logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 2

"Thracia, pinapatawag ka ni Papa." Nakarinig ako ng katok sa may pinto ko.
Narito ako ngayon sa loob ng maliit kong kwarto. Abala sa pagbabasa ng libro. Mahilig rin kasi akong mangolekta ng mga libro.
Sumimangot ako at inayos ang nagulong buhok.
"Bakit daw, Ate?" Anang ko at pinagbuksan siya ng pinto.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka umiling.
"I don't know." Sagot niya.
"Okay. Ligo lang ako, Ate Trix." Sagot ko.
Trixiyah Ella Fumar is my older sister. Dalawa lamang kaming magkapatid gayumpaman hindi kami masyadong close. Iba kasi ang hilig ko sa hilig niya
.
Tumango siya at naglakad na paibaba. Bumuntong-hinga ako at isinara na muli ang pinto.
Kinuha ko ang towel at saka tumungo na sa maliit kong banyo. Two storage ang bahay namin. Dalawang kwarto sa taas. Iyong akin at kay ate. Isang kwarto naman sa ibaba kay Papa.
Sakto lang naman amg kagamitan namin. Sakto lamang samin tatlo.
Simula nang iniluwal ako ni Mama sa mundong ibabaw ay kailanman hindi ko na siya nakita o naramdaman. Pagka-anak niya sakin ay agad siyang binawian ng buhay. Hindi daw niya nakayanan.
May sakit kasi siya sa puso. Kaya si Papa double purpose. May Mama na may Papa. Kaya proud ako sa kanya.
Limang minuto rin ang lumipas ay natapos na akong naligo. Kumuha lamang ako ng plain tee shirt at ripped jeans sa closest ko. Agad ko itong sinuot. Nag-ayos lamang ako ng kaonti bago pumanhik paibaba.
"Pa?" Ani ko sabay halik ko sa pisngi niya.
He caressed my cheeks and then smiled.
"Hmm, Isasama sana kita sa painting exhibit ngayon, anak. Maraming gustong mag-canvass ng mga artworks mo, anak.
Noong nakaraang taon nga e, pinag-agawan iyong gawa mo." Nakangiti niyang sabi.
Nagkamot ako ng ulo at tumingin sa kulay puting pader namin. May limang paintings ay nakasabit doon.
Tuwing bakasyon ko kasi ay hilig kong mang-ukit ng mga larawang napapaloob sa imahinasyon ko.
"Nakakahiya po." Sagot ko.
Naupo ako sa lumang couch namin. Mahina siyang natawa.
"Bakit ka naman mahihiya? Kung wala naman ginagawang mali.
Dapat maging proud ka pa nga e." Nakangising saad ni Papa.
Lumingon ako kay Ate na abalang nag-yoyoga sa may labas ng sala.
She's a gymnastic coach.
Hilig niya ang mga sports. It suits her.
Ngumisi ako at mahinang tumawa. Si papa talaga. Parati akong pinupuri! Kaya mahal na mahal ko siya.
"Okay, Pa. Kunin ko lang po bag ko at magsasapatos na rin." Sagot ko.
He patted my head. Nag-okay sign siya, umaliwalas ang mukha at masiglang tumakbo patungo sa itaas. Hindi naman halatang supportive ang Papa ko.
"I love that! Water colors are so pretty." Ani ng katabi kong babae.
She wore a black body con dress. Para siyang magiging candidate sa suot niyang mataas na stilleto.
Lumingon ako doon sa sinabi niyang painting. I found it, realistic. Isang babae na may hawak ng mala-cinderella na type ng gown habang nakatingin ng malaya sa malaking simbahan.
Sa tingin ko hinihintay niya ang prince charming niya roon. Sa istilo pa lamang ng pagkakaguhit sa kanyang mukha mararamdaman mo na ang kalungkutan.
Siguro'y ikakasal na ang prince charming niya sa loob ng simbahan sa ibang babae, hindi sa kanya. She's waiting in a longtime.
"It's kind of awesome. I loved it. We should buy this?" Nakangiting saad niya.
Kahit gaano man kasimple ang desinyong ito? Alam kong lubos na nag-ingat ang may obra nito.
Bakit parang bumigat ang pakiramdam ko. Sa tuwing nakakakita ako ng malulungkot na larawan? Nalulungkot na rin ako.
Bilang artist, iba ang vision at perspective namin sa mga pintang ganito. Masyadong malawak ang pakakahantungan ng pag-iisip namin.
Nagkibit balikat na lang ako at inabala na lamang ang sarili sa iba pang larawan na naroon.
Pumirmi ang aking paningin sa babaeng inukit ng isang sikat na pintor noong taong 1665. Century na ito.
"Johanness Vermeer." Pagsinghap ko. Idol ko rin kasi siya maliban kay Leonardo Da Vinci at Michelangelo.
Tumingin ako sa description.
"The painting is a trone, the Dutch 17th century of a head that was not meant to be a portrait.
It depicts a European girl wearing an exotic dress, an oriental turban, and an improbably large pearl earring." Manghang ani ko.
Sa isang malawak na museum na puno ng mga obrang hindi at napapanahong larawan. Ang mga sikat ay nakapwesto sa bandang huli na nakalagay sa mga makakapal na salamin upang mapreserve ang angkin kagandahan nito.
"In 2014, Dutch astrophysicist Vincent Icke raised doubts about the material of the earring and argued that it looks more like polished tin than pearl on the grounds of the specular reflection, the pear shape, and the large size of the earring." Nagulat lamang ako ng may nagsalita sa likuran ko.
Sumingkit ako at tinignan ang kanyang kabuuan.
A taller man standing behind my back. His perfect jaw and a mysterious eye suit him.
Ang katawan nitong naayon sa panahon, makisig. He is a masculine and well defined.
Katamtaman na kulay na nababagay sa kanyang kutis. His hair cut clean and neat.
Matangos ang ilong at may manipis na mamula-mulang labi. Masculine and gorgeous guy looking. Para siyang isang prince charming.
Tumikhim siya at tinignan ang kabuuan ko. I gulped. Hindi pa naman ako nag-ayos. Nakakahiya.
He chuckled. Tila may dumaloy ka kuryente sa buo kong katawan ng magkatitigan kami, tila ang pagtibok ng puso ko ay bumilis ng bumilis.
No! Hindi ka na love at first sight, Thracia! NO!
Umangat ang ibabaw ng labi niya kapagkuwan ay naglakad paalis habang ako ay naiwang naka-nganga.
Ipinilig ko ang ulo ko at tumingin sa kanyang likod. Kasama niya iyong babaeng inglesera kanina.
"Anak? Ano kamusta naman? Maraming magandang paintings. Nagustuhan mo ba?" Sambit ni Papa.
Ngumiti ako at saka tumango.
"Oo nga po, Pa." Sagot ko.
"Tara na't maglibot muli!" Masiglang sabi ni Papa.
"How to paint on canvas for beginners po?" Anang batang babae sakin.
Kanina kasi habang naglilibot kami ni Papa? Nakita ko siyang seryosong nakatitig sa mga paintings na nasa harap niya.
Nakakatuwa lang na isipin na sa mga oras na ito? May isang taong nagkakagusto ulit sa sining.
Sa tuwing weekends? Halos buong araw ako nagpipinta!
"Abstract? Bakit gusto mo ang abstract?" Nakangiting tanong ko.
Pumantay ako sa kanya at tinignan ang mata niya. Sigurado ako kapag paglaki niya? Maraming lalaking maghahabol sa kanya dahil napakaganda niya.
Sumilay ang pantay niyang ngipin sa aking paningin ng ngumiti ito.
"Mommy told me abstract painting is amazing." Sagot niya.
Mahina akong humalakhak sa kanyang sinagot. Malawak ang kanyang kaisipan. Siguro'y ang kanyang mga magulang ay taga hanga rin sa mga ganitong bagay.
"For beginner? You should paint a gestural abstract art." Anang ko.
Ngumuso siya at mahinang humagikhik.
"I'm already six po. But I don't know how to create ng ganoon po?" Inosenteng sabi niya.
"Makes your heart and soul happy. Move your canvass to the floor. Clear your mind. Mix your paint directly on the canvass." Maikling sagot ko.
Nagulat ako ng makita kong kumuha siya ng isang malinis na papel at isang lapis pagkatapos inabot sa akin.
"Can you write those words you say po?" Magalang niyang ani.
Tumango ako at tinanggap ko iyon. Natutuwa ako sa kanya. She's awesome and cute.
"Pour paint onto the canvass, optional. Splitter or drip paint onto the canvass, optional. Try closing your eyes and painting." Dagdag ko habang sinusulat ang mga sinasabi ko sa kanya.
"And lastly, stop when the painting feels complete." Anang ko pagkatapos ibinalik sa kanya ang papel na hawak ko.
"You're great painter po. Ang ganda ng mga paintings niyo kahit hindi ko po masyadong maintindihan ang iba po." Masigla niyang sabi.
Tumawa ako at saka ginulo ang kanyang buhok. Too much praise can make you feel uncomfortable.
"When I was a kid? Alam mo bang parati akong nasa bukid ng mga lolo ko habang malayang nagpipinta? I like a place to hide, a peaceful one." Dagdag ko.
"Can I have a hug po? Ang bait niyo po tapos ang ganda pa po." Mahina niyang usal. She pouted.
Ngumiti ako at saka niyakap siya ng mahigpit.
Naalala ko dati na sa tuwing nakakapagpinta ako? Feeling ko ang gaan gaan na ang aking pakiramdam.
"May I know your name po? Idol na po kita from now on." Umismid ako at hinaplos ang mga malulusog niyang pisngi.
"I'm Thracia Ellice Fumar. And you're?" Nakangiting ani ko.
Inilahad niya ang maliit niyang kamay sa akin.
"I'm Frozy Gem po." Magalang niyang sagot.
"Ang ganda naman ng name mo, Frozy. Kasing ganda mo." Saad ko.
"Thank you po, Ms. Thracia. Nice to meet you po!" Magalang niyang sabi.
Inayos ko ang buhok niyang nagulo dahil sa sobrang kulit niya nasira ito.
"It's my pleasure, honey." Malawak ang pagkakangiting ani ko.
Kapagkuwan ay may tumikhim sa likuran namin.
Naroon si Papa na masayang nakatitig sa aming dalawa.
"Anak, tara hinahanap ka ni Mr. Escarez. Nagustuhan niya muli ang mga obrang gawa mo." Nakangiting ani Papa.
Tumingin ako kay Frozy at muling hinawakan ang kamay niya.
"I have to go, Frozy. See you soon." Hinalikan ko siya sa pisngi at saka nag-paalam na,

Komento sa Aklat (86)

  • avatar
    Remart Lovero

    keo ueixbidbcudbcidncjcefnuncu ncrcecucuedcneuffneucehcehcruxxduhxudhxhenπŸŒ’πŸ°πŸ¦–πŸ™‰πŸ¦“πŸ˜πŸ™‰πŸˆβ€β¬›πŸ¦–πŸŒ’πŸ˜πŸ½πŸ‡¦πŸ‡½πŸ’πŸ‰πŸ˜πŸ¦„πŸ˜₯πŸ‰πŸ¦“πŸ΅πŸΆπŸ€«πŸΆπŸ€«πŸΆπŸŒ’πŸŒ•πŸŒ’πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸŒ’πŸ¦“πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ½πŸ’πŸ˜₯πŸ˜₯

    3d

    Β Β 0
  • avatar
    Rachel Ann Reyes

    fdrf

    20d

    Β Β 0
  • avatar
    MonsingJerick

    wow ang ganda

    29d

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata