logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 3

Nakatulala lang ako sa bintana habang naglelecture ang Prof namin. Nasa likod kami nakaupo at minabuting malapit ako sa bintana umupo para na din makalanghap ng sariwang hangin. Wala akong gana ngayong araw na 'to. Panay buntong-hininga nalang ang ginagawa ko sa buong klase at niisa wala man lang akong naintindihan sa nili-lecture ni Professor Galvez.
Gulong-gulo ang utak ko sa mga nangyari. Nawala na ata ako sa matinong pag-iisip. Bakit naman kasi sa tinagal ng panahon ngayon lang ako napunta sa ganitong sitwasyon? At bakit ngayon lang naisipan ni Averill na tulungan ako at ipakonsulta ako sa shaman na 'yon?
"Malaking ibon talaga 'yon e. Kitang-kita ko ang mapupulang mata at—" pagsasalita ko sa kawalan. Napapalakpak pa ako at hinawakan ko ang baba ko.
"Hindi kaya namamalik-mata lang ako?..." Pero hindi talaga, e. Kitang-kita talaga ng dalawa kong mata! Pano nga kung may something talaga sa lugar na 'yon? At bakit nya kami hinahabol? Imposible namang manghahabol sila nang walang dahilan, 'di ba?
"Hah! Imposible naman! Malinaw na malinaw pa ang mata ko—" Oo nga! Tama! Hindi ako namamalik-mata at mas lalong hindi ako nananaginip. Totoo talaga ang lahat ng nangyari!
"Miss Stellar! Ano pa ang iniisip mo bukod sa pagsasalita mo ng mag-isa jan?!" sigaw ni Professor Galvez mula sa harap. Kitang-kita ko na ang mga umuusok nyang ilong at tenga. She is known for being terror tapos andito ako sa klase nya kung ano-ano pa ang iniisip ko. Oh no!
"A-Ahh Hehe! Prof! Wala po! Joke lang po yun!" nauutal ko pang wika. I'm doomed! Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko habang pilit nilang pinipigilan ang mga tawa nila. Balak pa talaga ng mga 'to na pagtawanan ako ah.
"If you don't stop on interrupting our class, you can take your exit, Miss Stellar!"
"Sorry po, Prof!" sabi ko nalang.
Bumalik na si Professor Galvez sa paglelecture. Umupo nalang din ako at itinago ang aking namumulang mukha ng aking mga palad dahil sa pagkahiya. Hindi ko na nga iisipin 'yon. Baka nga namamalik-mata lang ako. Bunga lang yun ng takot at mga hallucinations ko.
"Stop what you are thinking..." may halong panunuya na wika ni Averill.
Tinaas ko ang ulo ko at lumingon ako sa kanya. Dapat nga mas lalo akong ma-curious kasi pagkatapos ng nakita ko, alam kong hindi lang ito normal na nangyayari sa mundo ng mga tao.
"Are you hiding something? Lagi mo kong pinipigilan. Ayaw mo ba na may malaman ako?" tinitigan ko sya pero nanatili lang kanyang tingin sa Prof namin na naglelecture sa harap.
"If I were you Merrin, you shouldn't get curious. You'll regret things after it gets damage." matalim syang tumitig sa'kin. Ilang segundo pa ay inalis nya din ang mga mata nya at tinuon ang pansin sa harap.
Parang umurong ang dila ko kasi hindi ako makapagsalita. Pinipigilan nya ako pero mas lalo lamang nakatakas ang kuryosidad sa isip ko. Bumuntong-hininga nalang ako itinuon ang pansin sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang soccer field at mga benchers na punong-puno ng mga studyante dahil sa nagpapractice na mga players. Medyo dinig hanggang dito ang tili ng mga babaeng nanunuod sa tuwing nakakapuntos ang isang kinikilalang pinakamagaling sa larangan ng soccer sa buong University, si Saffron Pallas. Isang mestiso, matangkad at 'di ko naman maipagkaila na may angking kagwapuhan nga ito.
Sa unang tingin mo palang ay malalaman mong wala sa kanilang dugo ang lahing Pilipino dahil sa blonde nitong buhok, kulay asul na mga mata, matatangos na ilong, at manipis na hulma ng labi. Isa sya sa hinahangaan ko pero hindi naman ako tulad ng ibang babae na nagpapansin talaga kanya. Sapat na sa 'kin ang makita sya sa malayo.
Nakapalibot sa soccer field ang mga building ng iba't ibang departments. Sa silangang bahagi ng campus ay ang Business Department at Engineering & Architectural Department habang sa kanlurang bahagi naman ay ang Tourism Department at Marine Department. Sa hilagang bahagi naman kung saan ang building na 'yon ay ang unang bubungad pagkapasok mo palang ng gate ay ang Medicine Department. Sa likurang bahagi kung saan ito ang building namin ay ang Psychology Department.
Our university is the unique one among of the other universities because of its Greek Ancestral Architecture.
Kung bago ka palang sa University na 'to, akalain mo talaga na hindi ito isang school dahil sa iba ang pagkakabuilt nito kumpara sa ibang schools. Advance naman ang teknolohiya dito lalo pa't may mga course na kailangan ang gabay ng teknolohiya.
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
A sudden whispers keep on playing in my ears. It caught my senses dahilan na napatayo ako at pilit na tinatakpan ang mga tenga ko, para itong sirang plaka na nagpaulit-ulit sa pandinig ko.
"Oy, Merrin? Ayos ka lang?" bulong ni Via sa'kin sabay hinahagod ang likod ko. I'm not in a mood to answer questions in this state. Parang mabibiyak ang ulo ko.
"M-Ma'am! Pwede po ba ako lumabas?" pagpapaalam ko sa Prof namin. Di ko na sya hinintay sumagot at tumakbo na ako palabas ng room.
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
Pinaghahampas ko na ang ulo ko habang naglalakad ako sa hallway. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng mga studyante. Napaupo pa ako dahil pati mga tuhod ko nanginginig na sa sobrang sakit ng ulo ko. Bakit biglang nakakarinig ako ng ganito-
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
Napasandal ako sa pinto nang biglang natigil na rin ang mga bulong na kanina lang ay naririnig ko. Hinihingal na ako nang napagtanto kong nasa pinto ako ng library kung saan dito ako dinala ng aking mga paa.
I need peace. Binuksan ko ang pinto ng library at naglakad papasok. Pero napahawak lang ulit ako sa tenga ko nang magsimula na naman ang bulong. Ano bang nangyayari? Halos manghina na ang katawan ko. Masyadong masakit sa ulo at tenga ang mga bulong na ito. Inilibot ko ang mga mata sa loob ng library. Wala akong naabutan na kahit isang tao dito. Maging ang librarian ng library na 'to ay wala dito
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
The truth that hide something can't be forever,
It shall be unfold-
Nanghihina man ay pinilit ko pa ring tumayo at iniwasan ang mga nagtataasang bookshelves. Parang may humila sa akin papunta sa isang direksyon pero hindi ko alam kung saang banda iyon at panong parang may kumokontrol sa 'kin. Sa laki ba naman ng library na ito, hanggang saan pa ba ako dadalhin ng mga paa ko?
Unti unting humina ang mga bulong na naririnig ko. Sumandal muna ako sa isang mesa at ilang segundo lang ay nagsimula na naman naglakad ang mga paa ko. Hanggang makarating ako sa pinakatagong bookshelf na ni minsan ay parang hindi nagawi dito ang mga studyante dahil na din sa mga makakapal na alikabok na nakapatong sa mga libro.
Sinundan ko ang bulong at tumigil ako sa tapat ng isang makapal at kulay gintong libro. Kukunin ko na sana ito nang biglang...
"Excuse me..."
Isang baritonong boses ang narinig ko dahilan na napagitla ako. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko saka sya binalingan ng tingin.
"Y-Yes?" sagot ko naman sa kanya.
"Pwede bang 'wag kang humarang kung wala ka namang kukunin na libro?"
What the-
Napansin ko nga na nasa gitna ako ng makabilang bookshelves na sapat lang ang daan para sa isang tao kasi nga nasa sulok na ito. Wala na sigurong masyadong space kaya ganito na lamang kasikip dito.
Bumuga nalang ako hangin sa bibig ko, pilit na pinigilan ang inis ko. You can ask properly without that tone of sarcasm in you, mister.
"O-Oh, sorry." Gumilid nalang ako pero nakatingin lang sya sa'kin at wala man lang balak dumaan?
"Di ka ba dadaan?" dagdag ko pang tanong sa kanya.
"The book I need is in your back." he coldly said and stared at me.
"A-Ay, sorry." Umalis ako sa pagkakagilid at umatras nalang ako para bigyan syang daan sa pagkuha ng libro na iyon.
He pulled the gold book out of the shelf. 'Yan ata ang libro na kukunin ko. Pero bakit ko naman kukunin? Hindi naman ako mahilig sa libro, so bakit ko nga ba kukunin?
Binuklat nya ito sa harap ko at kitang kita ko ang pagtaas ng makakapal nyang kilay. Tila ba may nabasa syang nakapukaw ng interes nya. Sa kapal ba naman nito, matatapos nya kayang basahin lahat 'yan? Pasimple akong sumilip sa libro na binubuklat nya pero nanlaki ang mga mata ko nang mapansin kong...w-walang nakasulat kahit isang talata sa bawat pahina.
Nakakunot ang noo kong tinignan ang lalaking nasa harap ko, "Y-You are reading an empty book?" tanong ko sa kanya nang may halong pagtataka. Pano 'yon nangyari?
"No." matipid nyang sagot at nagpatuloy ulit sa pagbabasa. Ngayon nya lang siguro narealize ang sinabi ko kaya napataas sya ng tingin at ipinasok ang libro sa bag nya.
"Maybe I should read this at home. Daming pakialamera dito..." he said.
Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya. Did I just hear the word, pakialamera? Ako ba tinutukoy nya?
"Excuse me, mister! Is it my fault that I saw that empty pages you've been reading?!" angil ko nang may halong panunuya sa boses ko. So, kasalanan ko pa? Sino bang tanga sa 'tin na nagbabasa ng libro na walang laman?
Tumigil sya sa pagkakalakad at nilingon ako sabay bumuntong hininga. As usual, his gray eyes are staring at me coldly.
"Kung 'di ka lang pasimpleng tumingin edi sana di ka matawag na pakialamera. Find your own book and read your own story." Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay naglakad na sya paalis. Rinig ko pa ang pagsarado nya ng pinto nitong library. Sa inis ko ay lumabas nalang din ako at bumalik sa classroom namin.
Lahat ng mga kaklase ko nakatingin sa 'kin pagpasok ko ng room. Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nakabusangot?!
"Oh! Anong mukha yan?" Nakataas ang kilay na tanong ni Via.
"May nakasalubong lang ako sa library tapos tinawag akong pakialamera. Anong karapatan nyang tawagin akong gano'n, ha?! " Umirap ako at nakahalumbabang nakatingin sa bintana.
Nabwesit ako bigla ha.
"Parang may sumira ng araw mo ngayon, ah! Sino ba yan? Pfftt..." Tumawa pa talaga si Averill at sabay nag-apir sila ni Via.
"Tell me, who's that pokemon? Pfftt!" tanong pa ni Via sa'kin habang pinipigilang mapahagalpak sa tawa.
"H'wag ko lang marinig na tawanan nyo ako. Nanggigil pa ako. Hindi ko man lang alam kung anong department ang mokong na 'yon!" inis kong sagot. Sabay pa talaga sila ni Averill nag *O* react ha. Inaasar ba ako ng mga 'to?
Hindi ko nalang sila kinibo at nakahalumbaba parin akong nakatuon sa bintana. Pero pagkatingin ko sa labas ay ramdam kong may mga pares ng mata na nakatingin sa akin pero hindi ko mawari kung saan.
Binalewala ko nalang at nakiramdam nalang ako sa paligid ko. Parang may kakaiba simula nung dinala ako ni Averill sa isang Shaman. Hindi ko alam kung nakakatulong ba ito sa 'kin, tingin ko ay mas lalo pa ata itong lumala. That old lady seems weird, too so as Averill. I just really thought my situation is just a call from nature pero hindi, it became more supernatural as the time passes by.
"I don't want to think anything from now on." wika ko nalang sa kawalan at bumuga ng hangin. Isinubsob ko nalang ang aking mukha sa desk ko. I feel so tired.
-
"Gumising ka..."
Isang baritonong boses ulit ang narinig ko dahilan na nagising ako. Nakayuko pa rin ako sa pupitre ko. Nakita ko mula sa bintana ang makulimlim na paligid kasabay pa nito ang pagkulog at pagkidlat. Bumubuhos ang napakalakas na ulan na parang wala nang bukas.
Dahan dahan kong iniangat ang aking ulo at naabutan ang isang napakadilim na silid. Lumiliwanag lang ito kapag kumikidlat sa labas. Pansin ko isang bulto ng tao sa may bandang pinto. Takot man ay nilakasan ko pa rin ang loob kong magtanong...
"Sino yan?" tanong ko kahit naninigas ang katawan ko dala na rin sa takot. Walang lakas ang katawan ko dahilan na hindi ako makakilos.
"Tagal mo namang nagising. Kanina pa nagsilabas mga kaklase natin."
Ang kanina'y baritonong boses ay napalitan ito ng boses ng isang babae. Alam kong may hindi tama sa nangyayari ngayon. Ilang beses na akong napunta sa ganitong sitwasyon kaya pamilyar na sa 'kin ang ganitong pangyayari.
"Hindi ka si Averill, 'di ba?" angil ko sa kanya. Ano na naman ang kailangan nila?!
Saglit na tumahimik ang paligid tila namangha sya sa sinabi ko, "Magaling..." naging baritono ulit ang boses nito.
"...Hindi ko naman akalain na ang bilis mo palang makuha ang sitwasyon mo ngayon..." dagdag nya pa.
"Mukhang nagkamalay na ang iyong isip, Merrin Elle Stellar. Ang akala ko'y iisipin mo na naman na panaginip lang ang lahat ng 'to." Ngumisi sya at nagpalakad lakad sa loob ng silid.
Nanatili pa rin akong nakaupo, pilit pinakiramdaman ang kanyang susunod na gagawin. Ngayon ko lang napagtanto...
"Ikaw lagi ang nasa panaginip ko, di ba?" Narinig ko na ang boses nya kung saan pero sigurado akong konektado lang ito sa panaginip ko.
"Oh! Pamilyar na ba ang boses ko?..."
"Pero pasensya ka na, hindi ako nag-iisa. Hindi ko naman akalain na muling mabubuhay ang taong tulad mo. Kung ako sa 'yo, wag mo nang alamin. Magpaalipin ka nalang sa mundo ng kadiliman...AT KAILANMAN HINDI KA NA MABUBUHAY! ISUKO MO NA ANG IYONG KALULUWA, HERRERA! ISUKO MO NA!"
-
Napabalikwas nalang ako at namumuo ang pawis sa katawan ko. Sinong Era? At bakit ako ang tinatawag nyang Era?
"Merrin, Tara na." tinapik ni Via ang balikat ko dahilan na nagulat ako habang si Averill naman ay sa pinto na naghintay sa 'min. Uwian na pala.
"O-Oh! Teka, ligpitin ko lang gamit ko!" sagot ko naman sa kanya.
Bilis kong niligpit ang mga gamit ko at tuluyan nang nilisan ang lugar na iyon. Isa na namang masamang panaginip. Tila may gusto itong ipahiwatig sa akin. Sa di ko malamang dahilan, mas lalo akong kalmado ngayon at nakipag-usap pa ako sa nilalang na nasa panaginip ko. Para bang alam na alam nya ang takbo ng buhay ko pati na rin ang...
"Ayos ka lang?" tanong ni Averill sa 'kin.
"A-Ahh Oo. Ayos lang..." matipid akong ngumiti sa kanila at saka kunwari chineck ko ang sintas ng sapatos ko.
"Iba ka managinip ngayon, a." wika ulit ni Averill.
"H-Ha?" wala sa sarili kong sagot sa kanya.
"Yung subconscious mo ang ginamit mo pero nakafocus ka sa klase at sinagot mo pa lahat ng tanong ni Professor Torres." Nilingon nya ako saka ngumiti. Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin. Wala akong ideya sa mga sinasabi ni Averill. Anong subconscious? Posible bang mananaginip ang isang tao gamit ang ating subconscious?
"Oo, it's either naglu-lucid dream ka o may ibang kumontrol sa'yo..." sagot ulit ni Averill nang di man lang nya ako nilingon.
"A-Averill..."
Nginitian nya lang ako saka sya naunang maglakad.

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Ian Jake Recaa

    djdjcjfcisicicjfjcjdjjc

    09/04/2024

      0
  • avatar
    CascayoAlwin D.

    wow

    27/01/2024

      0
  • avatar
    NatinoMarisol

    I love your story🥰

    13/02/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata