Maagang nagising si Lance dahil narin sa ingay ng kanyang alarm clock. kinuha nya ang phone nya at binitbit na ito palabas ng kwarto.Nag diretso agad sya sa kusina para mag breakfast.Kahit paano ay kabisado na ni Lance ang bawat kantuhan ng bahay kaya hindi na sya mahihirapan kung gusto man nyang kumain o mag timpla ng kanyang kape. Maayos nyang naitapat sa termos ang kanyang tasa at na lagyan ng kape at gatas.Iba’t iba ang hugis ng lalagyan ng kape,gatas at asukal upang matandaan nya kung alin ba sa mga iyon ang dapat gamitin.May mga pagitan din ang mga ito sa iba pang gamit doon para madali nyang ma-identify ang mga bagay-bagay. He’s going to enjoy now the arauma of coffee.Ang isang bagay na nakakapag pagaan ng araw nya. “GOOD MORNINNNNG!” Naibuga pa ni Lance ang kanyang kape na kaka higop palang nya. “Huh! anong ginagawa mo dito!? paano ka naka pasok!” tinutukan nya ng kanyang baston ang babaeng akala mo ay manok na kakagising lang sa umaga. “Ano ba yan! sala naman ang tutok mo.Dito Oh!” kinabig ni Lisette ang baston at itinutok sa kanyang puson. “Werdo,” bulong ni Lance.Narinig naman ni Lance ang pagkalansing ng mga susi malapit sa kanyang tenga. “Stop it! masakit sa tenga ano yun?!” “It’s K as in Keys!” “Keys? may susi ka ng bahay namin!? mag nanakaw!” Sinapo ni Lisette ang kanyang noo ng palad nya.Tila dismayado sya kay Lance. “Ako? magnanakaw? sa ganda kong ‘to!” “So bakit May susi ka sa bahay ko!? kawatan ka no!” “Kanina magnanakaw ngayon kawatan,anong sunod?” “So bakit nga! just make it clear to me,stupid.” “Aray ha! maka stupid ka dyan..pinakiusapan Lang naman ako ni ate Janice tsaka ni kuya Lloyd na bantayan ka ‘no!” Naka nguso ito habang nag papaliwanag. “Wag mo nga akong pinag luluko,kung totoo na pinapunta ka dito ni Lloyd para bantayan ako di sana kahapon ka pa nila pina kilala sakin.” “Kasi po…I will explain to you ha para you’re not duda-duda to me,Ganito yon.Kaya Hindi nila sinabi sayo na nag e-exist na ako since yesterday pa lang eh dahil alam ni kuya Lloyd at ate Janice na di ka papayag kasi ayaw mo ng ibang tao sa paligid mo maliban nalang sa kanila.Come to think of it Lance Garcia…aalis ba sila ng wala manlang titingin sayo? eh lagbu ka nga.” “What!?” Hindi na naman maintindihan ang sinabi nito sa huli nyang salita.Di malaman ni Lance kung talaga bang tao ang kausap nya o Alien. “What?” ginaya Lang ni Lisette ang sinabi nito.Nalalong nagpa inis sa binata. “Please I don’t have time to joke around ok…umalis kana kung nang ti-trip ka lang miss.” “Ayaw mo paring maniwala? kakilala ko nga si kuya Lloyd dahil pinsan ko si ate Janice diba last month Lang sila kinasal ngayon Lang sila makaka pag out of town dahil ngayon Lang sila naka pag leave sa trabaho nila.” “Pinsan ka ni Janice? bakit di ko sinabi agad?! bakit May pa friendly kapit bahay kapang nalalaman-“ “correction it’s new friendly kapit bahay….Hindi ko sinabi kasi sinungitan mo ako agad gusto Lang naman kita sanang biruin kaya Lang dyosko ang Hirap mong makuha.” “Whatever…pwede bang painumin mo na ako ng kape ko Malamig na to oh!” Nag tuloy na sa pag upo si Lance sa May lamesa para inumin ang kape nya. Tsaka Lang naalala ni Lisette na nag handa nga pala sya ng breakfast para kay Lance.Kaya sya pumasok sa bahay nito.Ibinigay ni Janice ang sparekeys sa kanya dahil kung sakaling may kailangan si Lance ay madali nya itong mapapasok sa loob. “Wait!” Nag mustra pa sya na parang nakikita ni Lance ang pag hand signal nya. “Nag luto pala ako ng breakfast mo…sinabi kasi sakin ni Ate Janice ang madalas mong kainin eh.” “Salamat nalang pero…kaya ko.” “Anong kaya mo? Kaya mong mag luto ng itlog? Kaya mong mag saing? kaya mong mag lagay ng mantika sa kawali ng di napapaso?” “Stop masyado ka ng maingay.” “Ang sabi nga ni Ate Janice sya daw ang naglalagay ng palaman sa tinapay mo eh.” “Umalis kana …di kita kailangan.” Tumayo si Lance mula sa pagkakaupo,natumba naman ang kanyang baston.Mabilis na lumapit si Lisette upang kunin ito pero pinigilan sya ni Lance. “Don’t you dare! I don’t Like you around So please leave.” Nilagpasan na nya si Lisette na tamaan pa ng baston nya ang binti nito.Nalanghap na naman nya ang amoy strawberry na pabango nito.Aakyat na sana sya sa hakdan ng maka dinig sya ng mahinang pag hikbi at pag singhot.Tila may batang umiiyak na. “Are you crying?!” tanong nya kay Lisette . “Hindi! nanghihinayang lang ako sa pagkain tsaka sa effort ko.Di manlang na appreciate.Wala namang lason to eh. Gusto mo ako pa unang kumain nito.” “Sige kainin mo.Patunayan mong walang lason yan.” muling bumalik si Lance sa lamesa. “Ito na Oh..uhmm ang sarap ng scrumbled egg with tomatoes and fresh parsley.” turan ni Lisette na puno ng pagkain ang bibig kaya di maka pag salita ng maayos. “Diba favourite mo ang parsley?” “How did you know?” “Wala naman kasing masamang mag tanong diba? kapag may gusto kang malaman sa isang tao mag tatanong ka.” Correction…Its Hindi naman masamang mag tanong -try mo i translate sa English ang mga sinasabi mo,kahit aso di yan maiintindihan.” “Bakit? aso kaba?” “Hindi!… interesado kaba sakin?!” “Interesado dahil kailangan kitang bantayan So dapat alam ko ang gusto at ayaw mo ok…hala upo na kumain kana lumalamig na ang pagkain mo.” “Tsk last mo ng punta to ah..” “Asus arte…gusto mo subuan kita?” “No! bulag ako di ako paralisado.” “Ok sabi mo eh.” Habang kumakain si Lance ay tahimik lang si Lisette na naka titig sa kanya. “Baka matunaw ako ah.” “Hala?! Assumero ka din ‘No!…Paano mo naman nasabing naka titig ako sayo?” “Wala akong sinabing naka titig ka…ang sabi ko baka matunaw ako,” “edi diba ganun naman talaga kapag sinasabing baka matunaw,ibig sabihin may naka titig sayo?” “Ewan ko basta pakiramdam ko matagal ka ng naka tingin sakin.” Lakas naman ng pakiramdam nito. Bulong ni Lisette sa sarili. “What?” “Wala…sabi ko kumain ka lang…” Tumango-tango nalang si Lance. Sa wakas! Narinig ding kitang hindi nag susungit.Ang gwapo pero suplado.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
ganda po
22/12
0good
30/10
0nice story!
27/10
0Tingnan Lahat