"We're here." sabay tigil nya sa paglalakad at bumuntong hininga. Napabuga nalang ako ng hangin sa bibig ko. I was stunned for a moment, looking at a small hut that was being built in the middle of a lavender field. Nakalabas na kami ng gubat at hindi ko inexpect na ito ang maaabutan ko. Behind those deep and dark forest, there's a beauty awaits in the end of it. "I thought you'll gonna scare me with that shaman. Ang ganda naman pala dito. Parang pinapasyal mo lang ako e." I chuckled. Hindi naman sumagot si Averill at nauna lang syang naglakad sa'kin. Nagkibit-balikat nalang din ako pero namamangha pa rin talaga ako sa ganda ng tanawin. Is this some sort of fantasy? Kung titingnan mo sa labas ang kubo na ito, aakalain mong walang nakatira at sira sira na ito. Napakatahimik din ng paligid at kahit niisang kapitbahay ay wala kang makikita. Nilakad pa namin ang kaunting distansya mula sa paanan ng gubat patungo sa kubo na nasa gitna ng field. Kumuha pa ako ng litrato sa mga lavender na nakapaligid dito. "Don't take pictures. It won't save in your gallery." mahinahon na wika ni Averill. "Eh, bakit naman? Sayang naman kung di ko enjoyin ang view dito, 'di ba?" nakakunot lang ang noo ko habang binabanggit ang mga katagang iyon. Tama naman, 'di ba? Minsan lang 'to kaya lubos-lubusin ko na. Saglit syang tumigil sa paglalakad at nilingon ako. Her expressions are dead serious. What's wrong with her? "Okay okay! I won't!" Itinaas ko pa ang dalawa kong kamay na nagmistulang sumuko. Pagkatapos kong sabihin yun ay ibinalik nya na ang atensyon nya sa daan at nagpatuloy na sa paglalakad. Medyo malapit na kami sa mismong kubo, ni wala man lang lumalabas. Talaga bang may tao dito? Weird. Nakikita ko pa sa labas ng kubo ang iba't ibang mga ornamental plants. Pero nakakatawag ng aking pansin ang iba't ibang mga talisman na nakasabit sa may harap at gilid ng pinto. Para saan ang mga ito? Maya-maya ay narating na namin ang kubo. Naghintay lang kami sa labas ng ilang minuto at biglang nagbukas ang pinto nito. Bumungad sa amin ang Ginang na nakasuot ng mahabang kulay puting damit at balabal. "Pumasok kayo..." wika ng isang Ginang na sumalubong sa amin sa pinto. Nakasuot ito ng puting balabal habang tinatakpan ang kulay puting mga buhok nito. Nakakatawag din ng pansin ang kanyang puting mata. This is my first time and I really find this weird. I never thought this kind of person exist. Hindi nakatakas ang kanyang kakaibang presensya. Nauna namang pumasok si Averill at sumunod ako. Nang makapasok na kami ay dahan dahan nyang isinarado ang pinto at saka tinalikuran kami. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng kubo, wala kang ibang makikita kundi mga iba't ibang talisman lamang na nakasabit sa kahit saang sulok ng kubo. May mga maliliit na baul din na nakahilira lang sa sulok. "Ano ang inyong sadya?" wika ng Ginang. Kinalabit ako ni Averill at sinenyasan na magsalita. Saglit na umurong ang dila ko. Akala ko ba tutulungan nya ako? Binalingan naman ako nang tingin ng Ginang na nasa harap namin. Nakaupo sya sa isang rocking chair na gawa sa kahoy habang naghahabi, samantalang kami ay naupo naman sa tapat nya. "L-Lagi po akong dinadalaw ng masasamang panaginip. Ano po ibig sabihin no'n?" Nauutal ko pang tugon. Tumigil sya sa paghahabi ng ilang segundo saka nagpatuloy. "Kailan pa iyan nagsimula?" malamig nyang tanong. "Simula po no'ng bata pa ako. Hindi ko po alam kung bakit pero habang nagtatagal nagiging normal na rin 'to sa 'kin. Di naman mawala 'yong takot pero parang nakasanayan na rin po." Napakamot pa ako sa batok ko habang nagpapaliwanag. Para sa 'kin, normal lang talaga e. Baka lapitin lang talaga ako ng masasamang panaginip. Tumigil sya sa paghahabi at itinabi nya ito sa mesa na nasa gilid ng inuupuan nya saka nya ako binalingan ng tingin habang nakakunot ang mga noo nito. Tila ba binabasa nya ang ekspresyon ng mukha ko. "Tingnan mo ang iyong paligid..." wika nya ngunit may halong pagbabanta. "May mga nakapalibot sa iyo..." dagdag nya pa. Hindi ako nakaimik. Parang nanunuyo ang lalamunan ko sa narinig ko. Anong nakapalibot sa 'kin? "A-Ano ho?" nanginginig na boses ni Averill. "Ikaw ang makakasagot nyan, iha." Sumandal sya sa pagkakaupo saka nanunuyang ngumiti na nakaharap kay Averill. Napatingin ako sa kanya pero umiwas sya ng tingin at yumuko na lamang. "A-Ano pong ibig nyong sabihin?" Nanginginig na rin ang boses ko pero naglakas loob pa rin akong nagtanong. "Ang masasamang panaginip na iyong naranasan ay hindi natural na nararanasan ng isang tao. May nangyari ba sa iyo sa dati mong buhay?..." Nanunuya syang ngumiti. Bakit di nalang nya ako diretsohin? "Hindi ko po alam kung anong nangyari sa 'kin sa dati kong buhay at hindi po ako naniniwala sa ganyan. Haka-haka lamang po ang mga ganyan." wika ko saka ngumiti at pinisil-pisil ang kamay ko bunga ng nerbyos. "Ngayon, maniwala ka na..." "...Magmatyag ka sa paligid mo, iha. Nandyan lang sila, nagmamasid sa'yo." Halos bumubulong nyang wika. Hindi ko alam kung matatakot ako o maiinis. Ba't parang pinagbantaan pa ako? Akala ko ba tutulungan ako. "A-Ahh Hahaha. Sige po. Aalis na po kami..." Tumayo na ako sabay hinila ko si Averill pero nanatili lang ito sa kanyang pagkakaupo at tila ba hindi man lang ito natinag. "Anong pwede mong maitulong sa kanya?" Biglang nagsalita si Averill nang hindi man lang binalingan ng tingin ang Ginang. Mahinhin na tumawa ang Ginang at saka tumayo. "Hintayin nyo ako rito. Kapag aalis kayo ngayon at wala man lang kayong nakuha galing sa 'kin, mas lalong mapapahamak ang kaibigan mo." Nginitian nya si Averill saka tumayo at nilapitan ang nakahilirang mga maliliit na baul. Nilakihan ko ng mata si Averill pero pumungay lang ang mga mata nito at saka yumuko. Bakit? Anong meron at parang natatakot pa sya kaysa sa 'kin? Isa isang binuksan ng Ginang ang mga baul, gagabihin yata kami sa dami nyan at iniisa-isa nya pa. Nang makita na nya ang hinahanap nya, bumalik ito sa gawi namin na bitbit ang maliit na baul na tingin ko ay iyon ang kanyang napili. Ito lang ang may kakaibang disenyo sa lahat ng nakikita ko rito. Animo'y espesyal ito. "Heto..." Iniabot nya sa'kin ang maliit na baul. Nalilito man ay tinanggap ko pa rin ito. Ano naman kaya ang laman nito? "Isabit mo iyan sa iyong bintana at pinto. Walang ibang makakapasok sa silid mo kundi ikaw lang. Kung sino mang masamang nilalang ang magpupursigeng pumasok sa iyong silid ay malalaman mo dahil magkukulay itim ang mga balahibo nito..." "Ibig sabihin ay sinasalo nito ang negatibong enerhiya na nanggagaling sa nilalang na iyon. Ang negatibong enerhiya na iyon ay syang dahilan ng naging mga panaginip mo. Hindi sila pumapasok ng literal kundi sa pamamagitan ng kanilang kapangyarihan. Kaya mag-iingat ka..." mahabang paliwanag nya. Di ako nakaimik at nanatili lang akong tahimik. Hindi ko inakalang aabot ang sitwasyon ko sa ganito. I thought it was just all normal but then...I was already chased by creatures? "Pano ko po malalaman kung sinu-sino sila?" Malakas ang loob na tanong ko. "Hindi ko pa masasagot iyan. Magkaiba sila ng kapangyarihan at pamamaraan. Maaaring may alam ako pero hindi iyon sapat na batayan. Humayo na kayo at mag-aalas dose na ng tanghaling tapat! Masyadong delikado ang gubat sa ganitong mga oras kaya magsihayo na kayo!..." Pinagtutulak na nya kami palabas ng pinto. Wala naman kaming magawa ni Averill kundi ang sumunod na lamang. Posible ngang habang naglalakad kami kanina ay may nakamasid na sa amin at naghahanap lang sila ng tiyempo. "Mag-iingat kayo!" pagkatapos na sabihin iyon ng Ginang ay padabog nyang isinara ang pinto ng kubo. Nakatitig lang kami sa pinto at ni ingay ay wala na kaming naririnig. Para lang kaming bumisita sa isang bahay na walang tao. "Tama ang Ginang. Bilisan na natin ang paglalakad at baka di na tayo abutin ng buhay sa loob ng gubat." pagbabala na wika ni Averill at nauna nang maglakad. Sumunod na lamang ako sa kanya at mabibilis ang aming mga hakbang. Nauna pa si Averill at nagpalingon lingon nang papalapit na kami sa paanan ng gubat. Di nakaiwas sa akin ang takot na baka nga merong nakaabang sa amin at di na kami sisikatan ng araw. Ang daming tanong sa isip ko pero hindi ito ang tamang oras na isipin ang mga iyon. Ang mahalaga ngayon ay makalabas muna kami ng gubat kung gusto pa naming mabuhay. "Wag kang lumingon at sumunod ka lang sa'kin." pagbabala na wika ni Averill. Tumango na lamang ako at sinunod ang kanyang bilin. Ilang minuto pa sa paglalakad ay may narinig kaming kaluskos sa 'di kalayuan. Mas lalo naming binilisan ang paglalakad. Halos takbuhin ko na ang batuhan pero nanatili pa rin akong kalmado habang yakap yakap ko ang maliit na baul na binigay ng Ginang sa akin kani-kanina lang. Papalapit ng papalapit ang kaluskos na narinig ko kaya marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Unti-unti nang lumiwanag ang daan at sa pagbukas ng aking mga mata ay kitang kita ko na ang liwanag at daan patungo sa kalsada. "Malapit na tayo, Merrin! Panatilihin mong 'wag lumingon!" sigaw ni Averill mula sa unahan. Mabilis akong tumango at tinatakbo na namin ang daan palabas ng gubat. Palapit ng palapit sa akin ang kaluskos na kanina lang na sumusunod sa amin. Nang maramdaman kong nasa likod ko na ito ay sya namang pagkaapak ng mga paa ko sa paanan ng gubat at naghahari na ang liwanag sa parteng kinalalagyan namin ngayon. Nakaligtas kami. Nakaligtas ako. Nang distansya na kami sa gubat ay napaluhod nalang ako. Nanginginig na ang mga tuhod at kalamnan ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Dahan dahan kong nilingon ang gubat. May nakita akong parang isang itim na malaking ibon. Malalaki ang mga pakpak nito, matutulis na kuko sa kanyang mga paa, mga mapupulang mata, at dalawang matutulis na sungay. Nilingon ko si Averill ngunit matalim lang itong nakatingin sa gubat. "Muntikan na tayo don, ah." Pakalma nyang wika. Ba't parang kalma lang ang reaksyon nya? Samantalang ako, halos maubusan na ng hininga sa kaba at nerbyos pero sya...parang sanay na sanay na sya sa ganito. "Bilisan na natin, Merrin. May klase pa tayo mga 1pm. Malilate na naman tayo nito. Psh." Inilahad nya ang kanyang kamay kaya inabot ko naman iyon saka ako tumayo. Nanghihina pa rin ang mga tuhod ko pero sapat na para makalakad ako. Narating na namin ang kalsada at di naman nagtagal, may dumaan ring bus. Mabilis akong sumakay at umupo sa pinakalikod. Hindi ko alam pero parang uneasy ako na kasama ko si Averill. Parang may alam sya na hindi ko alam. May kailangan ba akong tuklasin? "Averill..." bulong ko sa pangalan nya. "Hmm?" Lumingon naman sya sa'kin. "Ano yung nakita ko sa gubat?" Wala sa sarili kong tanong. Sigurado akong nakita nya rin 'yun. Hindi sya sumagot. "May alam ka ba na hindi ko alam?" Nakatitig pa rin ako sa malayo. Wala ako sa sarili kong nagsalita. "Wala naman..." pagtatanggi nya. "...What did you see?" dagdag nya. "May nakita akong isang malaking ibon. May malalaking pakpak, pula ang mga mata, matutulis na mga kuko sa paa nito at may malalaking sungay." pagpapaliwanag ko. Ano ba talaga ang meron sa gubat na iyon at gano'ng klaseng hayop ang nakikita ko? "I saw nothing..." she smiled. Really? Kitang-kita ko ang matatalim nyang titig sa gubat. Panong wala syang nakita? "O-Oh okay." I ended the conversation. There is no way for me to ask her cause I know, she will not give me an honest answer. Nakatuon lang ang mga mata ko sa bintana habang si Averill naman ay natutulog sa tabi ko. It is already 12:30pm at nasa Manila na yung bus na sinasakyan namin. Maya maya lang ay bababa na rin kami pero di pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari. Pinilig ko nalang ang ulo ko para mawala sa isip ko ang pagkalito. Pagkarating namin sa apartment ay tahimik pa rin si Averill. Pumasok nalang din ako sa kwarto ko at nilagay sa study table ang maliit na baul na ito. Umupo ako sa kama at nakahalukipkip akong tinitigan ito. Feeling ko pag binuksan ko ito, parang tinatanggap ko na din ang daan patungo sa ibang mundo. Napahinga nalang akong malalim saka tumayo para buksan ito. Dream Catcher? Dalawang Dream Catcher? Hindi ko inaakala na totoo pala ang mga ganito? Kinuha ko ito at itinaas para mas matingnan ko ng maigi. Kulay lilac ang mga ito at may puting dyamante sa gitna. Gaya nga nang sinabi ng Ginang kanina ay may mga balahibo nga ito sa ibabang bahagi ng Dream Catcher. "Hindi naman siguro masama kung susundin ko sya, 'di ba?" Nagkibit-balikat nalang ako at agad na isinabit ito sa may bandang pinto at bintana. Baka sakaling may magandang dulot naman talaga. Maya maya pa ay nagbihis na ako para maghanda sa klase ko. Pagkalabas ko ng kwarto ay naabutan ko si Averill na sinusuot ang puting rubber shoes na kapares ng uniform namin. May kulay maroon na palda, above the knee ang palda na ito kaya komportable lang naman suotin. White inner long sleeves na may maroon necktie at may tatak ito na abbreviation ng school namin "LMU" means Luna Mitica University, tapos may maroon vest din. Ganyan lang naman kasimple yung uniform namin. "Let's go?" pag-aaya ni Averill sa'kin. "Sure! Let's go!" sabi ko at saka ngumiti. Nauna naman syang lumabas ng apartment at sumunod ako saka inilock ang pinto. Naglakad lang kami papunta sa iskinita at pagkaliko naman ng iskinita ay LMU na. Malapit lang yung apartment namin sa university kaya walang rason na malilate kami. "Averill, tungkol nga pala kanina..." wika ko sabay hawak sa batok ko. Parang nagdadalawang isip pa ako na makipag-usap sa kanya lalo pa't napansin kong parang may kakaiba sa kanya. "Yes, why?" sabi nya habang nakatuon ang pansin nya sa mga kuko nya. Ni hindi nya man lang ako binalingan ng tingin. Talaga bang parang wala lang sa kanya ang nangyari? "You are really mysterious since then..." wala sa sarili kong sabi. "Pfftt...What do you mean, Merrin? Parang di naman tayo magkaibigan. You know me well and so do I..." she just smiled at me at tinapik nya pa ang balikat ko saka naunang maglakad. "You know everything, don't you?" habol kong tanong sa kanya. Tumigil sya sa paglalakad at nilingon ako. She again smiled at me and said... "What if I tell you I know everything, what will you do?..." she winked. "...Kidding aside. Hahaha!" pahabol nya pa. I almost had a heart attack. I was stunned for a moment when she utter those words. I know that curiosity can kill me but I can't help it. Napahawak nalang ako sa sentido ko. Di ko na alam kung alin ang totoo at alin ang hindi. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad at pilit na binalewala ang mga tanong sa isip ko.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
djdjcjfcisicicjfjcjdjjc
09/04/2024
0wow
27/01/2024
0I love your story🥰
13/02/2023
0Tingnan Lahat