logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 1

Tinalikuran.
Para kasi siyang nang-iinis, hindi ba halatang umiiyak ako? Tapos magpapatugtog siya ng ganyan?
Ipapaubaya... Ipauubaya ko ba si Grei kay Hera? Kaya ko ba siyang ipaubaya? Kaya ko ba?
“Pinagsasabi mo?” Nakataas pa rin ang kanyang kaliwang kilay, tila takang-taka.
Napabusangot ako dahil sa sinagot niya, gusto ko tuloy humagulgol nalang. Pwede bang huwag muna ngayon? Bakit ba sunod-sunod ang nagpapa inis sa akin?
Hinawi ko ang aking mga luha sa aking pisngi at pinukol ko siya ng matalim na tingin.
"Wala," sagot ko. Tumingin ako sa harapan at napabuga ng hangin.
Ele, hindi mo siya kilala, hindi niya kasalanan kaya chill ka lang.
Niyakap ko ang aking mga tuhod at itinukod doon ang aking baba. Hindi pa rin umaalis sa tabi ko ang lalaki at ang kanyang kulay asul at magagandang uri ng mga mata ay naka tingin sa maliwanag na buwan.
“Ang ganda ng buwan, no?” mutawi niya habang hindi pinipigtas ang tingin doon.
Inalis ko ang pagkakayukod ng aking baba sa aking tuhod at tumingala rin ako sa bilog na buwan. Buong-buo ito at tila binibighani ako sa liwanag at ganda nito.
Tumango lang ako bilang sagot sa kaniya at hindi na nagsalita pa.
“Heartbroken?” Muli siyang nag salita. Doon na ako nag baba ng tingin sa kanya at hindi ko inaasahan na titingin din siya sa akin.
Umiwas ako ng tingin, kahit madilim at tanging liwanag lang ng buwan ang kumakain sa buong paligid ay nakikita ko pa rin kung gaano nakakabighani ang kulay asul niyang mga mata.
“Porket ba umiiyak ay broken-hearted agad?Hindi ba pwedeng nag iinarte lang?” Narinig ko siyang tumawa kaya muli kong naibalik ang aking tingin sa kanya. Umiiling-iling ito habang natatawa. Tila isang nakakatawang bagay ang aking sinabi.
Bakit? Totoo naman, ah? Hindi lahat ng umiiyak ay broken, yung iba gusto lang mag senti.
“So? Nag iinarte ka lang?” Nakahawak pa siya sa kanyang panga at yumuyugyog ang kanyang mga balikat.
Umiwas ako ng tingin at muling tumingin sa harapan. “H-Hindi,” Napapikit ako ng mariin.
Bakit ko ba kinakausap ang lalaking ito? Hindi ko naman siya kilala at wala naman siyang maitutulong sa pagkadurog ko ngayon.
“Kung hindi, edi brokenhearted ka.” pinal na anya, tila nahuli na ako.
Napangiwi ako. “Oo na kuya, tama ka na. Broken-hearted na kung broken-hearted. Tsk!” binubunot-bunot ko ang mga damo sa aking harapan at doon inilalabas ang pagkainis. Hindi ba pwedeng ako nalang mag isa dito? Para naman mailabas ko ‘yong sakit.
“Pwede kang mag kwento. Hindi mo naman ako kilala at hindi rin kita mahuhusgahan. Masarap may kakwentuhan sa mga ganyang usapan.” ang tono niya ay mahinahon at hindi ko alam kung bakit naka ramdam ako ng hindi ako nag-iisa.
Muli kong itinigil ang aking paningin sa buwan. “Yung gagong ‘yon, iniwan nalang ako at pinagpalit ako sa kaibigan ko.” Tumingin ako sa kanya, “Ang gago diba?” tanong ko at siya namang tinanguan niya.
“Ang gago nga.” Sumulyap siya sakin at muling tumingin sa buwan. “Tuloy ang kwento.” Humalakhak siya.
Napailing ako at napangisi, ang buong akala ko ay buong gabi akong iiyak pero bakit ang nangyayari ay parang nakikipag kwentuhan lang ako sa kanto?
“Pinipilit niya akong maging mapayat... Ikinahihiya niya ako, ang gago niya.” Pag rarant ko pa.
Para akong tinusok ng isang daang kutsilyo sa dibdib ng maalala iyon. Kung paano lumulukot ang mukha ni Grei sa tuwing nadadagdagan ang timbang ko, kung paano siya naiinis pag pinagtatawanan siya ng kanyang mga barkada.
“Oo, ang gago no‘ng ex mo.” Hindi na siya tumawa, seryoso na ang kanyang tinig.
“Ang gago niya... Pero kahit sobrang gago niya, hindi pa rin maaalis sakin na mahal ko siya...” pahina nang pahina ang aking tinig. Ramdam ko ang pangingilid ng aking mga luha. Napayuko ako dahil ayokong mapansin niya iyon.
Napatigil ang aking luha sa pangingilid nang may inabot siyang tissue ng jollibee sa akin. Napakunot ang noo ko at napa-angat ang aking tingin sa kanya.
Ngumiti siya at hinimas ang kanyang batok, “Sorry... Wala akong panyo. Pwede kang umiyak.” Mas lalong gumanda ang pagkakangiti niya na para bang sinasabi sa akin na huwag na akong mahiya pa. Ngumiti ako at dahan-dahang kinuha sa kanyang kamay ang tissue ng jollibee.
Gusto kong matawa pero hindi ko magawa, masyadong masakit ang nararamdaman ko. Halos three years din kami ni Grei, siya ang first love ko.
Unti-unting tumulo ang aking mga luha hanggang sa mauwi na sa paghagulgol. Hindi ko alam kung bakit pinapakita ko sa lalaking ito ang kahinaan ko o sadyang masakit lang talaga kaya wala na akong pakialam pa kahit may makakita?
Halos tatlong minuto na akong umiiyak at hindi ko alam kung nasa tabi ko pa ba siya dahil naka yukong umiiyak ako. Sobrang sakit lang talaga. Ikinahihiya ako ni Grei, ikinahihiya ako ng lalaking mahal ko, ikinahihiya niya ako dahil isa akong babaeng mataba, hindi niya ba ako tanggap sa kung ano ako? hindi niya ba masikmura ang katawan ko?
Napatigil ako ng may maglahad ng bote nang tubig sa aking harapan, nakabukas na iyon. Unti-unti akong tumingin sa aking likod at nakita ko siya doon.
“Uminom ka muna, baka nauuhaw ka na.” Lumunok ako at kinuha sa kanyang kamay ang tubig. Muli siyang umupo sa tabi ko.
“Salamat...” mutawi ko, inaamin ko naman na gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam ng nailabas ko sa kanya ang hinanain ko, kahit hindi ko siya kilala ay napagaan niya ang aking loob.
“Wews, wala ‘yon.” humalakhak siya.
Ngumiti ako habang naka tingin sa boteng ibinigay niya sa akin na hindi ko pa pala naiinom. Nag angat ako ng tingin sa kanya ng bigla siyang tumayo. Tumayo rin ako.
“Oh, paano ba ‘yan, alis na ako. Andyan na kasi yung hinihintay ko, bye!” Agad niya akong tinalikuran at tumakbo papalayo sa akin.
Tatawagin ko pa sana siya para itanong ang kanyang pangalan ngunit masyado na siyang malayo. Hindi ko man lang ako nakapag pa kilala ng pormal.
Bumuntong hininga ako at napagpasyahan ng umuwi. Ang sobrang bigat sa dibdib ko ay nabawasan ng kaunti.
Pagkauwi ko ng bahay ay bumungad sa akin si Hera na naka upo sa aming sofa habang naka yuko. Agad akong nilapitan ni Dada at binulungan. “Anong problema Ele?nag-away ba kayo?” Hindi ko siya sinagot at nakapako lamang ang aking tingin sa babae.
Anong ginagawa niya dito? Ang kapal ng mukha niyang humarap pa sa akin  pagkatapos niya akong lokohin. Ang nawalang bigat sa dibdib ko kanina ay muling bumalik. Matalim kong tinitigan ang babaeng nakatingin na sa akin ngayon.
“O siya, mag usap muna kayo. Mag be-beauty rest muna si mudrakels mo.” muling bulong sa akin ni Dada.
Nang wala na siya sa sala ay doon naman napatayo si Hera mula sa kanyang pagkakaupo.
“Pwede ba tayong mag-usap?” tanong niya, at ano naman ang aming pag uusapan? Kung paano niya nilandi si Grei ganon ba?
Naglakad siya at nilampasan ako, lumabas siya ng pinto at pumunta sa terrace namin. Pinilit kong ihakbang  ang aking mga paa kahit sobrang bigat nito. Nang nasa harapan na niya ako ay taas noo ko siyang tiningnan.
“Anong kailangan mo? Kung nandito ka para mag sorry—” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niya akong pinagkunutan ng noo at sinamaan ng tingin.
“Hindi ako pumunta at nag sayang nang oras sayo para lang mag sorry, pumunta ako dito para ibigay sayo ‘to.” Bigla niyang isinalpak sa aking tiyan ang isang kahon.
Ang buong mukha niya ay hindi mababakasan ng konsensya o anumang pag sisisi, walang emosyon siyang naka tingin sa akin habang naka krus ang mga braso.
“Ang kapal ng mukha mo.” puno ng puot na mutawi ko.
Sobrang kapal ng mukha niya. Kaibigan ko siya hindi ba? Pero bakit siya pa ang trumatraydor sa akin? May bumabara sa aking lalamunan, nag iinit ang aking mga mata at alam kong kaunti nalang ay may tutulo na doon pero hindi ko hahayaang makita niyang nanghihina ako.
“Wala na akong pakialam sa iisipin mo, Ele. Pumunta lang ako para ibigay sayo 'yang mga basurang ibinigay mo kay Grei.” Humigpit ang pagkaka-hawak ko sa kahon, nanginginig ang aking kalamnan at parang sinasakal ako.
“Mas basura ka Hera, tandaan mo ‘yan. Basura ka na pinulot lang ni Grei sa daan.” Ganti ko sa kanya.
Patapon ang buhay dati ni Hera noong bago pa kami nagkakilala, naninigarilyo, naglalasing at gumagamit ng droga. Binago ko siya at inayos... Inayos ko siya pero bakit ako ngayon ang ginugulo niya?
Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata at tila hindi matanggap ang aking sinabi.
“Hindi na kita kaibigan— mali, kahit kailan hindi kita itinuring na kaibigan.” Ngumisi siya sa akin. Ang mga katagang iyon, ang mga katagang iyon ang parang pumatay sa akin. Buhat nang makilala ko siya ay kapatid na ang turing ko sa kanya.
Tinalikuran na niya ako, sabay ng pagtalikod niya ay ang pagtapon niya sa aming pag kakaibigan.
Hindi mo talaga alam kung sino ang sasaksak sa iyo sa likod. Walang kaibigan, kadugo o tao man ang pwede mong pagkatiwalaan.

Komento sa Aklat (157)

  • avatar
    Motoidol

    10/10 very good 😊

    9h

      0
  • avatar
    GregorioApril Rose

    This is the best book to read

    08/04

      0
  • avatar
    Santino Avila

    theaku

    19/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata