logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Lacuna

Tinalunton ng aking mga daliri ang mga pinta ni Ate Clio. Sa lahat ng larawan na makikita sa living room ay ito ang aking paborito.
Matatanaw sa aming likuran ang magandang tanawin kapag nasa karagatan. Kahel na ang kulay ng alapaap na sanhi ng paglubog ng haring araw.
Lahat kami may ngiti sa labi. Si kamahalan ang natatanging nakaupo sa gitna naming lahat. Nagkikinangan ang medalya at korona sa ulunan niya. Ang isang binti ay humihimlay sa kabila. Komportable siyang nakasandal sa upuan na sa unang pagkakataon ay ngumiti sa harapan ng camera.
Sa gilid ay naroon si Kuya Eight. Hindi gaya ni kamahalan siya ay walang toga sa katawan. Kalahati ng butones sa long sleeves na puti ang nakabukas, binabalandra ang dibdib. May nakakaloko siyang ngisi sa labi na parating pinapakita. Sa kabilang gilid ay naroon ang mahiyaing si Kuya Devi na katabi si Zion. Nakanguso ito at naniningkit ang mata.
Nakadepende ang braso ni Zion sa sofa na inuupuan ni kamahalan. Pikit ang isang mata na para bang hahalik sa panganay na kapatid.
Magkayakap si A-Zele at Ate Fau sa likod ni Kuya Eight. Hugis puso ang parehas na braso na magkabiyak nilang inilagay sa ibabaw ng kanilang ulo.
Kaming apat nina Kuya ang nasa huli. Pinagigitnaan ako ni Kuya Leon at Kuya Kyros. Sa kaliwang bahagi ni Kuya Kyros matatagpuan si Kuya Miklaus. Katabi niya ang bunsong kapatid na nakahilig pala ang ulo sa kanya at may kurba rin sa kanyang labi. Ang ulo ko ng mga oras na iyon ay nasa balikat ni Kuya Leon. Ang kamay niya'y nanatili sa aking baywang. Nakapisil sa'king pisngi si Kuya Kyros na ipinagmamalaki ang medalya sa kabilang kamay. Ang kamay ni Kuya Miklaus ay pilit inabot ang aking ulo na nagawang ipatong ito sa ibabaw. Malaki ang ngisi nilang tatlo.
Natigilan ako nang makita ang larawan ni Ate Clio sa tabihan ni Kuya Devi.
Ate Clio is indeed talented. Nagawa niyang isama ang sarili kahit ang totoo ay siya ang nagpinta.
Hindi ko alam na ito na pala ang huling larawan na pagsasama-samahan ng aming mga ngiti.
"Kunin na natin birth certificate mo?"
Napalingon ako sa tinig. Hana smiled warmly at me.Lumapit siya sa'kin at kusang dumapo ang kamay niya sa aking baywang. Napatingin din sa larawan na tinitingnan ko.
"You're cousins..." natagal ang tingin niya sa larawan.
He then glanced at me.
"You miss them already?"
Sinuklian ko lamang siya ng tipid na ngiti.
"My cousins are great too. Next time we'll visit Italy after our wedding. I'll introduce you to them. What do you think?"
Mahina akong tumango.
"Don't be shy. You'll be one of us, Amayah."
Ngumiti siya.
" Tara na sa munisipyo? Para maka-pagpahinga na rin tayo..."
Nagpaalam siya sa mga kasambahay at kina Aling Linda,ipinabatid ang totoong dahilan kung bakit bumalik kami sa IA. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Tahimik na sinandal ko ang aking ulo sa bintana. Pitong oras din ang byahe mula Cavite patungong Idalah Abiathar. Kahit ramdam ang pagod ay hindi ko nagawang ipikit ang mata saglit. Nangungulila ito. May hinahahanap. May nais na matanaw na muli.
Nadaanan namin ang patag. Ang mga simpleng bahay-kubo sa gitna ng palayan. Ang istraktura na animo'y gaya ng sinaunang Pilipinas, ibinabalik ang nagdaaang pakiramdam. Ang mga magsasakang niyuyukuran ang mga dumadaan na sasakyang gaya ng aming sinasakyan. Ang mga burol at lambak. Ang sariwang hangin na pilit pumapasok sa bintana para aliwin ang aking buhok, binabati ang aking mukha. Walang polusyon. Mga puno ng mangga na nanlalagas sa daanan. Matataas na punong nasa gilid ng daan. Ang plaza. Ang mga tunog ng mga yabag ng mga kabayo.
Saan man ako makarating ay ito pa rin ang magiging tahanan ng aking puso. Dito pa rin ako uuwi.
Nabaling lamang ang atensyon ko ng maramdaman ang lamig ng kamay na yumakap sa'king kamay. Sumulyap siya sa'kin at nagbigay ng matamis na ngiti.
Sinubukan ko siyang titigan. Parehas sa paraan ng pagtitig ko sa kanya noon. Ngunit ang pintig ng puso ko ngayon ay kalamado gaya ng alon sa mga dagat tuwing sasapit pa lamang ang bagong umaga. Hindi na humahapas ng mabilis. Kung noon sa isang sulyap niya ay buo na ang araw ko. Itatatak sa kalendaryo ang pulang tinta sa tuwing ngingiti siya. Nananatili ang boses sa'king tainga. Paulit-ulit na naririnig. Tuwang-tuwa akong panoorin ang bawat galaw niya. Ang pakiramdam na makatapak sa ulap ay palagi niyang ipinararanas.
Bakit hindi na maaaring ibalik?
"Mariana has a gift for you, Amayah."
Tinitigan ko ang box na hawak niya. Naningkit ang aking mata. Pinanood niya ang aking reaksyon at humalakhak.
"What? I told you she likes you. Naiinggit lamang sa ganda mo 'yon. Ang totoo ay ginagaya ang uri ng pananamit mo," aniya.
"B-baduy at...manang?"
Bumuntong hininga ako.
"Hindi naman ako gusto ng pinsan mo, Hana..." paliit nang paliit ang boses ko habang sinasabi iyon.
Pinatakan niya ng halik ang aking kamay.
How can you say when something is missing in your life? Kapag ba hindi ka pa kuntento? Kapag may hinahanap-hanap ka pa? O kapag hindi ka masaya?
Nanatili ang titig ko sa kaniyang mata.
Naranasan mo na bang sumubok hulihin ng hangin? Ang lapit-lapit pero hindi magawang maabot. Narararamdaman pero hindi pwedeng mahawakan.
Ganon ang pakiramdam ko tuwing kasama ko siya. Ilang taon naming kasama ang isa't-isa pero kagaya ng hangin na imposibleng mahawakan, katumbas ito ng pagmamahal kong hindi ko kayang ibigay.
"Hana...hindi naman natin mahal ang isa't-isa di'ba?"
Napawi ang ngiti niya. Namayani ang katahimikan sa'ming dalawa. Tanging paghinga lamang ang maririnig.
Alam ko. Tuwing titingin ako sa kanya ay hindi ako ang hanap ng mga ito. Sa paraan ng paghaplos niya ay nangungulila ang kaniyang kamay sa taong hindi naman ako. Sa bawat pagssisinungaling ng kaniyang labi sa mata niya ako nakakahanap ng sagot. Ilang beses man niyang subukan na mahalin ako ay hindi.
Ramdam ko...Ako rin.
"Sinusubukan ko, Amayah."
"Pero―"
"Can you say no to your Abuela? Kaya mo na bang magdesisyon sa sarili mo?"
Napayuko ako.
Muling nanumbalik ang aking paningin sa binatana. Dala ang bigat sa dibdib. Mapait akong umiling. Nanggigilid ang luha akong pumikit.
Hindi ko kaya...
"If you can't say no to her, you'll forever be cage with me, Amayah." itinigil niya ang sasakyan. Madahan niyang tinanggal ang seat belt na nakayakap sa'king katawan.
Nilingon ko siya.
"Paano ang mahal mo?"
"Matagal ko nang tinaggap ang katotohanang hindi ako mamahalin ng taong 'yon, Amayah." pinakatitigan niya ang aking mata. "Ikaw? Paano ang mahal mo?"
Hindi ko alam kung sa nakalipas na taon ay nanatili siyang naghihintay. Kung hindi man ay masasaktan ako. Pero kaya kong tanggapin. Hindi ko rin naman tiyak kung sa muling pagtatagpo ng aming mata ay may nararamdaman pa siya sa'kin.
Gusto niyang sumasa papuntang musipyo pero pinigilan ko siya. Hindi naman ako magtatagal at magdidilim na rin.
Pagkalabas ko sa munisipyo ay umihip ang malakas na hangin. Naglaglagan ang dahon ng mga Mahogany at nilipad ang laylayan ng aking puting bistida. Pinagmasdan ko ang alapaap sa itaas.
Bumabagabag sa'kin ang huling sinambit ni Hana.
Isang haplos ang nakapagpalundag sa'kin. Mainit na kamay ang lumapat sa'king braso, nanggaling sa likod. Bumilis ang pintig ng aking puso. Nanginginig ang paa na inihakbang ko ito palayo. Subalit nakahabol siya.
"Amayah..."
Doon ako tuluyang natigilan.
Abot ang tahip ng aking puso. Ang aking mga balahibo ay muling sumaludo sa nagmamay-ari ng boses. Kahit hindi ko tingnan...kahit ilang taon na ang huli kong narinig ito...kilala ko.
Ang mga mata ko'y hindi tinagpo ang kaniya na wari ko'y naghihintay. Nagbabadya ang maiinit na luha sa gilid ng aking mata. Nangangatal ang aking labi. May parte sa'king nangangailangan ng kaniyang mainit na yakap ngunit nanatili akong nakatalikod sa kanya.
"Bumalik ka,"
Lakas loob na hinarap ko siya. Mula sa pagkakatitig sa lupa, ilang lunok ang nagawa ko bago muling tahakin ng tingin ang kanyang mukha. Pinaghalong luha at sikat ng araw na tumatama sa likod ng kanyang ulo ang dahilan kung bakit hindi ko maaninaw ang pinangungulilaan ng mga mata.
Napaawang ang labi ko sa kanyang kasuotan.
Ang uniporme na ipinangako niyang sasalubong sa'kin pagbalik ko. Ang nagtatanggol sa kaniyang kapwa kababayan, tagapanatili nang kapayapaan sa aming lugar, nagbubuwis ng buhay para sa kaligtasan ng nakararami.
Humakbang siya.
Nanatili ang titig ko sa kanya habang sinasayaw ng hangin ang aking buhok. Animo'y alon ang bistida ko. Pinauulanan ng dahon ang aking kabuuan.
Sa muling pagtatama ng aming mata ay apat na emosyon ang nag-unahang pumaibabaw sa'king sistema.
Ang saya. Muli kong nasulyapan ang alapaap na nagawa kong haplusin. Natitirang ulap na nagawa kong abutin. Muli niyang ipinaramdam sa'kin ang katiting na saya. Bukas na bukas ang paglubog ng haring araw. Tinititigan din ako. Nakikipag-usap sa'king mata pabalik.
Lungkot... Nakaramdam muli ako ng lungkot. Sumasapaw siya sa kasiyahan na ipinapailalim niya sa kaniyang kapangyarihan. Nanggigilid ang aking luha. Paano nga ba kami nauwi sa ganito? Paano ko nga ba natagalan na hindi nakikita ang piratang sumagip sa rosas?
Ang pangatlo ay ang pangungulila. Nagawa niyang lagpasan ang dalawang emosyon na nanguna sa kaniya. Nangungulila ang aking mata sa kaniyang titig. Ang aking balat sa kaniyang haplos. Sa ngisi niya. Ang halakhak na sa aking tainga ay umaliw. Ang boses niya na hinahanap-hanap ng aking sistema.
Nagawa man niyang pukawin ang kaba, ang kakaibang takbo ng tibok ng aking puso.Pero hindi ito naging malakas para mapanindigan ang kaniyang pagdating.
Sa huli ay ang pinakamalakas sa lahat. Ang sakit. Mabilis siyang umibabaw na hindi nakahabol ang nauna sa kaniya. Nilagpasan niya ang kasiyahan, lungkot at pangungulila. Iniyuko ko ang aking ulo sa mahinang paghikbi. Nag-uunahan ang luha sa'king mata. Inilalabas ang kay tagal nang itinagong sakit.
"Hinintay kita..."
Kung may mas sasakit pa pala ay ito na iyon. Ang bigat-bigat.
Pumainlang ang kanta na sinasabayan ng awit ng hangin at sinasayawan ng mga halaman na ginagalaw ng pagdaan nito. Sumaludo siya.
Mabigat ang pakiramdam, tuluan ang luha ay hinarap ko ang telang mula sa itaas ay ibinababa. Ginagaya ang mga halaman. Ang bughaw na kulay na sumisimbolo sa kapayapaan ay pinapailaliman ang dugo sa digmaan.
Inilagay ko ang kamay sa dibdib na nagwawala nang kay inam.
Kagaya kung paanong yumukod ang tatlong bituin sa haring araw ay ganoon niyukuran ng naunang emosyon ang hari sa lahat. Kapareho sila ng sakit. Lulubog man saglit ay muling magpaparamdam. Sisinag muli ito. Babangon mula sa pagkapahinga. Muling mararamdaman ang sinag nitong nagpapaalala sa lahat na ikaw'y buhay. Hindi mapapagod na magpakita.
"Nakapag-ipon na ko. Ikaw na lang ang kulang."
I'm home.

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    M. LadublanRhianna Grace

    good

    15/08

      0
  • avatar
    MoncatarvillaranteEmjay villarante

    magaling mag story

    04/06

      0
  • avatar
    Jellian Kate Lumaya

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata