logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

07

[Flashback: Grade school]
Hindi ko malaman ang gagawin ko, ngayon lang ako nakakita ng ganito. Nanginginig na ang mga kamay kong nakahawak sa kanya. Hinawakan ko ang ulo niyang napauntog sa semento, dumurugo ito. Ang dami nang dugo na kumapol sa kamay ko. Pinahid ko ito sa aking uniporme at sinubukan siyang kausapin.
"Ate Kate, dadalhin na kita sa clinic," buong lakas kong sabi sa kanya kahit nanginginig na ang kalamnan ko.
"Hindi, ayos lang ako," nakangiting sabi n'ya kahit alam kong sobrang sama na ng kanyang pakiramdam ngayon.
"Sige na, ate!" Nanggigilid na ang mga luha ko. Ayaw kong mawalan siya ng buhay sa mga kamay ko. Kailangan kong gumawa ng paraan. Lalo pa akong kinabahan nang nawalan na siya ng malay.
"Ate!" Naramdaman kong tumutulo na ang mga luha ko ngayon. Ano ba itong nangyari sa kanya? Napakabata n'ya pa para maranasan ito. Napakasama talaga ng mga bully na iyon. Mga wala silang puso! "Tulong!" malakas kong sigaw, nagbabakasakaling may tutulong sa akin ngunit nakatingin lamang silang lahat at nanonood.
Hindi ko sila masisi, mga bata rin sila tulad ko. Alam kong labis na takot din ang nararamdaman nila ngayon. Hindi rin siguro nila alam kung ano ang dapat nilang gawin pero sana nama'y maisipan nilang tulungan ako.
Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para mabuhat si Ate Kate ngunit nahihirapan ako dahil nanginginig pa rin ang aking mga kamay. Patuloy din ako sa pagpunas ng aking mga luha habang pinagpipilitang buhatin siya. Nang nabuhat ko siya sa aking likuran, nawalan naman ako ng balanse at muntik na kaming bumagsak, ngunit may sumalo sa amin.
"Ako na," sabi ng isang boses na pamilyar sa'kin. Kinuha niya sa likuran ko si Ate Kate at inilipat sa kanya.
"Enro," bulong ko sa aking sarili sabay punas ng aking mga luha.
[End of flashback]
Ang lakas pa rin ng tibok ng aking puso. Hindi rin mapakali ang aking mga kamay sa pangangatal dahil sa kaba kaya inilagay ko muna mga ito sa aking likuran. Ramdam ko rin ang malamig na pawis na tumutulo sa aking likod kahit hindi naman mainit dito.
Hinawakan ko ang aking kaliwang tenga para ma-check kung maayos ba ang pagkakalagay ko ng earphone dito. Hindi ko ata 'to kakayanin kung hindi ako tutulungan ni Enro kaya buti na lamang ay naisip namin ito. Naririnig ko ang kaniyang paghinga sa kabilang linya. Grabe naman, hininga niya pa lang ay kilig na kilig na ako. Pakiramdam ko ngayon ay isa akong spy na walang kinabukasan. Bakit naman kasi ako pumayag na gawin ito?
Hay, 'di ba nga Affy para kay Enro? Nagkakaganito ka nang dahil kay Enro, e hindi ka naman gusto n'yong tao. Hay nako, kung may mag-aaward siguro ng pagkamartir ay panalo na ako. Bravo, Affy!
"Focus, Affy," sabi ni boss mula sa kabilang linya.
"Oo nga." Napalaki naman ang mata ko dahil napasagot ako sa kaniya. Kita ko naman ang ekspresyon ng mga magulang ni Kate sa'kin, nagtaka sila kung bakit ako nagsalitang mag-isa.
"Oo nga pala, hindi nga pala tayo," kumanta na lang ako para hindi sila maghinala sa kamulagaan ko. "Na-LSS po ako sa kanta sa jeep kanina e," palusot ko pa.
Napataklob naman ng bibig si Mrs. Velasquez gamit ang kaniyang dalawang kamay at tila ba'y s'ya'y naiiyak.
"Paborito rin 'yan ni Kate," saad niya. Pinatahan naman siya ng kaniyang asawa at pinaupo na rin sa sofa katapat ko.
Inabutan niya ako ng juice at buong lakas ko naman itong inabot mula sa mga kamay niya.
May sampung minuto lang ata ako sa loob ng bahay na ito ngunit pakiramdam ko'y kalhating araw na akong nandirito dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"'Wag kang kabahan. Makinig ka lang." Rinig kong sabi ni Enro. "Oh, 'wag kang sasagot," dagdag pa n'ya.
Okay, Affy. Kaya mo 'to.
"Napakalaki talaga ng pasasalamat namin sa'yo, iha. Kung hindi dahil sa'yo ay hindi namin makakasama nang mas matagal pa ang anak namin." pasimula ni Mrs. Velasquez habang malambing nakatingin sa akin.
Napalunok naman ako. Ito na, simula na. "Nakita ko rin po kasi siya e, hindi ko naman po p'wedeng iwanan na lang siya basta-basta."
Napabuntong-hininga s'ya bago sumagot sa akin. "We are still holding those people na nang-bully sa kaniya. Sinisiguro namin na hindi na nila mauulit pa ang ginawa nila sa anak namin noon."
Napahinga rin naman ako nang malalim. "Sorry for that po."
"Don't be!" agad na tugon n'ya. "Wala ka namang kasalanan. Nabully siya gawa ng Enrong 'yon. Hindi man lang s'ya naawa sa anak namin. He still have the guts para humingi ng approval na manligaw kay Kate. No way! Sinundan niya pa ang anak namin until college. Kung merong dapat sisihin sa pagkawala ni Kate, ay si Enro 'yon."
Napahawak ako sa earphone sa tenga ko, sigurado akong narinig ni Enro lahat ng iyon. Hindi dapat siya ang masisi dito. Siya nga 'yong buong-buo ang loob na mahanap si Kate e. Itong mga magulang na ito, anong ginagawa? Nagpapasarap lang sa mansyon nila? Gusto ko mang magsalita pero pinipilit kong magtimpi para kay Enro.
"Dapat nga yung Enro na lang 'yon ang nawala eh. Wala naman siyang kwenta. He's a parasite na bumubuntot sa anak namin. Wala kaming maaasahan sa kanya," dagdag pa niya.
"Mrs. Velasquez, sigurado po akong hindi ginusto ni Enro ang nangyari," singit ko sa mga masasakit na salitang binibitawan n'ya, pero hindi n'ya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagsasalita ng mga gusto n'yang sabihin.
"Kaya ikaw Affy, pumili ka ng mga lalapitan mo. Hindi mo alam kung lahat ba ng kaibigan mo ay makakabuti sa'yo." Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa mga sinasabi niya. May point naman siya pero alam ko na si Enro lang talaga ang sinisisi at pinapatamaan n'ya ngayon. Jackpot naman siya dahil naririnig nga ni Enro ang mga sinasabi n'ya. Masakit din para kay Enro itong mga nangyayari ngunit wala rin naman siyang magawa. "Dapat nga hindi lang yung bullies ang nasisira ang buhay ngayon e, dapat yung Enro din na 'yon! Goodness!" At sa sinabi n'yang ito, hindi na ako nakapagtimpi.
Bigla akong tumayo at hinarap sila. "Hindi po ba dapat kayo ang masisi dito?" Kita ko ang pagkagulat sa kanilang mga mata dahil sa sinabi ko. "Ginawang lahat ni Enro para maprotektahan ang anak n'yo pero kayo, pinipilit niyo siya sa mga bagay na hindi niya gusto. Hindi po kaya 'yon ang dahilan kung bakit siya nawawala o baka kayo po ang nagtatago sa kanya?"
"Affy, stop. Calm down," awat sa akin ni Enro.
"Sino ka para sabihan kami ng ganyan?" sagot naman ni Mr. Velasquez sa akin. Aaminin ko na lalo akong nakaramdam ng pagkatakot nang siya na ang nagsalita. Gusto ko na lang tumakbo palabas at iwanan na lang ang mag-asawang ito na ang kikitid ng isip pero kailangan na talaga nilang mamulat sa katotohanan nang itigil na nila paninisi kay Enro.
"Pasensya na po, Mr. Velasquez pero kailangan n'yong mag-asawa na mamulat sa katotohanan. Hindi si Enro ang may kasalanan ng lahat ng ito. Alamin n'yo rin minsan kung ano ang mga pagkukulang niyo," buong tapang kong tugon sa kanya kahit na nangangatog na ang mga tuhod ko.
"Affy, stop. Let's go." Napahinga ako nang malalim nang marinig ko ang boses ni Enro. Sana'y ayos lang siya.
"Get out of my house!" malakas na sigaw ni Mrs. Velasquez na labis nagpasakit sa tenga ko at lalong ding nakapagpainis sa akin.
"I'm already on my way," tugon ko saka naglakad palabas ng mansyon na ito.
Nasa pintuan na ako nang matauhan ako, wala man lang akong nakuhang impormasyon. Lagot ako nito kay Enro.
Kakamot-kamot ako sa ulo nang sinalubong ko siya sa labas. Nakakunot siya at nagkakamot ng batok niya.
Nagpakawala siya nang malalim na paghinga nang tuluyan akong makalapit sa kanya.
"Nang dahil sa katigasan ng ulo mo, wala man lang tayong nakuhang impormasyon. Pinapakuha kita ng impormasyon, hindi ko sinabing sermonan mo sila," inis na inis na salubong niya sa akin.
"Pero Enro, inaapi ka nila!" Naiiyak na ako. Siya na nga ang pinagtanggol ko, tapos ako pa ngayon ang inaaway niya.
"Wala akong pakialam. Ang mahalaga lang sa'kin ay mahanap ko si Kate!"
Mas lalo pa akong nasaktan sa sinabi niyang iyon at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
"Oo, ganyan ka nga," sabi ko sabay punas ng mga luha ko. "Wala kang pakialam, wala kang pakialam sa akin. Hindi mo man lang na-aappreciate 'yong pagtulong ko sa'yo? Dapat nga hindi kita tinutulungan e." Hinahanap mo taong gusto mo, samantalang ako naman may gusto sa'yo.
Tinignan ko ang reaksyon niya, nakatingin lang siya sa'kin.
"Ang biased ko nga e," dagdag ko. "Kinakampihan kita kahit na hindi ko alam ang buong istorya. Sinisisi ka nila pero ako naman tiwalang-tiwala sa'yo. Alam mo kung bakit? Kasi alam ko na hindi mo kayang gumawa ng masama, na hindi ka masamang tao."
Nakatingin pa rin siya sa'kin, na parang ang dami niya ring gustong sabihin pero lagi niyang pinipiling manahimik na lang. Gusto kong magsalita siya, gusto kong malaman kung na-aappreciate n'ya ba ang mga ginagawa kong ito para sa kanya.
Pero siguro'y ang tingin niya sa'kin ay isang matigas na ulong panggulo lang. Akala niya ba ay hindi masakit para sa'kin itong ginagawa ko? I liked him so much before tapos para naman sa ibang babae naman 'tong ginagawa kong pagtulong sa kanya. Nakakainis lang, he never really cared for me though.
Dinala na ako ng mga paa ko palayo sa kanya. Pakiramdam ko naman lagi ay wala akong ambag at kaya niya naman daw mag-isa. Immature na kung immature pero mas immature siya.
Bakit ba kasi patay na patay siya sa Kate na 'yon? Pag-umpugin ko sila pagnahanap ko 'yon e.
[Flashback: Grade school]
"Ako na," sabi ng isang boses na pamilyar sa'kin. Kinuha niya sa likuran ko si Ate Kate at inilipat sa kanya.
"Enro," bulong ko sa aking sarili sabay punas ng aking mga luha. "Tulungan na kita," sabi ko habang humihikbi.
Tinulungan ko siyang isakay si Kate sa likod n'ya at nagmadali naman kaming isugod siya sa clinic.
"Nabagok ulo niya, tinulak siya niyong mga babae. Sana ayos lang siya," kwento ko sa kanya habang hawak si Kate na nasa likod n'ya.
"Magiging ayos lang siya," sagot n'ya sa akin. Ngumiti ako nang saglit at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Maayos naman naming nadala si Kate sa clinic at agad naman s'yang inasikaso ng mga nars. Umalis naman agad si Enro at sinabi niya na ako raw muna ang magbantay kay Kate. Hindi na ako nakatanggi pa at umupo na lang doon sa waiting area.
Laking gulat ko nang dumating ang mga magulang ni Kate sa school at talaga namang hindi ko maipaliwanag kung gaano silang kagalit ngayon.
"Ano bang klaseng school ito? Hindi nyo man lang ba nababantayan ang mga estudyante n'yo? Muntik nang mawala ang anak namin dahil sa kapabayaan n'yo!" malakas na sigaw n'ya sa mga tao dito sa clinic. "Ililipat na namin ang anak namin ng school! Wala kaming mapapala sa sistema dito!" dagdag niya pa.
Nalaman ng mga magulang niya na ako ang nagligtas sa anak nila ngunit hindi nila alam na tinulungan ako ni Enro. May bali-balita rin sa school na kaya raw na-bubully si Kate ay gawa rin ni Enro. Marami raw kasing naiinggit sa kanya dahil siya nga lagi ang napapansin nito.
Na-expell ang tumulak kay Kate, dahil na rin sa mga records ng pang-bubully niya noon. Na-suspend naman ang mga kaibigan niyang tumutulong sa kaniya.
Maayos namang nakalipat si Kate ng school ngunit may bali-balita ako kay Liana na hanggang high school daw ay nabubully pa rin si Kate. Schoolmate n'ya kasi ang kapatid ng bully niya noong elementary. Hindi na siya nagsumbong pa sa mga magulang niya dahil ayaw na niya ng gulo. Ayaw na niya ring madamay si Enro.
Napilitan din daw lumipat ng school si Enro para samahan si Kate. Natuto itong ipaglaban at ipagtanggol siya kaya naman nabawasan na ang pang-bubully sa kanya.
Hanggang sa nalaman kong sila na pala.
[End of flashback]

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    ReyesKevin

    Wow! This is one of the highly recommended story that I have read so far. The emotion of characters are on fire. PLUS, the plot has too much to offer, which is commendable! I couldn't say no more. The author really know what she is doing. Thumbs up!

    03/06/2022

      0
  • avatar
    Paula Nicole Malabanan Ilano

    Ganda sobra

    27/06

      0
  • avatar
    Drewnicole Blanco

    nice

    23/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata