logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Winters POV
binendahan ang binti ko ni nurse Lara, agad nya ding itinawag kay mama na nandito ako sa clinic kaya naman nagmadali syang pumunta agad dito sa school
"ano ba talagang nangyari anak?" nag aalalang tanong ni mama saken
"hindi ko kasi napansin yung sirang kabinet kaya tumama yung binti ko dun habang nag lalakad ako" pag papalusot ko na lang kay mama, ayokong mag alala sya at ayokong mag home schooling
"buti na lang po at may nakakita sa kanya kaya nadala po agad sya dito, namamaga na po kasi yung binti nya, first aid lang po yung nilagay ko pero mas makakabuti kung ipapa x-ray ang binti nya" nurse Lara
"nasan na yung nag dala sayo dito? gusto kong mag pasalamat sa kanya" mama
"umalis na sya ma pagkatapos nya akong ihatid dito" saad ko
"nag patawag na po ako ng ambulansya para madala agad sya sa hospital" Nurse Lara
"salamat Nurse Lara" mama
ilang minuto lang ay inilipat nila ako sa stretcher ng dumating na ang ambulansya
pinilit ko sa kanila na wag na lang akong dalhin sa ospital kasi medyo ok na naman yung binti ko pero nag pumilit pa rin si mama kaya wala na akong nagawa, nakita ko pa si sir James na tumatakbo palapit sa amin kaya napatigil kami
"good afternoon ninang" bati ni sir kay Mama
"James" mama
tumingin naman agad si sir James saken ng may pag aalala
"Winter, ayos ka lang? may masakit ba sayo? inaatake ka na naman ba?" sunud sunod na tanong ni sir saken
"ayos lang po ako" pilit na ngiting sagot ko dito
"sigurado ka?" tanong ulit nito kaya tumango ako
"Mam, kelangan na po natin umalis" saad nung nurse na magdadala saken sa ospital
ipinasok na ako sa loob ng ambulance kasama si mama
nakita ko pa na kausap ni sir James si Nurse Lara bago tuluyang isara ang pinto ng ambulance
"ma, pano na yung kotse mo?" saad ko dito
"hayaan mo na muna yun anak, ang mahalaga, masuri agad yang binti mo, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nang yari sayong hindi maganda" naluluha nitong saad saken
"ma naman, malayo to sa bituka tsaka hindi naman to ang ikakamatay ko e" pilit na biro ko dito
"wag ka ngang mag salita ng ganyan Winter" naiiyak na sagot ni mama saken, alam kong di magandang biro yun pero wala akong maisip para pakalmahin si mama
"sorry, wag ka ng umiyak ma, ayos lang talaga ako, gagaling din to, magaling na nurse si Nurse Lara kaya hindi to lalala" pag kukumbinsi ko kay mama na mahigpit na nakahawak sa kamay ko
"kailangan pa rin nating masiguro na hindi ka nabalian" mama, wala na kong choice, nandito na din naman ako, wala na kong magagawa
nanahimik na lang ako, hindi ko masisisi si mama kung bakit oa sya pag dating saken kasi sabi nya, ito na lang daw ang magagawa nya saken sa mga natitirang oras ko, ayaw nya na masasaktan ako, kahit nga kagat ng lamok, nag papanic sya
kaya ayoko ding malaman ni mama lahat ng nangyayari saken sa school namin kasi mas mag aalala sina mama saken, ayoko din namang sabihin sa mga teacher namin kasi makakarating kina mama
"nurse sigurado bang ok lang anak ko?" tanong ulit ni mama sa nurse na kasama namin dito sa ambulance
"opo Mam, ok naman po sya, ok naman po ang vital signs po nya, wag na po kayo mag alala, malapit na din po tayo sa ospital" nakangiting sagot naman ni nurse Clark, nakita ko sa pin nya
"ma, ok lang talaga ako kaya wag ka ng mag alala" pangungumbinsi ko kay mama
oa talaga si mama, pero eto yung mamimiss ko kay mama, yung pag aalaga nya saken, yung pag aalala nya saken, lahat lahat, she personally take care of me, kahit may mga kasambahay kami si mama talaga ang nag aasikaso saken
nakarating kami ng ospital at si mama siguro naka 20 beses tinanong si nurse Clark kung ok lang ba talaga ako, natatawa na lang ako kay Nurse Clark kasi napapakamot na lang sya sa ulo nya kada mag tatanong ulit si mama
agad akong dineretso sa x-ray room
"napano ang binti mo Win?" tanong ni ate Riza, yung radiologist nila dito, kilala ko na halos lahat ng staff dito sa ospital, suking suki nila ako
"sumabit lang po kasi nag mamadali ako kanina" pagsisinungaling ko
"tumakbo ka?" pagtatanong nya
"hindi po, napabilis lang yung paglalakad ko kaya di ko napansin yung nakaharang sa dadaanan ko" sagot ko ulit
"Win, I know this kind of wounds, hindi to basta basta nakukuha sa pag kabunggo lang basta" seryoso nitong saad sabay ayos ng salamin nya
she's 28 years old, napakabata pero napakagaling din nya sa profession nya, I admire her, kung mag kakaroon ako ng chance mabuhay ng matagal, I want to be like her
"I know you Win, but be careful, alam mo naman ang mama mo, nagpapanic agad pag may nangyayari sayo" saad nya, saka ako tinulungan na makaupo sa whechair after ng pag eexam nya sa binti ko
ngumiti na lang ako sa kanya, she knows me well, I'm her first patient after all since mag start sya dito, she's like a big sister to me

Komento sa Aklat (109)

  • avatar
    Cassandra Marie Oliver Pajarillo

    Ang sakit naman neto takte ano ba naman yan author eh bat nagpapaiyak ka naman😭😭😭 btw more story to make basta wag lang yung nakakaiyak na tulad nito ha? HAHAHAHA JOKE LANG

    13/07/2022

      0
  • avatar
    FelipeAdrian

    nice

    20d

      0
  • avatar
    Bheng

    nice story

    20d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata