logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Naabutan nga niya sa kanila sina Sebastian at Bernard.
“Hindi pa pala umaalis ang mga hudyo,” aniya sa sarili habang naglalakad papasok ng kanilang bahay.
“O, anak, naririyan ka na pala,” nakangiting salubong ng inay niya sa kanya. Kasalukuyang kumakain ito. At ang seste! Kasalo pa nito sina Bernard at Sebastian!
Wala silang gaanong gamit sa bahay dahil dadalawa naman sila ng inay niya doon. May open cabinet lang na nakapagitan sa sala nila at kainan kaya mula sa sala ay kitang-kita ang tao sa kusina.
Kunot-noong pinagmasdan niya ang mga ito, pagkatapos ay nagtatanong ang mga matang tinitigan niya ang kanyang ina.
Bakit parang hindi ito nag-aalala sa naging kalagayan niya? At bakit kumakain ito kasabay ng dalawa na para bang walang nangyari?
Tila naman nabasa ni Virginia ang lahat ng nasa isip niya.
“Ah… huwag kang mag-alala, naikwento na sa akin nitong si Sebastian ang nangyari kanina. Humingi na rin siya ng despensa sa akin at naiintindihan ko naman siya. Matagal na rin palang nawawala si Daisy kaya ganoon na lang mag-alala ‘yung tao,” ang mahinahong paliwanag ng inay niya.
Gusto niyang magsisigaw ng mga sandaling iyon. Kung pwede nga lang palayasin niya ang mga ito ora-mismo ay ginawa na niya.
Walang alam ang inay niya sa tunay na naganap kanina sa presinto, lalo na ang ginawang pananakot sa kanya ni Sebastian at kung paano siya nito tratuhin.
Tapos ngayon, heto sila! Kumakain kasabay ng inay niya! Ang kakapal din talaga ng pagmumukha! At nakuha pa nitong magsinungaling sa inay niya, ha!
Tumaas-baba ang dibdib ni Candice sa tindi ng galit na nararamdaman. Pinipilit niya iyong sikilin alang-alang sa ina.
Nakakalokong tiningnan niya si Sebastian. May pagkatuso din pala ang hudyong ito, sa loob-loob niya.
“Ganoon ba ‘Nay?” tanong niya sabay baling dito. Isang pilit na ngiti ang iginawad niya rito. “Nasaan ho si Daisy?” aniya ng hindi makita ang bata.
“Naku, nasa kwarto mo,” sagot nito at bumalik na ulit sa iniwang upuan kanina. “Nakatulog kakaiyak at kakahanap sa iyo,” dagdag pa nito bago sumubo ng pagkain.
“Ah… Eh… Sige inay, pasok muna ako sa kwarto,” pamamaalam niya sa mga ito.
“Hindi ka ba muna kakain? Aba’y wari ko’y kagabi ka pa hindi kumakain.”
“Mamaya na lang Inay. Titingnan ko muna si Daisy, baka gising na iyon. Sa kanya na lang ako sasabay,” aniya at mabilis na pumanhik sa kwarto niya.
Nuncang kumain siya kasabay ang arogante at walang modong si Sebastian Monte Bello. Mamamatay muna siya bago mangyari iyon.
Tahimik siyang pumasok sa loob ng kanyang silid. Himbing pang natutulog si Daisy sa ibabaw ng kama niya.
Naaawang nilapitan niya ito at tumabi sa pagkakahiga nito. Namumugto pa rin ang mga mata nito dahil sa pag-iyak kanina. Katunayan ay naroroon pa ang bakas ng mga luha sa pisngi nito.
Marahan niyang pinunasan iyon. Naramdaman siguro nito ang ginawa niya kaya gumalaw ito at sumiksik sa kanya. Ganito ito kapag katabi niyang natutulog. Para bang naghahanap ito ng init ng katawan ng isang magulang.
Niyakap niya si Daisy at ipinikit ang mga mata, hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na rin siya.
Nagising siya mula sa isang masuyong halik sa kanyang pisngi. Alam niya kung sino iyon, si Daisy.
Nakangiting nagmulat siya ng kanyang mga mata. Nakita niyang nakangiti rin ang bata habang titig na titig sa kanya at pagkatapos ay lumipad ang mga mata nito sa may bintana. Nagbago ang ekspresyon ng mga mata nito.
Takot ba ang nakikita niyang iyon? Kanino at bakit? Tanong niya sa sarili ng makarinig ng isang malakas na tikhim malapit sa may bintana.
“Ay butiki!” ang gulat na gulat na sabi niya sabay tayo at hinarap ang kung sinumang naroroon. Nanlalaki ang mga mata niya ng mapagsino ito. “Ikaw?!” ang malakas na wika. “Anong ginagawa mo sa kwarto ko? Sinong nagpapasok sa ‘yo dito?” sunod-sunod na tanong niya kay Sebastian.
Marahang lumapit sa kanya ang lalaki. “Will you please stop shouting? Baka akalain ni Aling Virgie na may ginagawa akong masama sa iyo. At isa pa, may bata tayong kasama,” mahinang sabi nito. May himig pagbabanta ang tinig nito sabay lingon kay Daisy na nasa likuran niya.
Agad naman niyang inawat ang sarili at nilingon rin ang bata. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa. Ngumingiti ito kapag tumitingin sa kanya, pero nawawala iyon kapag si Sebastian na ang tinititigan nito.
“Is she scared of you?” ang hindi na nakatiis na tanong niya sa lalaking katabi. Mahina lang iyon at sila lang dalawa ang nakaririnig.
“No. Why would she?” ganting tanong nito sa kanya sa mababang tono.
Sinulyapan niya ito.
Mataman nitong pinagmamasdan si Daisy. Nakikita niya sa mga mata nito ang matinding pangungulila sa bata. Alam niya kung gaano na nito kagustong mahawakan ang anak.
Sebastian extended his right arm to touch Bella's hair, but she immediately hide on Candice's back. Mahigpit itong kumapit sa dalaga. Naiwan sa ere ang kamay nito.
“Hindi pala takot, eh bakit ganito?” ang pabulong na tanong niya sa lalaki.
Sebastian stared at her. May nakiraan sa mga mata nitong sakit at pagdaramdam, pero saglit lang iyon. Bumalik din agad ang mapanuri nitong tingin.
“What did you do to her?” nang-uusig na tanong nito sa kanya.
“Anong ibig sabihin ng tanong mong iyan? Are you accusing me?” paanas niyang singhal dito. Para silang mga bubuyog na bubulong-bulong sa isa’t isa.
Alam ni Candice na may trauma si Daisy, dahil na rin sa nalaman na pagkaka-kidnap dito. Added to that, bakit ba pakiramdam niya hindi naman talaga magkasundo ang dalawang ito? If Sebastian was really her father, then there’s no reason for her to get scared of him like this. Unless, this man beside her was a literal monster.
Hindi ba ganoon naman ang tingin niya dito? Bukod sa nakakatakot na ay masama rin ang pag-uugali nito.
Matalim ang mga tinging ibinigay niya dito, pagkatapos ay hinarap ang bata.
“Nagugutom ka na ba?” masuyong tanong niya kay Daisy. Inipit niya sa likuran ng tenga nito ang ilang hibla ng buhok na nakasabog sa mukha nito.
Ngumiti ito sa kanya.
Nang sulyapan niya si Sebastian ay mataman lang silang pinagmamasdan nito. She can’t read what’s running on his mind at pakiwari niya ay may malalim itong iniisip.
“Let’s go,” aniya kay Daisy ng balingan niya ito.
Masayang kumapit sa kamay niya ang bata at magkasabay na silang lumabas ng kanyang silid. Iniwan na nila doon si Sebastian na hinabol lang sila ng tingin at tila may malalim na iniisip.
**
“Aling Virgie pwede ko ho bang makausap sandali si Candice?” narinig ni Candice na tanong ni Sebastian sa inay niya.
Kasalukuyang nasa salas ang mga ito at nagkukwentuhan. Mukhang magkasundong-magkasundo na agad ang dalawa.
Sila naman ni Daisy ay kakatapos lang ding kumain.
Nakita niya sa sulok ng kanyang mga mata na tumingin sa gawi nila ang kanyang ina, pagkatapos ay hinarap si Sebastian.
“Sige,” anito at tumayo. Nagtungo ito sa kusina. “Candelaria…”
“Narinig ko ho Inay,” agap niya sa iba pang sasabihin nito. “Kayo na muna ang bahala kay Daisy. ‘Dun muna kayo sa kwarto ko,” sabi niya dito.
“Sige.” At inaya na ng kanyang inay si Daisy pabalik sa kwarto niya.
Niligpit niya muna ang mga plato sa mesa bago nagtungo sa salas. Naupo siya sa pang-isahang sofa sa tapat ng kinauupuan ni Sebastian.
“Nasaan na ang kasama mo?” takang tanong niya rito ng hindi na niya makita si Bernard sa paligid. Medyo humupa na rin ang galit niya dito.
“Nauna ng umuwi,” sagot ni Sebastian.
“Why do you want us to talk?” she asked. Tinitigan niya ito sa kanyang mga mata.
“It’s about Bella… I think she had developed a strong bond with you and it’s making me worried,” anito sa mahinang tinig. Hindi kababakasan ng katayugan ang anyo nito ngayon.
Nabigla naman si Candice sa nakikitang pagbabago mula rito. May kumudlit na awa sa kanyang puso para dito at kay Daisy.
“What really happened to her?” tanong niya rito maya-maya.
Tumayo si Sebastian at naglakad patungo sa may pintuan at sumandal doon habang nakatingin sa malayo. He wasn’t the type of person na basta na lang naglalabas ng sariling saloobin sa isang tao, lalo na sa isang estranghera. But, this woman was different. At hindi niya mapigilan ang sariling magpakita ng kahinaan dito, kung kahinaan nga bang matatawag iyon.
“She was left by her mother under my care after she turned one. And her mother never came back up until now,” anito sabay buntong-hininga.
So, this must be the reason why Daisy always wanted to feel her warmth. Naghahanap palang talaga ito ng init ng pagmamahal nang isang ina. And she didn’t know she was giving it to her unintentionally.
“Does she have any medical condition? Napansin kong hindi siya nagsasalita kapag kinakausap, pero ngumingiti naman siya minsan kapag may itinatanong ako kaya alam kong nakakaintindi siya,” usisa pa niya.
Nagpakawala muli ng isang buntong-hininga si Sebastian bago sumagot. “According to her pedia, she has an acute stress disorder. Maybe because she always felt she was left alone. Nasanay na rin kami sa bahay na hindi siya nagsasalita, at madalang ko rin siyang makasama at makausap, kaya siguro she felt less protected. Then, kidnapping happened and I really don’t know it’s impact on her,” mahabang paliwanag nito.
“But I think her doctor must have suggested something para ma-overcome niya iyon.”
Umiling-iling ito. “I don’t know. Si Mama ang lagi niyang kasama, because I was too busy on managing our hacienda.” May pait sa tinig na sabi nito.
Siya naman ang napahugot ng malalim na buntong-hininga. Being a single father must be hard for him, nakikita niya iyon sa bagsak nitong mga balikat. Kahit hindi ito lumingon sa kanya, alam niyang matinding pag-aalala ang nararamdaman nito.
“This is the reason why I wanted to talk with you,” pagkakuwa’y sabi nito at nilingon siya. “Come with us,” seryosong wika nito habang titig na titig sa kanya.
“What!?” malakas na tanong niya rito. Halos mag-echo ang boses niya sa apat na sulok ng bahay nila.
Napangiwi si Sebastian. “Bakit ba sa tuwing may sasabihin ako, alinman sa nakasinghal ka o di kaya naman ay sumisigaw ka?”
“That’s your fault. Ikaw ba naman ang arestuhin ng wala namang kasalanan plus the insults, sino bang hindi magiging paranoid noon?” akusa niya dito.
Sebastian sighed. “I’m sorry with that,” mabilis na sabi nito sa mahinang tinig.
Natameme naman si Candice sa tinuran nito. Bakit bigla yatang ibang tao na ito ngayon? Nawala ang pagiging arogante at walang modo nito. Napalitan iyon ng isang mahinahon at mapagpakumbabang Sebastian.
Totoo ba ang nakikita niyang ito? Or he was just deceiving her? Hindi ito ang taong nakilala niya kani-kanina lang. He was now the opposite. Pero ano itong nararamdaman niya sa sarili na unti-unti niyang nagugustuhan ang pagbabago nito?
Ipinilig niya ang sariling ulo.
Bigla siyang kinabahan. At ang mga titig nitong iyon, may kakaibang pakiramdam na hatid ang mga iyon sa kanya. The unfamiliar feeling that’s making her worried, but at the same time, excited.
“So?” untag ni Sebastian sa kanyang malalim na pag-iisip na ikinapitlag niya.
She sighed. “My life is here. My worked is here. At isa pa, walang makakasama si Inay dito ‘pag umalis ako dito. T'saka ano namang gagawin ko sa inyo?” hindi niya napigilang isagot dito.
Para namang doon na siya titira sa mga ito kung makapagsalita siya. Ni hindi pa nga niya alam ang dahilan kung bakit siya inaaya nitong sumama sa mga ito.
Hindi niya napigilang kastiguhin ang sarili. Hindi man niya sinabi ng derektahan, pero parang sumasang-ayon na rin siya sa klase ng sagot niyang iyon.
“I am offering you a job. Be my mother’s personal nurse. I need someone I could trust that will looked after her.”
“Bakit? Ano bang sakit ng mama mo?” kunot-noong tanong niya dito.
“She has a weak heart. Na-stroke siya ng malamang na-kidnap si Bella, and that’s the other reason why I was very eager to find her. Mama and Bella were very closed. Kay Bella ibinuhos ni Mama ang lahat ng atensyon at pagmamahal na mayroon siya ngayon. She is her happiness. At alam kong matutuwa ng husto si Mama kapag nakita na niya si Bella,” nakangiting sabi nito.
Tulalang napatitig lang siya dito. Bakit ba may palagay siyang anumang oras ay aatakihin siya sa puso sa mga ipinapakita nito?
Dahil kung gwapo na ito kahit na gaano pa ito ka-seryoso, o kahit anong lalim pa ng pagkakakunot ng noo nito, mas tumitingkad pa iyon at nagiging kaakit-akit kapag nakangiti na ito.
Lumapit ito sa kanya at muling naupo sa inalisan nito kanina. “Candice… I know I am getting very demanding here. But for the sake of Mama and Bella, I’ll do anything for them. Alam kong hindi sasama sa akin si Bella ng hindi ka kasama. So please… come with us,” nakikiusap na sabi nito nang hindi siya hinihiwalayan ng tingin.
Matagal na nag-isip si Candice bago ito sinagot.
“I’ll think about it,” aniya.

Komento sa Aklat (243)

  • avatar
    Jona Arrofo Aseo Tesorero

    nice

    12/08

      0
  • avatar
    Renren Twix

    very nice...I love it...maganda rin KY hanz Ang yeisha♥️😘♥️😘♥️😘

    18/07

      0
  • avatar
    Melba Palin Polintan

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    01/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata