logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Season 1: Chapter 3: Mystic Shrine

Nakakulong ako ngayon sa isang kwarto ng palasyo, "Sayang, ang ganda ng kwarto, wala namang aircon."
Striding while examining every inch of this room is a bit nuisance and bothersome for me, yet here I am lounging and moderating myself while groaning and understanding my situation. I still can't believe what just happened to me. Who the heck shambles will be fine after someone summoned you to this foreign strange unconventional world? Felt like my stomach was about to burst when a strange feeling came right through me just at the moment when I set a foot in here.
Pero kailangan ko nang makaalis dito. May pinapagawa pa si professor sa'min at ang malala do'n hindi ko pa nasimulan ang pinagawa niya.
Huminga ako nang malalim at napahikbi. I stood up and stretched myself as I groan in great pleasure. Naglakad ako patungong bintana at pinagmasdan ang kapaligiran sa labas ng palasyo. So much carriages and sincere neighborhoods passed by in such a time. Such great population and great place. The atmosphere looks fine and well since there are no machines being seen a lot in here. Nabigla ako nang mabilis na pumatong ang kulay asul na maliit na ibon sa tapat ng bintana. Akala ko kung may aatake sakin, ibon lang pala.
"Ang cute," tinitigan ko lang ito hanggang sa lumipad na papalayo. I'm bad in terms of pets and animals and I can't do anything about it since it's my nature.
Naglibot-libot ako sa kwarto. Wala namang masyadong gamit dito at medyo masikip pa ang kwarto. Pero I can't deny the fact na maganda pa rin. Nakaayos pa rin ang kurtina at may mesa pang napakakinis, makinis pa sa aking balat, para itong ginto.
Walang hidden trapdoors at kung anong bagay na may kinalaman sa mahika. I'm losing my mind really as heck. Simula nang mapadpad ako rito, puro kung ano-anong mga scenario na ang naisip ko. Baka susunduin na ako ni satanas. Baka hindi na ako makabalik pa sa dati. Baka panaginip lang ito lahat. My anxiety is overwhelming thinking about things that shouldn't be imagined.
Umupo ulit ako sa kama at napabuntong-hininga. Napaisip ako, "Kailangan ko na sigurong tanggapin ang biglaang pagpadpad ko rito."
Pero gumaan naman ang loob ko nang mapansin kong ang lambot pala ng kutson dito. Habang nakatulala ako sa kisame at puno-puno ng pag-iisip, may na-realize ako. Kung isa man itong palasyo, dapat kompleto silang lahat, reyna, hari, prinsipe. Pero bakit ang prinsipe lang ang nakita ko? Tapos ang trono, anim ang upuan ang nando'n pero si Prinsipe Claiden lang ang nakita kong nakaupo. At saka siguradong may mga kapatid din siyang hindi lang nagpakita.
Karamihan sa mga nababasa kong may royal blood may maraming kapatid para mas yayaman pa at mas lulusog ang kaharian.
"Baka hindi mayaman itong kaharian nila?" Is what I thought. But whenever I see people peacefully working hard and sincerely doing their business, somehow felt like this kingdom is beyond its health and wealth.
"Oh baka busy lang sila?" Nababaliw na ata ako sa kakaisip. Pero nung kanina. Anong tinutukoy nilang mahal na hari? May nangyari ba sa hari nila? But I guess they're fine though. It's not that I care.
Mamaya ko na iisipin yan. Ang mahalaga ngayon, kailangan kong maghanap ng paraan para makabalik sa dati kong mundo, "Kasalanan ito ng misteryosong bahay na yun eh," at kasalanan din ni boss. Kung siya na sana yung nag-deliver ng pizza, hindi sana ako magkakaganito ngayon.
Ano na kaya ang nangyayari ngayon sa trabaho? Hindi ko pa naman nakukuha sweldo ko this month. Hindi ko pa rin nababayaran ang student loan at apartment payment. Hindi ko rin natanggap ang entrance fee result. Ano? Hindi nila ako papabayaran?
"Hala!" Napatalon ako sa gulat nang may maalala ako, "Yung pizza ko, nasa'n?"
Napabaling ang tingin ko sa pintuan nang may kumatok. Siraulo. Paano ko mabubuksan ang pinto kung sila rin naman ang nagkulong sakin dito? Maybe, they're just being sincere. Stop being good persons though.
Hindi na ako tumayo at inantay ko lang na bumukas ang pintuan. Isang babaeng nakasuot ng maid costume ang pumasok dala ang isang tray na may lamang pagkain. Isa ba siya sa mga katulong dito? O cosplay party member?
"Heto po yung pagkain niyo," sabi niya sabay lapag ng pagkain sa mesa.
"Salamat," tumayo ako at tinignan ang pagkain, "Sabay tayong kumain," anyaya ko rito. Napataas naman ang kilay niya.
"Ayaw mo? Ang daming pagkain hindi ko ito mauubos," umupo na ako at kinuha ang kutsara. "Nakakalungkot kumain mag-isa kaya sabayan mo na lang ako," pagpatuloy ko.
"Pasensya po kung hindi ko magawa ang 'yong kahilingan. May kailangan pa po akong aasikasuhin at kung may problema po kayo sa inyong pagkain, sabihan niyo lang po kami," wika nito sabay lakad papunta sa pinto.
"T-T-Teka! Teka lang!" habol ko rito, "May itatanong lang ako."
Huminto naman siya at tumingin sakin, "Ano po yun?"
"Nasa'n ang pizza ko?"
Napakunot noo naman siya at natigilan din sa paggalaw. Ano na? Estatwa na ba siya? Baka pinagpyestahan na ang pizza ko kung kaya't hindi siya makasagot.
"Yung bagay na kahon po ba ang tinutukoy niyo?"
"Oo yun nga! Nasa'n?" Akala ko hindi niya alam.
"Pinatapon po ni Prinsipe Claiden."
"Haa?!? What!? Anong pinatapon?!? Pagkain ang laman nun!" napasabunot ako sa buhok. Tinapon nila ang pagkain, I cant!
"Misteryoso po ang bagay na yun kaya pinatapon nalang."
Napatulala ako sa sinabi niya. Woah. They are so dumb. Hindi man lang nila ako tinanong kung ano ang laman at kung ano ang bagay na yun. Dire-diretso lang nilang tinapon 'yon.
"Alis na po ako," at lumabas na siya. Nanatili naman akong nakatayo habang nakatulala sa hangin. Just a glimpse of time, hindi pa ako nakatikim ng pizza sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. Last chance ko na sana yun para kainin ang sarili kong delivery. Totoo ba ang narinig ko? Anong misteryoso? Pizza yun! Pagkain yun! Hindi ba nila tinignan ang laman? Kahit inamoy wala?
Habang padabog akong kumakain, bigla kong naalala ang cellphone ko. Siguro matatawagan ko sina Darlene at Lovett. Kung tatawagin ko kaya si boss, sasabihin ko nagbabakasyon lang ako.
Pagbukas ko sa cellphone ko, bigla itong sumabog. Wala akong nagawa at napatalon nalang dahil sa gulat at sa init na nararamdaman ng aking palad. Sumasabog ang natatangi kong cellphone. Ito pa naman ang pinakamurang nabili ko. Hindi ito touch screen dahil wala akong balak bumili ng ganyan ka-mahal, kaya bumili ako ng tig-800 Php na cellphone. Nagtitipid din kaya ako at ang dami ko pang expenses na 'di ko pa nababayaran.
Binasa ko agad ng tubig bago pa ito masunog at lumaki ang usok. Nang unti-unti nang mawala ang usok, bumuntong-hininga ako. Humiga ako sa kama habang nag-iisip ng malalim, "Wala na akong cellphone."
Napabuntong-hininga ulit ako at napaisip,"Gusto ko nang umuwi," habang unti-unti kong pinipikit ang mga mata ko.
"Gusto kong matulog!" Pero hindi ako makatulog. I feel so pathetic just now. Hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko. Wala na akong cellphone o bagay na kokonekta sa dati kong mundo. Ano na?
Ganito lang ba ang buhay ko palagi? Palaging tahimik at walang kaibigan? Tapos hindi pa ako makatulog. Siguro kailangan ko nang gumawa ng experiments.
Lumipas na ang tatlong araw, nakakulong pa rin ako rito sa kwarto. Tulog buong araw at nagmumukmok, "Siguro alalang-alala na sina Lovett at Darlene sakin." Sila lang naman ang dalawa at natatangi kong mga kaibigan.
Maya-maya lang, may biglang kumatok sa pintuan. Sino na naman 'yan? Hindi ako tumayo dahil wala akong gana.
Nakatalikod lang ako at hindi hinarap ang pintuan. Nanatili akong nakahiga rito sa kama. I want to do some experiments something. I'm bored.
Dinig ko ang bawat yapak at yabag ng isang paa papunta sa likod ko. Bumaling ako ng tingin sa isang kawal na kulay asul ang mga mata at kulay puting buhok. "Binibining Rachelle, nais po kayong makausap ng mahal na prinsipe," hinahong wika nito.
"Wow," his face is rare. Looks like I caught something valuable and fragile.
"Binibini?"
"Ahh sorry," napamulat ako sa realidad. Bigla akong natulala dun ah.
Nang maayos na at handa na ako, sabay na kaming lumabas sa kwarto at siya na yung nagsara ng pintuan. Nakakahiya. Bigla akong kinakabahan. Kaming dalawa lang ang naglalakad dito sa hallway. Kailangan kong kumalma. Nakakatakot siyang sundalo.
"Binibining Rachelle."
"A-Ahh y-yes, sir!" oh man, I startled. Tahimik lang siya. Tinawag niya ako pero wala siyang sinabi.
Dali-dali akong naglakad. Alam kong pulang-pula at init na init na ang katawan ko ngayon. I want to do my experiments so bad. I get so flustered and eager whenever I'm bored and wanting to do something.
"Binibining Rachelle, hindi po dyan ang daan," napahinto ako. Totoo nga. Wala ako sa saktong daan.
Tumalon-talon ako at hinahampas-hampas ang ulo, "Nakakahiya!" Kasalanan kasi ito ng palasyo. Masyadong malaki.
Huminto ako, sinubukang kumalma at saka pumikit. Bumuntong-hininga ako ng ilang beses at minulat ang mata. "Nga pala, ano'ng pangalan mo? Alam mong Rachelle ang pangalan ko diba? Ikaw? Anong sayo?"
Yumuko siya, "Ipagpapaumanhin niyo po ang aking sarili. Ako si Voilden Silva, ang natatanging sundalo at matalik na kaibigan ng prinsipeng kamahalan."
Ang lambot at lalim ng boses niya. Gusto ko tuloy yakapin ang hangin. Nagpatuloy na kami sa paglalakad, pero tahimik lang. "Nandito na po tayo, Binibini." Grabe ang bait. Pinagbuksan pa ako ng pintuan, "Salamat."
Bumungad ang hitsura ng prinsipeng halatang naghihintay sakin, "Binibining Rachelle. Ipagpapaumanhin mo ang aking sarili nitong mga nakaraang araw. Ibig ko sanang iparating sayo na ikaw ay hindi kabilang sa mga tauhan ni Nicholas. Ako ay nanghihingi ng tawad sa'king masamang pagkatao," yuko niyang salita sakin.
Napako ang paa ko sa sahig. Hindi ako makagalaw. Feel ko nagi-guilty ako sa nagawa ko. Ako kasi yung naging bastos sa harap niya kahit prinsipe siya. Grabe ang taas ng pasensya. Nakakautal.
"T-T-Teka! Hindi ito patas!" wika ko sabay luhod. Yumuko pa ako nang yumuko hanggang sa malapit ko nang mahalikan ang napakakinis na sahig.
"Pasensya! Nanghihingi ako ng tawad! Ako yung naging bastos at naging wala sa mudo noong mga nakaraang araw! Pasensya mahal na Prinsipe ng Weiden!" buong puso kong hingi ng tawad. Kahit hindi ako sanay sa ganito, kahit wala akong alam tungkol sa mga kaharian na 'yan. Basta ang alam ko, kapag nagkakamali ako, hihingi ako ng tawad. Yung buong pusong tawad.
I heard him giggling. "Maaari ka nang tumayo," mahinhin nitong wika.
"Talaga? Sorry ah. Pasensya talaga. Hindi ko alam na ikaw pala ang Prinsipe rito kaya gano'n ang nagawa ko. Patawad," wika ko habang dahan-dahang tumayo at kinapa ang sarili.
"Ayos lang. Pero Prinsipe man o hindi, mayaman man o mahirap, bata man o matanda, respetuhin pa rin natin at igalang ang isa't isa. Ayos ba 'yun Binibini?" he said, smiling.
Pakiramdam ko parang may pana ang tumama sa 'king dibdib. It's throbbing a lot, even my heart didn't skip a beat. I'm an asshole.
Naglakad siya patungo sa labas kaya sinundan ko nalang siya. Saan ba ako pupunta? Wala akong mapupuntahan at bago pa lang ako rito.
Ang sarap ng simoy ng hangin dito. Kahit sa loob ng palasyo, ang preskong amoy ay hindi pa rin nawawala. Hindi magulo ang paligid at walang masyadong teknolohiya. They used torches in the hallway as their light. But there's a big chandelier hanging at the top of the main hallway's ceiling. Why is that? Pero I think ganito siguro kasarap at kapayapa ang buhay noon.
"Miss ko na ang lugar namin," bulong ko habang tumingin sa labas ng nadaanan naming bintana.
"Maaari mo bang ikuwento ang buhay mo sa iyong dating mundo?" wika nito.
"Ha? Paano mo nalaman?" I mean paano niya nalamang nanggaling ako sa ibang mundo?
"Ang Mystical Shrine. Dun ka lumabas sa lugar na yun. Ang Mystical Shrine lang naman ang natatanging lugar kung saan makakagawa ng milagro at makakatawag ng nilalang galing sa ibang mundo. Siguro yun ang dahilan kung bakit ka nandito," pagpahayag niya.
"May paraan ba para bumalik ako sa dating mundo ko?"
"Meron. Pero sa ngayon, hindi pa natin alam. Kung gusto mo, maaari mong puntahan ang Mystical Shrine anumang oras."
Napatango ako. Kailangan ko nang umuwi sa'min. "Nga pala. Ikaw lang nag-iisa rito? Ikaw lang ang prinsipe? Nasa'n ang reyna at hari?" pag-iba ko sa usapan total wala na kaming mapag-usapan pa.
"Tungkol dyan. Ang Ama ko, si Haring Arden, nagkakaroon ng sakit. Sinumpa siya at binigyan ng sakit."
"Sumpa?" Sa lahat ng fantasies na nababasa ko, hindi talaga mawawala ang mahika o may kinalaman sa sumpa.
"At paano naman ang reyna?"
Napatigil siya, "Tungkol din dyan. Ang aking Ina, si Reynang Anemone, natutulog ng mahimbing sa kaniyang selda."
Selda? May ganun ba? Bakit hindi sa kwarto?
"May nangyari ba?"
"Sinumpa ang aking ina. Sinumpa ng Mystical Shrine."
"Sinumpa?" Again? Parang natatakot na akong pumunta sa Mystical Shrine na 'yan ah.
"Walang nakakaalam. Ang tanging nalalaman lang namin ay biglang nagkasakit ang aking Ama at biglang natutulog ang aking Ina. Pero sabi ng karamihan, sinumpa ang aking Ina dahil sinubukan niyang buksan ang Mystical Shrine."
"Teka! Masyado kang open! Ayos lang ba sayo na sasabihin ito sakin lahat?"
"Open?" nagtataka nitong tanong.
Ayy oo nga pala. Wala silang alam sa mga ganitong lenggwahe. Or am I wrong?
"Oo naman. Lahat ng mga tao at mamamayan dito alam nila lahat tungkol sa kaharian at sa pamilya namin. Medyo nakakawalang galang ang aming sarili kung pababayaan namin ang taong nandito pero walang alam tungkol sa kaharian."
Ah okay. Kaya pala. The Prince is the best. Bakit ang bait nila? "May lunas na ba?" Nararamdaman kong papunta kami ngayon sa Mystical Shrine. My hunch can never be mistaken.
"Sabi ng Mystical Shrine, may babaeng dadating sa aming mundo para biyakin ang sumpa at sakit nilang dalawa. Ilang buwan na kaming naghihintay pero walang dumating na babae---Sandali! Paano ka nakapunta rito sa mundo namin?" Bipolar ba siya? Bakit bigla lang siyang mukhang nae-excite? Nabigla din naman ako.
"H-Hindi ko alam. Ginawa ko lang ang trabaho ko, dun ko lang nalamang napunta ako rito kahit hindi ko naman alam kung saang lugar ito."
"Siguro ikaw!" sigaw nito sabay turo sakin.
"Ako?" turo ko rin.
Umubo siya at inayos ang sarili, "Ipagpaumanhin mo ang aking walang galang na sarili," tumayo siya ng matuwid.
Teka, kailangan ba talaga ganyan ang lagi niyang posisyon? Ang hirap siguro maging royal blood, "A-Ayos lang."
Habang nagpapatuoy sa paglalakad. Bumungad sa aming harap ang isang makalumang shrine. "Ngayon, nandito na tayo sa Mystical Shrine."
Hahakbang na sana ako papasok sa misteryosong shrine nang bigla akong pinigilan ng prinsipe at hinawakan ako sa kanan kong braso.
"Bakit?" taka kong tanong.
"Bawal pumasok," binitawan niya ako.
"Bakit naman?"
"Kung may kailangan kang sasabihin, hindi mo kailangang pumasok para malaman mo ang kasagutan ngunit kailangan mong sabihin dito sa labas. Hindi mananakit ang Mystical Shrine kung nasa labas ka lamang."
Ayy ganun, "Sorry, sorry," huminga ako nang malalim saka nilabas ang hininga.
"Mystical Shrine o kung ano man ang tawag sayo! Pakinggan mo 'ko!" huminga ulit ako at hinandang ilabas ang boses ko. Takot ako at nanginginig. Para akong gagawa ng speech.
"Kailan ako babalik sa dating mundo ko?"
Ilang segundo kaming naghintay sa sagot pero wala pa ring sumagot. "Teka, totoo ba talaga 'to?" Tumango naman ng marihin ang prinsipe.
Wala pa ring sumagot, "Mystical Shrine! Kailan ako---!" May mabigat na hangin ang dumikit sa tenga ko. Ang lamig. Parang may bumubulong sakin.
"Ika-limampung araw."
"Ha? Ano---?"
"Ika-limampung araw, ang huli mong pamamalagi rito."

Komento sa Aklat (56)

  • avatar
    Flores Jayr

    Wow

    15/06

      0
  • avatar
    Jb Balwit Dangase

    Wonderful story

    09/04

      0
  • avatar
    Davezwel Gerzon

    maganda

    08/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata