Natagpuan ko ang sarili ko sa isang lugar na nababalot lamang ng kadiliman. Ni wala akong maaninag kahit maliit na liwanag man lang. Para lang akong nakatayo sa isang kawalan at nakakabinging katahimikan. Biglang may narinig akong mga yabag sa aking likuran. Hindi ko magawang lumingon dahil na rin sa takot na baka ibang imahe ang makita ko. Unti-unting papalapit sa akin ang mga yabag na iyon ngunit nakatayo lang ako at kinumbinsi ang sarili na wag lumingon sa pinanggalingan ng yabag na iyon. "Sabi ko na nga ba..." biglang akong nakarinig ng boses ng isang lalaki pero pagkalingon ko, wala akong makita kundi ang kadiliman. "...pinanindigan mo nga ang iyong huling bilin." wika nya. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig nyang iminungkahi. Binalot ang katawan ko ng lamig at takot. Gusto ko nang makaalis dito! "TULONG! TULUNGAN NYO KO!" pagsisigaw ko kahit walang kasiguraduhan na may makakarinig sa'kin. "Magsigaw ka lang..." ramdam kong bulong nya sa mga tenga ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nanginginig ang mga tuhod ko. "...HANGGA'T NANDITO KA AY WALANG MAKAKARINIG SA IYONG MGA DAING!" sigaw nya sa aking mga tenga. Tila ba paulit-ulit kong naririnig ang kanyang mga sinasabi. "Sino ka?! Anong kailangan mo?!" tanong ko sa kanya pero parang kausap ko lang ang sarili ko. "Pagdating ng takdang panahon. Kakalabanin ka lang ng iyong sarili. Mamamatay kang muli! HAHAHAHAHAHA!" mas lalong lumakas ang kanyang pagtawa dahilan na napaluhod ako sa hina ng katawan ko at parang mabibingi ang aking mga tenga. "M-Mabubuhay a-ako..." pakiramdam ko sa sinabi ko'y isa iyong huling habilin. Biglang may sumakal sa'kin at marahas akong itinayo saka inihagis sa kung saan. Hirap man at masakit ang katawan ay pilit akong tumayo. Para akong inabandona sa gitna ng kawalan, ni walang makapitan at madaingan... - "MERRIN!" "HEY MERRIN! WAKE UP!" Isang yugyog sa aking mga balikat ang gumising sa 'kin dahilan na napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Parang totoo ang lahat ng nangyari. Kahit kailan hindi na ako nilubayan ng mga masasamang panaginip na ito. "MERRIN! HEY! LOOK AT ME." nagulat ako nang mapansin kong may kasama pala ako sa kwarto. "A-Ano na naman ginagawa mo dito?" tanong ko sa babaeng nasa harap ko. "Hellooo! Ikaw kaya tong nagsisigaw! Abot hanggang kabilang kwarto yung sigaw mo, te. Akala ko kung ano na nangyayari sa 'yo." mahabang lintanya nya. Since highschool palang kami ni Averill, magkaibigan na kami. Ngayong college na kami, napag-isipan namin na mag-apartment nalang kasi bukod sa makakatipid kami, iwas late pa. Malayo-layo din kasi ang bahay namin sa mismong unibersidad na ito. "Wala. Nanaginip lang." Hawak-hawak ko parin ang dibdib ko na parang aatakihin ako sa nangyari. Lagi nalang akong nananaginip ng gano'n. "I can clearly see that you are having a nightmare again." wika nya. "Lagi naman. Ano pa bang bago?" sagot ko. Since I was a child, I never experience to have a good and sweet dreams. Hindi ko alam kung ano ang meron sa 'kin at lagi akong dinadalaw ng mga ito. Para bang minumulto ako ng nakaraan ko. "Lumala ata yung mga panaginip mo ngayon. Di ka naman ganyan dati. Halos maghysterical ka na sa hinihigaan mo. Ano ba kasi iniisip mo bago ka matulog?" mahabang lintanya ni Averill. "Wala naman akong ibang iniisip. Sinasabi ko na sa'yo, di ba? Dati na akong ganito. Kahit sabihin kong nasanay na ako pero parang minumulto ako ng nakulong kong nakaraan pero di ko matandaan kung ano." mahabang paliwanag ko. "Siguro naman sobrang nega mo mag-isip. Ikaw ah, wag ka na masyadong magbabad sa projects natin at magrelax ka." Umupo sya sa swivel chair na nasa study table ko ng nakadekwatro pa. "I can handle this. Lumabas ka na para makatulog na ako ulit. Magdadaldal ka lang e." Tumayo ako sa kama at agad ko syang pinagtutulak papunta sa pinto. Ang daldal kasi e. "Yah! You should thank me for waking you up. Hoy! T-Teka...grabe naman 'to. Wala akong kausap e." Nakanguso nyang sabi. "Baliw ka ba? Madaling-araw pa, makikipagdaldalan ka na? Lumabas ka na!" Nailabas ko na rin sya at pinagsarhan ko sya ng pinto. "Oh! One more thing, gisingin mo ko bukas kung mauna ka magising sakin. May pupuntahan tayo." sigaw nya sa labas ng kwarto ko. Ano na naman plano nito? "Saan?" sigaw ko din pabalik sa kanya. "Bastaaa! I'll tell you when we get there, okay? Sleep tight, Merrin." narinig ko na ang kanyang mga yabag patungo sa kwarto nya. Nang marinig ko ang pagsarado ng pinto sa kabilang kwarto ay naglakad na rin ako patungo sa kama ko saka humiga. Hindi ko pa rin makalimutan ang panaginip ko. Bakit ba laging sinasabi ng taong nasa panaginip ko na nabuhay ako? At bakit naman gusto nila akong mamatay ulit? Haayyy. Ganon na ba talaga kalaki ang galit nila sa'kin? Napabuntong hininga nalang ako habang nakatitig sa kisame kwarto ko. Everything is white. Kung gaano kaputi at kaaliwalas ang pintura ng kwarto ko, ganon naman kadilim at kalabo ang ibig ipinapahiwatig ng mga panaginip ko. Kapag nananaginip ako, lagi kong nararamdaman ang takot sa dibdib ko. Pero pinipilit kong maging matatag. Kung ano man ang dahilan nito, malalaman ko din ang sagot sa takdang panahon. ——— Kasalukuyan na akong nag-aayos para makaalis na kami ni Averill. May pasok pa kami mamayang 1:00pm pero biglang nag-aya ang isang 'to. Saan na naman kaya gagala to at dinadamay na naman ako sa kalokohan nito? Hay naku! Di na talaga nagbago. "Hey! Hindi tayo magkacutting classes, ah. I know that face of yours." pagbabasa nya sa ekspresyon ng mukha ko. "Sinabi ko ba na magka-cutting tayo, ah?!" sabi ko sabay irap sa kanya. "Magsisinungaling ka pa? Kilala na kita. Psh, tara na nga!" pag-aaya ni Averill sa'kin. Lumabas na kami ng apartment at naglakad pa patungong iskinita para mag-abang ng bus. Buti naman at ilang minuto palang ay may dumaan na kaya 'di na rin nabagot ang isang 'to. "Nga pala, san tayo pupunta? Baka naman ibenta mo ko sa sindikato, ah? Gusto ko pa mabuhay Averill. Alam mo yan!" Nakanguso kong sabi sabay halukipkip. Eh, kasi naman. Ba't di nalang sabihin sa' kin? "Tutulungan kita." sabi nya habang naglalaro sa cellphone nya. Napakunot naman ang noo ko sabay tingin sa kanya. What kind of help? It puzzled me knowing that she will help me and I don't even know the reason. "Ito lang matutulong ko sa'yo. I've seen many cases tulad ng sa 'yo and the only way to stop it is to consult you sa isang shaman na kilala ko." she said. "What on earth is shaman? Am I being bewitch or something? Baka naman ikakalala ng sitwasyon ko yan, Averill ah. Naku talaga!" pagbabanta ko sa kanya sabay irap ko pa sa kanya. "I mean, naaawa na ako sa 'yo. Di ka ata mamamatay sa sakit kundi mamamatay ka dahil jan sa mga panaginip mo." hinarap nya na ako habang sinasabi ang mga yun. "Kaya ko naman. Nasanay na ako, ano ka ba?" nakangiti ko pang sabi. Kahit napakarahas ng mga panaginip ko pero sinanay ko na rin ang sarili ko. Kahit naman iiyak ako, kung ito talaga ang purpose ko edi wala tayong magagawa. Kahit naman matakot ako, hindi pwedeng maging mahina ako dahil dito. "Kung kaya mo, pwes hindi ko kayang makita kang gano'n. Alam mo bang halos di na din ako natutulog kasi lagi kitang binabantayan. Natatakot ako sa kung ano mang mangyare sa 'yo. Di mo ko masisisi don." pagkatapos nyang sinabi iyon ay itinuon nya agad ang kanyang pansin sa bintana ng bus. Parang iniiwasan nyang mapansin ko ang ekspresyon ng mukha nya. "Alam mo ba, napapatanong nalang talaga ako minsan e. Di ako aware na nanaginip ako pero alam kong magiging ganun ulit ang mga panaginip ko. Ang hirap i-explain, e." Talaga namang wala talaga akong maintindihan. Lagi akong binabagabag ng mga tanong sa isip ko pero niisa sa mga iyon ay walang lumalabas sa bibig ko. "Whatever the shaman might tell you. You have to follow it, Merrin. I really find your dreams weird. Nananaginip din naman ako pero di naman tulad ng iyo." pangungumbinsi nya sa 'kin. Kinakabahan man ay pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang mangyayare sa hinaharap pero nararamdaman kong parang may hindi tama. Bumuntong hininga nalang ako at mas pinili ko nalang manahimik habang si Averill naman ay nakatuon pa rin ang pansin sa bintana. "Manong para po..." sigaw ni Averill mula sa kinauupuan namin. Nasa pinakalikod kasi kami kaya kinailangan nyang sumigaw para marinig kami ni Manong Driver. "...Andito na tayo." dagdag nya pa. Agad naman syang tumayo kaya sumunod na rin ako. Inayos ko muna saglit ang dala kong sling bag at saka bumaba sa bus. Napangiwi nalang ako sa nakita ko. Akala ko nasa gilid lang ng kalsada ang pupuntahan namin pero nagkamali ako. Napakatahimik ng paligid at parang nasa isang 'di kilalang probinsya kami. Bumungad naman sa 'kin ang paanan ng isang gubat. Mapapansin mong napakasukal at napakadilim ng gubat na aming dadaanan ngayon. Seryoso na ba talaga sya sa gagawin nya? "Sigurado ka bang tutuloy tayo dito?" wika ko at napakapit na rin ako sa braso nya. "Oo, dyan tayo dadaan." Tinuro nya ang daan patungo sa gubat na sya namang kinalaki ng mata ko. No! This can't be! Mukhang hindi kami makakalabas ng buhay dito, ah. "Huh? Wala bang ibang daan dito, Averill? Baka naman may alam ka pang daan. D-Di ako dadaan d-dyan!" nauutal ko pang wika. Pinitik nya ang noo ko dahilan na napa-aray nalang ako at sabay hinimas ko ang noo ko. Masakit yun, ah! "Di ka natatakot sa panaginip mo na ala horror pero natatakot ka sa gubat?" Inirapan nya ako sabay naunang maglakad sa'kin. "Hoy! Malay ko ba na dito pala tayo pupunta? Kung alam ko lang edi sana 'di na ako sumama!" pagmamaktol kong tugon nalang sa babaeng nasa harap ko. Mas nakakatakot pa rin to kesa sa panaginip ko no. Kahit kailan talaga napakabrutal na kaibigan ang isang 'to. Nanatili akong nakatayo at wala akong balak na sumunod sa kanya. As in NEVER! Ni hindi ko pa maigalaw ang mga paa ko. Kahit papano may takot din ako no! "Ano? Tatayo ka nalang ba dyan? Halika ka na! This is going to be exciting!" Medyo malayo-layo na rin ang nilakad nya. Kinawayan nya pa ako pero di pa rin ako sumunod sa kanya. Hanggang sa bumalik nalang sya sa pwesto ko at agad akong hinila papasok sa kagubatan. "Exciting mo mukha mo!" singhal ko sa kanya pero humagikhik lang sya at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Tahimik naming tinatawid ang masukal na gubat na ito. May naririnig pa akong mga huni ng uwak at ibang tunog ng mga hayop na naninirahan sa gubat na ito. Idagdag mo pa ang tunog ng mga tuyong dahon na naaapakan namin sa paglalakad. Mapapansin mo sa paligid na parang walang kabuhay buhay ang mga puno sa gubat na ito. Tuyong-tuyo ang mga sanga, may mga natutumbang troso na sya namang pinamamahayan ng mga malalaking ahas. Talaga namang nakakatakot talaga ang lugar na 'to. Sino ba namang tao ang maglalakas loob na pumasok dito para lang magpakonsulta sa isang shaman? "Syempre yung mga taong may kapareho ng case mo." biglang pagsalita ni Averill. "H-Ha?" Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Did she just hear my thoughts? "Ang ingay mo. Itahimik mo nga yang isip mo." kalmang wika nya habang nakayukong naglalakad. Agad ko namang binawi ang braso ko na kanina pa ay hawak-hawak nya. What does that mean? "What do you say?" pagkaklaro ko sa narinig ko. "What?" she asked me back. Parang nalilito pa sya kung ano ang ibig kong sabihin. "You just said that I will shut my thoughts. What do you mean by that? What are you?" panunuya kong tanong sa kanya. Saglit syang napatigil sa paglalakad at saka lumingon sa'kin. "H-Huh? Syempre ngayon ka palang nakapunta dito kaya di talaga maiiwasan na andaming tanong sa isip mo, di ba?" she just winked at me and smiled. Oh! Is that it? Naging praning yata ako. May point din naman sya. Syempre first time ko dito no kaya nadadala ako ng takot ko at andaming dumadaloy na tanong sa utak ko. "Tara na at maglakad na. Malayo-layo pa lalakbayin natin. Gagabihin tayo, may pasok pa tayo." pag-aayaya nya saka nagsimula na ulit maglakad. Tumango nalang ako at sumunod na din sa kanya. Hinawi ni Averill ang isang sanga kaya bumungad sa aming mga mata ang sikat ng araw. May narinig kaming agos ng tubig, tiyak na may ilog sa 'di kalayuan. "May ilog nga dito pero madadaanan lang laman. Di naman malalim kasi may mga bato pa naman tayong maaapakan." biglang wika nya. I didn't ask but okay. I'm a little bit confuse right now so I'm not in a mood to talk that much. "Lagi ka ba dito?" I asked. "Hindi, ah. Ngayon nga lang ako nakapunta dito e. Lagi lang naman nating inaatupag mga projects natin kaya bakit naman ako magagawi dito." she straightly answered me without hesitation. Baka nga talaga ngayon lang sya nakapunta dito. "Ahh, kasi parang alam na alam mo na yung daan e." sabi ko sabay apak ng isang bato at iniangat ang sarili ko. She stopped walking and she just handed me a... "Compass?" I asked in confusion. "Yes. Kwento kasi ng mga kapareho ng case mo na nakausap ko, nasa Madregos Province ang shaman na hinahanap natin. And this place is part of the Madregos Province tapos sabi nila nasa may bandang North daw ang kinaroroonan ng shaman kaya sinundan ko lang yung compass." She winked at me again and smiled. I was stunned in confusion. Really? How can she be this smart? Ang lakas naman ng sense of direction nya. "A-Ahh o-okay?" sumang-ayon nalang ako kahit nalilito pa rin ako sa mga sinasabi nya. Dapat nalang talaga siguro na manahimik nalang ako. "Para naman tayong di magkaibigan nyan. You already know that I have a strong sense of direction. Naalala ko pa noon nalilito ka kung saan sa paa mo ang kanan at kaliwa. Pfft..." she chuckles. "Heh! Pinaalala pa talaga no!" tinakbo ko sya sa unahan at hinampas sya ng marahan. Mas lalo namang napalakas ang tawa nya kaya sinaway ko sya kasi ang lakas ng tawa nya. She stopped walking and tinignan ulit ang compass na hawak nya. "We will be there in a short minute." she looked at me and she smiled again. Sanay na naman ako sa pagiging cheerful ng babaeng 'to pero ngayon napapadalas na ata ang pagngiti nya sa'kin. "I'm just happy that I could help another soul." she said that and continued walking without taking a glance on me. Another soul? Ibig nya bang sabihin, hindi lang ako ang dinala nya dito? Akala ko ba first time nya pumunta dito? I think my brain will burst because of too much questions. "I told you just calm your self. Ano ka ba? HAHAHA. This will not harm you." She chuckled again and again. Saglit na naman syang tumigil at nilingon ako. "You know dear, too much curiosity can kill a cat." nakikita ko ang matalim nyang tingin sa aking mga mata habang nakangiti. Hindi ako nagkakamali. Nakita ko talaga yun! Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Can you check the compass? Baka naligaw na tayo sa kadaldalan natin. Hehe" Inagaw ko nalang ang atensyon nya kaysa mas lalo pang uminit ang usapan. She stared at me and smiled. "We're here."
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
djdjcjfcisicicjfjcjdjjc
09/04/2024
0wow
27/01/2024
0I love your story🥰
13/02/2023
0Tingnan Lahat