Melissa's Point of View One week after the party, heto ako ngayon, naghihintay ng update sa pinapagawa ko sa pinsan kong si Ezekiel. Bigla akong napabangon nang marinig ang ringtone ng cellphone ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan niya sa screen. "Hello? Anong balita?" "Doing fine. Naasikaso ko na ang requirements mo." Napataas naman ang kilay ko. "What requirements?" "Dadaan ako diyan mamaya. Ibibigay ko sa'yo. Busy pa kasi ako ngayon. Sige, bye—" "Hey!" May sasabihin pa sana ako, pero binabaan na niya ako. Tsk. Busy na naman siguro sa mga babae niya. That man. Certified babaero talaga. --- Matapos ang ilang oras ng paghihintay, bumaba agad ako mula sa kwarto nang malaman kong nasa ibaba na si Ezekiel. Ngumiti siya nang magtama ang mga mata namin. Agad naman akong tumingin sa paligid. Baka kasi nandito sina Mom at Dad. Patay ako kapag nahuli nila ako. Hindi ko pa nga nasisimulan ang plano ko. "Bakit nandito ka pa? Dali, sa kwarto ko tayo." Biglang natigilan si Ezekiel. "May problema?" "Wala naman, kaso… you know, couz. Lalaki ako at babae ka. Kahit na magpinsan tayo—" "Aray!" Hinampas ko siya sa braso. "Kung anu-ano kasi iniisip mo. Akin na 'yang folder at doon tayo sa garden mag-usap." "Ang bigat talaga ng kamay mo couz. Sakit 'nun huh" Reklamo niya. At sumunod naman ang babaero kong pinsan. Umupo kami malapit sa pool habang panay ang tingin ko sa paligid. Mabuti na lang wala pa sina Mom at Dad. Mabilis kong binuksan ang folder. Ang unang bumungad sa akin ay ang resume ko. "Not bad. Maganda 'yung picture." Ngunit agad akong napasimangot nang mabasa ang educational attainment. "What the fu—" Napatingin ako kay Ezekiel. "Anong school itong Maasim College?!" Napaatras siya. "Woah, grabe ka naman. Ang lutong ng mura mo, cous." "Nag-eexist ba talaga 'yang school na 'yan?!" "Somewhere in Mindanao. At oo, nag-eexist. Ang mas nakakatuwa, may totoong Isa Garcia talaga." Napatigil ako. "Seriously?" "Seriously. Nakausap ko pa nga. Same birth year pa kayo." Napangisi ako. "Well, that's better." "Same course din kayo. Kakagraduate lang din niya kaya hindi na tayo mahihirapan." Habang binabasa ko ang resume, bigla akong natigilan. "Deceased?" Napatingin ako kay Ezekiel. "Ah, totoo 'yan. Wala na siyang mga magulang. May lola lang siyang kumupkop sa kanya kaya hindi niya maiwan ang Mindanao." Tumango ako. At least, may silbi rin pala ang pinsan kong babaero. Napansin ko ang flyer na nasa folder. "And what's this?" Ngumisi siya. "Sakto sa plano mo. Hiring ang WE Group para sa Assistant Secretary ng CEO." Nanlaki ang mga mata ko. "For Klaus?" Tumango siya. "Yeah," casual na sagot niya, parang napaka-normal lang ng balitang iyon. "His previous assistant resigned last week." "Take note, madami kang makakalaban." Ngunit nang mapadako ang tingin ko sa details ng schedule na hawak niya— Halos mapatalon ako sa gulat. “What the fu—?! Bukas na?!” Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Napakamot siya sa ulo, parang alam niyang huli na ang lahat para sa reaksyon ko. “Yeah,” simpleng sagot niya. “Shortlisting is fast. They need someone immediately.” Napapikit ako saglit. Bukas. Ibig sabihin, wala na akong oras para maghanda. Ngumiti pa ang loko. “At reminder lang, ayaw ni Klaus sa malandi—” Masama ko siyang tiningnan, agad na sumingkit pa ang mga mata ko. “Hoy! Hindi ko sinabing ikaw ’yon,” mabilis niyang bawi, sabay iwas ng tingin na para bang natatakot siyang mabato ko ng kung anumang mahawakan ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Really?" Napabuntong-hininga siya. "Klaus likes quiet people," patuloy niya, mas kontrolado na ang boses. "One question, one answer. Ayaw niya sa madaldal." Huminto siya sandali, parang sinusukat kung dapat pa ba niyang ituloy ang sinasabi niya. In the midst of the silence, I could feel the weight of his name—like he wasn't just a person, but a standard that you had to measure up to. “Hindi rin siya madaling basahin,” dagdag niya, mas mahina ang boses ngayon. “Pero isang bagay ang sigurado… kapag naamoy niya na may tinatago kang agenda—o kahit anong pilit na pagpapapansin—automatic na ’yon. Shut down agad. Wala nang second chance, wala nang paliwanag.” Napatango ako nang dahan-dahan. So ganoon pala si Klaus… hmm. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa. Para kasing sa paraan ng pagkakalarawan ni Ezekiel, hindi tao si Klaus—isa siyang high-security vault na may sariling lie detector. “Thank you for your concern, Ezekiel.” Humalukipkip ako. “Actually, balak kong lumipat sa maliit na apartment malapit sa company.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Ezekiel. “Lowkey lifestyle?” Napangiti ako. “Exactly.” "No problem," sagot niya kaagad. “Ako na bahala.” "Dapat lang" "Gusto mo sunduin kita bukas?" Alok niya. "No. Magta-taxi ako." Napatingin siya sa akin na parang nakakita ng alien. "Never ka nagta-taxi." "Magbo-book ako. Hindi naman ako engot." Napailing siya. "Melissa!" "Tama na. Alam kong atat ka nang umalis para maglandi." Natatawa akong naglakad palayo. "Huwag ka lang magpahawa ng sakit. Eww." "Melissa!" Hindi ko na siya nilingon. --- Pagpasok ko sa kwarto, agad kong kinuha ang tablet ko. Sinearch ko si Walden Klaus Evans. Ilang segundo lang, sunod-sunod na lumabas ang mga resulta. Mga artikulo tungkol sa WE Group. Mga business magazines. Mga larawan niya sa conferences at charity events. At— Wala nang iba. Napangiwi ako. Binuksan ko ang social media account niya at locked lahat. "Masyado talagang private." Pero bigla akong napangiti nang may mapansin akong isang page sa gilid ng screen. —Walden Klaus Evans Official Fans PH— Napakurap ako. “Akalain mo ’yon?” natatawa kong bulong. “May fan page?” Sa kabila ng private niyang social media accounts, mukhang may mga tao pa ring walang sawang sumusubaybay sa kanya. Curious na pinindot ko iyon. At halos matawa ako nang makita ang laman. Mga candid photos niya sa business summits. Mga screenshot ng interviews. Mga edits na parang K-drama poster. At— #KlausSmileChallenge Still waiting for CEO Evans to smile. Napahalakhak ako. “Grabe, may fandom talaga?” May mga comments pa: ‘Sir Klaus, isang ngiti lang po. Hindi naman kami manghihingi ng shares ng kumpanya.’ ‘Manifesting na makita siyang naka-casual clothes.’ ‘Baka robot talaga si CEO.’ Napailing ako habang natatawa. “Mga baliw.” Pero bago ko pa namalayan— Join Group? Pinindot ko agad. ✓ Joined. “Ano ba naman ang masama sa pagiging updated?” depensa ko sa sarili ko. Pagkapasok ko sa group, bumungad agad ang isang bagong post. EXCLUSIVE! CEO Walden Klaus Evans spotted at Supreme Hotel with Miss Olivia Montemayor! Are they dating? Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?” Mabilis kong binuksan ang comment section. At doon ko napatunayang— Hindi lang pala ako ang curious kay Walden Klaus Evans. May libu-libong tao rin palang ginagawang hobby ang pag-analyze sa bawat galaw ng lalaking iyon. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… Imbes na mainis— Napangiti ako. “Mukhang interesting ang fandom mo, Mr. Evans.” --- Nang maalala kong interview ko kinabukasan, bigla akong napatingin sa cabinet ko. At doon ko lang tuluyang na-realize ang isang napakahalagang problema. Nanlaki ang mga mata ko. "…Ay, shoot." Mabilis kong binuksan ang pinto ng cabinet. At mas lalo akong napatigil. Crop tops. Short skirts. Bodycon dresses. Off-shoulder tops. Denim shorts. At ilang paborito kong fitted outfits na mas bagay sa brunch dates at girls’ night out kaysa sa corporate interview. Napahawak ako sa noo. “Wala pala akong matinong damit.” At ang masama pa, kakadonate ko lang ng halos kalahati ng wardrobe ko noong nakaraang buwan. Napapikit ako. “…Perfect timing.” Napatingin ulit ako sa cabinet, umaasang may mahimalang blazer na biglang susulpot. Wala. “Okay.” Napabuntong-hininga ako. “I need to go shopping.” Agad akong tumayo at nagbihis. Tank top. High-waist pants. Slippers. Simple. Hindi naman ako mahilig mag-ayos kapag namimili. At lalong hindi ako mahilig magdala ng bag. Wallet at cellphone lang, okay na. Pagtingin ko sa relo, napamura ako. “Seven o’clock na?!” Mabilis kong sinuklay ang buhok ko, kinuha ang susi, at halos patakbong lumabas ng kwarto. Pagdating sa garahe, walang pag-aalinlangan kong pinindot ang remote key. Beep. Nagliwanag ang itim kong Audi. Pagkaupo ko sa driver's seat, agad kong pinaandar ang makina. --- Diretso ako sa department store at naghanap ng lowkey brands. Hindi puwedeng luxury. Baka mabuking agad ako. Ang gusto ko lang naman ay makilala si Walden Klaus Evans nang hindi halatang gusto ko siya. Kung ipakikilala ako ni Ezekiel bilang pinsan niya, baka isang beses lang kami magkita. Pero kung sa company niya ako magtatrabaho… Araw-araw ko siyang makikita. At mas lalaki ang chance na mapansin niya ako. Slow and steady, Isa. Parang National Geographic lang. Huwag mong takutin ang mailap na CEO. Habang seryosong namimili ng blazer, may narinig akong boses sa likod ko. "Miss, are you deaf?" Napakurap ako. Ha? Napalingon ako sa babaeng halos maubos na yata ang pulbo sa mukha sa sobrang puti, samantalang ibang shade ang leeg. Parang may sariling climate change ang foundation niya. "What did you say?" "Are you deaf?" Inulit pa talaga. "Ano bang problema mo?" tanong ko. "Kanina ka pa nakaharang. Akin na nga 'yang hawak mo. Hindi mo naman bibilhin." Nagpanting ang tenga ko. "Excuse me?!" Napapalakpak pa ako sa inis. "Ang laki-laki ng department store na 'to, pero dito ka talaga dumaan? Impressive." "Cheap," mataray niyang sagot. Napangiti ako. "At least bagay ang shade ng mukha ko sa leeg ko." Tahimik. Tapos— "OOOOH!" May sumigaw pa talaga sa gilid. Napasinghap ang mga saleslady. Ang isa, napahawak pa sa dibdib. "Miss, nakakaabala na po kayo." Napalingon ako. Isang guard. "Ako pa ang nakakaabala?!" galit kong sigaw habang tinuturo ang babae. "Ako ang binastos dito! Call the manager!" "What is going on here?" Isang malalim at baritonong boses ang umalingawngaw. At parang may nag-pause sa buong paligid. Biglang nagsitayuan nang tuwid ang mga empleyado. Ang guard ay halos mapasaludo. At nang mapatingin ako sa nagsalita— Tumigil ang mundo ko. Matangkad. Naka-itim na polo. At ang mukhang ilang beses ko nang ini-stalk sa fan page na sinalihan ko kanina. Walden Klaus Evans. Oh, crap. Napalunok ako. Hindi puwedeng dito pa kami magkita. May interview pa ako bukas. Hindi pwedeng ang first impression niya sa akin ay —Crazy woman in slippers involved in a foundation shade war! "Ju-just misunderstanding. I need to go." Nataranta ako bigla. Pero bago pa ako makaalis, may humawak sa braso ko. Nanlamig ako. Pambihira. Mainit ang kamay niya. At— Infairness, ang lambot. Focus, Isa! Hindi hand cream ang problema mo! "You can't leave yet. You've caused a scene, and we need to settle this." Dumiretso ang tingin niya sa akin. At muntik na akong mawalan ng Wi-Fi signal. Jusko. Pati eyebags ko kita niya. Hindi ko maintindihan kung bakit parang mas nanginginig ako sa kamay niyang nakahawak sa braso ko kaysa sa possibility na ipakulong niya ako. "Secretary Cruz." Malamig niyang utos, hindi man lang inaalis ang tingin sa akin. "Samahan mo siya sa office. Ikaw na ang bahala." At ganoon lang. Binitiwan niya ang braso ko. Tumalikod. At naglakad palayo. Walang lingon. Walang emosyon. Walang kaalam-alam na ang babaeng iniwan niya roon— Ay may interview bilang assistant secretary niya kinabukasan. Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko lang naman bumili ng damit. Bakit ba ganito ang buhay ko? Hindi ba puwedeng normal na shopping lang? Yung tipong papasok ka, bibili ng blazer and slacks tapos uuwi? Bakit kailangan pang makipag-away ako sa walking foundation advertisement na 'yon? At bakit sa lahat ng tao sa mundo— Sa lahat ng pitong bilyong tao— Si Walden Klaus Evans pa talaga ang kailangang sumulpot? Napatingala ako sa kisame. "Lord, hindi po ba medyo mabilis? Kakajoin ko pa lang ng fan page niya kanina." Huminga ako nang malalim. "At hindi naman ako humihingi ng meet-and-greet. Blazer lang po. Blazer ." Pero wala. Nasa elevator na ako, kasunod ni Secretary Cruz, habang pakiramdam ko ay isa akong kriminal na dadalhin sa hearing. May mga empleyadong napapatingin sa akin. May isang saleslady pa na pabulong na nagtanong sa kasama niya. "Siya ba 'yung sumagot sa isang saleslady kanina?" "Oo yata. Siya rin 'yung hinawakan ni Sir Klaus." Nanlaki ang mata ko. Hinawakan lang ako, ate. Hindi niya ako pinakasalan. Napahawak ako sa noo. Diyos ko. Kailangan ko lang naman bumili ng damit. Hindi asawa. Hindi CEO. At lalong hindi ng bagong kaaway. Huminga ako nang malalim. Kalma lang, Isa. Worst case scenario? Pagsasabihan ka lang. Magso-sorry ka— Ay, hindi dapat ang saleslady na 'yon ang mag hingi ng sorry sayo. Tapos uuwi ka. Bibili ng pang corporate attire. At bukas… Magkikita ulit kayo ni Walden Klaus Evans. Bilang interviewer at applicant. Nanigas ako. Sandali. Unti-unti akong napalingon kay Secretary Cruz. "Um…" "Yes, miss?" "Pwede bang mag-reschedule ng kahihiyan?" Napakurap siya. "Huh?" Napapikit ako. "Dahil feeling ko, hindi pa sapat 'yung kahihiyang naipon ko ngayong gabi." --- Ipinaliwanag ko ang side ko kay Secretary Cruz. Humingi naman ng pilit na tawad ang babaeng nakabangga ko. At doon natapos ang issue. Kaso… Sa sobrang haba ng usapan at imbestigasyon— Nag-close na ang mall. At sa huli… Wala akong nabiling damit. Napahiga ako sa driver's seat ng Audi ko. "What a freaking day." At bukas pa ang interview ko. Great. Just great.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Ang ganda update pls
17d
0amazing
26d
0Wow! Start to read🥰
27d
0Tingnan Lahat