logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

“Look who’s here?” ani ng isang babaeng mukhang mataray, humarang sa kanilang daraanan. Kasama ni Mia ang buong teammates niya.
“Michelle…” mahinang banggit ni Mia. Isa itong cheerleader na kilala sa pagiging suplada.
“Mia Dela Cruz at ang kanyang buong teammates… mga amoy-araw,” biro ni Michelle, pero halatang panlalait ang dating.
Tingin ni Mia, parang nilalait nga sila. Pero mas pinili niyang manatiling kalmado—alam niyang ang tunay na laban ay nasa track, hindi sa pakikipag-away.
“Yabang nito…” angal ni Sheila, at akmang lalapitan na sana si Michelle, pero pinigilan siya ni Mia.
“Shiela, huwag mo nang patulan. Tara na, hinihintay na tayo ni coach,” mariing sabi niya. Isang titig lang ang itinapon niya kay Michelle—sapat na para ipakita na hindi siya basta basta.
“Yan ang gusto ko sayo, Mia. Hindi ka mapagpatol,” mataray na sagot ni Michelle, pero may halong panunuya.
Ang totoo, kaya suplada si Michelle kay Mia—may pagkagusto ito kay Joshua. At tuwing nakikita niya si Mia na malapit dito, nagseselos siya. Hindi man sila classmates, ramdam ni Mia ang inis ng cheerleader. Pero para sa kanya, deadma sa haters—hindi niya problema ang ganitong bagay.
“Wala akong balak patulan ka, Michelle. Kung ikaw lang naman ang makakaharap ko… huwag na lang. May standards ako sa pagpili ng kaaway,” matapang na tugon ni Mia sabay titig nang diretso sa mga mata ng cheerleader.
“Anong sabi mo?” lumapit si Michelle, mas tumalim ang tingin.
“Narinig mo naman, ‘di ba? Wala akong oras para makipag-away sa kahit sino. Ang iniisip ko ngayon—ang masungkit ang gintong medalya,” sagot ni Mia, puno ng kumpiyansa.
Napatawa nang malakas si Michelle, pati ang mga kasama nitong cheer squad.
“Guys, narinig n’yo yun? Gintong medalya raw! Ambisyosa! Wala ka pa ngang napatutunayan.”
Oo, nasasaktan si Mia, pero hindi niya ipapakita. Matatag siya—iyon ang paniniwala niya.
“Makukuha yun ni Mia. May tiwala kami sa kanya,” sabat ni Joven mula sa likuran.
“Oh really?” pang-aasar ni Michelle, pilit na nakairap.
“Oo naman, really!” sagot ni Elver, hindi na nakapagtimpi. “Lahat kami nagpapakahirap para sa karangalan ng paaralan. Hindi nga namin alam kung anong problema mo, Michelle. Naturingan kang famous cheerleader dito sa school, pero ugali mo—mas mabaho pa sa inidoro!”
Hindi nakapagsalita si Michelle. Napasinghap ang mga tao sa paligid.
“Excuse me, mauna na kami,” pagtatapos ni Mia. Naiwan si Michelle na nakatunganga, puno ng pagkainis.
---
“Mabuti naman at pinrangka mo si Michelle,” asar na wika ni Mia habang papunta sila sa track and field. “Alam mo bang nakakainis minsan ang babaeng ‘yun?”
Tuwing alas dos ng hapon kasi ang training nila, umaabot hanggang alas sais. At kapag vacant time, jogging pa rin ang routine niya.
“Hindi naman puwedeng laitin ka kahit sino. Saka kaibigan kita, Mia. Ayokong may nilalait na kaibigan,” sabi ni Elver, matipuno at moreno.
Isa-isa nilang inayos ang gamit. Habang hinihintay si Coach, nagsimula na sila sa stretching.
“Kaya ko naman yun,” biro ni Mia, pilit na pinagaan ang sitwasyon.
“Ako nga akala ko, susugurin ka na niya! Buti na lang nakahanda kami kumuha ng camera,” pabirong dagdag ni Bea, dahilan para matawa ang lahat.
Para kay Mia, deadma lang sa haters.
“Basta huwag ka lang magpapaapekto sa kanya. Nandito lang ako para sa’yo,” seryosong sabi ni Joven.
“Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Kaya ko siya. Salamat,” sagot niya.
“Naks naman!” pahabol ni Shiela, sabay tawa.
Maya-maya, dumating si Coach Chuck.
“100-meter dash ulit sa loob ng 30 minutes. Mas mababa, mas maganda.”
Agad nagsimula si Mia mag-inat, tumatalon-talon, handa na muli.
“Ready na kami, Coach,” confident na sabi niya.
At unti-unti, ramdam niya—bumabalik na ang dati niyang sigla.
“Good job, Mia,” sagot ni Coach, may halong ngiti ng pag-asa.
Hawak ni Coach Chuck  ang whistle at stopwatch, seryoso ang mukha niya.
“100-meter dash ulit sa loob ng 30 minutes. Mas mababa, mas maganda,” anunsyo niya.
Agad nagsimula si Mia mag-inat, tumatalon-talon, handa na muli. Ramdam niya ang tibok ng puso, mabilis pero puno ng sigla.
“Ready na kami, Coach,” confident na sabi niya.
Itinaas ni Coach Chuck ang kamay, handang magbigay ng senyas.
At sa sandaling iyon, pakiramdam ni Mia — nagsisimula na ang tunay na laban.
Kahit pagod na ang buong katawan niya, para sa kanyang pangarap—lahat gagawin niya.
Kalahating oras na siyang tumatakbo paikot-ikot sa track and field.
Hanggang sa unti-unti, napansin ni Mia na parang dumidilim ang kanyang paningin.
Pero hindi niya ininda. Siya yung tipong kahit matumba, itutuloy pa rin.
At tuluyan na nga—nagdilim ang kanyang paningin, at siya’y bumagsak.
“Mia! Mia! Mia!” mga boses na narinig niya bago siya tuluyang pumikit.
Pagkagising niya, nasa loob na siya ng isang puting kwarto. May nakakabit na dextrose sa kanyang braso, at mga aparatus sa tabi.
Sa gilid ng kama, naroon ang kanyang ina, abala sa pag-aayos ng mga prutas na dinala ng kanyang mga kaibigan.
“Ma…” mahina niyang sambit habang dahan-dahan siyang bumangon.
“Mia, anak! Okay ka lang ba? May masakit ba sayo?” sunod-sunod na tanong ng kanyang ina, halatang balisa.
“Okay na po ako, Ma. Ano pong nangyari?” mahina niyang sagot.
Bumuntong-hininga muna ang kanyang mama bago umupo sa tabi niya.
“Bigla ka raw hinimatay sa track and field. Ang coach mo ang tumawag sa akin, kaya dali-dali akong nagtungo dito sa ospital.”
Malungkot ang mukha ng kanyang ina habang hinahaplos ang paa niya.
“Mia… huwag mo sanang pagurin ang sarili mo sa training. Alam mo namang mahalaga ka sa akin,” pagsusumamo nito.
“Ano pong sabi ng doktor?” tanong niya.
“Dehydrated ka raw,” sagot ng kanyang ina.
Naalala ni Mia—ilang araw na silang puspusan sa training. Halos wala siyang pahinga, puro tubig at energy drink lang ang kasama niya.
“Alam na po ba ni Josh?” agad niyang tanong. Ang kanyang best friend for life ang una niyang naisip.
“Narito siya kanina. Kaso tulog ka pa. Heto nga, nagdala siya ng bulaklak at prutas.”
“Pasensya na, Ma…”
“Huwag kang humingi ng pasensya. Ang gusto ko lang, ipangako mo sa akin na iingatan mo ang kalusugan mo. Hindi ako nagkulang sa’yo, alam mo ‘yan.”
Ngumiti siya sa kanyang ina at niyakap ito nang mahigpit.
“Yes, Ma. I will.”
Maya-maya, isang pamilyar na babae ang dumating—may dalang pasalubong.
“Hello po, Tita. Magandang araw,” magalang na bati ni Missy sa ina ni Mia.
“Missy?” sambit ni Mia, napangiti. Dalawang taon ang tanda nito sa kanya kaya parang ate na rin niya.
“Maiwan ko muna kayo, may bibilhin lang ako,” paalam ng kanyang ina sabay kuha ng sling bag.
“Sige po, Ma.”
Pagkaalis ng ina niya, agad lumapit si Missy.
“Mabuti naman at okay ka na,” mahinhin nitong sabi. Sa sobrang hinhin, para bang hindi makabasag-pinggan.
“Salamat sa Diyos,” sagot ni Mia, sabay sandig sa headrest ng kama.
“Nag-alala ako sa’yo nung nabalitaan ko,” dagdag ni Missy.
“Huwag kang mag-alala, malakas ako,” tugon ni Mia na may kalahating ngiti.
Sandaling natahimik si Missy bago muling nagsalita.
“Oo nga pala, Mia… may sasabihin sana ako.”
“Ano ‘yon?”
“Yung sinabi ko dati… tungkol sa isa pa nating kapatid?”
“Ah, oo. Anong meron dun?”
“Nakita ko na siya. Na-meet ko siya,” masayang kwento ni Missy, pero bakas din ang lungkot sa kanyang mga mata.
Napakunot ang noo ni Mia.
“O? Bakit parang bigla kang nalungkot?”
“Kasi, Mia… kawawa ang kalagayan niya.” Bumuntong-hininga si Missy.
“Kinausap ko si Mama tungkol dito. Alam mo na, sabi niya aayusin niya raw ang lahat para magsama-sama na tayo.”
“Ano?” nagulat si Mia.
“Gusto kasi ni Papa na magsama-sama tayong magkakapatid,” sagot ni Missy, pilit na ngumiti.
“Dapat lang, Missy. Kung ako lang tatanungin, okay lang na iniwan niya kami ni Mama. Kaya naman akong buhayin ni Mama, at scholar din ako. Pero yung kapatid natin—kawawa naman siya. Nagkasakit ang mama niya, tapos na-bully pa siya. Siya ang dapat bigyan ng pansin ni Papa. Kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi magsa-suffer ang mga anak niya ngayon,” matigas na sabi ni Mia, halatang naiinis na naman.
“Mia, kalma lang…” pinapakalma siya ni Missy. “Huwag ka nang ma-stress.”
“Alam ko. Gusto ko nga siyang awayin, pero… wala eh, ama ko pa rin siya,” sagot ni Mia, sabay iwas ng tingin, pilit itinatago ang pamumula ng kanyang mata.
Tahimik na tumango si Missy.
“Alam kong malaki ang kasalanan ni Papa… yung Papa ko, at yung Mama niya sa pamilya niyo. Oo, galit din ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Pero… may mas kawawa pa palang kapatid kaysa sa atin. Kaya kahit mahirap, tanggapin na lang natin.”
“Yun nga eh…” mahina ang boses ni Mia. “Yun lagi—wala tayong magawa.”

Komento sa Aklat (5)

  • avatar

    great

    08/12

      0
  • avatar
    Magno Ramos Jr.

    hi bro

    04/12

      0
  • avatar

    go higher mia

    01/11

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata