logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

“Hello… Bernard,” ani Sebastian ng sagutin ng kaibigan ang telepono nito.
Nagmamaneho na siya noon pabalik ng Puerto del Cielo ng maisipan itong tawagan.
“I forgot to tell you something a while ago.”
“What is it?” anito.
Kahit hindi niya nakikita ang kaibigan alam niyang nakakunot ang noo nito.
“What do you think, nasaan na kaya ngayon si Marie?” tanong niya dito. Hangga’t hindi pa ito nahuhuli ay hindi siya mapapalagay.
“If my instinct was right, she was just hiding around Quezon. Hindi malabong mangyari iyon lalo na at d’yan lang naman natin natagpuan si Bella.”
Sebastian sighed. “I want you to search every single nook here in Quezon double-time. Hindi ko hahayaang magpagala-gala ang criminal na iyon.” Tiim-bagang na utos niya sa kaibigan.
Bernard nod on the other line. “Alright. I’ll assign all the best men that I have sa paghahanap sa kanya.”
“Salamat, Pare.” Aniya at nagpaalam na dito.
Ilang sandali pa ay narating na niya ang hacienda. Dumaan lang siya sandali sa casa bago nagtuloy sa koprahan.
“Mang Berto sino po ba ang pwedeng mag-deliver ng mga kopra sa Manila? Tinawagan ako ni Antonio kanina lang at may mga factory doon na kinakailangan pa ng dagdag na supply.” Kausap agad niya sa matandang katiwala ng kanilang koprahan.
“Teka lang ho…” anito na tila nag-isip muna. Hinayon ng mga nito ang mga tauhan na kasalukuyang nagtatapas ng mga niyog. Tumigil ang mga mata nito sa isang partikular na tao. “Si Lando, Señorito. Matagal-tagal na rin dito ang batang iyan, at nakikita ko namang masipag at mapagkakatiwalaan.”
Sinundan ni Sebastian ng tingin ang tinutukoy ni Mang Berto. Hindi taga-roon sa hacienda ang ginaganoon nito. Palagay niya’y isa ito sa mga tauhang nagmula sa karatig-bayan.
“Sigurado ho ba kayo sa kanya, Mang Berto?” tanong niya sa matanda.
Hindi siya ang taong basta-basta na lang nagtitiwala sa kung kani-kanino, lalo na at hindi niya lubos na kilala. Nakadagdag pa doon ang nangyaring pagkakakidnap kay Bella.
“Aba’y oho naman, Señorito!” may pag-thums up pang wika nito. “Sandali lang ho at tatawagin ko.”
“Huwag na ho, Mang Berto.” Mabilis na pigil niya dito. “Kung tiwala naman kayo sa kanya ay ayos na ho sa akin iyon. Basta ho pasamahan niyo na lang sa isa pa nating tauhan. Nagmamadali din ho ako ngayon,” dagdag pa niya.
“Ganoon ho ba? Sige ho. Ako na ho ang bahala dito at mukhang importante ang lakad ninyo.” Nakangiting sabi nito.
“Salamat, Mang Berto.” Aniya at nagpaalam na dito.
**
Umakyat na si Candice sa itaas pagkaalis ni Sebastian. May importante pa daw itong aasikasuhin sa asyenda sa araw na iyon. Iniwan nito ang cellphone number nito sa kanya in case na magkaroon daw ng problema.
Naabutan niyang naglalaro si Bella at ang inay niya sa kanyang silid.
“Nakakatuwa naman ang batang ito, pagkakagaling gumuhit,” nakangiting sabi ng inay niya habang pinagmamasdan si Bella sa kanyang ginagawa.
Marahan naman siyang lumapit sa mga ito at nakiusyuso rin sa ginagawa ng bata.
“Wow! Did you do really do that?” namamanghang tanong niya kay Bella. Totoo ang sinasabi ng kanyang ina, may talento nga ito sa pagguhit.
Nakangiti namang lumingon sa kanya si Bella.
“Mukhang genius ang anak na ito ni Baste ano?” anang inay niya sa kanya.
“Baste?” ulit niya sa pangalang binanggit nito. Nagtatanong ang mga matang nilingon niya ito.
“Si Sebastian, sino pa ba?” mataray na sagot nito sabay ingos sa kanya.
Natawa siya sa inakto nito. Parang nakikita niya ang sarili dito kapag nagtataray ito ng ganoon.
“At may palayaw na agad kayo sa isa’t isa,” aniya na ang tinutukoy ay ang pagtawag dito ni Sebastian ng Aling Virgie. “Hindi ba parang ang bilis naman yatang mahulog ng loob ninyo sa kanya? Kakikilala n’yo palang kani-kanina, hindi niyo pa nga masyadong kilala ‘yong tao,” dagdag pa niya.
“Ano pa bang pagkilala ang gusto mong gawin ko sa kanya? Nakikita ko namang mabait na tao si Baste, at kitang-kita mo naman sa kanyang mga mata na mahal na mahal niya itong si Daisy. Kung sa iba-iba nga iyon ay matagal ng pinanghinaan ng loob, lalo na at matagal na palang nawawala ang batang ito,” mahabang litanya ng inay niya sabay lingon kay Bella at masuyong ngumiti dito.
Napailing na lang siya. Alam niyang hindi na magbabago pa ang pagtingin ng kanyang ina sa lalaki kahit ano pang sabihin niya.
“Eh, wala na ho akong sinabi,” kibit-balikat na saad niya.
“Teka, nasaan na nga pala ang batang iyon? Iniwan mo sa baba na walang kasama? Nakakahiya naman ‘dun sa tao,” pag-iiba nito ng usapan at tumayo.
“Umuwi na ‘Nay,” sagot niya habang pinagmamasdan si Bella sa kanyang ginagawa. “Tingin mo ‘Nay, hahanapin kaya ako ni Bella kapag hindi na niya ako nakikita?” wala sa loob na tanong niya dito. Mahina lang iyon ngunit alam niyang dinig na dinig iyon ng kanyang ina.
Kunot-noong tinitigan siya nito. “Bakit mo naman naitanong iyan?”
Huminga siya ng malalim. “Sebastian wanted me to come with them in Puerto del Cielo. He said, he knew Bella won’t go with him kapag hindi ako sumama sa kanila. Sa tingin mo ‘Nay tama kaya siya?” tanong niya sa nag-aalangang tinig sabay sulyap sa bata.
Hinila siya ng kanyang inay paupo sa kanyang kama. Hinawakan siya nito sa kamay.
“Alam mo anak, pakiwari ko’y na-attached na masyado sa iyo ang bata,” anito sabay lingon kay Bella bago nito ibinalik sa kanya ang pansin. “Sa t’wing duty ka lagi lang iyang nasa may pintuan at pasulyap-sulyap sa may kalsada. Hindi ko rin naman alam kung ano ang naiisip, alam mo namang kahit tanungin natin ay hindi siya magsasalita.”
“It’s acute stress disorder ‘Nay, kaya daw hindi nagsasalita ang bata,” malungkot na sabi niya dito. “Pero sa tingin ko, ayaw niya lang magsalita kasi ayaw niyang ipakita ang tunay niyang nararamdaman sa ibang tao, lalo na sa kanyang ama. But, if she gained some confidence, especially kung nakikita niya ang suporta at pagmamahal ng mga tao sa paligid niya, she will eventually talk.”
“Ganoon ba? Eh, anong plano mo ngayon?”
“Kayo ang iniisip ko ‘Nay. Wala kayong makakasama dito. Sinong mag-iintindi sa inyo kapag nagkasakit kayo?” aniya sa nag-aalalang tinig.
“Sus! Batang ito, oo!” palatak nito. “Ano bang akala mo sa akin? Aba’y malakas pa ako sa kalabaw, ah.”
Natawa naman siya. “Alam ko naman iyon. Pero paano nga kung biglang magka-emergency, sino ang tutulong sa inyo? Kalalayo pa naman ng kapitbahay natin dito.”
“Kung iyan lang naman ang inaalala mo, pwede ko namang kasamahin dito si Linda,” wika nito.
“Sino ho, ‘yong anak ni Tatang Sebio?” tanong niya rito.
“Oo. Eh, nangangatulungan lang din naman ang batang iyon kung kani-kanino, maigi na iyong dito muna siya sa atin. Mas maganda pa dahil malapit lang sa kanila, masisilip-silip pa niya ang mga kapatid at tatay niya,” anito. Limang bahay lang kasi ang pagitan ng bahay nila kina Tatang Sebio.
“Sigurado ba kayo d’yan Inay?” may pag-aalinlangang tanong niya dito.
“Siguradong-sigurado ako,” mabilis pa sa alas-kuatrong sagot nito. “Teka, paano nga pala ang trabaho mo?”
“’Yon na nga ‘Nay, inalok din ako ni Sebastian ng trabaho. Private nurse daw ho ng mama niya.”
“Iyon naman pala, di wala ka ng problema. Ano pa bang iniisip mo anak? Ikaw na rin ang may sabing masarap sa pakiramdam ang nakakatulong sa kapwa. Isipin mo na lang na nakatadhana talagang makita mo si Daisy sa daan para matulungan ito, at pati na rin si Baste.” Malumanay na sabi nito sa kanya.
“At isa pa, nakikita ko rin kung paano mo siya alagaan. At alam kong napamahal ka na rin sa bata hindi mo man sabihin,” dagdag pa nito.
Napahugot na lang siya ng malalim na hininga sa tinurang iyon ng inay niya.
Maybe she’s right. Maybe Bella and I were destined to meet, aniya sa sarili at masuyong hinaplos sa ulo ang bata.
**
Just what he said to Candice, he came back before night falls. Kahit pa nga tatlong oras din ang ginawa niyang pagmamaneho sa malubak na daan, hindi niya iyon alintana.
Naghahapunan na ang tatlo ng dating niya doon. Ganito talaga ang buhay sa probinsya, maagang magsikainan ang mga tao dahil maaga ring magpapahinga, para maagang magising kinabukasan.
Sinalubong kaagad siya ni Aling Virginia sa may bungad pa lang ng pintuan. “Aba’y gabi na, ah. Sana’y ipinagpabukas mo na lang ang pagpunta dito. Pagkakalayo pa naman ng sa inyo,” anito sa nag-aalalang tinig.
“That’s fine, Aling Virgie. Gusto kong sanayin si Bella na nakikita ako, para hindi siya mangilag sa akin,” nakangiting sagot niya sa matandang babae pagkatapos ay nilingon ang bata na sinusubuan ni Candice.
Nang mapadako ang tingin niya sa dalaga ay nahuli niyang mataman siyang pinagmamasdan nito. Saglit na nagtama ang kanilang mga paningin, bago muli nitong ibinaling ang atensyon kay Bella.
“Tama nga iyang naiisip mo, Baste,” ani Virginia na ikinalingon niya rito. “Kailangan ng mga bata ang presensya ng kanilang mga magulang habang lumalaki sila, nang sa gayon hindi maging pariwara ang buhay.”
“Tama ho kayo d’yan,” nakangiti namang sang-ayon niya dito at iniabot ang isang basket na punong-puno ng samu’t saring prutas at gulayin. “Mayroon pa ho sa sasakyan ko. Sandali lang ho at kukunin ko,” aniya at tinalikuran na ito at muli siyang bumalik sa kanyang sasakyan.
“Naku! Ikaw na bata ka… nag-abala ka pang talaga,” narinig pa niyang sabi nito. “Candelaria! Tulungan mo nga dine si Baste. Aba’y hindi na magkangdadala sa dami ng mga pasalubong,” tawag nito kay Candice.
Mabilis namang sumunod ang dalaga sa utos ng ina.
“Why did you bring so much?” tanong ng dalaga ng makalapit sa likuran niya.
“This was just a little, compare sa ginawa ninyong pag-aaruga kay Bella.”
“Pero hindi naman namin hinihinging palitan mo iyon ng kung ano-ano. Kung anuman ang ipinapakita namin sa kanyang pagmamalasakit, iyon ay kusang-loob naming ginagawa. There’s no need for these things,” anito at padabog na kinuha ang isang basket na punong-puno ng mangga.
“Wait!” habol niya dito at hinawakan ito sa braso.
Kunot-noo naman siyang nilingon nito pagkatapos ay ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Agad niya iyong binitawan.
“Looked… do not misinterpret what I’ve just said. Hindi ganoon ang ibig kung sabihin. I really just wanted to show you and Aling Virgie how I appreciate everything you’ve done for Bella.” Ang sinserong sabi niya dito.
Naninibago siya sa sarili. Wala pang taong ginamitan niya ng ganitong tono. Si Candice pa lang ang una.
At kailan pa ba siya natutong magpaliwanag ng tunay na intensyon niya sa ibang tao? Isa siyang Monte Bello, at ang mga Monte Bello walang pakialam sa iniisip ng ibang tao, dahil alam nilang sila ang laging nasa tama.
“Fine… But, don’t do it again,” anito sa pinal na tinig.
Hindi na niya nakuhang sagutin pa ito dahil tumalikod rin naman ito kaagad. Napailing na lang siya sa sarili habang kinukuha pa ang ibang gulay doon.
Bakit ba may pakiramdam siyang hindi niya kayang suwayin ang anumang sabihin nito sa kanya? And it’s really bothering him.
**
“Baste, sumabay ka na sa amin. Tutal tamang-tama ang dating mo, kakaumpisa lang namin,” yaya ni Aling Virginia sa kanya ng mahakot na nila ang mga dala-dala niya sa loob ng bahay ng mga ito.
Nagmistulang palengke doon dahil sa dami ng mga pasalubong niya. Mukhang napasobra nga yata siya.
Nakangiting nilingon ni Sebastian ang matandang babae. “Sige, ho. Mukha nga hong masarap itong ulam ninyo,” aniya at lumapit sa mesa at naupo.
Si Candice na tahimik lang na nakamasid sa mga ito habang inaasikaso si Bella ay hindi na nakuhang salagin ang sinabi ng ina. Magmumukha naman siyang bastos kapag ginawa niya iyon.
Nangako siya sa sariling hindi makikisabay kumain dito, pero mukhang hindi pa man natatapos ang araw ay mababali na iyon.
“Ay, oo naman! Specialty yan ni Candice, sinigang na bangus.” Ang narinig niyang sabi ng inay niya habang ikinukuha ng pinggan si Sebastian.
“Ganoon ho ba?”
“Kung hindi mo naitatanong ay magaling magluto itong si Candelaria,” pagmamalaki pa nito sa kanya sabay abot ng pinggan at kubyertos kay Sebastian.
“’Nay…” saway niya dito habang pinanlalakihan niya ito ng kanyang mga mata.
Hindi naman siya nito pinansin. Ipinagsandok pa nito si Sebastian ng kanin at ulam.
“Salamat ho,” nakangiting turan nito.
“Sige, kain lang ng kain. Maigi ito, marami kaming kasalong dalawa na kumain mas masaya,” sabi pa ng inay niyang pagkakalapad ng mga ngiti. “O, ano? Masarap ba?” tanong pa nito kay Sebastian matapos sumubo ng pagkain.
Sunod-sunod namang tumango ang lalaki.
“’Nay… hayaan n’yo munang kumain ng tahimik ‘yong tao,” hindi na niya napigilang sawayin ang sariling ina.
Tiningnan lang siya nito ng masama bago muling bumaling sa kanilang bisita. “Huwag mo ng pansinin ang anak kong iyan. Hindi pa kasi nagkaka-boyfriend kaya ganyan ‘yan,” ang sabi pa nito na parang wala siya roon.
“Inay naman!” bahagyang napalakas ang boses niya dahil doon.
Namumula ang mga pisnging napatingin siya kay Sebastian. Pero blangko lang ang ekspresyon nito at saglit lang siyang sinulyapan bago ibinalik sa inay niya ang atensyon at ngumiti dito ng pagkatamis-tamis.
Nang-iinsulto ba ang taong ito? Nagpupuyos ang kaloobang tanong niya sa sarili.
At dahil sa nararamdaman, napagdiskitahan niya ang isdang nasa plato na kanina pa hinihimay para kay Bella. Gigil na tinusok-tusok niya iyon na parang mukha ni Sebastian ang naroroon.
“Anak hindi na iyan lalaban pa,” biro ng inay niya ng makita ang kanyang ginagawa.
Napatigil naman siya. Nagkunwaring kumuha ng laman ng isda at pagkatapos ay isinubo iyon kay Bella. Pero kitang-kita sa sulok ng kanyang mga mata na mataman siyang pinagmamasdan ni Sebastian.
Patay-malisya namang ipinagpatuloy niya ang ginagawa, kahit ang totoo, kanina pa niya gustong umalis sa harap ng mga ito at magkulong sa kwarto niya dahil sa kahihiyan.

Komento sa Aklat (243)

  • avatar
    Jona Arrofo Aseo Tesorero

    nice

    12/08

      0
  • avatar
    Renren Twix

    very nice...I love it...maganda rin KY hanz Ang yeisha♥️😘♥️😘♥️😘

    18/07

      0
  • avatar
    Melba Palin Polintan

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    01/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata