logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kaarawan

"Is he worthy to hold the rose?"
Napatigil ako.
Pamilyar ang huling tanong na binitawan ni Abuela hanggang sa paghiga ko sa kama ay binaon ko.
Mulat pa rin ang mga matang nakatitig sa puting kisame. Parang pelikulang pinapalabas sa loob ng aking utak, saulado pa rin ang mga senaryo kung paano kami unang nagkita na sinundan ng maraming pagtatama ng mga mata tuwing Araw ng Kapahingahan.
May kung anong kapangyarihan ang tila bumalot sa aking kamay. Nagbukas ang dalawang kayumangging pintuan at iniluwa ang lalaking nagpatigil ng aking pagtugtog. Sa pagpasok niya'y may kung ano't winala ang laman ng aking isipan, nagaya sa isang blangkong papel. Sa unahan ng simbahan animo'y biglaang nabuhusan ng yelo. Hinipnotismo niya ang paninging sa kanya napagdesisyunang ituon. Siya lamang ang nakikita.
The moment I saw him, I felt like God answered my prayer. He is wearing a polo shirt with black polka dots on it that tightly fits his body. Together with his black fitted jeans that made him look more masculine. He is tall and massive. The way his body moves told me that he is an athlete. He brushed his black wet hair, obviously from his wet. On his eyes there's an eyeglass. Pinasadahan ng dila niya ang nanunuyong labi. His lips is screaming the color of the blood running through my veins, making my heart palpitate more-red, the color of love.
Tuwing tumutugtog ako ng violin sa pulpito madalas kong matagpuan ang kanyang titig. Tuwing magtatagpo ang aming mga mata para kong nakahiga sa ibabaw ng malambot na ulap.
Marunong kaya siyang kumanta?
Sa pula't ganda ng hugis ng kanyang labi ang nagsasabi ng oo. Masasabi kong marunong siyang umawit. At kung maaari...kaya ko naman siyang tugtugan.
Mariin akong napapikit sa iniisip. Hindi maitago ang pamumula ng pisngi.
Pinagmasdan ko ang morenong kamay niyang nakalahad sa aking harapan.
"A.Y Leader," he said in a humble way.
Napaawang ang labi ko.
Nais kong mahawakan ang kanyang kamay. Malambot kaya? Magaspang? Subalit pinangungunahan ako ng kaba, siyang nagpipigil sa kagustuhan. Sa ganitong malapitan hindi magawa ng mata na diretsuhin ang pantitig niya.Nakakawala sa pokus ang pabango niya. Natutulirong, nahihiya.
"V-vice religious," sambit ko sa mahinang paraan.
Tinitigan niya ang nasa ereng kamay na hindi ko kinamayan.
Nahihiya akong nagyuko ng ulo.
"Vice religious is your name?" nag-angat ako ng tingin.
Masungit siyang hinihintay ang sagot ko.
Kinagat ko ang labi.
"Amayah Rossalia..."
His lips rose up to form a smirk. His dark and mysterious eyes twinkled. Like a city in a mountain, glowing in the dark.
"Happy Sabbath, Rossalia," he said in a soft way.
Naiwan akong nakanganga.
September 26, 2020.
Hana....
Hananiah Andonikus Moreau is his name.
Nilingon ko ang kalendaryo kung saan makikita ang pulang marka sa petsa na tinatakan bilang isang hindi malilimutang araw.
Kahit nakalipas na ang mga araw at linggo hinding-hindi pa rin maaalis sa isip ko kung paanong unang nagtagpo ang mata namin. Ilang distansya man ang layo sa pagitan naming dalawa, ang bagay na ikinatutuwa ng puso ko sa mga mata ko ipinagkaloob ang pagkakataon na sumalubong sa kaniyang pagpasok. Sapat na 'yon para matulog ako na may kurba sa labi.
"While strolling through the fields of time there's many things to see
But nature is the greatest of them all is how the world was formed
And why the roses had to live among the thorns"
Isang tugtog ng gitara ang gumising sa'kin. Malamig at malalim na boses ang unang tunog na umibabaw sa buong silid. Sinundan ito ng maraming boses na binasag ang kapayapaan ng tahimik na gabi. May mababa, may mataas, at may katamtaman. Hindi magkakapareho ang taas ng boses ngunit sa kabila ng pagkakaiba nagdulot ito ng magandang musika.
"One day among the world of thorns a rose began to grow
It was the greatest gift of God this world will ever know
It was the will of God to show that since the world was formed
There had to be a rose to live
And die among the thorns."
Tuluyang nagbukas ang mga mata, natigil sa matagal nitong pagkakapikit. Mga tauhan sa kaharian ng Ostrogothic ni kamahalan. Suot nila ang mga damit na nagpapaalalang kaming lahat ay dumaan din sa pagkabata. Minsan na rin naming pinangarap na tumira sa kahariang isang pikit-mata't hiling wala na ang problema.
Sunod nilang kinanta ang nagpapaalala na kay bilis ng panahong dumating agad sa pagkakataon para muli kong ipagdiwang ang araw ng kapanganakan.
"Happy 15th Birthday, Amayah!"
Nakakataba ng puso, lahat sila may malalawak na ngiti sa labi. Kuhang-kuha nila kung paano ko gustong ipagdiwang ang kaarawan ko. Nag-iinit ang sulok ng aking mga mata sa lubos na pasasalamat.
Humikbi ako.
Isang mainit na bisig ang bumalot sa aking katawan. Sinalo ni Kuya Kyros ang luha ko gamit ang halik sa pisngi. Hinigpitan niya ang yakap, tinatahan ang aking pag-iyak. Animo'y ginto ituring nila ang aking luha. Tinuturing nilang sanggol na bagong silang ang aking katawan. Kinakailangang huwag papaiyakin. Kapag hindi babalutan ng lampin, magkakasakit. Subalit ang lampin ay mas matibay sa pangkaraniwan. Tinatahi ito ng pagmamahal sa iisang dugong naanalatay sa bawat isang nagkokonekta sa aming lahat.
Walang ipinagbago ang paraan kung paano nila ako batiin. Sa kalaliman ng gabi kung saan malalim ang pagkakatulog ng bawat tao.
Nakasuot ng korona si kamahalan. Ang kapitan ng barko ay ipinagmamalaki ang katawan sa suot niyang uniporme. Hawak ng mandirigma ang gitarang sumasabay sa kanilang pag-awit. Nananahan sa mga tinik ng rosas ang ngisi sa labi. Kitang-kita ang kagwapuhan sa mukha kahit kagagaling lamang sa pagkakagising.
"Tanti auguri te
Tanti aguri te
Tanti aguri (nome del bambino)
Tanti aguri a te."
Walang tigil ang pag-agos ng aking luha. Bitbit ng sinumpang magandang dilag ang cake na wari ko'y gawa ng kapitan. Ang prinsesa ng niebe ang may hawak ng camerang siyang naglagay ng koronang rosas sa aking ulo. Ang sirenang nasa karagatan ay marunong rin palang umawit sa kalupaan. Nagpapakita ng kasiyahan ang prinsesang may kahapisan.
Sabay-sabay tiklop ang tuhod na nagbigay ng pagbati ang tinik, kagaya noong mga bata pa kami.
"Abbiamo promesso di proteggerti, rosa..."
Pinahid ko ang aking luha.
"Buon compleanno, bella rosa."
"Ako muna ang sasalubong sa inyo para punasan ang mga nagpapatakang pawis
Binaon ni Kuya Leon ang mukha ko sa mainit niyang dibdib. Pinatakan niya ng halik ang aking noo.
"Kami muna, Amayah..."
Ang yakap nila ay tinatabunan ang sakit na dulot ng kahapong nagdaan. Kung paano ako mumulat galing sa pagkakapikit kasabay kung paano nawalan ng sindi ang kandila ay ang pagkawala ng buhay ng aking ina. Tinanggihan ng Kataas-taasan ang kahilingan kong makasama siya panghabang-buhay. Kay bilis na binawi agad.
"Grazie, fratelli."
Kinaumagahan, sinalubong ako ng maraming tawag galing kina Ninang. Maraming iba't-ibang pangako ang pagbati nila kasama ang regalong inihanda sa pagbabalik.
Tahimik na sumisimsim ng tsaa si Abuela.
"Happy birthday, hija..."
Magaan sa dibdib akong ngumiti. Isang hairclip ang ibinigay niya sa akin. Bukod sa luma tanging rosas ang nag-iisang disenyo.
"Your Abuelo gave that to me when he confessed his love. He waited ten years..."
"Bakit po ito, Abuela?"
"Nagsisimula na ang pagbukadkad ng rosas. Agaw-pansin ang kagandahan nitong taglay. Maraming lalaki ang magsisikap na kunin ka, Amayah. Pero hindi minamadali ang pagmamahal. True love can wait. May tamang panahon para sa lahat ng bagay."
I smiled.
"I'm too young for love, Abuela."
I don't think at my age I can love other man beside Papa.
Malawak akong napangiti habang minamasdan ang mga magsasaka na umagang-umaga ay pilit binabanat ang buto sa pagtratrabaho. Kinakawayan ng isa ang anak niyang naka-uniporme at papasok na sa ekwelahan.
Maraming naiinggit sa buhay na mayroon ako. Hindi nila nalalaman na sa simpleng eksenang natatanaw ko tuwing umaga ang buhay na pinapangarap ko. Aanhin ang kilalang pamilya kung hindi naman kompleto? Anong silbi ng malaking tahanan kung wala ang ilaw nito? Kung hindi na maaaring masumpungan ang nagsisislbing sandigan nila. Walang silbi ang kayamanan kung sa araw-araw hinahanap mo ang kalinga ng mga magulang.
Ngayon pala ang araw na paalalang mag-isa na lang ang rosas. Wala nang magsisilbing ilaw na maghahatid ng liwanag. Hindi na matagpuan ang nararapat maging sandigan.
Natigil ang paglipad ng aking isip. Sa tapat ng silid na matatagpuan ang mga may hilig kumanta kusang tumigil sa paghakbang paa. Diretso ang tingin ko sa abandonadong opisina na kinakamit nang mapuntahan.
Isang bulto ang nahahagip ng paningin ko sa kanan. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan. Amoy na amoy ang sigarilyong ibinubuga ng kanyang bibig.
Umahon ang matinding kaba sa dibdib.
Hindi makagalaw, hindi makahakbang.
Isang halakhak ang pinakawalan niya. Itinigil niya ang paghithit sa sigarilyo at sa pagkakasandal ay bumangon. Nararamdaman ko ang bigat ng titig niya. Nakikila ko ang taong ito...
Nakakaubos lakas ang presensya niya. Sa mabibigat niyang pantitig nagkukumapos ang mga hiningang pinapakawalan. Pinapaahon niya ang kakaibang kaba sa dibdib na para bang payapang karagatang dinatingan ng mabagsik na bagyo. Nakakapanginig ng tuhod ang mga ngisi niya. Sa malalim niyang halakhak tuluyang bumibigay ang katawan. Nakakatakot, nakakapanginig ng dibdib. Nagbabara ang kung ano sa aking lalamunan.
Iniwan niya akong hinahabol ang hininga. Tuluyang sumuko ang aking tuhod, pader ang nagmistulang sandalan sa panghihina. Impit ang hikbing pinipigil ng aking kamay sa pagtunog. Hawak ang dibdib na malakas pa rin ang pagtibok.
Pirata...
Ang lalaking dahilan kung bakit sa simpleng titig nangangatal ang rosas. Sa mga haplos ito'y tumitiklop.
Nag-iwan siya ng salitang hindi ko maunawaan.
"Feliz cumpleaños."

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    M. LadublanRhianna Grace

    good

    15/08

      0
  • avatar
    MoncatarvillaranteEmjay villarante

    magaling mag story

    04/06

      0
  • avatar
    Jellian Kate Lumaya

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata