logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 1.Face

Kira's PoV:
Nakakabagot. Masyado yata akong napaaga sa school, 'di na kasi ako tumingin sa relo kanina kakamadali sa akin ni Tatsuya. Pinili ko na lang maglakad-lakad sa labas ng classroom habang wala pang klase, tutal may 30 minutes pa bago dumating ang teacher.
Hindi naman sa palagi akong mag-isa pero iyon na nga, kung si Tatsuya kaya niyang magmanipula ng ibang tao bukod sa talino at charm niya, ako naman pinili kong maging low key. Ayaw ko sa mga tao, masyadong magulo. Masyado silang madaldal kahit hindi mo naman pinapansin.
Napadaan ako sa field, may ilang mga kabataang naglalaro ng soccer. Mapa-babae o lalaki, kaunti lang dito sa Raimon ang naglalaro ng gano'n, kaya swertihan na lang kung magaling ka mag-dribble ng bola.
Umupo ako sa bleacher at pinanood sila kung paano maglaro. Hindi naman sa pagmamayabang pero isa yata akong professional player ng soccer, hindi lang halata.
Hanggang sa may mahagip ang mata ko sa field. Teka, parang nakita ko na siya.
Mabilis siya kung tumakbo, nahihigitan niya ang ilan sa mga players ng Raimon. Maganda din ang reflexes niya, masyadong maliksi para makagalaw ng malaya't hindi naaagawan ng bola habang dinidribble ito patungo sa net ng kalaban. Ang galing– TEKA, MAS MAGALING YATA AKO!
"Kazemaru!" Sigaw ng babaeng may berdeng buhok sa kasama niya habang pabalik ito sa bleacher kung na saan ako nakaupo ngayon.
Hmm... Kazemaru pala ang pangalan ng nakapukaw sa atensyon ko.
"Ohh?" Napahinto si Kazemaru sa pag-dribble niya ng bola. "Bakit, Midorikawa?"
"Time out muna, mag-uumpisa na ang klase." Sigaw nito sabay nagpunas ng pawis. Si Kazemaru naman ay uminom ng tubig.
In fairness, pareho silang hindi kagandahan pero may dating. 'Wag lang sana sila madanggit ni Kiyama.
Biglang tumingin sa'kin 'yong Kazemaru. Tumayo bigla ang balahibo ko kaya napaiwas ako ng tingin.
"Kanina mo pa ba kami pinapanood dito, Hiroto?"
Teka, kilala niya ako?
Naiilang akong kumausap ng tao, walang-hiya.
"O-Oo."
Ako lang ba o talagang nakakatunaw 'yong ngiti niya? Sira ka na Hiroto, masyado kang pathetic.
Napatayo na lang ako at akmang aalis na sana nang bigla siyang magsalita.
"Sabay na tayo Kira, magpapalit lang ako ng damit." Pagkatapos ay nagtungo na siya sa cr dala ang uniform niya.
Teka teka, 'di ko pa pala siya kilala, kaya paano niya ako nakilala? Tsaka anong sabay? Magkalapit lang ba kami ng room?
Hinintay ko muna siyang bumalik.
"P-Paano mo ako nakilala?" Tanong ko sa kaniya.
Narinig ko ang mahinhin niyang paghagikgik. "Duh? Vice President ako ng classroom natin tapos hindi mo ako kilala?"
Halatang wala akong kwentang kaklase.
Pagkapasok namin sa room ay nakita ko si Sir Kudou Michiya na siyang English Teacher namin na may kausap na isa pang teacher mula sa ibang department. May kasama din silang isang babae na dilaw ang buhok at matangkad. Halatang estudyante dahil sa pareho ng mga babaeng nag-aaral dito sa Raimon ang uniform niya.
Hindi ko sigurado pero parang nakita ko na siya sa kung saan.
Agad na natapos ang usapan ng mga guro at nagtungo agad sa harapan, kasama ang babae.
"Class, may bago kayong classmate." Sabay tingin niya sa bagong kakosa namin.
Oo kakosa tawag ko sa mga estudyante dahil ang paaralan ay siyang pangalawang tahanan ng mga bata, o mas madaling sabihing 'kulungan' para sa mga hindi kayang arugain, turuan o kung ano pa man ng mga magulang nila.
Naaawa ako para sa babaeng mapapadpad dito.
Ngumiti siya nang sumulyap sa buong klase, pero ang mas ipinagtataka ko ay bakit inihinto niya ang tingin niya sa pwesto ko?
"Magandang umaga," bati niya sabay nagbigay ng matamis na ngiti. Hindi niya ba alam na nakakasira ng kinabukasan ng normal na tao ang pagngiti niya?
"Ako po si Afuro Terumi, galing sa Kidokawa Seishuu."
Teka, Terumi? Saan ko ba 'yon narinig?
Chapter 1.5 : Shadow
Terumi's PoV:
Ilang araw na rin bago ako lumipat para mag-aral dito sa Raimon, at masasabi kong masyadong maluwag ang eskwelahang ito. Sakto para sa'kin, mas makakagalaw ako nang maayos.
Oras ng recess ngayon, at habang pabalik ako sa classroom ay bigla akong nakaramdam ng taong sumusunod sa'kin.
I mean, parang may nakasubaybay sa mga galaw ko.
Tumingin ako sa likod ko, pero wala naman akong nakita kung hindi ilang mga lalaki at babaeng may kaniya-kaniyang pinag-uusapan. Hindi ko na lang pinansin at sa halip ay pumasok na lamang ako sa klase.
Umupo ako sa pangalawang row sa bandang unahan, tabi ng bintana, doon kasi ako pinalipat ni Sir Kudou dahil iyon na lang ang bakante.
Pero bago ako umupo, napatingin ako sa lalaki sa likod ng classroom. Y'ong lalaking may kulay abo na buhok at tattoo sa kaliwang bahagi ng pisngi.
Kung bakit ako napatingin sa kaniya? May kakaiba kasi sa kaniya. Ang tahimik niya sa buong klase tapos y'ong nakakapukaw sa pansin na tattoo niya... Buti pinayagan siyang magpalagay no'n sa pisngi. Sa Kidokawa kasi bawal eh. Isang kalapastanganan sa kalinisan ang pagpapalagay ng gano'n lalo na sa mukha.
Kinuha ko na ang binili kong noodle sa canteen sabay kumain.
Kailangan may laman ang tiyan ko.
Inabot lang nang ilang sandali ang recess kaya't nagmadali ako sa pag-ihip at pagnguya ng pagkain.
Pasensiya na masyado akong masunurin, hindi ko kasi kayang maging pabaya sa klase dala na rin ng takot na kapag bumagsak ako, may masama pang mangyayari sa'kin sa bahay.
Hapon na nang mag-umpisa ang PE namin. Nagpunta agad ako sa locker room kasabay ang ilan sa mga kaklase ko. Magkahiwalay ang locker room ng mga lalaki sa aming mga babae, kaya walang bosohang magaganap sa pagitan ng magkaibang kasarian.
Lumipat ako ng school para manahimik, hindi para gumawa ng eksena.
Pero nagkamali yata ako ng pinasok.
Mali talaga.
Bubuksan ko pa lang sana ang locker ko nang may maramdaman ulit akong presensya ng ibang tao sa paligid, kaya napatingin ako sa kung saan.
"Ayos ka lang, Afuro?"
Napatingin ako sa nagsalita, si Ootani. Isa siya sa mga naunang bumati sa'kin noong unang araw ko dito sa Raimon. Makulit pero kahit papaano naman ay may maitutulong.
Napatango na lang ako. Ayokong makaabala pa sa iba lalo na sa hindi ko pa naman kilala. May trust issues ako sa mga tao kaya ganito ako, umiiwas lalo na kung ayaw kong maulit ang nangyari sa'kin dati.
"O-Okay lang."
Binalik ko ulit ang tingin ko sa locker sabay binuksan ito. Kinuha ko ang PE uniform ko pati ang rubber shoes sabay nagpalit na sa CR, pero bago ako pumasok sa banyo, napasulyap ulit ako sa labas ng locker room.
Nakaramdam ako ng kaba nang may maaninag akong lalaki sa hindi kalayuan.
Siya 'yon.
Y'ong kaklase kong lalaki na may kulay abong buhok.
Nahuli ko siyang nakatitig sa'kin na parang gusto niya akong kainin ng buhay.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    BelloNith Nith

    Naolll

    16/08

      0
  • avatar
    Marzel Vergara

    its so good

    13/06

      0
  • avatar
    Zyreill Espenido Bulandrina

    it's just that the world and I don't have a lot of people

    06/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata