logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6

“Sorry, namatay na ang cellphone ko,” I said to Rein.
Siya nga talaga ang tumatawag sa akin kanina at ngayong nabuhay ko na ang cellphone ko ay agad ko siyang tinawagan.
“It’s okay, atleast nakakausap na kita ngayon,” sabi niya at natawa kaya naman bahagya rin akong napangiti.
“So, anong plano?” tanong ko sa kaniya.
Siya na lang talaga ang hinihintay ko.
“Ah, yes. Papakita ko muna sa’yo ang lupa na nabili namin ng fiancee ko bago mo iguhit.” Napatango ako sa sinabi niya.
“Saan ba ang location?”
“Sa La Union lang,” sagot niya sa akin at nanlalaki naman ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Ang layo.
Pero syempre kliyente siya at bawal ako magreklamo.
Babayaran naman niya ako ng aayos.
“Okay, kuha ko. I-send mo na lang sa akin ang exact location para hindi na ako maligaw,” saad ko.
“Oh my god, Cally! I can’t wait to see you!” masayang wika niya kaya naman napangiti ako.
“Hayaan mo, bukas ay magkikita na tayo at saka nga pala may mga pasalubong din akong binili para sa inyo,” ani ko nang maalala ang pinagbibibili ko bago kami lumipad pa Pilipinas.
“Nag-abala ka pa pero salamat na rin!”
“Wala ’yon at ang iba naman ay si Atreus ang bumili kaya magpasalamat ka rin sa kaniya,” natatawang wika ko.
“Psh! Akala ko ay sasabay na siya sa pag-uwi mo dahil nabanggit niya sa akin na naayos na niya raw ang mga dapat niyang ayusin sa Canada,” k’wento niya sa akin.
Kung gano’n ay baka p’wedeng bukas o sa susunod na bukas ay nandito na rin si Atreus.
“Gano’n ba? Kung gano’n ay baka bago ako magsimula sa bahay niyo ay nandito na siya?” tanong ko kay Rein.
“Hindi, ayon din ang akala ko pero ang sabi ni Atreus ay ayaw pa raw siyang payagan umuwi rito ni Tito,” sagot niya sa akin na sinundan niya ng isang tawa.
Napailing na lang ako isipin na baka may ginawa na namang k*balastugan si Atreus kaya naman ayaw siyang payagan umuwi rito ni Tito.
“Paano? Tawagan na lang kita ulit bukas?” tanong sa akin ni Rein. “Isasama ko rin ang fiancee ko para naman makilala ka niya.”
“That’s good, see you tomorrow, Rein,” saad ko, nagpaalam lang siya bago ibaba ang tawag.
Napabuntong-hininga naman ako nang mapatay ko na ang tawag.
Mukhang kailangan kong mag-stay in sa La Union kung hindi ay mabubogbog ang katawan ko sa byahe pa lang.
Napatingin ako sa labas ng kotse ko at nakita ko rito sila Jade na papalapit na sa kotse ko kasama sila Charlie.
“Ate!” tawag sa akin ni Maxine nang buksan ko ang pinto ng driver seat.
“Hey,” bati ko sa kaniya.
“Where have you been?” tanong sa akin ni Charlie kaya naman napatingin ako sa kaniya.
“Kinausap ko lang ang Ate Rein niyo,” sagot ko rito bago naman tumingin kay Jade. “Maaga pa, pwede bang ikaw na lang muna sumama sa mga bata? Uuwi na ako dahil aasikasuhin ko na ang mga gamit ko para bukas,” sabi ko kay Jade.
“Sige, ako na bahala sa kanila. Ako na lang din ang maghahatid sa kanila sa mansion,” ani Jade kaya naman napatango ako.
“Okay. Thanks.” Tumingin naman ako kila Charlie at Maxine na halatang may sariling usapan. “Charlie,” tawag ko rito at agad naman siyabg tumingin sa akin.“Aalis na ako, kay Jade muna kayo dahil may importante akong gagawin,” paliwanag ko sa kaniya.
“Okay po, ingat ka.”
“And you,” baling ko naman kay Maxine. “Wag ka masyadng makulit at ’wag kang hihiwalay sa ninang Jade mo kung ayaw mong mawala, okay?”
“I’m not kid,” sagot niya sa akin kaya naman napataas amg kilay ko.
“Sabi ko nga,” bulong ko bago muling humarap kay Jade. “Alis na ako,” paalam ko sa kaniya.
“Sige, ingatan mo ’yong kotse, ha?” Napairap na lang ako dahil sa kapilyahan ni Jade.
Nang masigurado kong ayos na lahat ay sunakay na ako sa kotse ko at nagsimulang maglakad.
Kailangan kong ipakondisyon muna ang kotse ko para sa magiging byahe ko bukas at aayusin ko na rin ang license ko dahil baka tumalbog na ito lalo na at matagal-tagal akong nawala sa Pilipinas.
Kailangan ko rin ng maayos na pahinga dahil alam kong mahaba-habang byahe ang mangyayari.
Mas mabuti na ’yong sigurado.
Imbes na sa bahay ako duniretso ay sa isang talyer ako dumiretso.
Talyer kung saan may isang taong alam kong makakaalala sa akin.
Maingay ang paligid nang iparada ko na ang kotse ko sa harap ng talyer.
Bumaba ako sa kotse ko pagkatapos patayin ang makina nito, sinuot ko ang shades ko at naglakad papasok sa loob ng talyer.
“Excuse me,” agaw ko sa atensyon ng mga tao sa loob at agad naman may isang tao ang lumapit sa akin para i-assist ako.
“Good day, Ma’am. What can I help you?” tanong nito sa akin habang nakangiti kaya naman bahagya rin akong ngumiti sa kaniya.
“Nagpapa-change oil lang sana ako at ipapa-check ko na rin ang breaks at makina ng sasakyan ko,” sabi ko rito.
“Okay, Ma’am. Nasaan po ang kotse niyo?” tanong nito sa akin kaya naman tinuro ko ang kotse ko na nasa labas ng talyer. “Medyo marami po kasing nakapila ngayong sasakyan kaya naman baka po matagalan po bago namin ma-check ang kotse niyo.”
Napatango ako sa sinabi niya.
Expected.
“It’s okay, I can wait naman,” nakangiting sagot ko rito.
“Thank you for understanding, Ma’am. Pwede ka pong tumambay muna sa cafe na katabi ng aming shop.” Tinuro niya ang cafe na katabi nga lang ng shop nila.
“Ahh, okay. Thank you and by the way, nand’yan ba si Third?” tanong ko sa kaniya at halata ang pagkagulat sa kaniyang mukha.
“Huh? Do you know Mr. Velasquez?  ” tanong niya sa akin.
“Of course, he’s my schoolmate before,” sagot ko sa kaniya.
“Ka-schoolmate niyo po si Mr. Velasquez!?” gulat na tanong niya sa akin.
“Lyn?” Sabay kaming napatingin sa likod ko nang may marinig akong isang boses. “Lyn? Who is she?” tanong nito.
Woah, he changed.
“Sir!” Agad na lumapit sa kaniya ang babaeng kausap ko kanina. “Sir, magpapa-service po.”
“Zup,” bati ko rito at agad na nangunot ang kaniyang makinis na noo. “You changed a lot, sana pati ang ugali mo,” natatawang sabi ko rito at mas lalong kumunot ang kaniyang noo.
“Excuse me? Kilala ba kita?” tanong niya sa akin.
“Yeah, It’s me, Third. The girl who kick you no’ng second year college pa tayo.”
“Girl? Sa pagkakatanda ko ay si E—” Napahinto siya sa pagsasalita nang tanggalin ko ang salamin kong suot sa mata. “E-eve!? t*ngina!?” Natawa ako sa reaksyon niya.
“Kumusta ka?” tanong ko sa kaniya nang makarating kami rito sa cafe na katabi ng shop nila Third.
“I’m okay, nakabalik ka na pala?” tanong niya sa akin.
“Yes.”
“Y-you? How are you? You changed a lot,” sambit niya kaya naman napatango ako.
“I’m good,” maikling sagot ko rito.
“From boy to girl,” natatawang turan niya kaya naman napailing ako.
“St*pid, I’m girl since birth.” Sabay kaming natawa.
Parang magkaibigan lang kami simula dati pero ang totoo niyan ay enemy kami.
“Thank you,” biglang sabi niya na ipinagtaka ko.
“For what?” tanong ko sa kaniya.
“For all, para sa lahat ng ginawa mo.” Hindi na ako nagsalita at naghintay na lamang sa susunod niyang mga sasabihin. “Alam kong hindi magandang pag-uugali ang pinakita ko sa’yo no’ng mga panahon na nasa Villa Rose pa tayo pero no’ng umalis ka ay akala ko ro’n na rin matatapos ang mga pangarap ko dahil akala ko ay mae-expelled ako dahil sobra na ang nagawa ko sa’yo but Dad told me na hiniling mo raw na ’wag akong patalsikin sa Villa Rose.”
“That’s right,” tanong nasabi ko na lamang.
“Napakabait mo,” natatawang wika niya. “Alam mo ba no’ng umalis ka sa Pilipinas ay isang malaking issue ang kumalat, kumalat na isa ka talagang babae at nagpapanggap lang na lalaki.” Huminto siya saglit sa pagsasalita.
Hindi na ako nagulat sa sinabi niya. Inaasahan ko naman na ang bagay na ’yon.
“And you’re living with Dylan, right?” Tanging tango na lamang ang naisagot ko sa kaniya. “Kaya naman gano’n na lang ang nangyari kay Dylan nang umalis ka.”
Natigilan ako sa sinabi niya.
May nangyari kay Dylan?
Ilang ulit akong napalunok habang naghihintay sa susunod na sasabihin ni Third.
“Two weeks ang nakalipas simula nang umalis ka ay dalawang linggo rin na hindi sumusulpot si Dylan sa campus hanggang sa isang umaga pumasok siya,” k’wento niya at hindi ko alam ang sasabihin kaya naman mas pinili ko na lang ang manahimik. “Bagsak ang katawan, malalalim ang mata at malaki ang eye bags. Hindi sa nagpapatawa ako pero pumangit si Dylan no’n at do’n din sumabog ang balita na gusto ka ni Dylan.”
“U-uhmm.” Parang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa pinagsasasabi ni Third.
“Sorry,” wika niya. “Pasensya na sa nagawa kong mali sa’yo.”
“O-okay na ’yon,” pinilit akong matawa para naman mawala ang kabang nararamdaman ko da aking dibdib. “Past na ’yon.”
“Pero matanong ko lang Eve, nandito ka ba para balikan sila Dylan?” tanong niya sa akin at umiling naman ako.
“Hindi, bumalik ako rito para sa trabaho at balak kong dito na rin manirahan at bumuo ng sariling pamilya.”
“I see and I’m sure na narinig mo na ang balita na ikakasal na si Dylan?” tanong niya sa akin at napangiti naman ako.
“Yeah.” Napatango-tango ako.
Katahimikan ang naghari sa amin.
Wala na akong masabi.
Hindi naman kami gano’n kalapit ni Third para magk’wento sa kaniya ng naging buhay ko sa ibang bansa.
Pero masaya ko na makita siyang successful na.
“He’s not happy,” bulong ni Third na hindi ko masyadong narinig kaya naman tumingin ako sa kaniya.
“What? May sinasabi ka ba?” tanong ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin bago umiling.
“Sir, ayos na po ang kotse ni Miss Callista.” Sabay kaming napalingon sa babaeng nag-assist sa akin kanina. “P’wede na pong ipangkarera.”
Pinuntahan namin ang kotse ko na bagong linis din.
“Cool,” bulong ko bago tumingin kay Third. “Mukhang dinarayo ang shop mo at hindi na ako magtataka kung bakit.”
“Ako pa, ha,” mayabang na sabi niya.
“Psh, mahangin,” bulong ko.
Kinuha ko ang wallet ko at handa na sanang magbayad nang magsalitang muli si Third.
“Libre na ’yan basta ang gusto ko ay Enrique ang ipapalit sa apelyido mo.”

Komento sa Aklat (182)

  • avatar
    MagsanocMark angelo

    maganda

    12d

      0
  • avatar
    Christian Rhey Peña

    nice story

    14d

      0
  • avatar
    Jaylord Raboy

    good

    14d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata