logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Chapter 4
Zamiell
Tumatagaktak ang pawis sa aking buong katawan ngunit hindi ko alintana ito, nalaman ko na nalalapit na ang kaarawan ni Porpeng at hindi pa nasasapat ang aking ipon para makabili ng regalo para sa kanya, minsan lang sumapit ang kaarawan ng isang tao kaya dapat lamang na mabigyan ko man lang siya ng regalo.
"Hijo! Magpahinga ka naman! Tirik na tirik ang araw, di naman aalis yang ginagapas mo!"
Nagtawanan ang mga kapwa naming magsasaka, nasa lilim kasi sila ng puno ng mangga habang ako nandito sa palayan dahil hindi ko pa tinitigilan ang trabaho ko.
"Mawawalan na kami ng sahod nyan dahil sayo!"
Tumigil muna ako ng makaramdam ng pananakit sa balakang, kanina pa ako nakayuko rito kaya nag-inat muna ako. At tumingin sa kanila.
"Pwede naman ibigay niyo sa akin ang sahod niyo, wala naman kayong ginagawa riyan!"
Tumawa ulit sila dahil sa sinabi ko, hindi ko na makayanan ang init kaya naman naglakad ako sa lilim kung nasan sila. At binuhos ko ang tubig na nasa tabi nila sa aking mukha, binigyan nila ako ng katas ng buko na nakuha pa nila kaninang umaga, hindi ko sana kukuhanin kaya lang ayokong tumanggi kaya kinuha ko ito at aking ininom.
"Hindi kasi kami gaya mo na kahit magbilad diyan ay mestizo pa rin! Baka tumanda kaming binata nito kung ikaw lang ang mananatiling magandang lalaki dito!"
Namumula naman ang aking balat pagmatagal na nakababad sa arawan.
"Ano ba ang gagawin mo sa pera na iyong makukuha?"
"Bibili ako ng regalo para sa kaarawan ni Porpeng"
"Mukhang napapalapit ka na sa bata ah! Sabagay, mabait na bata naman yang si Porpeng"
Natigilan ako sa sinabi niya, natatakot ako sa posibilidad na totoo ang kanyang sinabi. Ngunit hindi maaari dahil lilisanin ko rin ang lugar na ito at maaaring madamay sa pag-gunaw ng mundo ang lahat ng naririto.
"Akin lamang sinusuklian ang kanyang kabutihang loob, hanggang ngayon ay doon pa rin ako kay Porpeng nakatira"
"Para na nga kayong mag-ama, mabuti na rin at nakakaramdam uli siya na parang may pamilya"
"Pamilya?"
Napatingin sila sa akin, dahil sa pagtatanong ko.
"Katulad nga ng sinabi ko ay para kayong mag-ama"
Tumayo na silang lahat at bumalik sa kanilang gawain habang naiwan ako sa lilim ng puno ng mangga habang nag-iisip kung dapat ko na ba lisanin ang lugar na ito.
Bago ako tuluyang umuwi ay sumabay ako sa mga kasamahan kong magsasaka na papuntang bayan upang makabili ng regalo. Sa aking pagtingin sa mga tinda ay naalala ko ang hilig ni Porpeng sa pagguhit at pagpinta. Minabuti ko na lamang na iyon ang bilhin at ibigay sa bata.
Bumili rin ako ng masarap na ulam para aming pagsaluhan. Pagkadating ko sa bahay ay nakita kong nakadukdok si Porpeng sa kanyang gawain, nakakunot ang noo nito na tila ba naguguluhan sa kanyang ginagawa.
"Ano iyan?"
Napatalon ito mula sa kanyang pagkaka-upo dahil sa gulat, natawa na lamang ako sa kanya at ginulo ang buhok nito.
"Kuya di ko namalayan na nandiyan ka na pala!"
Umupo ako at tinignan ang nakalagay sa kwaderno niya, nakasulat ang ilang pangungusap sa salitang ingles na dapat nilang isalin sa tagalog.
"Binigyan kami ng takdang aralin ni Gurong Cecilia, isalin daw namin ang mga pangungusap na ito sa tagalog. Nais niyang subukin kung natututo kami sa kanya ng ukol sa lengguwaheng ingles. Ang hirap pa naman niyan"
"Aralin mo iyan, sayang kung hindi mo matututunan ang iyong leksyon"
Napatungo uli ito sa kanyang kwaderno habang kinakamot ang ulo. Habang siya ay nag-aaral ay naghanda muna ako ng makakain namin at tinago ang aking regalo sa aming silid.
"Kumain muna tayo, baka wala ng pumapasok diyan sa ulo mo dahil sa puro hangin na ang laman ng sikmura mo"
"Si kuya talaga, kung hindi kita kilala at narinig kitang magsalita ng ganyan maiinis ako sa iyo"
"Bakit naman? Nagsasabi lang naman ako ng totoo"
Inilapag niya ang kanyang gamit pang-aral sa malaking upuan at tumabi sa akin.
"Kaya nga, pero kasi dire-diretsio ka magsalita parang hindi mo naiisip ang mararamdaman ng iba"
"Ganun ba? Hindi ba mas maganda na ang malaman ang totoo kesa sa hindi?"
"Nako kuya, hindi lahat ng tao katulad mong mag-isip"
Kaagad akong natapos kumain, hinahayaan ko na makita niya akong kumain kahit kakaunti lamang upang hindi ito magtaka. Pumasok ako sa kwarto at kinuha ang aking regalo, nakita kong nag-uurong ng pinagkainan si Porpeng. Kumuha ako ng papel mula sa gamit niya at nagsimulang magsulat dito.
"Ano iyan kuya?"
"Kung maisasalin mo ito sa tagalog ay may ibibigay ako sa iyo"
"Marunong kang mag-ingles kuya! Sana tinuruan mo na lang ako sa aking takdang aralin!"
Tinawanan ko siya habang kunot noo niyang tinitignan ang sinulat ko sa papel.
"Maligayang kaarawan! Maligayang kaarawan ang nakasulat sa papel!"
"Kulang pa"
Bumalik muli siya sa pagkakatitig sa papel, sinusuri niya ulit itong mabuti.
"Maligayang kaarawan, Porpeng! Nawa ay manatiling malakas ang iyong pananampalataya sa Diyos!"
Tuwang-tuwa siya habang sinulat ang katumbas na Tagalog ng ingles na aking sinulat sa papel.
'Happy Birthday, Porpeng. I hope that your faith in God would be as strong like now'
"At dahil diyan, may regalo ako sayo"
Inilabas ko ang regalo na kanina pa nakatago sa aking likod, mabilis niya itong kinuha at tinanggal ang pagkakabalot. Nagkalat ang mga gamit sa pagpipinta, pagguhit at ilang papel.
"Kuya hindi ka na dapat gumastos pa"
Nakita ko ang pagtulo ng kanyang luha kaya natataranta akong umupo sa kanyang harapan.
"Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?"
"Kuya gustong-gusto ko ito, ngunit lagi kong nararamdaman na umiiwas ka sakin. Sa tingin ko ay ayaw mong mapalapit sakin dahil maaari mo rin akong iwan tulad ng aking pamilya"
Naguguluhan man ay pilit kong iniintindi ang gusto niyang sabihin. Sa loob-loob ko ay gusto kong makita ang isang magandang kinabukasan para sa batang ito ngunit lagi akong nasasaktan sa pagkakataon na pumapasok sa isip ko ang pag-gunaw ng mundo.
"Kuya, mas madali pa kung hindi ka mag-iiwan ng alaala sa isang lugar na nais mong lisanin, katulad na lamang nito. Ngunit nais kong magpasalamat sa pagbili mo sa akin ng mga ito at pagpaparamdam na may pamilya muli ako"
Nakatulog agad si Porpeng ng matapos niya ang kanyang takdang aralin at tinabi sa kanyang lalagyanan ang aking regalo. Akin siyang pinagmamasdan habang natutulog sa aking tabi, sa aking pagdadasal ay lagi siyang kasama. Ang nais ko lamang ay magkaroon siya ng masayang buhay kung saan matatamasa ang kapayapaan.
Kinaumagahan ay umalis muli ako ng maaga, hindi pa gising si Porpeng ng mga oras na iyo pero naghanda na kaagad ako ng kanyang umagahan, pinakain ang mga manok at ang aso na nasa labas na nagngangalang Bantay. At katulad ng normal na araw ay uuwi ako ng bahay na nandun na si Porpeng at gumagawa ng kanyang takdang aralin o inaaral muli ang kanyang mga natutunan.
"Kuya? May gagawin ka?"
Natigil ako sa pagbabasa, kumain kasi kami na wala man lang nagsasalita samin dalawa. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin, ngunit matalinong bata si Porpeng kaya siguro unti-unti niyang nalalaman na balak ko umalis dito.
"Eto nagbabasa, hindi mo ba nakikita?"
"Kuya ayan ka na naman eh!"
Nagsimula na itong tumawa kaya natawa rin ako.
"Nais kitang ipinta kuya, eto ang alaalang iiwan ko sayo"
"Akala ko ba ay nararapat na huwag ng mag-iwan ng alaala?"
Nagsimula siyang magpinta kaya naman naupo ako ng maayos, suot ko pa ang kamiso de chino na ginamit ko sa pagsasaka kanina, ngunit hinyaan ko na lamang
"Pasensya na kuya sa sinabi kong iyon"
"Wala iyon, naging totoo ka lang naman"
Tumango ito at pinagpatuloy ang pagpinta.
"Kuya, kung lilisanin mo ang lugar na ito, tandaan mo na maaari kang bumalik dito kahit kailan mo gusto"
"Talaga? Paano mo naman nasabi na babalik ako dito?"
"Kasi ganoon ang pamilya, kahit saan ka pumunta, kahit gaano pa ito katagal ay maaari kang bumalik sa iyong pamilya"
"Hindi mo naman ako kadugo upang maging isang pamilya"
"Hindi nga, ngunit pinapahalagahan at minamahal kita katulad ng isang kadugo"
Tumango ako at muli siyang pinagmasdan.
***
"Saan ko ba ilalagay ito?"
"Dito na lamang Zamiell"
Tumango ako at nilagay ang mga libro at gamit ni Cecilia sa isang malaking mesa, nakita ko kasi siya sa bayan dala ang mga ito. Buntis siya sa kanyang pangalawa kaya hindi maaaring magbuhat siya ng mabibigat.
"Salamat sa iyong tulong"
"Wala iyon, kamusta na ang iyong panganay?"
"Ayun makulit na, maraming salamat uli ah. Kung ikaw pala ay marunong na manggagamot ay dapat namasukan ka na lang sa isang hospital kesa naman nahihrapan ka mag-banat ng buto sa pagsasaka"
Nagkaroon ng malubhang sakit ang panganay niyang anak na hindi magamot sa hospital, nasabi naman ni Porpeng na marunong ako manggamot dahil nagiging gawain ko rin yun sa mga magsasakang nagkakasakit na walang pambayad sa hospital. Buti na lamang at gumaling ang bata ng ito ay aking magamot.
"Masaya naman ako sa aking ginagawa"
Nilibot ko ang aking paningin sa malaking mesa, kapansin-pansin ang mga ginuhit ng mga bata ngunit nanaig sa kanila ang ginuhit ni Porpeng.
"Kay ganda ano, ginuhit niya kayong dalawa para sa kanyang takdang aralin"
"Binigyan din niya ako ng ganito, ngunit pininta niya akong mag-isa"
Tumango ito habang hinahawakan ang likha ng mga bata.
"Ang aking takdang aralin ng araw na iyan ay ang inspirasyon nila sa kanilang buhay"
Tumango ako at bahagyang inangat muli ang likha ni Porpeng.
"Maaari ba akong pagtanong? Maliban sa tanong na ito"
Tumawa naman siya sa akin at tumango.
"Maaari mo bang tignan muli si Porpeng sa pagkakataon na umalis ako sa lugar na ito?"
Sumilay ang isang malungkot na ngiti mula sa kanyang labi habang marahang tumatango.
"Inaasahan na namin iyan ni Porpeng, may malamin na dahilan ang iyong pagpunta rito hindi ba?"
Tumango ako, habang siya ay tumingin muli sa mga gawa ng bata.
"Kung ganoon ay sumama ka sa kanya bukas, kukuhanan ng litrato ang mga bata bilang tanda ng kanilang pag-aaral sa ilalim ng aking pamamahala, ako ng bahala sa pagbabayad"
Kinabukasan ay nagsuot kami ni Porpeng ng mas maayos na kasuotan, pagkarating namin sa lugar na ginagamit nila sa kanilang pag-aaral. Halatang tuwang-tuwa ang mga bata, kaya pagkarating namin ay nagulat sila sa akin dahil ngayon lamang nila ako nakita.
"Porpeng sino yang kasama mo?"
"Kuya ko"
"Talaga? Di kayo magkamukha, mas gwapo siya"
Nagsitawanan ang mga bata habang naka-ngusong tumingin sakin si Porpeng na tinawanan ko lang. Pinagmamasdan ko lamang sila habang kinukuhanan ng litrato. Pagkatapos ay tinawag na kami ni Cecilia upang kami naman dalawa ni Porpeng ang kuhanan.
Naupo ako ng maayos habang nakakalong sa akin si Porpeng at sa liwanag ng kamera ay napansin ko ang sariling nakangiti habang nakatingin sa batang tinuturing akong pamilya.

Komento sa Aklat (46)

  • avatar
    Rodrigo Jr Yandan

    jsjsjs

    26d

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    i love it

    29/07

      0
  • avatar
    ZorrillaLennie

    good

    27/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata