logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Mr. Drunk Husband

Habang pauwi na ako sa bahay galing sa bahay nila Celeste ay napakunot ang noo ko at tiningnan ito ng maigo. Parang umusok ang aking ilong nang makita ko kung sino ito, nahawakan ko ng mahigpit ang manibela ng kotse ko. Nakita ko lang naman si Juan na nag iinom sa gilid ng kalsada. Naka bukas pa ang butones ng kanyang pulo at nag mukha siyang asong kalye. Dali-dali kong inihinto ang sasakyan at bumaba ako, tumawid pa ako para puntahan siya.
Lasingero ang hayop.
“What are you doing here, bakit nandito ka sa gilid ng kalsada? Ha?! umiinom ka pa talaga" sermon ko sa kaniya. Paano na lang kung hindi ko siya nakita rito?
"Ano naman sa'yo ngayon, it's none of your business" sabi niya sa lasing na ang tuno ng kanyang boses. Inagaw ko 'yong bote at tinapon sa basurahan na nasa gilid niya. 
Akala ko ba quite mysterious to pero ang lala n'ya kapag nakainom. "I wanna die okay?" sambit nya habang pinipilit ibuka ang mga mata. Agad kong hinawakan ang kamay niya para tumayo siya pero ang lakas niya, hindi ko siya kaya.
"Bakit nasa gilid ka ng kalsada? doon ka sa gitna, gusto mo naman pala mamatay gusto mo kaladkarin pa kita eh!" Pasigaw kong sabi. 
Nakakabwesit ‘tong lalaking ‘to, gwapo lang siya sa una pero nakakabwesit na sya kapag tumatagal. 
"Ikaw lalaki ka, ano bang problema mo ha?!" sabi ko sa malakas na boses. Tinulongan ko siyang makatayo para makatawid na kami. Medyo nahihirapan akong patayuin siya dahil sa sobrang bigat niya tapos matigas pa ang ulo niya, ayaw pa  tumayo. Nag dahan-dahan lang kaming maglakad hanggang sa makarating kami kung saan nakaparada ang kotse ko.
"Pasok sa sasakyan!" sigaw ko.
Nagmumukha akong nanay sa kaniya. Hindi ko siya asawa, anak ko siya. Hindi pa rin siya pumasok sa sasakyan at parang pinipigilan niya ang sarili niyang pumasok. Dahil naiinis na ako hinawakan ko ang kwelyo niya  at ipinilit na ipasok s'ya sa front seat ng kotse ko. Napadaing siya ng mauntog siya. At nang maipasok ko na siya ng tuloyan sa kotse ay nilagyan ko lang siya ng seat belt. Ako naman nagmamadali na akong pumasok ng kotse para makaalis na kami.
"Stop being so concern about me! pakawalan mo na ako! let me go, I don't want this marriage! " sigaw n’ya habang nakapikit. Naikuyom ko ang isang kamao ko habang 'yong isa naman hawak ang manibela. "Lahat kayong babae pare pareho" dagdag niya pa.
Sinusuntok niya ang kanyang sarili ngayon kaya inihinto ko ang sasakyan sa gilid at pinigilan ang kanyang kamay na saktan ang sarili niya.
"Kung lahat ng babae pare- pareho lang edi sana nagmumukha kang asong kalye sa gilid ng kalsada. Huwag ka nga r'yan, nangigigil ako sa'yo, businessman ka pero ito pala 'yong ugali mo pag nalasing. Hindi ka ba nahihiya? paano na lang kung may nakakita sa'yong kliente mo o empleyado mo, baka ano na lang sabihin nila.” singhal ko. I'm just doing this for his own sake! Gosh, ngayon lang yata ako ganito ka galit.
"Our relationship is just a contract, we can end this after 1 year, so stop acting like my wife.” saad niya rin habang nakapikit ang kanyang mga mata.
“You shut up.” mahinang saad ko, kaya natahimik siya. Everyone can be a wife but not everyone can take responsibility as a wife “Don’t you ever treat me like this, Juan ginagawa ko lang ang trabaho ko. Pasalamat ka may nag-aalala sa’yo” sabi ko habang nag-da-drive at nakatuon ang atensyon sa kalsada. Nang makarating na kami sa bahay namin, inalalayan ko lang siyang makababa sa kotseat pagkatapos inalalayan ko na naman siya paakyat sa hagdanan. Mga ilang minutong hakbang bago kami maka punta sa taas. Pagdating namin sa kwarto niya pinahiga ko na siya sa kanyang kama. Hinubad ko ang polo niya at sapatos saka pinalitan ko siya ng T-shirt.
Lakas talaga ng amats niya.
Nang marinig kong nag-ring ang kanyang phone agad ko itong kinuha. Unknown number lang ito kaya hindi ko alam kung kanino ang number na ito, pero baka importante, gusto ko sagotin.
"Babe, alam kong break na tayo pero pwede bang bumalik kana sa'kin, na realize kong mahal pa pala kita, hindi ko kayang makipaghiwalay sa'yo.” naiiyak nitong sabi.
Wait, I know her. Ito 'yong nasabi sa'kin ni Tito Logan. She had a girlfriend tapos nakita niya sa mall may kasamang ibang lalaki, but Juan doesn't believe him. Tiningnan ko lang ang screen ng cellphone hanggang sa mag salita ulit ito. Oh it was Annie. 
"Juan, let's fix this."  Napatitig ako sa screen ng phone at nag iisip kung anong pwedeng isagot ko sa makulit na babaeng ito. Ayoko ng scandalo baka magalit pa si Juan, no I won't talk to this girl. Pinatay ko na lang ang tawag niya,nakakagigil talaga 'yong mga cheater na katulad ng ex-girlfriend niya, kaya pala naglalasing ang kumag dahil sa kanya, hindi naman worth it iyakan ang mga cheater na katulad niya, tsk. Feeling special.
Lumabas na ako sa kwarto ni Juan para magtungo sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko para mag order ng pagkain, baka paggising nong isa, baka biglang magutom.Mga ilang oras din ako naghintay bago dumating ang order ko. I used another plate to separate his food, pagkatapos ay dinala ko na ito sa kwarto niya at nilapag ito sa maliit niyang table.
Nang maramdaman kong nagising siya ay nagsalita ako "Kumain kana."  malamig na tugon ko sa kanya, agad naman siyang bumangon  habang kinusot niya ang mga mata niya “May gamot ka r'yan para sa hangover mo.” ani ko.
Pagkatapos iniwan ko na siya sa kwarto niya at pumasok sa sarili kong kwarto. I feel like I was taking good care of a 2 year old kid, I am so stressed. Nagtrabaho muna ako saglit, umaga kasi ngayon sa States, pinasa ko na 'yong new design ko para sa mga jewelries na i-la-launch sa branch ko rito sa Pilipinas. I made a design, parang stars siya na may diamond saka may note sa loob ng star. Parang may naging inspiration lang ako nito but hindi ko pa alam kung anong itatawag ko rito. I'll be back in Los Angeles next year once matapos na ang pag construct ng new branch ng jewelries ko malapit lang sa may highway, balak ko kasi padamihin ang mga branch dito, balak ko rin na mag transfer ng bagong company para di na ako pumupunta pa sa states every year. 
Napatigil ako sa pag-ta-type dahil may kumatok. Tumayo ako at binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa’kin ang mukha n’yang namumula pa habang hawak-hawak ang cellphone niya.
"Did you answer the calls?" he asked in a serious tone and serious face. Pinakita niya ang kanyang cellphone na may phone number na nakatatak. 
I raised my eyebrows, “So? I answered it because I thought it was an emergency.” paliwanag ko. Napaigtad ako sa gulat nang bigla niyang itinapon ang cellphone niya habang nakatingin sa'kin sa walang emosyon. Nakita kong basag na ang kanyang cellphone na nasa sahig. I never show any emotions to him, kapag ito nahimasmasam ewan ko na lang magkakasubokan kami 'pag ako ang sisihin niya sa nasirang cellphone. 
It wasn't my intention to answer the calls pero hindi naman ako nagsalita. Paano ba kasi hindi naka phone book. 
"Pero pag nahihimasmasan ka huwag mo naman sana isisi sa'kin kung bakit nabasag 'yang cellphone mo.”
“You have no rights to invade my privacy. You asked permission before you used my phone,” seryoso niyang sabi. Napalunok ako sa sinabi niya, napakurap din ako.
“I’m s-sorry, if I answered the call. Pero hindi naman ako nagsalita,” sagot ko. I see how he clenched his fists. He's mad at me. “I'm still your wife, Juan.” 
"Stop calling yourself as my wife, you're not my wife.” sabi niya sa malamig na boses. That words comming from his mouth choked me. Para akong nawalan ng hangin. Ngayon ko lang nakita tong ganitong side niya, mostly kasi tahimik lang siya pero ibang klase pala siya pag nalasing. Siguro hindi ko muna siya kikibuin ngayon baka mas lalong lumala.
“Okay, sure.” nakangiti kong sagot. Agad siyang umalis sa harapan ko at pumasok sa loob ng kanyang kwarto. Isinara ko na rin ang aking pintuan, napabuntong hininga na lang ako. Pupunta na lang kaya ako sa bahay ni Rebecca. Agad akong nagsuot ng hoodie at sinuot ang crocks ko. Dinala ko na lang ang gadgets ko. Nag-dahan-dahan lang akong naglakad pababa hanggang sa makalabas ako ng bahay. Ginamit ko lang ang kotse ko papunta sa bahay ni Rebeca, hindi naman ganon kalayo ang bahay niya. Habang nasa loob ako ng kotse ay inayos ko muna ang sarili ko para hindi mukhang dugyot. Pagdating ko sa bahay nila agad ko pinarada ang kotse ko sa garahe nila. Diritso lang ako pumasok sa bahay nila at nagtungo sa kwarto ni Rebecca, naigtad siya sa pagdating ko, mostly kasi umaga lang ako bumibisita sa kanya o gumagala.
"Oh napadalaw ka?" gulat niyang tanong.
"Di ako makapag concentrate sa bahay eh.” simpling sagot ko. 
Lalo na lasing si Juan ngayon at hindi pa masyado nahimasmasan baka ako pa mapagbuntungan ng galit niya.
"Nag away ba kayo ng asawa mo?" biglaang tanong n’ya. Umiling lang ako at binuksan ang laptop ko, hindi ko pwedeng amining nag aaway kami. In the first place hindi naman 'yon away eh, mainit lang talaga ulo ni Juan sa ngayon dahil nakainom siya. 
"Lasing siya no'ng inuwi ko, nagwawala kanina." sabi ko habang tutok ako sa laptop ko.
"Sinaktan ka ba niya?" nag aalalang tanong ni Rebecca.
Tumawa ako, "hindi naman, dinalaw lang din kita rito, saka maingay sa bahay eh" sagot ko.
Mga alas dose na ako ng matapos ako sa ginagawa ko. Tumabi lang ako kay Rebecca na mahimbing na natutulog sa kama niya. Kinabukasan dito na lang din ako kumain kina Rebecca, walang magluluto para sa'kin doon sa bahay kasi hindi naman ako maruno magluto.
"Tumawag si Juan kanina." sabi ni Rebecca sa'kin at binigay niya ang phone ko.
"Bakit daw?" tanong ko.
"Hinahanap ka raw ng Daddy mo." 
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Rebecca kaya binilisan ko ang pagkain para mapuntahan ko na si Daddy, may problema ba si Daddy? Pagkatapos ko kumain umalis agad ako at papunta na ako sa bahay nila Daddy, dinaanan ko lang ang bahay namin, mukha namang walang tao r’yan at pakiramdam ko nakaalis na si Juan. Pumasok agad ako sa loob ng bahay nila Daddy, nakita kong pababa si Daddy sa hagdanan at halatang kakagising pa lang.
"Oh anak naparito ka?" Kumunot ang noo niya ng makita ako habang inaabangan siya sa hagdanan.
"Dad hinahanap niyo raw po ako? sabi ni Juan, tumawag siya sa'kin hinahanap niyo raw ako." tanong ko.
"Huh? Hindi naman, kakagising ko nga lang." sagot ni Daddy, Ibig sabihin si Juan ang may pakana ng lahat ng ito? Siraulo talaga tong si Juan, mamaya 'yon sa'kin.
"Tumawag kasi sa phone ko tapos sinagot ni Rebecca, tulog ako that time noong tumawag sya sa’kin” paliwanag ko kay Dad.
"Sa bahay ni Rebecca kana naman natutulog?" tanong niya "Nag aaway ba kayo ni Juan?" sunod niyang tanong.
Hindi ko pwedeng sabihing nagka subokan kami kagabi baka mag-alala si Daddy at baka magalit. Wala akong masabi kaya dali-dali na lang akong tumakbo palabas at agad sumakay sa kotse ko para umuwi  sa bahay.
Nagagalit siya sa'kin tapos hahanapin niya ako, nag abala pa siyang tawagan ako. Akala ko ba wala kaming pakealaman sa isat-isa pero ngayon ginawa niyang excuse si Daddy para pauwiin ako. 
Pagpasok ko sa bahay namin nakita ko siyang bumaba ng hagdanan, naka business attire na siya at handa nang pumunta sa trabaho niya. Tumingin lang siya sa’kin nang magkasalubong kami.
"I'm sorry for last night. I didn't mean it. It was just a misunderstanding." seryoso niyang sabi. Ako naman ay nanatiling nakatayo at nakatingin sa mga mata niya, wala akong masabi. “Hindi na mauulit.” sabi niya. Ayan na nga, nagsisi na. 
Napatingin siya sa kanyang relo, “I have to go. Eat your breakfast.” umalis na siya sa harapan ko at lumabas ng bahay. Ibig ba sabihin may pagkain ako rito? Nag-order siya? Wow naman, biglang bawi. 

Komento sa Aklat (64)

  • avatar
    EliasAsmin

    napakaganda

    24/08

      0
  • avatar
    scuelajohnjericho

    ganda

    17/05/2025

      0
  • avatar
    John Ronald Dinola

    John Ronald Dinola

    13/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata