logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Mystery Monday

XYRA
“Thank you po kuya guard!” sabi ko kay kuya guard dahil tinulungan niya akong bitbitin ang mga pinamili ko papunta sa unit ko.
“Walang anuman. Pero muntik na kitang hindi makilala mam Xyra. *sabay kamot sa batok*” sabi sa akin ni kuya guard.
“Ahehehehe. Ganito po talaga ako kuya, iba’t-iba ang get up *winks*. Sige po, pasok na po ako.” pamamaalam ko sa kaniya
“Ganun ba? Sige mam.” kuya guard sabay balik sa pwesto niya.
Papasok na sana ako sa unit ko nang mapansin ko si Raven na nakatayo sa tapat ng unit niya (na katabi ng unit ko), alam ko na ang gusto ng lalaking ‘to.
“Eto na!”
Pumasok na siya sa unit niya pagkatapos kong ibigay yung pinabili niya.
Walang hiya talaga!
“You’re welcome ha!” sigaw ko sa tapat ng pinto niya sabay dali-daling pasok sa unit ko.
Siya at si Oliver kasi ang nakakaalam ng sikreto ko kaya kapalit ng pananahimik niya ay ang bilhin ang anumang ipabibili niya sa akin for the whole year. Mabuti nga at minsan lang siya magdemand sa akin. Hohoho!
May pasok nanaman bukas. Akala ko, day-off ko sa pagpapanggap pag Sunday. Hindi pa rin pala.
Lahat ng pinapakita ko sa labas ng unit kong ito ay hindi totoo. Hindi naman talaga ako mahilig magshopping, magpaganda at lalo na ang pakikipagBOYFRIEND! Ginagawa ko lang yun para magustuhan nila ako. All my life, lagi na lang ako nag-iisa. Sarili kong pamilya, iniwan ako. Pero alam ko namang iiwan rin nila ako once na malaman nila ang tungkol sa buhay ko. Kaya hangga’t kaya ko pang magpanggap, gagawin ko kasi ayokong mag-isa.
RAVEN
“You’re welcome ha!” rinig kong sigaw ni Xyra sa labas ng unit ko
Napakalakas talaga ng boses nung babaeng yun, mabuti na lang at hindi nagagalit sa kaniya ang ibang tenants dito.
Kasama nanaman niya kanina yung mga plastic niyang kaibigan. Hanggang kailan niya ba balak magpanggap? Teka, bakit ko ba siya pinoproblema at iniisip? Pabor pa nga sa akin ang sitwasyon niya, nagkakaroon ako ng mga bagay na hindi ako ang bumibili para sa sarili ko.
Simula grade school hanggang high school, magkaklase na kami ni Xyra. She has always been the quietest girl in our class. Wala siyang mga kaibigan dahil snob siya at may intimidating aura. Kaya naman takot ang mga kababaihan sa kaniya at ang ilan sa mga kalalakihan. Madalas pa nga siyang napapatawag sa guidance offfice dahil sa pakikipagsuntukan sa mga lalaki. Pero dahil matalino siya at panlaban ng school, hindi siya nakikick-out. That was Xyra Helena Benzon, 10 years ago.
Ngayon, masiyado na siyang maingay at friendly. Nalaman ko kasing nasa iisang University lang kami nag-aaral. I did not stalk her, okay? Mukhang medyo sikat siya sa department nila dahil sa talino at “ganda” daw niya. Napansin ko ngang naging palaayos na siya, hindi tulad noon na wala siyang pakealam sa itsura niya. Minsan nga pumapasok yun na hindi man lang nagsusuklay.
“Kuyaaaaaaaaaaaaa!”
“Oh?”
“Kanina ka pa kasi nakatulala dyan sa may pinto, labasin mo na kaya si ate Xy?” sabi sa akin ng bunso kong kapatid na si Xena. (pronounced as Shena)
“Pabayaan mo na yun.” sagot ko naman sa kaniya sabay bukas ng TV
“Asuuus! Kunwari ka pa kuya eh. Hihihi!”
“Tatahimik ka o iuuwi na kita?!”
Xena: *pretending that she zipped her mouth*
“Good.”
After 5 minutes...
“HAAAAA! Hindi ko na talaga kaya kuya! Any minute now, darating na rin si mommy para sunduin ako kaya mag-iingay na ako ditoooooooooo!”
Napakakulit talaga nitong batang ito.
XYRA
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng Eleanor and Park nang,
*n/p: Ain’t it fun by paramore*
Tracy
Calling...
Ako: Hello?
Trace: Hi Xy baby! I am just going to tell you na we are not going to school bukas kasi we are so tinatamad. Instead, we are going to Tagaytay! Join us!
Nakuu! Sinasabi ko na nga ba. Kailangan ko gumawa ng excuse.
Ako: Sorry Trace, di ako pwede eh. Red days ko na, tsaka kailangan kong bumawi sa finals.
May narinig naman akong bulungan sa kabilang liniya, pero hindi ko mainitindihan yung mga sinasabi nila.
Trace: OMG. Di ka talaga makakasama kasi maswimming kami dun! Mica and Abby cannot make it as well. Next time, bawi kayo, okay?
Ako: O-oo. Sorry talaga.
Trace: Okay, ciao!
Then, she hung up.
Mabuti na lang, nakalusot ulit ako.
*ding-dong! *
Sino naman kaya yun?
*bukas ng pinto*
Sus, delivery nanaman pala mula sa kaniya. Meron pa naman akong pera ah? Pano niya kaya nalaman yung bagong address ko?
“Pa-sign na lang po ma’am.” nakangiting sabi sa akin ni kuyang delivery guy
Parang ang bata naman nito para maging delivery guy? At in fairness ha, may itsura siya.
“Thanks.”
Isasara ko na sana yung pinto nang pisilin ni delivery guy ang ilong ko.
“Bye Helena, take care!”
T-teka, pano niya nalaman yung second name ko?!!
Tiningnan ko yung pangalan na nakalagay dun sa plastic, Xyra Benzon naman ang nakalagay.
Hahabulin ko pa sana siya nang makapasok na siya sa elevator.
Sino kaya ang lalaking yun? Kilala niya ba ako?
Monday
9:30AM; school
Tapos na ang 1st subject namin at hanggang ngayon ay hikab pa rin ako ng hikab.
Hindi kasi ako nakatulog kagabi kakaisip kung sino ba yung delivery boy na yun na parang kilala ako o ewan! Pano niya ba kasi nalaman yung second name ko?! Stalker ko ba siya? O baka naman isa siya dun sa mga nakaaway ko dati at balak niya akong balikan?!!!
HINDI MAAARI! Matagal ko nang kinalimutan ang nakaraan ko.
“Xy! Huy!” yugyog sa akin ni Abby
“H-ha? Bakit?” tanong ko naman sa kaniya
“Kanina ka pa lutang dyan ah. Okay ka lang?” tanong naman sa akin ni Mica
“O-oo. Kulang lang sa tulog” namumungay kong sagot
Kanina pa ako hikab ng hikab. Mabuti nga at hindi ako napagalitan ng mga prof namin. Antok na antok na talaga ako.
“Napuyat ka nanaman sa kakabasa ng libro. Matulog ka na nga at wala naman tayong prof. Go na!” Abby
“Seryoso?” tanong ko sa kanilang dalawa
“Hindi, hindi. Tulog na kasi!” Mica
Si Mica at Abby ang pinakaclose ko sa aming pito.
Hindi sila katulad nila Casey na mahilig sa girly things, medyo jologs at sobrang kalog nilang dalawa kaya naman magkakasundo kami.
“Sige ha. Gisingin nyo na lang ako pag dumating na yung next prof natin.” sabi ko sa kanila
“Oo, kaming bahala.” sabay nilang sagot
“WOOOOOOOH! Hubarin mo na yan!”
Ang daming lalaki at bakit parang nasa isang bar ako? Hindi isa itong cabaret house. May mga babaeng sumasayaw sa pole, meron ring sumasayaw sa iba’t-ibang table. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung babaeng sumasayaw sa stage.
Napaluha ako sa nakikita ko.
Mabilis kong tinungo ang stage at pinagsusuntok yung mga lalaking humihipo sa mama ko. Oo, yung babaeng sumasayaw sa stage na pinagpepyestahan ng mga kalalakihan ay ang mama ko.
Nang mapatumba ko na yung mga lalaki, lumapit ako sa kaniya at niyakap siya.
“Ma, umalis na tayo dito. *cries*” sabi ko sa kaniya
“Hindi pwede anak, ito na ang buhay ko. Dito ko kinukuha ang perang binibigay ko sayo.”
“Hindi ko naman kailangan yung mga perang yun eh! Ikaw, ikaw ang kailangan ko ma! *cries harder*”
Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin sabay tinulak ako palayo sa kaniya.
Hinabol ko siya ng hinabol ngunit, hindi ko na siya naabutan. Palayo siya ng palayo sa akin, hanggang sa hindi ko na siya nakita.
Nag-iisa nanaman ako sa madilim na lugar na ito.
“Midz! Gumising ka na!”
Nararamdaman kong may yumuyugyog sa akin.
Pagmulat ko ng aking mga mata, tumambad ang mukha ni...
“OLIVER?!!!! ANONG GINAGAWA mo ditong balahura ka !!!!!!!!” sigaw ko sa kaniya
Napansin ko namang maraming mata ang nakatingin sa akin.
At higit sa lahat may professor ding nakatingin >__________________<)
“Ahehehehe. Peace po.” sabi ko habang nararamdaman ko na pulang-pula na ang mukha ko.
Dali-dali akong lumabas ng room at diretsong pumunta sa restroom.
Bakit ba kasi ako naniwalang gigisingin ako ng dalawang yun?!
Nakakainis talaga!
*kruuuuuuk.kruuuuuuuuuuuuuk* --> tunog ng tyan ni Xyra
Makapunta na nga lang sa cafeteria.
Nakalimutan ko kasing magluto ng lunch dahil sa kasabawan ko kanina.
Bumili na lang ako ng makakain ko at naghanap ng table.
Nakita ko namang nagtatawanan sa isang table si Mica at Abby.
Psh! For sure, pinagtatawanan nila ang pag-iwan sa akin sa room kanina.
Ano nanaman kayang alibi ang sasabihin nila sa akin mamaya.
Mukhang hindi pa nila ako nakikita, sa rooftop na lang ako kakain.
Walang pumupunta dito sa rooftop kapag mga ganitong oras, mainit kasi.
Pero may parte namang malilom dito kaya okay na rin.
Pero hindi ko inaasahang makikita ko ang isang ‘to dito.
Sa bagay, hindi naman siya magsasalita eh. Sobrang tahimik at SUPLADO nitong lalaking ‘to. Ewan ko nga kung anong nagustuhan ni Casey sa kaniya eh - 3-)
Maimbestigahan nga *______________*)
Pinagmasdan ko siya, tulog kasi (mabuti na rin yun para matapos ko ang aking mission bwahahahaha!). Dito pala siya tumatambay at natutulog? *lapit kay Raven* Infairness ha, makinis at maputi siya; ang tangos pa ng ilong at ang haba rin ng mga pilik mata niya. Pinaglihi kaya sa manika ang lalaking ‘to? At ang pula ng mga labi niya.
Dugdug.dugdug.dugdug.dugdug
*biglang layo kay Raven sabay takbo palabas ng rooftop*
O////////O) A-ano ba ‘tong mga pinag-iisip ko?!! *sampal sa sarili* Hindi! Naiinsecure lang ako sa kinis ng balat niya, oo ganun lang yun.
3rd person’s Point of View
Hindi na masiyadong nakapagconcentrate si Xyra sa mga sumunod niyang klase at nakalimutan niya na rin ang prank sa kaniya nila Abby kanina. Hindi na kasi nawala sa isipan niya ang mukha ni Raven habang natutulog ito.
“Ayoko na! T 3T) Masama pala talagang mangtrip sa taong natutulog. Uuwi na lang ako at magpapahinga, tama! Makakalimutan ko rin ang araw na ito ^_________^)” ani ni Xyra sa sarili
Ngunit, hindi niya inaasahang makakasabay niya pa si Raven sa elevator. Nagulat siya nang makita ang likod ni Raven. Hindi niya nga lubos maisip kung paano niya nakilala ito kahit na nakatalikod ito.
Nagpanggap na lang si Xyra na hindi niya nakita si Raven sa elevator. Nagtago siya sa may pinakasulok ng elevator at hinayaang matakpan siya ng ibang tao. Pabawas nang pabawas ang tao sa elevator, hanggang sa silang dalawa na lang ni Raven ang natira. Nakahinga pa rin ng maluwag si Xyra sa pagaakalang hindi pa naman siya napapansin ni Raven dahil nakaearphones ito, pero simula pa lang ng pagpasok ni Raven ay nakita na siya nito bago niya pa ito mapansin. Hindi naman maiwasan ni Xyra na hindi mapatingin kay Raven.
Dugdug.dugdug
“*yuko* WAAAH! Ano bang nangyayari sa akin?!! Si Raven lang naman yan eh >_______<)”
*ting!*
“Uy! Nandito na tayo.”
Nagulat si Xyra sa narinig. Ang buong pag-aakala niya kasi ay walang kaalam-alam si Raven sa presence niya.
“Ba’t parang nakakita ka ng multo dyan?” tanong sa kaniya ni Raven
“P-pano? Bakit?! O___________________O)”
“Anong pano, bakit? Tara na *grabs Xyra’s hand*”
Dugdug.dugdug.dugdug
Pilit na tinatago ni Raven ang ngiting gustong pumorma sa kaniyang mga labi. Maging siya’y hindi maintindihan ang nadarama kapag kasama si Xyra o kahit nasa paligid lang ito. Samantalang parang kamatis na sa sobrang pula ang mukha ni Xyra.
“B-bitawan mo na ako, nandito naman na tayo.”
Binitawan naman siya ni Raven. Dali-dali namang pumasok si Xyra sa unit niya dahil ayaw niyang makita ni Raven ang mukha niya.
Napangiti na lang si Raven sabay pasok na rin sa unit niya.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    EgieBoy Cosicol

    it's very authentic

    08/07

      0
  • avatar
    Harold Liaging

    thanks

    05/07

      0
  • avatar
    Khate Ashley Francisco

    Nice story

    27/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata