"Sa susunod titignan nyo ang nilalakaran nyo..." malamig kong sabi at mabilis na umalis sa harpan nila na akala mo'y may hinahabol. Pagkapasok ko sa loob ng dorm ko ay di ko maiwasang isipin ang mga mukha nilang lahat. It was priceless lalong lalo na ang mukha ng siopao na yun. *smirk*
Nakadukdok lang ako sa desk ko dito sa loob ng classroom. Maaga akong pumasok, as usual. At parami ng parami na rin ang pumapasok at nagkukwentuhan ng kung ano-ano sa buhay nila. Nakikinig lang ako sakanila kahit ayokong makinig. Naiinis na nga ako kasi paulit ulit nalang yung pinaguusapan nila sa araw araw kahit na ayokong pakinggan yun eh yun parin ang naririnig ko.
"GOOD MORNING BEBS!!!" Hiyaw ng magaling kong kaibigan. Edi sino pa nga ba... Edi di si Yukira Maine Choi.
"Anong good sa morning ko kung yang boses mo ang naririnig ko, hah?" iritableng tanong ko sakanya. Naramdaman ko naman syang umupo sa tabi ko hindi kasi ako nakatingin sakanya at ramdam ko lang kung anong ginagawa nya.
"Ang sama mo naman... Anyways! Nasan ka nga pala nung friday? Hah? Narinig ko kasi sa mga nilalang na chizmosa na nung friday daw eh... May dumating na anim na nagwagwapuhang lalaki… sayang nga at wala ako dahil sa may ipinagawa sakin si Sir…" kinikilig na sabi ni Yuki. Nanatili lang akong nakaubob sa desk ko. Gwapo? Psh… Mga pashnea naman ang mga dumating eh. Hindi sila gwapo pupwera nalang doon sa malasiopao ang pisngi na kay sarap kagat kagatin.
"Uy!!! Nakikinig ka ba?" Niyugyog nya naan ako. Inangat ko naman ang ulo ko at tinignan sya ng masama.
“Sarreh! Anyways! Highways! Railways! At kahit ano pang ways... San ka ba nagsusuot nung Friday?” Kulit nyang tanong sakin.
“You don’t need to know where I was…” Tumango naman sya. Tumingin nalang ako sa labas ng binta na baka kung ano pang magawa at masabi ko sakanya.
Sa ganitong inis at kulang ako sa tulog dahil sa istorbong yun eh.... Baka sakanya ko pa maibuhos ang lahat ng inis ko. Mamaya maya pa ay narinig ko ang mga kaklase ko na nagsisitili na parang wala nang bukas. Umobob nalang ulit ako dahil alam ko naman na walang kwenta lang ang nasa harapan ko.
"Okay girls!!! Calm down!" Sigaw ng professor namin sa mga nagkakagulong mga babae. Kumalma naman sila kahit papaano base on their movements.
“Bahala kayo jan.” mahinang bulong ko.
I just shut my hearing senses at tuluyan na akong walang narinig sa pligid. Mga tatlong minuto palang ang nakakalipas ng may naramdaman akong sinusundot sundot ang tagiliran ko.
Tinignan ko naman si Yuki na mukhang natataeng ewan. Tinuro naman nya yung harap kaya tinignan ko naman yun. Nakita ko ang professor naming pulang pula na ang mukha sa galit. Tinitignan ko lang sya ng malamig at tsaka ko binalik ang hearing senses ko.
"Alam mo bang nakalimang tawag na ko sa pangalan ko huh. Ms. Akeldana?" Umuusok na ang ilong nya sa galit. I’m pretty sure na malapit na tong magtransform.
"Yeah... Kakasabi mo lang," sabi ko. Nagtawanan naman yung mga kaklase ko pati narin yung mga kumag sa harapan.
"Quiet!!!!" Hiyaw nya.
"Misaki Akeldama! Stand up! NOW!!" Dahan dahan naman ako tumayo at tsaka naginat. Nangawit yung likod ko doon ah.
“You don’t need to shout my full name… Sir…” malamig na sabi ko sakanya. Nakita ko naman kung papaano mas namula ang buong mukha nya sa galit.
"Tutal napagaralan na natin kahapon kung paano kontrolin ang mga kapangyarihang taglay nyo ay baka naman… Alam mo na siguro kung paano gamitin ang kapangyarihang taglay mo. And that’s your punishment!!!" Napahikab nalang ako. Sad to say tanda... I’m more than what you think. Napipilitan na nga lang akong pumasok.
Nilibot ko naman ang tingin ko sa buong classroom at nakatingin sakin ang mga kaklase ko pati narin ang mga lalaking nakita ko kahapon at napangisi naman ako ng lihim ng makita ko ang lalaking may malasiopao ang pisngi. Hmm… magamit nga…
"Ano? Di mo kaya?" Nanghahamon nyang sabi. I smile at him very evil na ikinakunot ng noo nya. Nagcross arms lang ako sa harapan nya. Well he's pathetic.
"Ano?!" Sigaw nya. Nginisian ko lang sya ng malamig na medyo ikinaatras nya. Mamaya maya ay nakarinig na kami ng malakas na sigaw.
At mas lalo pa itong lumalakas. Gulat at takot ang rumehistro sa mga mukha nila. At natauhan ng sumigaw ulit yung lalaki ay tinulungan nila ito upang kumalma pero walang nangyari dahil bigla itong nagtransform into a big white fur wolf. Nagiiling iling pa ito bago ako tignan ng kanyang asul na mata.
Well… he’s beautiful and big but I'm way more than him. I'm just using him just for this old hag's sake. I know na bawal gumamit ng kapangyarihan lalo na ang kumontrol ng iba kaya nga siya ang ginamit ko dahil bago lang sya dito. Tsaka hindi naman nila malalaman na ako ang gumawa dahil ang alam lang nilang kapangyarihan ko ay apoy. Umangil naman sya’t inatake ang matandang hukluban. Pinigilan naman sya ng mga kasama nya. Napangisi nalang ako ng tuluyan. Napatingin naman ako kay Yuki nang hawakan nya ang kanan kong kamay.
“Please… stop…” pakiusap nito. I just shrug my shoulder and said—“I didn’t do anything…” wika ko sakanya.
“Kahit na…” wika nya.
Lumapit naman ako sa kanya at napatingin naman sya sa gawi ko at bigla akong inangilan. Nang makalapit ako ay hinawakan ko ang ulo nya at bigla nalang syang bumagsak na nasalo naman nilang lima. Hinablot ko ang puting kurtina’t binalot sa katawan ng lobo bago sya tuluyang nagkatawang tao. Napabuntong hininga naman ako. I snap my finger once at bigla nalang lumitaw ang nagbabagang malaking dragon sa harapan nila.
“How is t—”
"Don't say anything old hag. Just don't mess up with me... Or else? This beautiful creature in front of you will turn you into ashes, shame of you right?" Tumango naman ito kasabay ng pagkawala ng dragong gawa sa apoy. Lumabas nalang ako ng classroom at mas pinili ko nalang pumunta sa rooftop para makapagpahinga na rin ako. Bwisit na matanda na yun. Bwinibwisit ako.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    LamelaDaisy Sia

    good

    20d

      0
  • avatar
    SarteMatthew

    good

    08/07

      0
  • avatar
    Leonard Marcelino

    yes

    22/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata