"O, Bini, Bituin!" Agad silang nagkalas sa pagkakayakap mag-ate at nagpunas ng mga luha. Nagtataka ang anyo ng kanilang ina na si Susan habang palapit sa mesa at dala ang eco-bag na punong-puno ng pinamili sa palengke. "O, anong mayroon? At bakit kayo umiiyak?" "Hindi po, wala!" pagsisinungaling ni Bini at pasimpleng pinunasan ang luha. Ganoon na rin si Bituin na nakaharap sa gilid. Tiningan sila nang makuhulugan ng ina. Kahit tila binabasa ang kanilang mga hitsura. Naglakad siya at kunyaring hinalungkat ang mga binili nito. "Kadadating mo lang ba?" usisa ni Susan habang nakaharap na sa mesa at naghahanda ng maghiwa ng mga gulay. "Opo. Si Blessi nga pala?" tanong niya sa ina, tinutukoy niya ang kapatid na bunso. "Ate!" masayang bati ni Blessima. Luminga siya sa pinto ng kusina at nang makita ang kapatid ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya. "Mama!" masiglang-masiglang bati nito at lumapit kay Susan. "Anong basura na naman 'yang dala mo?" asik ni Bini habang sinusundan ng masamang tingin si Blessima. "Ano ba'ng basura? Teddy bear ito galing kay Jacob." Napairap siya habang pinagmamasdan ang kinikilig na bunsong kapatid. Sa edad na 19 ay talagang marami na nanliligaw sa dalaga. Maganda at matangkad ito, sa kanilang tatlo ay siya lang naman ang hindi artistahin. Ang dalawa niyang kapatid ay biniyaan ng kagandahan at nagmana sa kaniyang ina. At kung mamalasin naman talaga, ilang beses man niya itanggi ay kahawig niya ang babaerong ama. "Anong oras na, bakit ngayon ka lang umuwi?" imbestiga ni Bini. "Naglinis kami ng restaurant. Huwag kang mag-alala, may dagdag din iyon sa sahod ko," kaswal na tugon nito habang yakap-yakap ang teddy bear. "Ayus-ayusin mo, kaya lang kita pinayagan magtrabaho ay dahil kilala ko ang may-ari ng restobar na iyon." Kung siya lang ang masusunod ay hindi na niya pagtatrabauhin si Blessima. Gusto niya na lang ikulong ito sa kabinet. Natatakot siya na baka matulad ito kay Bituin. "Ate naman," lambing ni Blessima, lumapit at umakbay sa kaniya. "Huwag kang mag-alala. Wala akong boyfriend, hinahayaan ko lang sila manligaw. At kapag, naramdaman ko na 'yong feeling na, he is the one," binitin pa ng bunso ang susunod na sasabihin at luminga sa kaniya. "Sa iyo ko agad sasabihin. Promise iyan!" Itinaas pa nito ang kaliwang kamay para mangako. Awtomatikong inalis ni Bini ang kamay ng kapatid at lumayo kay Blessima. Halos malukot ang mukha niya dahil sa bwisit. "Subukan mo, subukan mong magdala ng lalake rito!" banta niya. Imbes na magalit ay humagikgik lang ito at umakbay kay Bituin na pinipigilang ngumiti. "Pangako, hindi na iyon makalalabas ng buhay." "Sa oras na may tumapak na lalake rito sa pamamahay ay dito na rin siya mamamatay," mariin na bigkas ni Bini. Matamlay niyang hinubad ang bag at ibinagsak ang katawan. Sa totoo lang hindi siya napapagod sa trabaho niya bilang isang dj. Mas nanghina siya sa pakikipag-usap at pagpapaalala sa mga kapatid niyang mga babae. Hindi niya matawag ang sariling manhater, hindi lang kasi basta 'hate' ang nararamdaman niya. Sobra-sobrang hindi maipaliwanag na pagkamuhi ang nasa puso niya, sa tuwing napag-uusapan ang mga lalake. Hindi lang dahil, boys bring babies. Men also bring strees, problems and chaos! Kaya ipinangako na ni Bini na hinding-hindi siya mai-inlove at magpapaloko sa mga lalakeng magaling lang sa una. Ipinagpapasalamat din niya walang nakakakuha ng atensyon niya. Hindi niya alam kung bakit kahit simpleng paghanga noon pa man ay hindi na niya naramdaman. Mukhang talagang matibay ang ginawa niyang bakod sa kaniyang puso. "Tita!" gising ni Estelle kay Bini. Hirap pa niyang imulat ang mga mata. Nabungaran niya ang cute na mukha ng pamangkin. "Alas-sais na po." "Okay, salamat," Nakangiting sagot niya sabay pisil sa pisngi nito. Matapos lumabas ni Estelle ay bumangon na si Bini. Ilang oras na rin siyang nakatulog at kailangan niya ng maghanda para muling pumasok sa istasyon. "Ate, kain na tayo!" tawag ni Bituin mula sa kusina. Agad siyang dumiretso sa lamesa. Naabutan niya ang kambal na pamangkin, si Butuin, Blessima at ang kaniyang ina. "Umupo ka na, sabay-sabay na tayong kumain." Habang nag-uumpisang maghapunan ay lihim na pinagmasdan ni Bini ang pamilya. Inaasikaso ni Bituin sa pagkain ang mga anak, ang kaniyang ina naman ay nilalagyan ng ulam ang plato nila ni Blessima. Kung may nagawa mang tama ang kaniyang ama ay iyon ang kanilang pamilya. Kahit kailan ay hindi niya naramdamang may kulang sa kaniya. Siguro, talagang matagal na niyang sinarado ang puso para sa mga tao lalo na sa lakake ang pinto nito. "Ate!" Halos napataas ng balikat si Bini sa singhal ni Blessima. Nang tapunan niya ito ng tingin ay mukhang inis na inis ito sa kaniya. "Bakit sinabi mo kay Sir. Francis na huwag akong papasukin sa restobar ngayong gabi?!" "Iyong Jacob, waiter din pala iyon. At nabalitaan kong lagi kayong nahuhuling magkasama sa storage area," kaswal niyang pahayag at ipinagpatuloy ang pagkain. "So?" galit pa rin itong tumindig sa silya. Napatigil silang lahat sa pagkain at napatingala sa dalaga. Halos mangiyak-iyak ito sa galit habang hawak ng mahigpit ang cellphone. "Anong so?!" bwisit na ulit ni Bini at binagsak ang kutsara at tinidor. "Wala naman kaming ibang ginagawa. Ang advance mo naman mag-isip!" Nakatirik pa ang mga mata nito. "Prevention is always better than cure. Baka mga ilang araw ay hindi lang basta Bataan ang ibigay mo baka ang buong region three na!" "Bahala ka sa buhay mo!" Halos mapilay si Blessima sa pagdadabog ng mga paa habang palabas ng kusina. Nagkatinginan silang mag-ina. "Hayaan mo na. Ako na ang kakausap," mahinahong saad ni Susan sa panganay. "Mauna na po ako." Nagmano si Bini sa kaniyang ina na nasa labas. Lumapit ito sa likod niya at inayos ang pagkakatali ng kaniyang buhok. "Nakausap ko na si Blessima." "Huwag ninyo na siyang papasukin doon. Ang sabihin ninyo tapusin na lang niya ang pag-aaral, tutulungan ko siya." Iniharap ni Susan ang panganay na anak at hinawakan sa magkabilang balikat. Seryosong silang nagtitigan mag-ina. "Ang nangyari kay Bituin ay hindi mangyayari kay Blessima." "Ma-" "Binibini, hindi pare-pareho ang mga lalake." "Ma, anong hindi?" naiinis niyang sagot dito. Tumingla sa madilim na langit bago muling tinapunan ng tingin ang kaniyang ina. Hanga talaga siya sa kaniyang mama. Kahit na naloko at alam na naloko rin ang kapatid niya na si Bituin ay heto ito ngayon, patuloy na ipinagtatangol ang mga lalake. "Si Papa, si William? Hindi ba't pareho lang sila! At mga ilang araw, iyang Jacob na iyan!" "Walang kwenta rin 'yan. Sa oras na makuha ng bata na iyon ang gusto kay Blessima." "Titipas na rin iyon ng takbo," mahabang dagdag ni Bini. Lumunok muna siya para mawala ang kung anong nakabikig sa lalamunan. Kinontrol niya ang mga luha bago muling sinalubong ang mata ni Susan. "Pakiusap, huwag ninyo siyang hayaang matulad kay Bituin, lalo na sa inyo, ma."
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 25 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (109)
CalvezAdel Faye
it is really relatable to what my life is right now, it might not be exactly the same as mine, I still see myself by these chapters
it is really relatable to what my life is right now, it might not be exactly the same as mine, I still see myself by these chapters
29/03
0good
11/08
0hsuaw
27/11/2024
0Tingnan Lahat