logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

7

Please do not forget to leave a vote and comments. You can also follow me for updates.
Please also check my profile for other completed stories.
***
Zed's POV
"BUMALIK NA kayo sa mga classrooms n'yo!!"
Pabagsak na binitawan ako ng dalawang may hawak sa akin. Napangiwi lalo ako sa sakit nang bumagsak ako sa semento. Teka, sino ang umawat sa kanila?
Sinapo ko ang tiyan ko gamit ang isa kong kamay. Mas malala ang nakuha ko ngayon. Nalalasahan ko pa ang maalat na dugo sa loob ng aking bibig. Pakiramdam ko ay mas madaming napinsala sa akin. Paulit-ulit na sinuntok ako nung lalaki na may bakal na kamay. Sa tingin ko ay iyon ang ability n'ya.
Pinilit kong tumayo. Si Dylan ang aking nakita. Nakamasid lang s'ya sa akin. Nakaramdam naman ako ng inis. Kagabi lang ay s'ya ang nanakit sa akin, pagkatapos ay ipagtatanggol n'ya ako ngayon?
"Hindi ko kailangan ng tulong mo," seryoso kong saad.
     
Nakita ko naman na tinaasan n'ya ako ng kilay. "Don't flatter yourself mortale. Trabaho ko ang magdisiplina ng mga estudyante na kagaya nila."
Hindi ako umimik. Paika-ikang ipinagpatuloy ko ang aking paglalakad.
"May gana ka pa na yabangan ako, ikaw na nga itong nabugbog," aniya na nagpahinto sa akin sa paglalakad.
"Kung trabaho n'yo ang panatilihing ligtas ang mga estudyante dito, bakit may mga nasasaktan pa din?"
Naramdaman ko naman na lumapit s'ya sa akin. "Iyan ba ang igaganti mo matapos kitang tulungan?"
Natawa ako. "Kagaya nga ng sinabi mo, trabaho mo ito."
Nakita kong tumalim ang mga mata n'ya. Umilaw din iyon. Pathetic.
Itinaas ko ang aking ulo para pantayan s'ya. Diretsong tiningnan ko din s'ya sa mga mata. Mag-iisang taon na ako sa academy na ito pero paulit-ulit lang ang nangyayari sa akin. Hindi lang sa akin, maging sa mga ibang mortale at commons.
"Bakit," tanong ko. "Susuntukin mo din ako?"
Hindi na ako nagulat nang kuwelyuhan n'ya ako. Tumaas din ang isa n'yang kamao na tila susuntukin nga ako.
Ngumisi naman ako. "Ganito pala ang mga nasa posisyon? Nananakit din kapag walang nakakakita?"
"Huwag mo akong pikunin mortale. Wala akong pakialam sa posisyon na mayroon ako. Nagtitimpi lang ako sa kayabangan mo!"
Itinaas ko ang magkabila kong kamay. "Pwede mo naman akong saktan."
Ilang segundo ang lumipas at nanatiling nakatitig lang sya sa akin. Maya-maya ay nagbalik na sa normal ang kanyang mga mata. Ibinaba din n'ya ang nakaambang kamao saka ako pabalya na itinulak.
"Sa susunod na sagutin mo ako ng ganyan, makakatikim ka na talaga sa akin Zed."
"Hindi ba't binalian mo na ako kagabi pa lang?" matapang kong sagot.
Napansin ko na dumako ang kanyang mga mata sa kamay ko na may benda.
"Useless royalties," bulong ko saka nagpatuloy muli sa paglalakad.
"Ano'ng sinabi mo?!!!"
"USELESS. ROYALTIES," ulit ko.
Hindi ko alam kung paano pero basta na lang ako tumapon sa punong naroon. Naramdaman ko ang pagtama ng katawan ko sa isang matigas na bagay bago ako bumagsak sa lupa. Sunod na nakita ko ay ang papalapit n'yang paa. Shit. Mukhang nagalit ko na s'ya.
Hindi na ako nakapalag nang sunod sunod n'ya akong sipain sa aking sikmura. "Magtatanda ka na siguro mortale! Kung kay Calvin mo sinabi ang bagay na iyan, mas malala ang matatanggap mo!"
Ipinikit ko ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay umiikot ang aking paligid. Nararamdaman ko ang matinding galit sa aking dibdib. Ito ang unang beses na isang royalty pa ang nanakit sa akin. Sila na inaasahan kong magtatanggol sa amin na nasa lower class. 
                
                   
                
                   
                            
                               
                                 
                           
                           
                         
Ava's POV
KANINA PA tahimik ang lahat. Kasalukuyan kaming nasa council room para sa sunod na meeting, si Dylan na lang ang hinihintay.
"Nasaan na ba ang lalaking iyon?!" basag ni Amelia sa katahimikan.
Napansin ko naman na umilaw ang mga mata ni Xavier. Mukhang hahanapin n'ya si Dylan gamit ang isa n'yang katawan. Sinulyapan ko naman si Calvin na kanina pa tahimik. Nakamasid lang s'ya sa mga halaman na nakapatong sa shelf.
Maya-maya ay gumanda na ang mga dahon ng mga halaman na kanina lang ay lanta.
"Hindi maganda ito," ani Xavier.
"Ano na naman ang ginagawa ni Dylan?" tanong ko.
Nawala ang liwanag sa mga mata ni Xavier. "May estudyante na binubugbog ngayon si Dylan."
 
Aish. Kahit kailan talaga, napakapasaway ng lalaking iyon.
"Sira ulo ba talaga iyang best friend mo Xavier?!" sigaw naman ni Amelia. "Isa s'yang campus royalty, bakit s'ya nananakit ng estudyante!"
"Baka nabwisit na naman s'ya kay Zed."
Natigilan ako sa sinabi ni Xavier. Si Zed? Napatayo ako sa aking kinauupuan. Hindi ko itatanggi na nakaramdam ako ng galit sa ginagawa ni Dylan.   
Of all the people!
"Maupo ka Ava," ani Calvin.
    
Napaisimid ako. "Narito ka pala."
Humarap naman s'ya sa akin. Mukhang hindi man lang s'ya na-offend sa sinabi ko.
"Bawal sa atin na pumatol sa kapwa estudyante natin lalo na kung wala namang ginagawang masama!" sigaw ko.
"Pwede tayong manakit, lalo na sa mga walang modo," sagot n'ya.
 
"Mortale ang sinasaktan n'ya!"
  
"Gifted man o mortale, walang exception sa rule ng academy," singit ni Xavier.
Lalo akong nainis. Ipinagtatanggol pa ba nila si Dylan samantalang ito na nga ang nananakit sa walang kalaban-laban na mortale?! Matagal ko nang hindi gusto ang ganitong pamamalakad ni Calvin. Ang akala ng lahat ay napakabait n'ya, hindi nila alam ay may itinatago din itong baho!
Hindi ako makatiis. Kaibigan ko si Zed at sinabi ko na hindi na s'ya muling masasaktan.
"Saan ka pupunta Ava?" tanong ni Amelia nang naglalakad na ako papalabas.
"Tutulungan ko si Zed."
        
"Bakit ba masyado kang nag-aalala sa mortale na iyon?"
   
"He's my friend, Amelia."
Bukal sa loob ko nang sinabi kong gusto kong maging kaibigan si Zed. Hindi ko alam kung bakit, pero nakikita ko sa kanya ang unang kaibigan ko na isa din mortale.
"Trabaho mo lang ang magbantay ng mortale, hindi ang muling makipagkaibigan," ani Calvin.
    
Binato ko s'ya ng masamang tingin. "Kaya nga tutulungan ko si Zed. Dahil isa s'yang mortale at nasa ilalim s'ya ng pangangalaga ko!"
Hindi ko na hinintay na may magsalita sa kanila. Mabilis na lumabas ako para hanapin si Zed.
Natanaw ko naman sa 'di kalayuan si Dylan. Biglang kumulo ang dugo ko nang makita na may ilang patak ng dugo sa kanyang damit.
"Dylan!!" walang pasabi na sinugod ko s'ya saka malakas na inihampas sa dingding.
                 
"Aaackkk."
 
"Nasaan si Zed?!!" galit kong sigaw.
Nagsimula na din lumamig ang paligid. Normal ito kapag nagagalit ako.
"T-teka Ava," pilit na kumakawala si Dylan sa pagkakahawak ko sa leeg n'ya. "A-ano ba'ng problema mo?"
"NASAAN SI ZED!!!"
"Bitawan mo si Dylan. Kaibigan mo din s'ya," isang boses mula sa likuran ko ang aking narinig.
Binitawan ko naman si Dylan. Sunod-sunod na pag-ubo naman ang ginawa n'ya habang hawak ang sariling leeg.
"Hindi sa lahat ng oras ay ipagtatanggol mo s'ya, Xavier," baling ko sa kanya.
"Fuck!" sigaw naman ni Dylan. "Hindi pa ba sapat na kinalaban ako ni Xavier at pati ikaw Ava ay sasaktan din ako?!!"
Natigilan ako. Naguguluhang tiningnan ko si Xavier. Wala kahit ano'ng emosyon ang kanyang mukha.
"Nasa infirmary na ang alaga mong mortale," seryosong saad ni Xavier.
"Pupuntahan ko s'ya."
"Queen," putol ulit ni Xavier. "With all respect, may mahalagang pag-uusapan tayong mga royalties. You can do it later."
Napabuntong hininga ako. Binalingan ko si Dylan na nakaupo pa din sa sahig.
   
"Sorry," sabi ko sa kanya. Naglakad na ako pabalik sa council room.
Siguro ay mamaya ko na lang dadalawin si Zed. Siguro naman ay maayos na ang lagay n'ya dahil nasa infirmary na s'ya.
                             
                                  
                            
                        
                         
                          
Zed's POV
GANITO BA talaga ang magiging buhay ko? Hanggang kailan?
Naikuyom ko ang aking kamao. Puro benda ang buo kong katawan. Nanunuot din ang sakit sa bawat kalamnan ko dahil sa ininom kong gamot. Nasaan ang konsensya ng mga gifted na walang awa kung manakit ng mas mababa sa kanila? Kung hindi siguro dumating iyong isang lalaki ay mas malaki ang damage na makukuha ko. Baka imbes na sa infirmary lang ako mapunta ay baka ma-ospital na ako.
"Ang lakas ng loob n'yong tawagin ang sarili n'yo na royalties? Kung kayo mismo ang nananakit ng mga estudyante na dapat ay pinoprotektahan n'yo?" galit kong bulong.
Isama pa ang mga kapwa ko estudyante na sinaktan din ako ng walang sapat na dahilan. Na-realize ko, na kahit anong pag-iwas ang gawin ko ay uuwi pa din akong sugatan.
Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa. Mas nakaramdam ako ng galit nang makita kong basag ang screen ng aking cellphone. Gagana pa naman siguro ito. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.
"Papa?" pagsagot ko.
     
"Zed! Ilang araw mo nang hindi sinasagot ang tawag ko!" napangiwi ako sa lakas ng pagkakasigaw n'ya.
Napakamot ako. "Pasensya na papa, m-medyo naging busy ako nitong mga nakaraan. Bakit ka nga pala napatawag?"
Nakarinig naman ako ng buntong hininga. "Gusto ko lang kamustahin ang kalagayan mo diyan. Ang sabi mo noong una ay hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga gifted sa'yo."
Nagpakawala ako ng pekeng tawa. "Wala ka nang dapat ipag-alala sa akin Papa. Nagiging maayos na naman ang lahat. May mga naging kaibigan na din naman ako dito na gifted."
        
"Talaga ba?"
Nagpatuloy ako sa pagpapanggap na masaya. "Oo naman. Ang totoo nga n'yan ay kaibigan ko na ang Queen ng Academy. Kaya wala nang nananakit sa akin dito dahil takot sila sa mga kaibigan ko."
"I see. Hindi lang maalis sa akin ang mag-alala."
 
"Sinasabi ko naman sa'yo Papa. Okay na ako dito."
"Iyong hikaw mo?"
Wala sa loob na hinawakan ko ang kaliwa kong tainga. "Suot ko pa din. Ang totoo nga n'yan, bawal daw dito ang may piercing."
"Huwag mong tatanggalin iyan Zed. Alam mo naman na iyan na lang ang natitirang alaala ng iyong mama."
Nakaramdam ako ng lungkot. "Oo naman. Saka mukhang wala naman problema kay headmaster na may hikaw ako. Hindi naman big deal sa kanila ito."
"Kung ganoon, kampante na ako. Mag-iingat ka lagi diyan."
"Mag-iingat ka din diyan Papa. Kamusta na nga pala ang North?"
Mag-iisang taon na akong hindi nakakauwi at halos wala akong balita tungkol sa aking hometown.
"Bilang heneral, masyado akong madaming trabaho dito. Lalo na at mas tumataas lalo ang mga nawawalang mortale at commons."
Ha? Hanggang ngayon pala ay hindi pa din iyon nareresolba?
"Kaya nga nag-aalala ako. May nakarating na report sa akin na may ilang nawawala na din sa South."
     
Natigilan naman ako. Mayroon na din kaso ng mga nawawala dito sa South? Akala ko ay mga taga Norte lang ang sangkot? How come na hindi man lang naglalabas ng balita tungkol doon ang awtoridad ng South?
"Huwag kang mag-alala Papa. Mahigpit ang seguridad dito sa academy, wala pa din naman akong nababalitaan na may nawawala dito."
Ilang paalala pa ang kanyang sinabi bago natapos ang aming usapan. Hay. Ginagawa n'ya talaga akong bata.
"Bakit mo sinabing okay ka lang?"
Sinulyapan ko si doc na nakatayo pala sa gilid ng kama ko. Kailan pa naging tsismoso si Doc?
Napakamot na lang ako. "Masyadong busy si Papa. Ayoko naman bigyan pa s'ya ng alalahanin."
"Bakit hindi ka na lang bumalik sa Norte?"
Iyong totoo? Pinapalayas n'ya ba ako?
"Mas safe dito sa South," saad ko.
"Sa susunod Zed, matuto kang umiwas sa gulo. Ako ang napapagod sa'yo!"
Napasimangot ako. Marunong akong umiwas sa gulo, ang gulo lang ang lumalapit sa akin.
"Saluhin mo!" aniya saka may ibinato sa akin.
Hindi naman ako handa kaya tumama iyon sa mukha ko. Aish. Nakita ko naman na napailing si doc sa akin.
"Ano ito?" kinuha ko ang parihabang bagay na ibinato n'ya sa akin.
     
"Chocolate. Isa iyan sa mga bago kong gamot. Kaya din n'yang paghilumin ang mga sugat at bali mo."
              
"So, sa akin mo ite-testing?"
                 
"Oo."
Para naman akong binagsakan ng hollow block sa ulo. Grabe talaga s'ya.
"Para na din mabawasan ang pagpunta mo dito. Magpapadala ako ng isang kahon sa dorm mo."
       
Wow. Gagawin n'ya talaga ang lahat para hindi n'ya ako makita dito sa loob ng clinic n'ya. Sinulyapan ko naman ang tsokolate na nasa kandungan ko.
Hindi kaya ako magka-diabetes dito?
                            
                               
Ipagpapatuloy...

Komento sa Aklat (110)

  • avatar
    Jessiel Ann Ypanto

    💖💗

    24/08

      0
  • avatar
    PastorpideHeilykristle

    Ang galing nyo pong gumawa I can 't wait to read season 2

    11/08

      0
  • avatar
    Lawrence Calibho

    hvbnu

    07/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata