logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

HIDDEN PAIN

KEIRA’S POV
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at kumunot ang aking noo nang makita ko ang hindi pamilyar na ambiance ng silid sa paligid ko. Puti ang kisame at sobrang liwanag sa paligid ang unang bumungad sa aking mga mata. Teka nasaan ako at anong lugar ito?
Nang magising, nasa loob na ako ng hospital.
“Kei anak, okay ka lang ba? Nakilala mo ba ako?”
Ito agad ang unang bumungad sa aking harapan ang tanong at pag-alala ng isang may edad na babae kasama ang kanyang asawa. Nangingitim at nababakbak na ang balat nito dahil marahil sa sobrang pagbilad sa trabaho. Makikita mo din ang itsura nito na nagmula ito sa mahirap na sitwasyon ng buhay. Hindi ko matiis na hindi ako maawa sa babaeng ito na halos madurog ang aking puso.
Puno ng pagtatakang iginala ko ulit ang aking paningin. Muli, napapikit ako ng makaramdam ng pagkahilo at pagkirot ng aking ulo. Pinilit kong igalaw ang aking katawan pero parang napakabigat ng aking pakiramdam at…
Ano ba ang nangyari? Bakit nasa hospital ako?
“Ikaw bata ka masyado mo kaming pinag-alala! Mabuti na lang naagapan ka agad ni Sandy at agad niya akong kinontak kaya bigla napasugod kami ni tiyo Mar mo dito.” Punong-puno ng hinanakit na lintanya ng may edad na babae.
Ramdam ko ang labis na pag-alala nito. Ang aking tiya Marie na halos maaligaga na sa sobrang pag-alala sa aking kalagayan.
“Tita, ang sabi ng doctor ay nagkaroon lang si Kei ng mild anemia kaya po siya nawalan ng malay sa aming shift kaninang madaling araw. Kaya agaran namin siyang itinakbo dito sa provincial hospital tita”, paliwanag ni Sandy sa nag-alalang tiyahin
Tama bigla nalang ako nakaramdam ng hilo kaninang madaling araw pagkatapos ko iabot kay Sandy ang data ng inventory namin bago matapos ang oras ng aming shift sa trabaho. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay kasunod nito nawalan na ako ng malay at hindi ko na alam ang nangyari. Dito pala nila ako isinugod sa provincial hospital.
Pinilit kong tumayo sa aking higaan dito sa ordinary ward room. Habang kanina pa ako nag observa marami pala kami dito sa loob ng ward at puro kami babae pero nasa iba’t ibang edad ang pasyente. Kung dati naging suki ako ng town center namin after ko makipag basagan ng ulo but iba ngayon first time ko ma confine dito sa public hospital at ganito pala dito siksikan. Wala akong karapatan magreklamo dahil mahirap lamang kami. Kaya nga sabi ko bawal talaga magkasakit. Dapat ipakita ko sa kanila na okay lamang ako at hindi ako puwede magtagal dito. Alam na alam ko sa sarili ko dahil sa kahirapan ng aming buhay ay hindi ako puwedeng magkasakit at hindi ako puwedeng magtagal ngunit bigla na lamang akong pinigilan ng aking kaibigan.
“Huwag mong pilitin ang sarili mo girl. Kailangan mo ding magpahinga para sa iyong kalusogan. Huwag ka mag-alala sa iyong bayarin dito dahil mabait naman ang ating boss na si Mr. Ledesma. Nakausap ko siya kanina at nangako siya na sagot na niya ang iyong hospital bill”, pagbigay kampante ni Sandy sa akin.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga sa aking narinig at nakaramdam ako ng kaginhawaan dahil sa sinabi niya dahil sobrang nag-alala talaga ako para sa bayarin. We don’t have money for this. Buti na lang I am also very grateful that I also have a kind boss. Bumalik ako sa aking paghiga sa kama dahil sa naramdamang palpitate ng aking ugat sa ulo. Ganito pala side effect ng palaging nagpuyat at over work na naging resulta din ng anemia. Huminga ulit ako ng malalim saka pumihit patagilid sa kama at nakaharap sa aking tiya at kaibigan. Dahan-dahan ko ding itinaas ang aking kaliwang kamay kung saan nakatusok doon ang dextrose at ipinatong ko ito sa aking malapad na balakang.
Sandy is my gay friend who has been kind since we were in high school until now. Hindi talaga siya nawawala sa tabi ko at lagi kong maaasahan. Tinawag ko pa siya kanina sa totoo niyang pangalan at hindi ko na masyadong nakita kung ano ang naging reaction niya na iyon. Sa ilang taon naming pagsasama ay siya na talaga ang naging sandalan ko at takbuhan sa tuwing naka encounter ako ng problema lalo na pagdating sa pera.
Tumayo si Sandy sa silya para bahagyang takpan ng kurtina ang nakakasilaw na liwanag mula sa bintana. Ang aking hospital bed ay malapit lamang ito sa bintana. Sinundan ko lamang siya ng tingin sa kanyang ginagawa. Muli itong bumalik at umupo sa aking paanan sa aking kama. Dahil isa lamang ang upoan para sa watcher at doon nakaupo ang aking tiya.
“Pasensya ka na tiya Marie at pinag-alala kita ng husto.”, bungad ko sa aking tiya Marie na kanina pa talaga nag-alala sa akin
“Maraming Salamat din Sandy tatanawin ko ng utang na loob itong ginawa mo sa akin.”
Umiiling-iling lamang ito sa akin at nagbigay ng isang matamis na ngiti. Napaka swerte ko talaga sa kanya na kahit kailan hindi ko pa narinig na magreklamo ito.
Habang nagkukwentuhan kami ay pinaliwanag ng aking kaibigan kung kailan ay malapit na ang oras ng aming out sa trabaho at habang abala ito sa pagbibigay ng sukli sa isa naming customer sa store ay bigla na lamang akong natumba at nawalan ng malay. Ilang beses nila akong tinatapik tapik at pinaypayan kasama ng guwardiya. Nakatawag na rin kami ng attention sa mga customer namin nagtatambay sa labas ng store dahil sa taranta nila sa nangyari sa akin. Ngunit lumipas na lang daw ang sampung minuto at kahit anong gawin nila sa akin ay hindi ko na talaga magawa pang magising. Lalo pang nakapagbigay sa kanila ng alarma ng biglang may lumabas na dugo sa aking ilong at nag-umpisa ng mangitim ang aking itsura kaya agaran nila akong isinugod dito sa ospital. Ang lambot at pilantik na kilos ni Sandy ay biglang nawala na animo’y sinaniban daw siya ng dalawang maton. Dahil nailabas nito ang itinagong lakas ng isang lalaki na agad ako nitong binuhat pasakay sa sasakyan ng isa sa aming mga customer na nakatambay sa labas ng convenient store.
“Walang hiya ka girl ng dahil sayo nailabas ko ang aking pagka junior! Biglang nawala ang ganda ko kanina. Nakakahiya tuloy sa mga bagets doon at lalo na kay Jay-R.”, patuloy na kwento ni Sandy sa akin
Napangiti na lamang ako dahil hindi ko talaga ma imagine kung ano ang naging itsura niya. Naging prince charming ko pala siya ng wala sa oras. Hahahaha
Maya’t maya lang ay naputol ang aming kwentuhan ng biglang nag ring ang telepono ng aking tiyo Mar at inabot niya ito sa aking tiya. Nakatanggap ng biglaang tawag ang aking tita na tila ba may nang-aaway dito sa kanya sa kabilang linya. Malamang ay ang asawa ito ng pinsan ni tito Mar at walang ibang ginawa kundi halos araw-araw itong mang harass sa amin. Hindi na nagsawa dahil lamang sa utang namin dito. Napabuntong hininga na lamang ako habang nag-alalang tinitignan ang aking tiya na halos paulit ulit itong yumuyuko habang humihingi ng paumanhin sa kausap nito sa kabilang linya.
Agad nag-iba ang aking anyo sa mukha dahil sa aking nasaksihan sa aking tiya na ganito pala siya masyadong binababa ang sarili para lamang sa utang. Kinuyom ko ang aking kanan na kamay at humugot ako ng lakas na kulang na lang ay isuntok ko ito sa hangin. Napansin ito ng aking kaibigan at agad niya akong tinapik tapik ng dahan dahan at tinignan ko ito sa mata. Nababasa ko ang nais ipahiwatig nito na okay lang iyan. Dahil simula noon pa ay naiintindihan na talaga nito kung ano ang sitwasyon at kung anong buhay mayroon kami.
“Bukas ba ay puwede na ba akong makauwi at makalabas dito Sandy?”, tanong ko agad sa aking kaibigan
“Yes, my dear yun ang sabi ng doctor kanina sa akin. Bilin niya kailangang maubos muna ang vitamins at itong dextrose mo at sa gayon puwede kanang lumabas.”, sagot nito
Pagkatapos makipag-usap ng aking tiyahin sa telepono ay wala itong magawa. Kailangan na niyang magpaalam agad. Kinailangan niyang bumalik sa trabaho dahil nga sumaglit lamang ito sa akin dito sa ospital.
“Pasensya ka na Kei ha hindi kita mabantayan dito sa ospital at kailangan na namin pumasok ni tiyo Mar mo sa aming trabaho. Alam mo naman si Mrs. Garcia ay sobrang strikto pagdating sa trabaho.”, agad na pagpapaalam ng aking tiya Marie
Tama na tiya at hindi mo kailangan magpasensya sa akin. Lubos ko naiintindihan ito lalo na sa sitwasyon natin sa ating buhay. Ito lamang ang ilang kataga na sinisigaw ng aking isipan.
Ang aking kaibigan na si Sandy ay kailangan na ring magpaalam dahil katulad ko ay puyat din ito sa trabaho at wala pang tulog. Halos daigin na niya ang pag overtime ng ilang oras baka hinahanap na siya ng kanyang pamilya. Makikita ko din ang sunod-sunod na paghikab nito na mahalatang sobrang pagod na talaga ito. Alas otso na ng umaga ay kailangan din niyang bumawi ng pahinga para sa trabaho niya mamayang gabi. Na appreciate ko ng husto ang ginawa niyang ito. Tunay ka nga talagang kaibigan Sandy.
Naiwang mag-isa ko na lamang sa aking higaan at kung ikukumpara hindi katulad ng ibang pasyente dito ay mayroon silang mga magulang or kamag-anak na nasa tabi lamang. Ako lang ang bukod tanging pasyente na ni isang biscuit or prutas sa aking side table ay wala ako. Hindi ko na masyadong dibdibin yun parang hindi naman ako sanay at alam ko hindi rin naman ako magtatagal dito sa ospital. Mayroon naman free meal na binibigay sa bawat pasyente.
Tulala lamang ako habang nakasandal sa bandang ulohan ng aking higaan at nakapako lamang ang aking tingin sa labas ng lobby. Hindi man nila nababasa kung anuman ang aking iniisip at aking saloobin ay meron itong tinatagong nararamdamang kirot at kalungkutan sa tuwing ako’y nag-iisa lalo na sa ganitong sitwasyon na magkasakit ako. Pangulila sa aking mga magulang ang matagal ko ng inaasam asam. Hindi ko makakalimutan lalo na ang aking ina kapag nagkasakit ako noong bata pa ay ang presence lang niya ay sapat na sa akin. Sobrang maasikaso ang aking ina sa akin kahit konting sipon lang ay hindi na ito umaalis sa akint tabi. Haplos at alaga lang niya ay gagaling na ako agad. Yan ang sinasabi natin na talaga na every mother is a doctor without medical degree. My papa naman is sobrang malambing sa akin noong bata pa ako. Dahil ako lang ang nag-iisa niyang prinsesa sa buhay niya lahat ng gusto ko ay binibigay niya. Hindi siya nagkulang sa pag provide sa aming mga pangangailangan dahil ginagawa niya talaga para sa amin ni mama. Kahit simple lang ang pamumuhay namin noon ay masaya at perfect family na kami ngunit sadyang madaya lang talaga ang kapalaran sa akin. Unti-unti namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata at agad ko itong pinahid. Nakakahiya kapag nakita nila ako na umiiyak baka isipin nila na may malubha akong karamdaman.
Pero lingid sa aking kaalaman ay palihim na pala akong tinitignan ng ibang kasama ko dito sa loob ng ward napansin at narinig ko na lamang ang kanilang bulongan dahil sa paghanga sa akin. Habang nililipad nito ang aking mahaba at makintab na itim na buhok na nagmula sa hangin ng ceiling fan.
“Cool”
“Damn sobrang ganda niya, Puwede siyang maging artista.”
“Taga Saan ba siya?”
“Nakakainggit naman ang kanyang taglay na ganda.”
Ilan yan sa mga linyang bulongan ng nasa loob habang palihim na humahanga sa akin. Nagpapasalamat naman ako lagi dahil kahit saan ako magpunta ay mayroon talagang maka appreciate sa aking kagandahan. Yung iba nga na hindi ako kilala ay minsan mapagkamalan ako na anak mayaman dahil sa dala kong taglay na ganda. Kung alam niyo lang ang hirap at ordinaryong background ko sa buhay baka magbago ang tingin niyo sa akin. Kung titignan niyo rin ako ay sadyang ganito na hindi palangiti at hindi masyadong nakipag-usap sa kahit na sino. Kahit sa pag roving ng mga nurses ay hindi ako masyadong kumikibo dahil sa natural na cold personality ko sa iba. Kaya minsan madalas na lang talaga ako tawagin na suplada or snabera. Pero anong magagawa ko sinikap ko rin naman makipag communicate sa iba pero minsan na misinterpret talaga ako. Kaya nga sa trabaho ay may sarili akong mundo. Kung hindi dahil kay Sandy baka more than boring ang life ko pag tinitignan ako.
Ang hindi rin alam ng karamihan na sa kabila ng aking tough personality ay may mabigat akong pinagdadaanan simula pagkabata pa.
Keira Valdez (born July 24, 2003), nineteen years old this year, better known as Kei by my family and friends. 1.68 m in height, has long black hair. An orphan. Noong limang taong gulang pa lamang ako ay ulila na akong lubos at nawalan ng mga magulang dahil sa isang malagim na aksidente pauwi dito sa probinsiya. I had to live jumping from one family to another from my father’s side because no one wanted me. And they were all very mean to me because I had no parents. Until my Aunt Marie, step sister of my mother decided to take me in kahit na mahirap ang kalagayan nito sa buhay. Lumaki ako sa piling niya na kahit hindi man kami blood related ay buong puso niya akong tinanggap sa kanyang pangangalaga at tinuring na parang tunay na anak. Sila lang kasi ang tinuturing pamilya ng aking ina dito sa probinsiya.
I can’t forget what have I’ve been through when I was young at dahil transferee lamang ako dito sa province ay madalas din akong ma bully sa klase dahil wala akong magulang. Sabunot dito at meron pang isang bata na ginupit niya ang mahaba kong buhok na siyang lubos ko iniyakan halos isang buwan. Hindi ko pa magawa noon na lumaban at wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak lamang sa isang tabi. Hindi ko sila maintindihan kung bakit nila ginawa iyon sa akin gayong wala naman ako ginagawa sa kanila. Ang hindi ko makalimutan na dahilan nila ay nagseselos at naiinggit daw sila sa aking ganda. Hindi pa sila nakuntento ginawa nila ay outcast ako ng mga ito. Pathetic excuses right. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay may isang tao na siyang natitirang tagapagtanggol at laging nasa tabi ko ang aking pinakamamahal na pinsan na si Hanna. Panganay na anak ng aking tiya Marie na kaedaran ko lang.
Makalipas ang ilang taon ay natuto na rin ako lumaban at gumawa ng paraan upang protektahan ang aking sarili. Hindi naman habang buhay ay laging nasa tabi ko si Hanna at laging tagapag tanggol ko. Magkaiba kasi kami ng ugali siya ay mabait at naging role model samantalang ako nakipag basagan ng mukha na kahit sino ay hindi akalain na minsan kinatatakutan ng ilang kalalakihan.

Lalong kumirot ang aking dibdib ng maiisip ko na naman si Hanna. Sobrang namimiss ko na siya. Kumusta na kaya siya ngayon at ano na ang balita sa kanya?

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    ungreat

    17/06

      0
  • avatar
    SiasonEdimar

    magnda sya kilig

    16/06

      0
  • avatar
    Jake Dalisay

    it good

    16/12

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata