logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Maaga akong pumasok kinabukasan with high spirit.  Nakangiting bumati sakin si Mae.  Hindi ko maitago ang excitement ko sa trabaho kaya hanggang tenga ang ngiti ko the whole time.  Ipinakilala ako ni Mrs. Lopez kay Mr. Gonzales kanina.  Mabait naman pala ang boss namin, palangiti kasi ito.  Mukhang hindi marunong magalit.  Sa tingin ko nasa late 50's na ang edad nito.  Napag-alaman kong naging lead vocalist pala ng banda noon si Sir Ron kaya nagtayo sya ng ganitong negosyo.  Ayaw nya raw magpatawag ng Mr. Gonzales, dahil feeling nya daw tumatanda sya.
Inikot namin ni Mrs. Lopez ang buong building.  Nasa 2nd floor pala ang recording studio.  Mas lalo akong na-excite nung makita ito.  Bigla ko tuloy naalala nung minsan eh mag-recórd ako ng kanta para sa kanya. 
Para kay Mike. 
Hindi ko na sya dapat iniisip pa.  Mabilis ko namang ibinalik ang atensyon ko kay Mrs. Lopez.  Umakyat naman kami sa 3rd floor, ito pala ang nagsilbing conference room.  Nandito rin nakalagay ang iba pang mga files at CDs.  Ipinakilala nya rin ako sa iba pang mga empleyado.  Hindi naman ako nahirapang tandaan ang mga pangalan nila dahil iilan lang naman ang mga kasamahan ko.  Kung hindi ako nagkakamali, eh pito lang kami.  At tatlo lang kaming babae.  Ako, si Mae, at si Jenny.  Si Jenny ang nagsisilbing talent scout.  Ang mga lalaki naman eh mga married na.  Sila ang may mabigat na role dito.  Dahil sa kanila dumadaan ang bawat kantang naisasa-plaka.  Bilib ako sa kanila dahil matiyaga silang nagtatrabaho para sa mga pamilya nila.  Hindi ko tuloy maiwasang maisip si daddy.  Napaka-dedicated kasi nun sa trabaho.  Sobrang bait din nun sa mga empleyado nya dati.  Siguro kung buhay pa sya, alam kong susuportahan nya ang pangarap kong maging singer.  Who knows, baka naging sikat na singer na ako ngayon.
Hay naku! Eto na naman ako, nangangarap ng gising.  Nabubuhay kasing muli ang pangarap kong yun lalo na at dito ako nagtatrabaho.  Libre namang mangarap, diba?
...
Magkasabay kaming umuwi ni Mae ngayon, nagkakwentuhan kasi kami kaninang break time at nalaman ko na medyo malapit lang sa subdivision namin ang inuupahan nya.  Kaya napagkasunduan namin na palagi na kaming sabay pauwi. Mula 8 am hanggang 5 pm ang duty namin. 
Habang sakay ng jeep, patuloy pa rin ang pagkukwento ni Mae.  Madaldal pala talaga sya, at pareho kami.  Kaya nga madali kaming nag-click.
"Hoy Gail, alam mo na ba ang latest news ngayon?"
"Oh, ano yun?"
"Yung bagong singer na Pinoy na sumikat sa ibang bansa.  Si Red?"
"Red?"
Bigla naman akong na-excite sa sinabi nya.  Naisip ko kasi bigla ang kaibigan kong si Red.  Mahilig din kasi yung kumanta at pangarap din nung maging singer. 
Anak sya ng isa sa mga matagal nang empleyado ni daddy.  Magkahiwalay ang parents nya at naiwan sya sa kanyang ama.  Hindi rin nito alam kung nasaan na ang kanyang ina.  Ang alam lang ni Red eh sumama ito sa ibang lalaki at iniwan sila.  Ngunit nagkasakit ang ama nito at kalaunan ay namatay.  15 years old lang si Red noon, matanda sya sakin ng isang taon.  Naawa naman si daddy kaya pinatira nito si Red sa bahay namin at pinag-aral.  Nung una, hindi ko talaga sya makasundo dahil palagi nya akong inaasar.  Pero nakasanayan ko na rin at na-realized kong ganun lang talaga sya.  At sobrang close nya kay Trixia. Parang silang dalawa na nga ang magkapatid nun, pinagselosan ko pa yun dati. 
Tatlong taon na rin nung huli ko syang makita.  Nakakuha kasi si Red ng scholarship from the University of California.  Hindi nya nga nakwento sakin na nag-apply pala sya ng scholarship dun.  Matalino rin naman kasi sya kaya sayang din kapag hindi nya tinuloy.  Sobrang nalungkot ang parents ko nun dahil napamahal na rin naman si Red sa kanila at talagang sobrang biglaan ng desisyon nya.  Pero sa aming lahat, si Trixia ang pinakamalungkot.  Ako mismo ang naghatid sa kanya nun sa airport.  Ang araw ng pag-alis nya, yun din ang araw na naaksidente sina daddy.
"Earth to, Gail."
Napansin kong ikinaway ni Mae sa mukha ko ang isang kamay nya. 
"Ang layo naman na ng narating mo.  Kanina pa pala ako nagdadaldal dito eh hindi ka naman pala nakikinig."
"Sorry Mae ha.  May naisip lang kasi ako." Nahiya naman ako sa kanya.
"Okay lang, Gail.  Malapit na rin naman akong bumaba.  Tomorrow ko na lang ikukwento sayo."
Nakangiti nyang sabi.  Akala ko tuluyan na syang nagtampo sakin.  Paano ba naman biglang lumipad ang utak ko kanina.  Baka nga hindi si Red ang tinutukoy nya.  Ang dami kayang Red ang name sa mundo.
"Basta Gail.  Ang gwapo nun at ang ganda pa ng boses.  Try mo kasing i-Google.  Una na ako sayo ha.  Bye."
Kinikilig na pahabol nito habang pababa ng jeep.  Napapailing naman ako.  Ang daldal talaga.
----
"Good morning, Sir Mike."
Bati kay Mike ng isa sa mga katulong pagbaba nya ng hagdan.  Tinanguan nya lang ito at tuluy-tuloy na syang naglakad patungo sa dining area.  He wants coffee badly.  Medyo napahaba ang tulog nya kagabi.  Dahil na rin siguro yun sa ininom nyang gamot kahapon.  Gumaan na rin naman ang pakiramdam nya after shower.
"Iho, good morning." Niyakap at hinalikan sya ng mommy nya.
"Sit down and let's have breakfast."
Naupo naman na sya habang iniutos ng mommy nya na ipagtimpla sya ng kape.  Nakabukas ang TV sa may dining area at habang naghihintay sya sa kanyang kape eh nanood muna sya ng balita.
"So, how are you feeling now? Hindi na ba masakit ang ulo mo?" Nag-aalalang tanong ng mommy nya.
"Hindi na mom.  Don't worry about me.  I'm okay."
Silence overtook them.  Ang dami nyang gustong itanong sa mother nya.  But he doubted kung sasagutin nito ang mga yun.  He has this feeling that she's hiding something from him.  And he had no idea kung ano yun.  After a few minutes inilapag na ni yaya Rosa ang kape nya.  Fortunately, naaalala nya ito.  Maybe because she's been with him since he was a kid.  His memories are slowly returning now, pero hindi pa lahat.  Just a little bit of something ika nga.
"Kumusta ka na, MJ?" Tanong sa kanya ni yaya Rosa.
"Okay na po ako, yaya." Nginitian nya ito.  Hanggang ngayon MJ pa rin ang tawag nito sa kanya.  Ito lang ang gumagamit ng palayaw na yan sa kanya. Nahahabaan raw kasi ito sa pangalan nya.
"Mabuti naman.  Kumain ka ng marami para maging malakas ka ulit." Matanda na si yaya Rosa, natatandaan nyang ito rin ang naging yaya ng daddy nya dati.  Nung mag-asawa at magka-anak ang parents nya, kinuha ito ng daddy nya para alagaan sya.
"When are you going to visit the office, son?" Napatingin naman sya sa mommy nya.
"Maybe tomorrow, mom.  May gusto lang akong puntahan ngayon."
"Where are you going? Ayokong umaalis ka na ng bahay na ikaw lang mag-isa.  Mahirap na Mike, baka mangyari na naman ang nangyari sayo kahapon."
"I'm just going to buy something, mom."
"And maybe, I'll drop by at Penelope's house after." He added nang makita nya ang pagtutol nito.  Alam nyang magugustuhan nito ang huli nyang sinabi.
"Oh, okay son.  Dapat dinadalaw mo rin ang girlfriend mo.  I'm sure matutuwa yun kapag pinuntahan mo sya."
Tumango na lang sya at hinarap na ang pagkain.  Nauna ng tumayo ang mommy nya dahil papasok pa ito sa opisina.  Habang kumakain, nakatutok pa rin sya sa morning show na ipinapalabas sa TV.  Nahinto ang pagsubo nya ng makita nya ang picture ng isang lalaki sa screen. 
Ayon sa report, isa itong sikat na singer sa US at isang Pinoy.  Pero hindi yun ang nakaagaw ng atensyon nya.  Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki.  It's as if he met him somewhere in his past.  Nararamdaman nyang kilala nya to.  Hindi nya nga lang maalala kung saan at kailan.
Kailangan na nyang kumilos.  Maraming mga bagay ang naglalaro sa isipan nya.  And now, there's another part of the puzzle na dapat nyang ma-solve.  Hindi sya mapapalagay hangga't di nya naaalala lahat.  And he needs to start it now.

Komento sa Aklat (113)

  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    20/07

      0
  • avatar
    Paps Ng Lahat

    wow

    18/07

      0
  • avatar
    BajoRitchelle

    maganda

    14/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata