logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

HATRED AND ANGER

KEIRA’S POV
Nakapagpaalam na kami sa mga kasama namin sa ward. Lumabas na kami at dumaan sa hallway kasabay ng mga ilang tao doon at nurses na nagkalat. Sa halip na umuwi, huminto ako saglit sa park na nasa loob ng hospital. Dito yung mga lalaki kagabi naka pwesto na maingay at tanaw ko ang ward room ko.
Umupo ako sa isang swing at bumuntong hininga. Tinignan lamang ako ng aking kaibigan at umupo na rin ito sa katabing swing.
“May problema ba?”, agad na tanong nito sa akin
“Wala naman. Hindi ko alam pero bakit parang ang bigat ng mga paa ko at parang ayaw ko muna umuwi.”, sagot ko sa kanya
Kinapa ko ang aking bulsa at hinugot ko ang rubber band na panali ng buhok ko. Nakita ko ang reflection ko kanina sa malaking salamin sa may lobby ng hospital. Magulo ang buhok, walang ligo, maputla ang labi, at malalim ang eye bags. Inayos ko ang aking buhok gamit ang aking mga daliri. Kahit walang suklay at walang ligo ay hindi naman ganun ka tigas ang tikwas ng aking buhok. Pinusod ko ito pataas at kitang kita ang buong awra ng mukha ko. Hindi ko rin maitanggi na sa bawat dumaan at makakita ay mapapatingin sila sa akin.
Tumayo na ako at inaya ko na si Sandy. No matter what happen, wala din akong ibang pupuntahan kundi ang nag-iisang bahay na uuwian ko.
As we exited the hospital gate Sandy immediately pulled my right hand away. Dinala niya ako sa isang karenderya malapit sa ospital.
“Mag-almusal muna tayo bago umuwi. Akong bahala libre na kita.”, sabi nito sa akin
Tamang-tama gutom na rin ako. Wala naman binigay na free meal sa akin for breakfast sa hospital bago ako lumabas. Tinahak namin ang kalsada at lumipat kami sa kabila dahil andoon naka pwesto ang maliit na karenderya. Aleng Tess Carenderia ang signage nito sponsor pa ng coca-cola brand. Makikita mong bagong luto pa ang mga nakahilera nilang ulam. Merong pansit, adobo, fried chicken, kilayin, sizig, ginisang ampalaya at pritong daing na bangus. Gusto ko kumain ng lugaw or di kaya sopas. Kaya itinuro ko at nag order ako ng Arroz caldo na may itlog kung saan naka pwesto ang malaking kaldero sa tabi ng mga ulam. Si Sandy naman ay nag order ng kanin ambula na may kasamang pansit.
“Kumain ka lang girl para naman may lakas ka. Alam ko hindi ganoon kasarap ang pagkain sa loob ng ospital. Atsaka okay ka na ba diyan sa order mo na lugaw? Ayaw mo ng kanin or di kaya pansit eh paborito mo ito?”, sabay aya nito sa akin
Marahil iniisip nito na nahihiya ako sa ginawa niya which is tama naman talaga. Marami na siyang naitulong sa akin. Hindi ko na mabilang sa aking daliri ang mga naitulong niya. Kung naging straight lang na lalaki ito kay swerte ng magiging girlfriend niya dahil masyado siyang maasikaso talaga. Dahil sa pusong babae talaga siya kaya sinusuportahan ko na lang siya kung sino ang kanyang magustohan. Sayang lang ang taglay na gwapo ng itsura ni Sandy. Mahaba na rin ang buhok niya na bob cut nag style ng buhok niya. Kaya minsan mapagkamalan talaga siyang babae at nasanay niya ang sarili niya na magboses babae. Dibdib at yung sa parteng baba lang talaga ang kulang sa kanya para ma belong mo siya sa mundo ng mga babae.
“Okay na ako dito. Promise mabubusog ako dito at enjoy ko ang almusal. Atsaka diba kapag lugaw orderin may unli refill. Hahahaha”, ngiting sabi ko sa kanya.
Naunang natapos kumain si Sandy sa akin. kahit na bakla siya ay kung kumain ito parang lalaki pa rin na malakihan ang subo. Kaya medyo bumibilog talaga ang katawan niya. Agad niyang tinungo ang counter ng karenderya para magbayad. Dinalhan niya na rin ako ng isang basong tubig. Ng makakita ng gwapong nakatayo sa labas ay sumenyas ito sa akin na hintayin ko na lang daw siya doon sabay turo sa malapit sa tricyle-lan. Tumango tango lamang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
Ilang minuto lang ay natapos na rin ako kumain kasi mas nakakahiya kasi ako na nga ang nilibre pero ako pa ang hihintayin. Tinungo ko na ang kinatatayoan ni Sandy at agad na siyang pumara ng tricycle na masasakyan namin pauwi ng makita niya ako palabas sa karenderya.
“sa barangay Pag-asa po nong,”
Tinignan lamang kami ng driver. Wala man lang ito sinabi. Siguro dahil sa magandang bakla ang aking kasama. Umandar na aming sinasakyang tricycle. May kinse minuto din ang layo nito mula sa ospital. Habang binabaybay namin ang kahabaan ng daan ay siyang sinusulit ko naman ang paglanghap ng sariwang hangin.
Sa di kalayoan ay tanaw ko na ang isang malaking arko at nakasulat dito ang pangalan ng aming barangay. Sa kanto lang kami bumaba ni Sandy dahil yung binayad niya ay hindi pang special trip. Mula sa bungad ay lalakarin lang namin ang daan pauwi sa amin. Kung mapapansin mo wala masyadong kabahayan dito. Hindi rin magkadikit ang mga bahay at malayo ang distance ng magkapitbahay dito. Puro malawak na bukirin ang iyong matatanaw at maraming puno.
“Salamat Sandy ha. Sa lahat-lahat!”, sabay akbay ko sa kanya pagkababa namin sa tricycle
“Walang anuman iyon ano ka ba. Sino ba ang dapat magtulungan kundi tayo tayo lang din diba.”, mahinang tugon nito sa akin na parang siya pa ang nahiya.
“Mag restday ka na kaya muna mamaya at ako na ang bahala sa store atsaka andiyan rin naman si Micah.”, mahinang sabi ko sa aking kaibigan
Agad lumiwanag at lumaki ang ngiti sa mukha niya. Isang gabi din ako hindi nakapasok malamang napalaban din ito sa store lalo na ako lang inaasahan niya taga refill at mag check ng inventory. Ngayon ako naman ang babawi at kaya ko rin naman na ang sarili ko.
“Sure, ka ba girl na papasok ka na mamaya? Kaya mo na ba at kumusta ang iyong pakiramdam?”, pag-alalang tugon pa rin nito sa akin.
Tumango tango lamang ako at ngumiti sa kanya. Isang araw na sick leave sa akin ay tama na iyon. Ayaw ko ng dagdagan baka wala na akong sasahorin pa. Binilisan ko na ang aming lakad dahil nakaramdam na ako ng pagka antok hindi ba naman kasi ako natulog kanina sa ospital. Para din maabutan ko sila tiya bago pumasok sa trabaho nila.
Hindi pa kami nakarating sa bahay at ilang dipa pa lang ang layo ay rinig ko na agad ang alingawngaw ng ingay mula sa aming tahanan. Ang aga-aga pero ito na agad ang maabutan ko. Ano na naman ang nangyari ba. Nagtinginan kami ni Sandy sabay karipas ng takbo papunta sa amin. Kilala ko ang boses na ito. Ano na naman ba ngayon? Dahil ba dito kaya parang nag-alangan ako umuwi kanina. Shit aga-aga tapos ganito. Tama nga ako si Mrs. Garcia na naman. Grabe naman ito iiyak talaga ang araw kapag hindi ito nakapang harass sa amin. Lumabas na rin ang aking tiyo Mar at pilit pinapakalma si aleng Medy ngunit hindi ito umubra. Bago pa man ako makalapit ay isang malakas na lagapak ang aking narinig. Sinampal pala ng babaeng ito ang aking tiya Marie na halos sapo nito ang kanyang kaliwang pisngi. Ang mga ilang malalayong kapitbahay namin ay nakikiusyuso na agad sa amin na akala mo ay nanonood sila ng shooting ng pelikula. Sabay bulongan kung ano ang nangyari. Nakakahiya!
Hindi na ako nagdalawang isip pa kundi ang pumagitna agad sa kanila at tinignan ko ang aking tiyahin na halos hindi pumalag at lumaban pa. Napakuyom ko na lang ang aking mga palad na makita ang ganito. Tapos ang aking tiyo ay wala man lang ginawa kundi ang nakatayo sa may gilid. Naduduwag ba sila dahil sa utang?
“Pakiusap po Mrs. Garcia wala naman po sanang pisikalan. Huminahon po sana kayo.”, agad kong pakiusap
Imbes na kumalma si Mrs. Garcia ay lalong naningkit ang mga mata nito habang nakaharap sa akin. Nanlisik ang kanyang mga mata na para bang mananaksak sa tuwing nakikita niya ako. Hindi ako natinag sa ginawa niya sa akin. Halos araw-araw ganito ang ginagawa niya sa amin na tila bang walang kapagoran sa pamamahiya.
“Ikaw na naman? umalis ka sa harap ko! Hindi mo kailangan makisawsaw sa problema namin ng tiya mo!”, siyang sigaw sa akin.
Shit nakakabingi ang boses ng bruha na ito na para bang sasabog ang aking tenga. Bigyan ko na lang kaya ng micropono ito para hindi na niya kailangan magsigaw gayong hindi naman bingi itong kaharap niya.
“Umalis ka diyan Keira at huwag kang umasta na kapamilya ka dito. Kung tutuusin hindi ka naman kadugo ng kahit ni sino sa pamilya na ito. At isa pa puro kamalasan lang din dala mo simula ng mapadpad ka dito. Layas!”
“Oo nga pala nag-ampon na lang din ang tiyahin mo isang walang kwentang nilalang pa. Sabagay kinaawaan ka lang din naman nila. Pero sana nasama ka na rin naaksidente at namatay kasama ng mga magulang mo. Hahahaha”
Parang pumagting ang tenga ko sa aking narinig. Tama nga naman siya hindi ko sila kadugo dito pero pamilya ko pa rin sila. Kung makapagsalita sa akin akala mo kung sinong makapangyarihan at may alam sa buhay na meron ako. At ang ayaw ko sa lahat ay ang iniinsulto ako at huwag mo dinadamay ang mga magulang ko na matagal ng namayapa. Dahil sa galit ko ay walang ibang lumabas sa bibig ko ay kundi ang malutong na mura. Nagdilim ang aking anyo at nanunuot ang tingin ko sa kanya. Nabigla man siya sa naging reaction ko ay hindi na niya ako mapipigilan sa anong gusto kong gawin sa kanya. Hindi man lang siya nag-isip bago magsalita ng hindi maganda sa kapwa niya. Puro ka demonyohan at kabulokan ang tabas ng dila niya. Hindi ako nagdalawang isip na bigyan siya ng isang mahigpit na hawak sa kwelyo ng kanyang damit. Binigay ko ang buong pwersa ng lakas ko dito. Kahit anong gawing pagpipiglas niya sa akin ay nahirapan siya. Bumalik lang ako sa huwesto ng aking katinuan ng tinawag ako ng aking tiyahin. Itinulak ko siya ng malakas kaya napaupo siya sa lupa.
“Hindi ko na kailangan mag warning pa kapag ang usapan ay mga magulang ko na. Huwag mo silang idamay sa kung anong kabulokan man lumabas sa bibig mo. Matuto kang rumespeto sa matagal ng namayapa. Sabihin mo na ang lahat na masakit na salita laban sa akin pero huwag ang mga magulang ko dahil hindi mo sila kilala!”, sabay duro ko sa kanya dahil sa sobrang galit ko
Halos hindi yata siya natinag sa pinakita kong galit ng aakma na akong talikod sa kanya ay tumayo siya at hinila niya ang aking buhok at sinabunotan. Hinawakan ko ang kamay niya at kumawala siya sa pagsabunot sa akin. Ngayon gusto ko na talaga siyang bigyan ng matinding sakit na hinahanap niya ngunit agad naman umawat ang lahat kasama si tiya ko at si Sandy. Nagulo ang nakapusod kong buhok at pati ang damit ko ay napunit sa ginawa niya.
Natamaan ko ba ang pride na isang tulad ko ay kayang kaya siya kalabanin. Kung ang tiya ko ay tahimik lang at hindi lumalaban sa kanilang ginagawa pwess ibahin niyo ako. Kaya kong ipagtanggol ang pamilya ko sa pagmamalupit niyo. Hindi ako yung tipo ng tao na basta niyo lang yurakan.
“Ano ang iyong pinagmamalaki na babae ka ha? Isa ka din naman sa palamunin ng tiyahin mo kaya hanggang ngayon nahihirapan kayo bayaran ako sa utang niyo!”,
“Kung hindi niyo ako mabayaran ay lumayas kayo dito sa lupang tinitirhan niyo!”, sobrang hesterikal talaga ang bruha
“Bakit ang lupang ito lang ba ang habol mo sa tiya ko kaya hindi mo kami tinitigilan sa katalak mo? Nagbabayad ng maayos ang pamilya ko sayo na halos wala na ngang matira sa mga sahod nila sa pagpapakaltas mo. Kung hindi ka rin swapang ano?” sagot ko sa kanya bilang sampal sa katotohanan.
Hindi pa nakuntento si Mrs. Garcia at hindi ko nailagan ito. Binigyan niya ako ng malakas na sampal na siyang dahilan para pumutok ang kaliwang bahagi ng aking labi at dumugo ito. Ginantihan ko siya ng matalim na tingin na tila parang isang mabangis na hayop na gusto ko siyang lamunin ng buhay. Hindi siya nagdalawang isip na dumistansya at umatras ng bahagya marahil siguro ramdam niya ang takot sa puwede kong gawin sa kanya.
“Last warning ko po sa inyo na sana huwag niyong pagsisihan. Habang kaya ko pa kontrolin ang sarili ko ay mas Mabuti pong umalis na kayo dito baka kung ano pa ang magawa ko sa inyo. Huwag niyo pong sabihin na hindi ko kayo binabalaan.”, wika ko na may dalang malaking kahindik hindik na babala.
Oo nagkautang ang pamilya ko sa kanya dahil sa ginamit noong inatake sa puso ang ama ni tiya Marie. Maayos naman ang naging kasundoan nila at kahit kailan hindi naman sinira nila tiya ko iyon. Hindi rin naman namin tinatakasan ito. Halos isang daang libo din kasi ang naging utang ng pamilya ko sa kanila. Kahit papaano ay nababawasan naman pero huwag naman sana yung halos biglain kami.
“Pakiusap po Mrs. Garcia tama na po kakalabas lamang ng bata mula sa ospital.”, pagmamakaawa ng aking tiya sa kanya
Napatawa na lang ako ng mapakla dahil sa walang hupay na pangmamaliit nito sa amin. Hinawakan ako ng aking tiya at tinapik tapik ang aking balikat na nagpapahiwatig sa akin na tama na. Gusto ko pang umangal pa dahil pakiramdam ko hindi naging makatarungan ang nangyari sa amin ngayon. Binigyan na rin ako ng tingin ni Sandy bilang senyales din sa akin na tama na. Umiling na lamang ako at iniwanan ko sila. Nakasalubong ko sa may pinto ang aking nakakabatang pinsan na si Angelo na halos manginig na sa tension nangyayari sa amin. Padabog akong pumasok sa aking kwarto. Yari lang sa kahoy ang aming bahay kaya sobrang ramdam ang malakas na pagkalabog ko dito.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    ungreat

    17/06

      0
  • avatar
    SiasonEdimar

    magnda sya kilig

    16/06

      0
  • avatar
    Jake Dalisay

    it good

    16/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata