logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Dolce Malinconia

Dolce Malinconia

archilea


Prologue

The whole crowd cheered when Kuya Kyros scored. Pagtalikod niya ay ibinalandra ang pangalan na kinababaliwan ng lahat.
Iwinawagayway nila ang hawak na iba't-ibang kulay ng mga lobo. Ang kanilang mga damit ay isinisigaw ang matitingkad na kulay na rumerepresinta sa kani-kanilang grupong kinabibilangan. Gaya ng mga bandaritas na makikita sa itaas, umiindayog sa bulong ng hangin. Iba't-ibang uri tilian ang pumaibabaw sa gitna ng gymnasium. Kahit kalaban ay sumuporta.
Mas lalong umingay ang buong gymnasium ng muling maagaw ng team pink ang bola galing sa kalaban. A wide smile stretched on their face. Iba't-ibang klase ng ngiti ang ibinigay ng madla. May malawak, may tama lamang, at may mga pilit pinipigilan subalit sa huli’y sumisilay rin. Ang ilang magkakaibigan ay nagkakatuwaan. May kasamang paghampas sa braso ng isa't-isa habang sinusuportahan ang mga nagugustuhan. Bakas na bakas ang kasiyahan.
Ito na ba ang kaligayahan?
Masasabing maligaya ba kapag may malawak na ngiti sa labi? Mararanasan ba ang kaligayahan kapag sinuportahan ang iyong nagustuhan? Kapag ba may kaibigang nahahampasan?
Isang maingay na sigaw ang muling ibinigay ng mga taga-suporta. Muling isinigaw ng commentator ang pamilyar na pangalan.
Martinelli, pangalang nakasulat sa kanilang likuran.
Kuya Kyros gave Kuya Miklaus a high-five and slightly tapped his back. Tatlong puntos muli para sa kanila. Bakas ang pagod ngunit hindi pa rin mapapantayan ang kalaban.
Isang palakpak ang iginawad sa kanila ni Kuya Leon na ngayon ay nagpapahinga sa may bleachers, bahagyang hinahabol ang hininga. Kapit ang tuhod na masakit sa paulit-ulit nitong pagtakbo. Ate Fau was sitting beside him. Nakasampay ang face towel ni Kuya Kyros sa kaniyang balikat.
I glanced on the other side of the court. I saw the team green's cheering squad. I found Zion there. Kasama ang baklang kaibigan na kahit iba ang kulay na kinabibilangan ay hindi maiwasang suportahan ang mga pinsan. While Kuya Devi was with our school journalists. Kinukuhanan ng larawan ang mainit na laban. Malapit sa kanya si A-Zele, kasama ang teammates sa volleyball. And the last person I saw was kamahalan.
Wearing his eyeglasses, his face was emotionless, and his hands was on his pocket. His light brown hair was a bit messy. Banayad ang usapan sa pagitan nila ni Loki. Sa gilid ay si Ms. Intramural 2019, makapal ang glasses. Gumagalaw ang balikat sa hindi magkaintindihan sa pagsusulat ng kung ano.
They are my cousins. Bukang-bibig sila ng karamihan dahil sa kanilang mga itsura. Abuelo once became the Governor in our province, Idalah Abiathar. Maaring ang isa sa dahilan ay ang mga nagawa nina Tita sa buong probinsya. That explains why our family name is very popular. Ako lamang talaga ang hindi.
Bihira ang taong nakakakilala sa'kin bilang isang Martinelli. Abuela always introduce me as a Sauvage. Her name was popular in our town. People knew her as a Sabbath keeper.
Ang mundo ko ay tunay na malayo sa mundong ginagalawan ng ibang kabataang babae. Tinatahak nila ang landas na gusto ng mga paa samantalang umiikot ang mundo ko sa aking mga pinsan.
Kailan kaya ako makakatapak sa uri ng mundong ginagalawan nila?
I smiled lightly and couldn’t help but clap my hands too. Patas na ang score pero konti na lang ang natitirang oras.
Tuwing nililibot ko ang paningin sa malawak na lugar hindi ko mapigilang mamangha. Tunay na nakakamangha makapanood ang laro nina Kuya sa malapitan. Kaya lang hindi maiwasang magsisising napadpad ako sa ganitong lugar.
Sa paglibot ko ng tingin hindi maiwasang makasalubong ang ilang humuhusgang mga mata. Ilalapat ang titig sa'king paa’t tatahakin ang damit hanggang sa aking mukha. Matapos idaragdag ang ngisi at bulungan.
Yumuko ako.
I'm wearing a soft pink dress that doesn't expose my knees and my shoulders. Siguro’y bago sa paningin nilang usong mga damit ang malimit na nakikita. Sabi ni Abuela...ito ang nararapat suotin.
Minsan, sa sobrang higpit ng pagkakasakal sa leeg ko gusto ko na lang tumakas sa mundong ipinagkaloob sa'kin. But I don't want to disappoint the woman who worked so hard just to raise me. Ang pagkatao ko ay rumereplika sa kung papaano niya ko pinalaki. I have an image to maintain. I don't have a choice.
Naagaw ng panibagong tilian ang aking atensyon. Nginisihan ni Kuya Miklaus si kamahalan. Kinausap pa siya ng referee para tanggalin ang salamin. Nakasuot na siya ngayon ng jersey. Pinalitan niya si Kuya Miklaus na maagap na inabutan ni Ate Fau ng mineral water.
Matibay dumepensa ang kalaban pero sa pagkakataong ito’y hindi maipagkakaila ang malaking tyansa ng kanilang pagkapanalo.
Sobrang dikit ng laban. Kahit ilang puntos ang nagagawa nina Kuya ay humahabol ang kalaban. Sa huling quarter ay muling pumantay ulit ang puntos.
105-105
Pumipikit na sa pagod si Kuya Kyros na kanina pang naglalaro simula quarter 1. Zion went on ate Fau's side to cheer for his brother. Tinawanan lamang siya ng kasamahan. Sanay na sa ganoon niyang asta.
Sa huling mga oras kung saan tingin ng lahat ay wala ng makakapuntos. Parehong mga tuluan ang paiwis at parehong determinado. Walang nagpaparaya. Pinagitnaan ni Kuya Kyros at ni Furtalejo ang referee para sa jump ball nang ni isa ay walang gustong pakawalan ang bola.
Kuya Leonel loudly clapped his hands.
Parang gatilyo iyon at mabilis na napapunta sa kanila ang bola. Nagtayuan na ang iba ng muli silang nakapuntos. Sinimulan na rin akong tubuan ng kaba. Parang malalaglag ang aking puso.
Mabuti na lamang ay muli nilang nabawi ang naipuntos ng kalaban. Mapaglarong kinantsawan ni Kuya Leonel si Furtalejo nang magtime-out ang coach ng kabila.
Mabibilang sa daliri ang natitirang segundo.
"Tapos na ang laban?"
Para akong napako sa kinatatayuan at mabilis na napayuko. Hindi nag-atubiling silipin ang pinanggalingan ng boses. Nanatili ang aking titig sa sapatos niyang namamalat na. Ang bango ng kaniyang katawan ang nanahan sa'king ilong.
Tipid akong umiling, kinakabahan nang makita ang paghakbang niya.
He chuckled in a very low manner.
Para siyang kapitan na sinaluduhan ng aking mga balahibo. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagtayo nila.
"Hindi ka naman siguro magagalit kapag tinalo ko ang mga pinsan mo?"
Umiling ako sa kaba. Unti-unti kong inangat ang pantitig sa kaniya. Malawak ang kaniyang pagngisi.
Namilog ang aking mga mata.
Malalim ang kaniyang boses, napapaos. Nung aking marinig ay tila sa kailaliman ako ng karagatan.
"Good girl, huh?”
Iniwan niya ang isang halakhak na nagdulot ng kakaiba sa'king sistema. Tsaka lamang ako nakabawi ng paghinga ng mapanood ang sapatos niyang lumayo sa'kin. Nanginginig pa ang aking tuhod.
His white jersey with green outline was screaming his name. No wonder why team green cheered loudly when they saw him entering the court.
Coach Enrico from the green team grinned at him. Tipid niyang tinanguan ang aking mga pinsan na nagseryoso sa pagdating niya. Si Kuya Kyros lang ang ngumisi pabalik.
Muling nag-simula ang game. Nasa kalaban ang bola at palakasan na ang kani-kaniyang sigaw ng pangalan. Masasabing matalino ang green team. Pagod na ang player sa pink at nagpasok sila ng panibagong player para sa laban. Hindi lang basta player... Their Captain.
Zion screamed.
Gaya ng sabi, nasa kaniyang kamay ngayon ang bola. Wala nang umupo pa nang ipinosisyon niya ang sarili sa three-point line.
He found my eyes.
My lips parted. Unti-unting umangat ang sulok ng labi niya nang pakawalan ang bola sa pagkakahawak niya. The green team shouted when the ball goes on the ring before the loud siren echoed in the whole gymnasium. A playful smile plastered on his lips, his gaze never left mine.
"And Añonuevo for three points shot!"
Mali. Hindi pala kapitan.
Siya’y isang pirata.
Agaw pansin ang itim na tela na yumayakap sa kaniyang mukha, tinatabunan ang kaniyang kaliwang mata. Ang buhok niyang nakapusod ay bahagyang nagulo sa pagtalon ng pinasadahan niya ng palad. Dinilaan ang labi na palaging nakangisi tuwing maglalapat ang aming paningin. Mapaglaro ang ngisi niya sa'kin na parang may pinapahiwatig.
Nakakakaba. Ang pintig ng puso ay nagkakarera.
Napaiwas ako ng tingin nang hindi matagalan ang kaniyang pantitig.
111-108
Nagsigawan lahat. Muling kong nasaksihan kung paano muling napuno ng palakpakan ang gymnasium. Ang saya ay bakas sa mukha ng kabilang grupo. Hindi ko maiwasang hindi muli mapatanong.
Kung ganoon, masasabi itong kaligayahan?
Sinalubong siya ng maraming babae na tinabunan ang paglalapat ng paningin. Dagsa ang taong naglalabasan sa gym. Napapayuko ako tuwing nagagawi ang tingin nila sa akin.
Ang buhok na nakatago sa likod ng tainga ay lumitaw. Siya ang nagsisilbing tabon sa'king mukha. Mariin kong kinagat ang labi para iwasan ang panggigilid ng luha sa sulok ng aking mata.
"Yung aswang?"
"Sinusundo ng Martinelli sa abandonadong opisina. Malapit sa kanila...”
Mapait akong napangiti. Tumingala ako ng bahagya para sa nagbabadyang mga luha. Kagat-labi kong sinulyapan ang buong gymnasium. Isang hindi bago sa'king paningin ang tumambad sa'king mata.
Malapad ang ngising inakbayan niya ang isang tisay na babae.
Bantog ang pangalan na dinadala niya sa kanyang likod. Halos lahat ng bulaklak ay nahuhumaling sa kanya. Pinahihintulutan silang hawakan ng walang paghihirap. Pero hindi ang rosas.
Ang mga kagaya niya ay hindi ko gusto. Ang kamay niya'y pinapaalala ang dulot ng bangungot sa gabing malamig na nakalipas.
Girls and games. They have the same starting letters, ending letters, and the number of letters. But they have different meanings. Only those stupid boys would have mistaken girls as a game. Pity for those boys who'd serious games and would play girls.
Pity you, Añonuevo.

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    M. LadublanRhianna Grace

    good

    15/08

      0
  • avatar
    MoncatarvillaranteEmjay villarante

    magaling mag story

    04/06

      0
  • avatar
    Jellian Kate Lumaya

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    26/02

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata