logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

WENDY
WE ALL looked back and stared at the open field na nasa gilid ng ice cream cart. The sparkles in their eyes are quite visible and shouted in chorus, "THE FIELD!"
"What a coincidence! Nasa harap na natin ang baseball field. Or a.k.a diamond." sabi ni Skye. "With a size of 27.43 square meters."
"Hindi na namin kailangang marinig ang sukat ng field."
Tumingin ulit ako kay Zen na busy lang sa pag-ubos ng ice cream niya. Mukha siyang nag-eenjoy sa pagkain at hindi pinapansin ang mundo. Pfft. This isn't a coincidence. Zen purposely dragged us here.
"For sure," Sophie said while pointing her finger across the field. "Makakausap natin si manong doon."
Ibinaling namin ang pansin sa tinuturo niya at natagpuan ang isang cabin. Sa harap noon may may natutulog na lalaki habang nakaupo lang. Pumasok kami mula sa entrance ng field at lumapit sa kinaroroonan ng lalaki. Pero bago namin ito gisingin, nagtanong muna sa amin si Kentonni.
"Anong itatanong natin sa kanya? List ng members ng team nila? Maraming baseball team dito sa city. Sabi nga ni Skye, may 25 million na population dito sa Ranshin. Sa 25M na iyon, ilan ang baseball player? Thousands? Hundred thousands? Finding needle in a haystack again?"
"Not really," sagot ni Zen. "Look at the old man's shirt. The team's name is Crepe's."
"Crepe's. Isn't that a tech corporation?" singit ko sa usapan.
Skye clicked his tongue. "Seriously, airhead? Ano naman kung kapareho ng team name nila ang corporation na 'yon? Haven't you considered the coincidence?"
"Nu-uh! Halatang hindi interesado si skunk sa baseball," sagot naman ni Zen habang nakangiti. "The founder of their team... is the son of the corp's president."
"Like hell I care."
"Oh, 'yung Crepe's! Naalala ko ang dati nilang product. Jet engines, right? Kaso hindi masyadong mabenta. Haller? Sino may kailangan ng jet engines ngayon? To travel alone in the sky?"
"Exactly. The thief uses jet engines, too."
"Hoy, kayong mga bata! Private property 'to. Hindi kayo dapat nandito."
Nagulat kami sa sigaw ng manong kanina na natutulog. Mukhang nagising namin siya dahil sa ingay namin. Nakakunot ang noo niya sa 'min at nakapamewang na para bang mga pasaway kaming estudyante. Oh right, ako lang pala ang nakaschool uniform pa among us.
"Sir, mayroon lang po kaming gustong itanong. Hihingiin po sana namin ang mga listahan ng members ng team at impormasyon—" hindi pa natatapos ang sasabihin ni Kentonni nang biglang nagsalita agad ang lalaki.
"Hindi pwede. Sige na, umuwi na kayo."
"Teka lang po kuya!" pakisuyo naman ni Sophie. "Mahalaga lang 'to—"
"Malay ko ba kung anong gagawin n'yo sa impormasyong makukuha n'yo. At saka ikaw," sabi ng lalaki at humarap sa 'kin. "Taga-Percevale ka? Alas tres pa uwian n'yo. Nagcutting ka para lang dito?"
"Manong, mahalaga po kasi 'to. Members at impormasyon lang naman nila ang kailangan namin. We have no ulterior motive." pagtatanggol ni Skye.
"Kung gusto n'yo ng listahan ng members, pumunta kayo sa google." sabi ng lalaki at binuhat ang monoblock chair na inupuan niya kanina. "Wala akong balak na bigyan kayo."
"We already looked up at the internet. It only says their name. We need the address, contact numbers and any information we can be of use." seryosong sabi ni Zen. "Right here and now, our friendly online database is useless."
Muling tumingin sa amin ang lalaki pagkatapos ay umiling ng ilang beses. "Hindi. Umuwi na kayo. Tresspassing 'tong ginagawa n'yo. Hindi ako nagbibigay ng impormasyon sa mga walang kwentang pakinabang."
"How much?"
Napatingin kaming lahat kay Sophie. Nagsasalubong ang kilay niya at nakakrus ang mga braso habang seryosong nakatitig sa lalaki. What does she mean by 'how much?' Itinaas ng lalaki ang kilay niya na parabang tinataning kung anong ibig-sabihin ni Sophie. Kahit ako, hindi ko rin alam.
"Sabi ko ho, magkano ba kailangan n'yo?"
Napangisi ang lalaki at halatang pinipigilan ang tawa. "Hindi mo ako mauuto. Alam ko na ang mga galawan ng scammer. Huh, paano kung sabihin kong 15 thousands? Kailangan mo munang ipakita sa 'kin na bibigyan ko muna ako ng pera bago ako magsalita."
"15 thousands? Are you sure?" seryosong tanong ni Sophie. Anong ginagawa niya? Don't tell me babayaraan niya talaga 'tong lalaking 'to para lang sa impormasyon. Or baka naman dinidistract niya lang ang lalaki para makapasok kami sa cabin?
"Umuwi na kayo. Wala kayong mapapala. Huwag n'yong hintaying tumawag pa ako ng pulis—"
"Kapag ba binigyan ka namin ng pera, ibibigay mo sa amin ang information na kailangan namin?"
Nananahimik lang kaming apat habang nanonood sa pagpapalitan ng salita nila Sophie at ng lalaki. Alam ko namang mayaman sina Sophie pero kung gagastos lang siya ng 15 thousands—which is a very expensive price for me—para lang sa simpleng impormasyon? Grabe naman yata 'yon. This is called bribery. Hinintay kong mawala ang pansin ng lalaki sa amin para maka-sneak in sa cabin. Napansin kong ganoon din ang ginagawa ni Zen.
"I am a man of my words. Hindi n'yo naman ako kayang bigyan ng ganoon kalaking halaga. Magsiuwi nalang kayo at pagbutihin ang pag-aaral-"
"It's settled, then. 15 thousands." walang emosyong sagot ni Sophie at kinuha ang iphone niya. "Too bad you could've asked more for a higher price."
We were left speechless while watching Sophie make a call. Is she for real? She's gonna bribe this old man with her money? She doesn't really strike me as a pinky princess who slaps money on your face. A princess that kicks and punches? She isn't your mediocre princess who sits in her throne with her chin's up. But today's a bit different.
"What's your bank number?" tanong ni Sophie sa lalaki at tinakpan ang mic ng iphone niya. Mas lalong lumukot ang hitsura ng lalaki at tumawa ng malakas. 'Yung tawang parang hinahamak niya lahat ng tao sa paligid niya.
"Seriously? Brats, I know what's your doing. Bihasa na ako sa pangloloko at pandaraya. Hindi n'yo na ako madadala diyan sa acting n'yo." sagot nito at nagsimula nang maglakad papalayo.
"Your bank number! Sabihin mo!" sigaw ni Sophie. Mas lalo pang tumawa ng malakas ang lalaki at idinikta nga ang bank number niya. Pagkatapos no'n, bumalik si Sophie sa call at nagsalita muli. Nagulat naman ang lalaki at napatingin sa smartphone niya. Kahit malayo na ang distansya namin, halata sa mukha niya ang pagkagulat. Lumapit sa kanya si Sophie at nakitingin sa cellphone ng lalaki.
"What is she... doing?" tanong ni Skye na nakatulala sa direksyon nila Sophie.
"Ah... Nagdedeposit sa account ng lalaki." sagot naman ni Kentonni ay pinapanood lang sila.
"Yeah, thanks for stating the obvious." sabi naman ni Zen na mukhang bored na sa paghinhintay.
"She doesn't wanna be known. She hates wealth. So still, please," said Kentonni with a broken smile."Please, don't judge her. She's the most amazing girl I've ever met."
Is it just my imagination or Kentonni is definitely in love? I don't really intend to condemn Sophie. When I first met her in the music clubroom, malungkot siya dahil itinuturing daw siyang prinsesa sa klase nila. Dahil sa kagustuhan niyang magkaroon ng normal na buhay, tumakas siya sa bahay nila, tumira sa attic at nanakot ng mga estudyante.
"Today is just different. Maybe she wanted to make use of her status to help us. By the way, her name is Sophronia Jane Mollari. Ayaw niyang pinapakilala ang buong name niya dahil—"
"MOLLARI?!" Skye and Zen shouted in unison. They had the same reaction, same gestures, same wide eyes, same jaws which are dropped. They look so cute together, a perfect duo, I presume. And Mollari? Isn't that the billionaire family which is roaming around the world?! Damn! We're hanging out with a Mollari?
"See? Kaya ayaw niyang nagpapakilala kasi gan'yan magiging reaksyom ng mga tao."
Napatingin ulit ako kay Sophie na nakangiti na habang inaakay siya ng lalaki papasok sa cabin.
"Not bad." bulong ko habang nakangisi. Habang nagalalakd sila papasok sa cabin ay nakangiting lumingon pabalik sa 'min si Sophie at kumindat. Sumenyas din siya na sumunod kami kaya iyon nga nga ang ginawa namin. Isang lalaking square lang ang shape ng bahay kung saan pagkapasok mo ng pinto, tanaw mo na ang lahat ng kagamitan. Kama, kitchenwares, mga baseball equipments, mga bote ng alak sa gilid at mga picture frame sa dingding.
Nakita kong nakatitig si Zen sa isang picture ng babae na may suot na toga at hawak na diploma. I think kakagraduate lang ng highschool. Kilala niya kaya 'yon?
"Ako lang ang mag-isang nakatira dito at ang caretaker ng lote na 'to. Kaya minsan libre kaming nakakapaglaro ng team namin," daldal ng lalaki habang may kinukuha sa isa sa mga drawer niya.
"I see."
"Ito na ang hinihiling n'yo." sabi ng lalaki at inabot sa amin ang isang folder. "Though I doubt na may makukuha kayong useful na info."
"Marami pong salamat!" inabot ni Sophie ang foldet at aakmang papaalis na pero—
"Oy, hindi n'yo pwede iuwi 'yan! Kung may titingnan kayo, dito n'yo na gawin."
Sumunod kami sa sinabi niya at inilapag ang folder sa wooden table. Kumuha kami ng kanya-kanyang upuan para palibutan 'yon. Hinahayaan namin si Skye ang humawak at magflip ng pages.
"So... Ano 'yung eksaktong hinahanap natin? Ang dami nilang members." tanong ni Kentonni na nakatingin lang sa bawat pages.
Tumingin rin ako at nakita ang mga pictures ng bawat member. May full name, age, adresss, contacts, experiences and etc.
Paano namin malalaman kung sino sa kanila ang phantom thief? How could we cross them out one by one? And whatever reamins, no matter how improbable must be the truth.
"Yow old man, may party kayo kagabi?" tanong ni Zen na nakaupo lang, nakatingala, at nakapatong ang ulo sa sandalan ng upuan. Sa hitsura niya, mukha siyang bagot na bagot na sa buhay.
Well, medyo naiintindihan ko siya. Pumunta kami dito pero hindi naman alam kung anong hinahanap. Ano kayang maiisip niya ngayon?
Napakunot ng noo ang lalaki na napasulyap kay Zen. "Paano mo nalaman?"
Itinuro ni Zen ang mga bote sa gilid. "Mukhang mga bagong bili palang 'yung mga bote pero ubos na 'yung laman—aside from the moisture. The moisture inside the bottles told me so."
"Nice observation," nakangiting sabi ni lalaki. "Tama ka, nagparty kami dito ng mga ka-teammates namin kagabi na umabot hanggang madaling araw kanina."
"This place is too crowded yesterday then," komento ko naman habang nakatingin lang sa lalaki ngayon na nakaupo lang sa bedside niya.
"Hindi naman. Tatlo ang hindi nakaattend sa party kagabi—"
"Ah? Si Samuel Diego ang may birthday kahapon, 'di ba?" tanong ni Sophie na pinagmamasdan ang nakaulat sa folder. "And what?  May hindi naka-attend? Sino-sino ho?"
Tatlo? Ito na ba 'yung clue? Posible kayang isa sa tatlong iyon ang nagnakaw ng ruby pendant kagabi? Lumapit ako kay Zen para bumulong, "Do you think one of those who didn't attend is our culprit?"
"Haaah... Beats me," tamad niyang sagot habang hawak ang smartphone niya at nag-iscroll sa instagram.
Just wow, habang kami dito ay naghahanap ng clue, nagliliwaliw siya?
Noice. 'Di bale, malaki na ang naitulong niya nang akayin niya kami rito. I really have the feeling of closure to the phantom thief. It feels like we're getting nearer at the bottom of this case. If we ever found out whoever the hell it was, my mother's case might have a little enlightenment.
"Sina Carl, Ranald, at Silas. Sila lang tatlo ang wala sa party kagabi."
"Kayo ho si George Dalida, 'di ba?" tanong ni Kentonni at ibinaling ulit ang tingin sa folder. "Mas mukha ho kayong bata dito sa picture."
"Ahahaha. Mga ilang taon na rin kasi ang lumipas nang huli akong nakuhanan ng litrato," nakangiting sagot ni Manong George. "Pero hindi parin ako makapaniwalang nagdeposit pa kayo ng pera sa bank account ko para lang sa impormasyong 'yan."
"Consider it a help from a wealthy in penny and goodness girl. You had a daughter who just graduated from high school. The penny given may act as a little hand for tuition fee."
Napatingin kaming kahat kay Zen na may nagtatakang tingin na, 'how did you know?'
"Awe! Everyone's staring at me!" sabi ni Zen at hinawakan ang dalawa niyang pisngi. "The more you look at me, the more handsome I get."
Ang hangin. Being an airhead really suits him.
"Paano mo nalaman ang 'yan? Alam kong walang ganyan sa folder na binigay ko—"
"The picture frame ho," singit naman ni Skye sa usapan. Naging malinaw ang lahat nang ituro niya ang picture sa dingding na tinititigan ni Zen kanina.
Zen and I leaned closer to them and also looked for the names mentioned in the folder. We inscribed their addresses in our minds and Skye took a picture in each of the suspect's profile. Nagpasalamat ulit kami kay manong George at naghanda nang umalis.
"You guys go ahead," seryosong sabi ni Zen. "I'll catch up."
Binato namin siya ng nagtatakang tingin. "Bakit?"
Sobrang seryoso ng mukha niya at hindi ko man lang mabasa kung anong gusto niya. Did something serious happened?
"I'm about to shit. You guys go ahead! Don't wait for me! I'll catch up!"
Napahawak si Zen sa tiyan niya na para bang bibigay na. Pagkatapos, tumakbo siya sa C.R. at agad na isinara ang pinto nito. Napatingin naman kami kay Manong George at tumango naman ito.
"Ako na ang bahala sa kanya. Huwag kayong mag-alala, malinis naman C.R. ko," malambing na sambit niya at ngumiti sa amin. Without a warning, I felt the chills went up from my body. Why did the weather become this cold?
Umalis na kaming apat mula sa cabin niya at sa field. Tumingala ako at nagpatakip ng mata dahil sa sikat ng araw. Mainit pa naman, bakit ako nilamig kanina? I let out a deep sigh.
Mukhang narinig nila ako kaya nakatuon na ang pansin nila sa 'kin. Kentonni sighed too and tried to imitate me but I only gave him a soft glare while Sophie was suppressing her laughter. What's with them acting all that way?
"Don't let it get to you, Wendy. Zen's always stubborn, causing troubles for others," sabi ni Skye nang hindi man lang tumitingin sa 'kin. Whoa, did he just talk to me? Akala ko ba member siya ng club na them? And what made them think that I thought about Zen?
"Mukhang mabait naman si kuya George. He won't mind kung gamitin ni Zen ang comfort room niya," komento naman ni Sophie at sinabayan na sa paglalakad si Skye papalayo. "Though medyo nakakahiya siya. Stranger lang tayo kay kuya George 'tapos..."
"Stranger din naman si Zen sa 'tin e," sabi naman ni Kentonni. "Kaya kapag may nagtanong sa 'tin tungkol sa ginawa ni Zen ngayon, alam na natin ang isasagot."
"Huh? Ano?"
"Sasabihin natin sa kanila, 'hindi ko po kilala 'yun'," Kentonni responded as he let out a chuckle.
"Grabe ka kay Zen!" sabi ni Sophie at hinampas ang braso ni Ken. "Dapat nga mag-thank you tayo sa kanya e. If it weren't for his stupid idea na magcutting at bumili ng ice cream, we wouldn't get a single clue this fast. Feeling ko talaga malapit na natin mahuli kung sinuman ang nagnakaw ng pendant ng tito mo."
"Yeah, it might make the family he left at ease."
"Family? He left?" nagtataka namang tanong ni Skye. Kasalukuyan kaming naglalakad sa Higgins street at hinahanap ang apartment ng isang baseball player na si Carl.
"Oh yeah, he died a week ago..."
"C-Condolences..." I and Skye muttered in unison.
Ibig-sabihin ang may-ari ng ruby pendant na iyon ay patay na. At ninakaw ito sa kanya. Katulad ng nangyaru kay mama noon, 5 years ago.
Bakit nga ba may ruby pendant si mama? Sino nagnakaw no'n? Nahuli na ba? I'm even more curious now. Kukunin ko sana ang smartphone ko para tawagan si kuya ko pero naalala kong... we're not in good terms.
I really hate what happened earlier. Hindi ko man lang naitanong kung anong gustong malaman dahil pinangunahan niya na ako ng sermon. This is my life and I'm not a toddler anymore.
"Sino kayo?" bungad ng isang lalaki na kinatok namin mula sa third floor mg Miyatani apartment. Base sa hitsura niya, sa tingin ko mga nasa early 30's na siya. Nakahawak siya sa sintido niyana para bang nahihilo.
"May gusto lang ho kami itanong sa inyo," sagot ni Sophie at itinuro kami isa-isa. "Ako si Sophie, kasama ko si Kenton, Skye at Wendy. Kayo po, sino kayo?"
"Carl Pineda—teka, kumatok kayo sa pinto ko sa pinto ko nang hindi ako nakikilala?"
"Hinahanap ka po kasi namin, naniniguarado lang."
"Ugh, anong kailangan n'yo?"
"Nasaan ho kayo kagabi?" singit naman ni Skye. Too straightforward, eh?
Napatawa ng mahina ang Carl na 'to at napatingin sa likuran niya. "Oiiii, may mga junior detectives tayo dito! Hahaha!"
Nakarinig kami ng mga tawanan sa loob ng unit niya at mga sigaw na 'kaya mo na 'yan, pre!', 'good luck, haha!'
"We're dead serious here, sir," banta ni Skye. "We just wanted to know your whereabouts last night."
Nanatili akong tahimik dahil nararamdaman ko ng ang tense ng usapan. Parang nagagalit na kasi Skye dahil sa tono ng boses niya.
"Luh, ini-english ako ng detective! Hahaha! Bakit? Isa ba akong suspect sa pagpatay? Bakit wala pang sumusundong pulis sa 'kin? Ah... Huwag n'yo sabihing kayo 'yung pulis? Ang c-cute naman!"
Narinig kong dumaing si Sophie at sisipain na sana ang lalaking nasa harap namin pero pinigilan siya ni Kentonni at may ibinulong.
Napabuntong-hininga na lang ako at ipinaubaya na kay Skye ang pakikipag-usap. Isa nga lang pala kaming high school students in casual clothes—maliban sa 'kin.
"Nasaan ho kayo kagabi?" tanong ulit niya.
"Kapag ba sinagot ko 'yan, may mapapala ako?"
"Gusto mo ng pera?" pasigaw na tanong ni Sophie. Oh no, don't tell me magsasayang nanaman siya ng pera para lang makakuha ng impormasyon? Sana 'wag na kasi ako 'yung nanghihinayang para sa kanya.
"Syempre naman! Sinong ayaw ng pera?" nakangising sabi ni Carl. "Bakit? Ah! Sige, kung gusto n'yo talagang malaman kung nasaan ako kagabi, bigyan n'yo muna ako ng 50 pesos. Hahaha!"
Napatawa naman si Sophie at umiling-iling. "Sure ka? Mayroong lalaking nanghingi sa 'min ng 15 thousands kanina, 'tapos ikaw 50 lang? Sure na 'yan?"
Napasampal nalang ako sa mukha. Is there any other way in able to attain our desired informations than bribery? Ganito na ba talaga ka-mukhang pera ang mga tao ngayon?
"Ha? Bakit? May ibibigay ba kayo?" panghahamon nito. Ilalabas na sana ni Kentonni ang wallet niya pero pinigilan siya ni Skye.
"No. Nasa party ka kagabi, 'di ba? Sa birthday party ni Samuel Diego, tama ba?" tanong naman ni Skye. Sabay-sabay kaming napatingin kay Skye. 'Di ba sabi ni manong George na hindi siya umattend?
"Alam mo naman pala e! Nagtatanong ka pa!"
Umalis kami ng apartment dahil inakay na kami ni Skye papalayo. Habang naririndi ako sa mga rants ni Sophie dahil sa pagwalk-out ni Skye, wala akong nagawa kundi maghintay nalang sa paliwanag nito, maging si Kentonni ay maguluhan.
"Skye!" sigaw ni Sophie nang mapansin niyang hindi nakikinig si Skye sa mga sinasabi niya. "Are you out of your mind? That bastard is a possible thief! And my possible husband in the near future, 'tapos para kang celebrity na nagwalk-out?! Oo, ikaw ang top 1 sa buong STEM pero paano ka nakakasigurong nasa party siya kagabi, huh?!"
Napahinto kami nang tuluyang makalabas sa apartment. Hinarap kami ni Skye kaya naghintay kami sa sasabihin niya.
"Una sa lahat, halatang nagha-hang over pa siya. Pangalawa, I have a strong gut feeling na hindi siya ang hinahanap natin. Remember what he said? Baka daw suspect siya sa murder, while on the other hand, isang theft ang nangyari—"
"Malay mo mamamatay-tao pala siya."
"He doesn't strike me as one."
"Skye, it's no better if we rely on your gut feeling. We need facts," komento ni Kentonni at doon na nga kami natahimik lahat. Ipinadulas nalang ni Skye ang palad niya sa mukha niya at huminga ng malalim.
"I second the motion," pagbasag ko ng katahimikan. "As Holmes's said, 'it is a capital mistake to theorise before one has data. Insensibly one begins to twist facts to suit theories, instead of theories to suit facts.' Therefore, we need to gather the facts first before jumping into any conclusions."
"Wow, I didn't know na memorize mo ang mga... what do you call that?—oh, whatever—mga bagay-bagay tungkol kay Holmes," sabi ni Sophie na nakakunot ang noo.
Napagdesisyunan naming hatiin ang grupo sa dalawang team para natitirang dalawang suspect na tatanungin namin. Sinabi ni Skye na babalikan natin ang Carl na 'yon maya-maya para linawin kung nasa party ba talaga siya kagabi.
Si Ranald de Castro ang iniatas sa 'min—kasama ko si Kentonni—samantalang kina Skye at Sophie naman si Silas. Sinadya siguro akong i-pair ni Skye kay Ken dahil ayaw niya akong makasama. Malapit na magkaibigan sina Sophie at Kentonni kaya dapat sila ang ipag-pair.
Not that I'm saying I prefer having time with Skye than Ken, but if I were only able to, I could've opposed from the idea— stupid idea of looking for the thief to begin with.
"Nasa party ako ni Samuel kagabi, bakit n'yo ba tinatanong?" naiinis na wika ni Ranald sa amin. 28 years old na ang edad niya at nakatira sa isang bahay sa tabi ng isang bakery.
"Ho? Eh, sabi ho ni kuya George na wala kayo doon."
"Ano? Hoy, pakisabi sa kanya, iwasan niya na ang panloloko. Siya kaya ang wala doon sa party! Lumitaw lang siya nang bandang alas diyes na!"
Nagulat kami sa sinabi ng lalaking nasa harap namin. Bale sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?
"Pero—"
Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay isinara na ni Ranald ang pinto kaya napaatras kami. Medyo nanghinayang ako dahil hindi pa kumpleto ang mga bagay na kailangan namin.
"He said he went to the party," wika ni Kentonni habang sabay kaming naglalakad sa Rowling street. Nasa bulsa niya ang dalawa niyang kamay ay nakatingin lang sa baba habang naglalakad. Marami nang tao sa street at unti-unti na ngang lumulubog ang araw.
"Yes, I didn't hear," sarkastiko kong sagot sa kaniya.
"Sino ba kasi ang nagsasabi ng totoo? Bakit nagko-contradict sinsabi ng mga tao ngayon?!"
"I wonder how's Zen doing. Sabi niya susunod siya, 'di ba?" tanong ko habang inililibot ang tingin sa street.
May mga iba't-ibang commercial stores din na mukhang interesting. Hinintay ko ang sagot ni Kentonni pero wala akong narinig kaya agad akong lumingon sa kanya. Nakahinto siya sa gitna bilang streetwalker at may malapad na ngiti aa labi. Parang alam ko na 'yong ibig-sabihin ng ngiti na 'yin.
"Don't worry, huwag kang masyadong mag-alala sa kanya. Hindi ka no'n iiwan, baka umuwi na siya," sagot niya. "Bakit hindi natin puntahan ulit si Mr. George para kumpirmahin ang statement nina Ranald at Carl?"
Alas quatro na ng hapon nang makarating kami ulit sa baseball field at pumasok sa cabin.
"Mr. George?"
Pero walang tao. Nakakabingi ang katahimikan kaya agad kaming pumasok at ilang beses pang tinawag pa ang pangalan ni manong George, naghihintay ng response pero wala talaga.
"Umalis siguro siya. Let's head back and report what we've got to Skye." sabi ni Kentonni na nakatayo ngayon sa pinto. Nasa gitna ako at inilibot ang paningin ko sa buong cabin. Nakita kong bahagyang nakabukas ang pintuan mg C.R. kaya napansin ko na parang may kakaiba sa loob. Bago pa ako makapasok, biglang nagsalita ulit si Kenton.
"Isn't that Zen's phone?"
Lumingon ako sa lamesang tinuturo niya. Doon huling nilagay ni Zen ang phone niya bago tumakbo patungo sa banyo ng cabin.
The moment my eyes met Zen's phone laying over the table, my heart started to beat faster than usual. The eerie feeling had conquered my body. I feel uncomfortable and nervous.
Is someone in trouble? Me? No. Is Zen in trouble? Or Am I just exaggerating stuffs? Knowing how stupid Zen is, he could've really picked his phone here. However, he's not actually stupid.
Habang kinukuha ni Kentonni ang phone sa table ay dumiretso ako sa CR para sumilip. Nang hilahin ko ang pinto, nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Some papers were scattered on the floor. Hindi naman basa ang tiles kaya hindi basa ang mga papel. I bent down to reach the papers. One by one, I scanned them all without making any careless move for Kentonni to notice these phantom papers.
So that's how it is. Sinadya ni Zen na magpa-iwan para isulat 'tong mga nakalagay sa phantom papers. Halos lamunin na ako ng kaba nang mabasa ang mga sinulat niya.
Why didn't he tell us earlier about his discovery?! Paano ko sasabihin 'to kay Kentonni? 'Hey, I found some phantom papers on the cr that says everything.' No! That can't be! I can't compromise the phantom detective's identity.
Dahan-dahan akong naglakad papalapit aa direksyon ni Kentonni, na hanggang ngayon ay kinakalikot ang phone ni Zen. "Kentonni, I need to tell you something—"
"Just call me Ken, for short. Pero bago mo sabihin sa 'kin kung ano mang sasabihin mo, tingnan mo muna 'to," aniya at iniharap sa 'kin ang screen ng phone. "Zen was surfing on the instragram before we left. Guess what? Ini-stalk niya ang account ni Samuel Diego."
Oh! Kaya pala nakita ko siyang nag-iinstagram lang kanina habang tinitingnan namin ang bawat profile ng team. Pero bakit? Wait, I need to tell Ken about what I've read on the phantom paper first.
"Wendy, pakisuyo nga 'yung folder," utos sa akin ni Ken. Habang nag-iisip ng paraan kung paano sasabihin ang dapat kong sabihin, tahimik ko lang na iniabot ang folder sa kanya. Tinitigan ko siya habang pasulyap-sulyap sa phone ni Zen at sa folder.
"Kentonni, the phantom thief is—"
"Totoo nga ang sinasabi ni Mr. Carl at Mr. Ranald. Nasa party sila kagabi," wika niya. "At nandito rin si Mr. Silas kaya malamang wala ring nakuha sina Sophie. Sa baseball team nila, mayroong nine na members. Pero dito sa ipinost ni Mr. Samuel Diego, eight sila, kasama na siya bilang birthday boy."
That's what I wanted to tell him. Iyon din kase ang isinulat ni Zen sa mga phantom papers sa banyo.
"Ang totoong wala sa party kagabi dito, ay ang nakatira sa cabin na 'to. Totoo ang sinabi sa atin ni Mr. Ranald."
"Yes, the phantom thief is Mr. George Dalida."
But where is he? Where's Zen?

Komento sa Aklat (141)

  • avatar
    Queen04

    Highly recommended po!

    19/06/2022

      1
  • avatar
    Liza P Millan

    so pretty story

    23/08

      0
  • avatar
    Dela TorreElizer

    can i get a 1 million

    26/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata