logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

50 Days In Another World

50 Days In Another World

GallantLass


Season 1: Chapter 1: First Encounter

Rachelle's POV
Isang magandang takipsilim. Itong araw na hindi ko akalaing maliwanag pa rin kahit na malapit na itong lumubog ay sadyang nagpapakalma sa aking damdamin. Nakatayo ako rito sa maramo-ramong malawak na lugar habang nakatingin sa kalangitang unti-unti nang dumilim.
Nakita ko ang sarili kong humagulgol ng iyak sa harap ko. Unang tingin ko palang sa kaniya'y alam ko nang ako siya. Oo, ako nga ang babaeng ito. Itong pigura ng babaeng nakasuot ng napakalumang dress habang umiiyak nang walang tigil ay ako. Yakap-yakap ko ang isang lalakeng umiiyak din kasabay ko habang yumayakap ng mahigpit sa sarili ko.
Hindi ko pa naranasang magmahal ng lubos sa isang tao, pero nang makita ko ang sarili kong kapit ng kapit, tila ayaw bibitaw sa lalake, biglang kumirot na para bang kinakapos ang aking dibdib nang makita ko ang sarili kong umiiyak. Para bang sinampal ako ng realidad na ang babaeng kagaya ko ay madaling umiyak at masaktan. Napakahina kong nilalang.
Bakit?
Wala pa akong first love, kahit crush wala. Hinahangaan ko ang isang tao sa nakaraan ngunit Hindi kailanman pag-ibig ang naramdaman ko dati, ngunit sa halip ay isang pabor. Pero itong babaeng nakikita ko sa harap ngayon, parang minahal ko nga ang lalakeng kayakap ng aking sarili.
Alam kong umiiyak din ang lalake pero kahit ganun, hindi ko pa rin nalilinawan ng maayos ang kaniyang mukha. Hindi siya gaano ka-puti pero hindi rin siya gaano ka-kalay katad ang kaniyang balat, tamang sakto lamang. Ito namang kulay dilaw niyang buhok na katulad ng kulay ng araw, saktong dumadampi sa sarili kong leeg. Napakalambot siguro kung ako mismo ang nakaramdam no'n 'no?
"'Wag kang umalis, pakiusap!"
B-Bulong?
Napamulat ako at napatulala saglit sa kisame. Hindi ko namalayang umaga na pala at salamat dahil nagising ako mula sa panaginip na 'yon at nitong sikat ng araw na dumampi sa aking mukha. At ito ring telepono kong kanina pa tunog ng tunog, ginising din ako. Ring nang ring ito tila ba naging alarm clock ko na.
"Sino na naman 'to? Ang aga-aga ah," napakuskos ako sa mata habang naningkit na hinahanap ang aking telepono. Agad ko itong pinulot nang makita ko ito sa sahig. Nahulog kaya ito habang natutulog ako?
Napatingin ako sa screen, "Bakit tumatawag si Sir?"
Si Sir ang manager sa pinagtatrabahuan kong part-time. Siya ang tagapagsigaw, taga-utos at taga-sermon sa aming mga trainees. Alam kong sasalubungin na naman ako ng sigaw nito kapag sasagutin ko ang tawag. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi.
"Yes, boss?" at sinagot ko nga. Wala akong ibang choice kundi sagutin ang tawag. Baka tatanggalin pa niya ako sa trabaho kapag hindi ko nasunod ang gusto niya.
"Bwesit, Rachelle!"
Sa lakas ng boses niya, nailayo ko ang telepono sa aking tenga. Full force at mukhang buong kaluluwa niya akong sinigawan. Parang sirang microphone ang boses niya at ang titinis at ang lalakas pa. Nagising tuloy ako kahit inaantok pa ako ng konti.
"Saan ka na?! Putang-ina mo! Late ka na naman?! Kailan ka ba maging matino ha!? Ano bang ginagawa mo dyan ha!?"
Napanguya ako at nakaramdam ulit ng antok, "Sorry boss. Hindi ko alam nakatulog pala ako ng mahimbing kagabi. Ang sarap nga ng tulog ko boss 'e. Alam mo ba, boss? May weird akong panaginip---"
"Wala akong pake! Ano?! Hindi ka pa ba papasok?! Gusto mo bang itatanggal na kita ha?!"
Panira. I'm being patient here, you know, "Sorry na po, sorry na. Papasok na po ako," wika ko sabay nguya ulit. Inaantok pa talaga ako.
"Ano?! Hindi mo ba bibilisan ha?! Marami ng customers ngayon! Bilisan mo! Isa... Dalawa..." he kept on babbling, I literally felt butterflies in my stomach. Masakit sa tenga ang boses mo, boss.
"Oo na, oo na po. Tumayo na ako," sabi ko kahit nakaupo pa ako.
"Bilisan mo! Marami ka pang ide-deliver!" at binaba na niya ang telepono.
Yep, ako si Rachelle Segovia. Isa akong deliveryman. At dahil babae ako, isa akong delivery-woman. Nagde-deliver ako ng pizza sa isang pinakamalapit na pizza station mula rito sa aking apartment. Kahit nagtatrabaho ako sa isang pizza station, hindi pa ako kailanman nakatikim ng pizza namin.
Hindi ko sineseryoso ang trabaho ko dahil napilitan lang naman akong magtrabaho para may pambayad sa tuition fee, student fund at nitong apartment emolument. Pero may dahilan naman ako kung bakit ako nagtatrabaho kaya siguro dapat ko na itong seseryosohin.
Pero may dahilan naman ako kung bakit ako nagtatrabaho kaya siguro dapat ko na itong seseryosohin
Third Person's POV
Kalmadong nakaupo si Prinsipe Claiden sa kaniyang trono habang nakapangalumbabang nakatingin sa karpet ng palasyo. Hindi niya matukoy ang kaniyang pakiramdam ngayon kung masaya ba siya o kinakabahan dahil may nagawa siyang bawal gawin kani-kanina lang.
"Gusto kong gumala sa labas," panay pag-iisip ng prinsipe.
Napatigil siya sa pag-iisip nang lumapit sa kaniya ang kaniyang pinagkakatiwalaang kawal na si Voilden, "Mahal na prinsipe, nais po kayong makausap ni prinsipe Nicholas," wika nito habang yumuko sa harap ni Claiden. Ang ekspresyon ng prinsipe ay tila nag-iba, mukhang hindi siya masaya sa kaniyang nababalita dahilan para mapasimangot siya.
"Oras na ba?" tanong nito sa sarili sabay nagtagpo ang dalawang kilay.
Tumayo si Claiden at hinanda ang sarili, "Ihanda niyo ang sarili niyo, mga mahal kong kawal! 'Wag niyo akong sundan kahit ngayong oras lang!" ma-awtoridad na sigaw nito sa lahat ng kawal na nakatayo. Agad namang yumuko at sumunod ang mga kawal sa utos nito.
Naiinis na naglalakad si Claiden papalabas ng palasyo, "Hindi ko gusto ang iniisip ni Nicholas."
Nang padabog na naglalakad ang Prinsipe papalabas, nakasalubong niya ang isang lalakeng nakasakay sa kulay puting kabayo, "Nandito na pala ang mahal na prinsipe ng Weiden," ngiti nitong wika.
"Anong kailangan mo sakin, prinsipe ng Neilas?" pasinghap na tanong ni Claiden kay Nicholas na nakangiti ng maluwag.
"Nandito ako para maghahamon ng laban sayo. Sang-ayon ka ba, prinsipe ng Weiden?" buong tapang nitong hiling.
Nilabas ni Claiden ang kaniyang sandata at tinutok ito kay Prinsipe Nicholas, "Oo, sang-ayon ako. At kung mananalo ako, ipapangako mong 'wag mo na akong guguluhin at kakausapin pa ulit. Ipangako mo ring hindi ka na magpapakita pa rito sa kaharian ko," wika nito.
"Sang-ayon ako. At kung ako naman ang magwawagi, ipapangako mong isusuko mo ang trono sakin." Kahit naiinis si Claiden, hindi niya ito pinapahalata sa halip na sumang-ayon siya sa kondisyon ng prinsipe.
"Pero hindi tayo rito maglalaban. Dun tayo sa Mystical Shrine," sumakay na si Claiden sa sariling kabayo nito at agad tumungo sa sinabing lugar.
Hindi lang naman masyadong malayo ang Mystical Shrine kaya mabilis ding nakapunta ang dalawang prinsipe, "Humanda ka na," walang alinlangang sabi ni Claiden.
Sabay nilang inangat ang sarili nilang mga sandata. Hindi papayag si Claiden na isusuko niya ang trono kaya naisipan niyang dapat siyang manalo sa labanan kahit isa itong makasariling desisyon. Si Nicholas naman, dahil may malalim siyang rason kung bakit kailangan niya ang trono, gusto nitong magwagi kaya nanghahamon siya ng laban sa prinsipe ng Weiden para magawa niya ang kaniyang nais at kahilingan.
"Haaaa!!!" Buong tapang silang sumugod sa isa't isa.
Winarak ni Nicholas ang sandata nito patungo sa mukha ni Claiden. Mabilis namang sinuportahan ni Claiden ang sarili at hinarangan niya ang atake nito gamit ang sariling sandata kaya hindi siya natamaan.
"Akin lang ang trono ng Weiden!" sigaw ni Claiden habang sinipa at inatake si Nicholas sa tiyan. Nakailag naman si Nicholas sa sipa nito.
"Matino naman siguro ang pag-iisip mo diba? Isuko mo lang ang trono sakin at patas na tayo. Alam mo ba kung anong nangyari sa Weiden? Alam mo ba talaga kung paano dalhin ang sarili mong kaharian ha?" Nilusob niya ang kaniyang sandata patungo sa paa ni Claiden pero hindi nakailag si Claiden kaya agad natamaan siya sa paa. Konting galos lamang ito kaya parang wala lang si Claiden sa sugat niya.
"Tumahimik ka, prinsipe ng pagkamakasarili!" Hinagis niya rin ang sandata niya nang matamaan din si Nicholas sa braso nito. Parang wala lang kay Nicholas ang sugat niya at agad naman itong bumigay ng atake kay Claiden.
Napahinto sila sa paglalaban nang biglang bumukas ang pinto ng Mystical Shrine. Sabay silang napalingon sa isang direksyon dahilan para mapatigil sila sa paglalaban at pag-aaway. Kumunot ang mga noo nila dahil takang-taka sila kung bakit bubukas ang pintuan kahit wala namang tao ang pwedeng makakapasok sa loob ng Mystical Shrine.
"Pizza delivery!"

Komento sa Aklat (56)

  • avatar
    Flores Jayr

    Wow

    15/06

      0
  • avatar
    Jb Balwit Dangase

    Wonderful story

    09/04

      0
  • avatar
    Davezwel Gerzon

    maganda

    08/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata