logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

OUR PAINT OF LOVE

OUR PAINT OF LOVE

MEDDYTINA


KABANATA 1

"Start your day right by whipping up a delicious breakfast for you." Anang commercial sa telebisyon.
Lumunok ako ng bahagya.
Habang umuunsad ang buong trapiko sa lawak ng kamaynilaan! Ngunit ito ako at hinahabol ang pagpatak ng bawat oras upang mapasukan lamang ang unang klase.
Nalalanghap ang iba't ibang amoy ng tao sa loob nitong MRT.
Sa katunayan basta ba maaga ang klase ko, ganito parati ang nangyayari sa akin.
Inaalala ko kanina iyong pagkain na inihanda sa akin ni Papa. Hindi man lang ako nakatikim. Ilang minuto ang lumipas ang bahagyang tumunog ang tiyan ko.
Napangiwi at bumuntong hinga ako. Buti na lamang at walang naka-rinig.
Ito ang napapala sa mga kagaya kong mahilig sa salitang late.
Kinuha ko na lamang ang crackers sa aking bulsa at saka kinain 'to upang maibsan lamang ng kaonti ang gutom.
Ilang minuto ang lumipas ay agad akong natapos sa kinakain.
Napa-ilag ako ng kaonti upang bigyan ng daan ang matandang may hawak na maleta. Panay ang sulyap ko sa aking wristwatch at minsan nama'y mahinang kumakanta upang mabawasan ang aking inis.
Napabuntong hinga na lamang ako ng bigla akong nahagip ng lalaking may malaking katawan, na hindi man lang humingi ng tawad. Napaurong akong muli sa ikalawang pagkakataon.
Huminahon ka Thracia Ellice! Huwag idadaan sa init ng ekonimiya ang pagiging madaldal mo!
Bumuntong hinga ako at ilang ulit na pinapakalma ang sarili sa sobrang stressed.
Sumulyap ako sa kaliwa ko. Hawak nito ang makapal na libro habang kunot noo na nagbabasa.
Napailing ako. Bumaling naman ako sa kanan. Abala itong nag-aayos ng perpekto nitong kilay. Kada mali ay agad niya itong binubura. Kilay goals!
Minutong-minuto niya itong ginuguhitan kapagkuwan ay sisimangot kapag nagkamali.
Napailing ulit ako. Ako lang ata ang tanging babae ay hindi magaling mag-ayos ng kilay. Na-concious tuloy ako. Hinagilap ko saking backpack ang maliit kong dalang salamin.
Tuwid na buhok na mayroong tuwid na bangs na pantay-pantay. Pisngi na tila mamon at labing manipis na may hugis puso. Ilong na matangos at matang malinaw.
Napangiwi ako ng makita ko ang aking mukha. Nakalimutan kong maglagay ng lipstick sa maputla kong labi. Sinampal ko ang aking dalawang pisngi upang mamula ang mga ito.
Lumilinga ako at siniguradong walang nakakita saking ginawa. Magmumukhang baliw ako nito!
Paghinto ng tren. Unusual para kaming magdirigma na sasabak na muli sa panibagong gera. Mahigpit na hinawakan ko ang aking backpack at agad na makibaka. Sabi nga nila? Makibaka, huwag matakot!
Nagmamadali akong nag-swipe ng card at saka tumakbo patungo sa over passed. Ipinuyod ko ang aking buhok at gigil na tumakbo. Hingal na hingal akong tumungo sa terminal ng jeep at agarang umupo.
Itinaas ko ang aking kilay sa babaeng pasahero na sumunod sa akin.
She was wearing a red long sleeve and fitted skirt.
Nakatingin siya sakin na animo'y reynang bibigyan ng gintong upuan!
Nakakapagod rin naman maging concern citizen ngayon! Kailangan maging praktikal na ang buhay.
Kung sa babaeng ganyan ko rin ibibigay ang upuan ko! No! I won't! She's not too old for that.
I rolled my eyes at her. Hindi ko gusto ang galawan niya.
"Excuse me?" Ani Niya.
Hindi ko siya pinansin at umurong lamang ng kaonti upang bigyan siya ng maliit na espasyo.
Narinig ko ang pagsinghap nito.
"Pareho-pareho tayong nagbabayad rito! So please guys, don't be stubborn." Parinig ko sa kanya.
Nong sumigaw ang konduktor na aandar na ang jeep ay walang siyang pag-aalilangan na umupo.
Mahina akong humagikhik. Akala niya ay madadaanan niya ako sa mga ganoong galawan? Pwes. Nagkakamali siya.
Thirty minutes rin ang lumipas ay nasa tapat na ng Unibersidad ang jeep na sinasakyan ko.
"Para po!" Sabi ko.
Lumingon ako sa aking katabi. Nakita ko ang pag-irap niya at mahinang bumulong. I just give her a graceful smile, bago ako nagpasyang bumaba.
My father said that, be like a diamond. Who doesn't lose real nature in any situation?
Kinapa ko ang id ko sa backpack ko then I give it to the bodyguard.
Binigyan ko ng isang magandang ngiti si Manong Ricci pagkatapos niyang ibalik sa akin ang id ko.
"Good morning." Wika ko.
Nginitian ako nito at saka magalang na sumaludo.
"Magandang umaga rin po, Ma'am." Sagot niya pabalik.
Binuksan nito ang gate para sakin. Nagpasalamat muna ako sa kanya bago tumuloy sa loob ng unibersidad.
"You're late! Bakit ngayon ka lang? Tapos yan itsura mo, para kang sundalo na isinabak sa marawi." Sermon sakin ni Gail.
"Practice teacher ka, Thracia Ellice! Maging magandang ehimplo ka naman sa mga estudyante dito." Dagdag niya.
Tumingin siya sa backpack ko at bumuntong hinga.
Malambing akong kumapit sa braso niya. Siya si Gail Chloe Custudio. A fine arts teacher. Matalik kong kaibigan magmula palang noong nasa elementarya kami.
Nakasanayan ko na rin kasi itong dala kong backpack. Hindi ako sanay sa clutch o hand bag. Naiirita ako.
"Gail, alam mo naman sa bahay diba? Maraming gawain." Palusot ko.
"Umayos ka. You're soon to be a teacher? Act like one." Aniya.
Umiling siya. Inayos nito ang eyeglass na suot at nagsimula ng maglakad.
Napangiti ako. Kahit sinusungitan ako niyan. Alam kong mahal niya ako.
Thracia Ellice Fumar. A practice teacher of fine arts. Dalawampu't isang taong gulang.
Ang mga larawang kupas na muli namin nabibigyan ng panibagong kulay at buhay.
Ilang dekada na ang lumipas ay halos nawawalan na tayo ng mga mahuhusay na pintor. Noong bata ako sa tuwing dadaan kami sa mga pader na may pintura at mga iba't ibang guhit. Kumikinang ang mga mata ko.
Pakiramdam ko ang damdamin ko ay nakalaan na sa pag-guguhit. Isinumpa ko sa sarili ko na ang pagmamahal ko sa sining ay hindi mawawala.
Art is a means for bringing imaginative intensity to life. An artist can see what others can only catch a glimpse of…
Simula nang tumungtong ako sa elementarya hanggang sa nagtapos ng kolehiyo. Hindi nagbago ang isip ko.
Siguro kong hindi ako tumigil ng isang taon sa pag-aaral? Pareho na kaming nagtuturo ni Gail. Wala naman akong sinisisi.
Nangyari na ang lahat. Araw araw tayong magkakaroon ng problema ngunit depende na sa atin kung paano natin ito haharapin.
Pumasok ako sa silid aralan na naka-aasign sa akin at seryosong inilapag ang back pack sa tabi. Napasilip ako ng kaonti sa mga estudyanteng tinuturuan ko na may kanyang-kanya gawain. Harsh of reality.
Napabuntong-hinga ako. Atleast hindi nila naramdaman na late ako. I bit my lowered lip then grin widely. I think I am superhero. Magaling lumipad nang hindi napapansin.
Tumikhim ako at seryosong itinuon ang paningin sa harapan.
"Magandang umaga." Seryosong ani ko.
Tumingin sila sa aking lahat at sabay na bumati.
Humawak ako sa edge na lamesa habang binubuklat ang makapal na libro.
"Ituloy na natin ang naudlot na long quiz kahapon." Saad ko.
Narinig ko ang mahinang singhap nila.
"But, Miss Fumar!" Wika ng isang estudyante ko.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Stop it, let's just proceed to our lesson!" Walang kagatol-gatol na sabi ko at nag-umpisa ng basahin ang questionaire na hawak ko. Naka-ipit siya sa libro.
Umangat na lamang ang gilid ng aking labi habang binibigkas ko ang bawat salitang nakasulat sa papel. Habang pinapanood ko ang mga bawat galaw nila natutuwa ako.
May iilan na seryosong nagsusulat. May ilan na napapakamot na lamang sa ulo dahil hindi alam ang sagot at iba naman ay bahagyang sumisilip sa katabi upang makasagap ng sagot.
Learning each day? Ganito ang natutunan ko sa mga estudyante kong freshmens.
"Miss Torres. Can you please focus your eyes on your paper!" I said
Humiyaw ang lahat at ang iba naman ay may kasama pang-ngisi.
Nakita ko ang masamang pani-titig ng babaeng estudyante ko.
"I hate cheater. I saw you a while ago, pinabayaan lang kita ngunit baka masobrahan ang ginagawa mo." Pagpapaliwanag ko.
Nahihiya siyang yumuko. Maybe I'm just a pratice teacher, ngunit nararapat din naman nila akong igalang.
"Time's up, please pass your papers." Wika ko.
Nagpaalam sila sa akin at isa't isa ng umalis.
This time I really sure, na makakain na ako ng marami.
"Mr. Briones. Maiwan ka muna? May pag-uusapan tayo." Sambit ko.
Lumingon siya sa akin. Muntik na siyang napaluhod sa sahig. Mali kasi ang balanse.
"M-Ma'am?" Nauutal niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. Namumula ang pisngi niya at medyo pinapawisan na rin ang noo niya.
"Are you okay?" Nag-aalang tanong ko. Typical na nerd. Lumapit ako sa kanya.
"O-Okay l-lang po." Sagot niya.
Tumango ako at kinuha ang panyo sa bag ko.
"Ipapabuhat ko lang sana sa iyo itong libro. Okay lang ba?" Nakangiting ani ko.
Namula muli ang kanyang pisngi at mabilis na tumango.
"O-Opo." Nahihiyang sabi niya.
Ngumiti ako at inilahad ang kamay.
"Tara na sa canteen? Gutom na gutom na ako." Sabi ko at nauna ng maglakad.
Mabait naman itong si Arno kaya hindi ako nag-aalilangang magpasama sa kanya.
Pagpasok namin sa cafeteria ay agad akong pumila. Nakakatunaw ang bawat tingin sa akin ng mga estudyanteng narito sa loob.
Napa-iling na lamang ako. Sa apat na taon ko sa pag-aaral! Kahit kailan ay hindi nawala sa mga estudyanteng tulad ng mga ito na magbigay ng observation.
"Thracia, anong sayo Hija?" Nakangiti ani Manang Luz sakin.
Siya ang humahawak sa cafeteria. Isa rin siyang guro dati ngunit nang mag-resign siya ay minabuti niyang hawakan ang cafeteria.
Iyong ibang humawak nito kasi hindi na nakatagal dahil sa mga estudyanteng hindi marunong magbayad.
Mabuti na lamang at istrikto si Manang Luz, syempre ginagalang rin siya rito.
Hinawakan ko ang baba ko at sumilip sa food stall nila.
"Pahingi po ako ng dalawang tinola, dalawang kanin at dalawang pinakbet." Ani ko.
"A--" Lumingon ako kay Arno at saka kumindat.
"Don't bother. Libre Kita." I smiled.
Nagkamot siya sa ulo at umiling.
"A-Ako n-nalang po sa softdrinks." Bahagya siyang lumunok.
"Then, thank you." Kibit balikat kong sagot.
Naupo na kami sa lamesa at inilapag ang dalang gamit. Umaga lamang ang klase ko ngayon kaya marami akong oras para maglibang.
"You know what? She's ugly! Duh. She's not belong with us." Narinig ko sa katapat namin upuan.
Sumingkit ang mata ko at bumaling sa tapat.
"Sino yan?" Tanong ko kay Arno.
"Po?" Nagtatakang tanong niya.
Ngumuso ako sa direksyon ng mga kolehiyala.
"Mga gossip girls po." Sagot niya.
Tumango ako at pinagsalikop ang dalawang kamay.
"Wala silang galang." Mariin kong sambit.
Tumitig ako at inaral ang bawat galaw nila. They're four girls. Magaganda. Sexy kong manamit. Mapuputi at wagas kong mag-kilay at mag-lipstick. Putok ang mga pisngi sa mapupulang blush-on na gamit.
"Huwag niyo na lang silang pansinin. Sanay na po kami sa kanila." Mangungongbense niya.
Umiling ako.
Kapag hahayaan mo ang mga iyan sa mga maling gawain masasanay sila! Hindi maaring i-tolerate ang ganyang behavior sa loob ng campus.
"Mga walang magawa sa buhay. Mag-sabi ka sakin kung pinag-uusapan ka nila! Okay!" Anang ko.
Ngumiti siya sakin at nagkamot ng ulo.
"O-Opo k-kahit c-college n-na a-ako. Pangako po." Bahagyang namula ang pisngi niya
.
Malawak akong ngumiti at bahagyang tinapik ang kanyang balikat.

Komento sa Aklat (86)

  • avatar
    Remart Lovero

    keo ueixbidbcudbcidncjcefnuncu ncrcecucuedcneuffneucehcehcruxxduhxudhxhenπŸŒ’πŸ°πŸ¦–πŸ™‰πŸ¦“πŸ˜πŸ™‰πŸˆβ€β¬›πŸ¦–πŸŒ’πŸ˜πŸ½πŸ‡¦πŸ‡½πŸ’πŸ‰πŸ˜πŸ¦„πŸ˜₯πŸ‰πŸ¦“πŸ΅πŸΆπŸ€«πŸΆπŸ€«πŸΆπŸŒ’πŸŒ•πŸŒ’πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ€«πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸ₯ΊπŸ¦“πŸŒ’πŸ¦“πŸ¦“πŸ₯ΊπŸ½πŸ’πŸ˜₯πŸ˜₯

    3d

    Β Β 0
  • avatar
    Rachel Ann Reyes

    fdrf

    20d

    Β Β 0
  • avatar
    MonsingJerick

    wow ang ganda

    29d

    Β Β 0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata