logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 2

“Teka? Panaginip lang pala ang mga iyon?” Tanong ko sa aking sarili ng ako ay magising.
Tumayo ako sa pinaghihigaan ko at tinignan ang orasan, nakita kong late na ako sa class namin kaya dali-dali akong kumilos.
Inayos ko ang higaan ko at nag-diretso sa banyo para maligo at mag-ayos ng sarili. Nang matapos na akong maligo ay isinuot ko na ang aking uniform and put some perfume and fixed my hair.
“Oh, iho. It looks like you woke up late today?” Pambubungad ni Mom sa akin pagkababa ko ng hagdan.
“I didn’t realize the time, Mom. So I woke up late but I'll just catch up with my class subject.”
“Ok, eat first before you leave to fill your stomach.” Aya niya sa akin ni Mommy, pero umiling ako dito.
“Hindi na po, Mom. I’ll grab some food na lang later. Bye, Mom!” Lumapit ako dito at hinalikan siya sa pisnge.
“Okay, okay. Huwag ka magpapalipas ng gutom, bye!” Ngumiti na lang ako dito bilang tugon at mabilis na akong nagtungo sa garahe namin para kunin ang kotse ko.
Sumakay na ako dito at inumpisahan paandarin ang engine ko. Nang umandar na ito ay tuloy-tuloy na akong lumabas sa garahe namin patungo sa University namin.
Nang maiparada ko na ang sasakyan ko sa parking area ay kinuha ko ang key ko at lumabas na. Habang naglalakad ako mag-isa ay nakasalubongan ko ang mga tropa ko.
“Bro! Parang late ka yata pumasok ngayon?” Inakbayan ako nito.
“Lumabas kami dahil balak ka namin hintayin pero paparating ka na pala, kaya sabay-sabay na lang tayo pumasok sa loob,” saad naman ni Xavier sa akin.
“Panigurado kapag hindi ka pumasok, magiging sad girl na naman ang mga naghahabol sa’yo.” Natawa kami dahil sa sinabi ni Kenneth.
“I don’t care if they become sad girls of the year. They are the ones who force themselves on me. It's not my fault if they cry because I told them from the beginning that I was not interested in them,” Seryosong tugon ko na sa kanila.
“Wala pihikan kasi itong kaibigan natin kaya hanggang ngayon hindi pa din nagkakajowa e hahaha, dagdag pa ang pagiging masungit sa babae.” Tumawa sila dahil sa sinabi ni Hans, sinamaan ko ito ng tingin dahil sa sinabi niya.
“I’m just kidding, calm down, Fourth.” Natatawang dugtong pa nito, napailing-iling naman ang mga ibang mga kaibigan namin dahil para bang mag-uumpisa na naman kaming magbangayan.
“Pumasok na nga lang tayo, bago pa kayo magbangayan dito.” Nag-umpisa ng maglakad si Kenneth at sinundan naman namin ito.
Habang naglalakad kami sa hallway ay rinig namin ang mga tilian.
“Argh! ang iingay nang mga babae na ito, ang sakit sa tenga!” Naiinis na mahinang pabulong ni Xavier kay Hans.
Seryoso lang akong naglalakad sa hallway habang diretsong nakatingin sa daan dahil hindi naman ako interesado sa mga babae na ito, kita ko naman ang mga palihim na kumukuha ng litrato sa akin o mga nagbubulongan habang kinikilig. Nakakainis mga babae na ganito.
Nasa tapat na kami ng classroom namin, kumatok kami at pumasok. “Oh! Fourth, bakit wala ka kanina sa first class mo? Iyon lang yata ang kauna-unahan na hindi ka nakapasok sa klase mo?”
Pambubungad ng Professor namin pagkapasok ko. “Nahuli akong nagising kaya ‘di ako nakapasok sa first subject ko.” Tugon ko na lang dito.
Naalala ko bigla iyong panaginip ko kanina, kung hindi dahil siguro doon ay hindi ako nalate sa first subject ko. Napaka-kulit kasi.
Pero bakit ganun? Pakiramdam ko totoong nangyari iyon pero panaginip lang pala. Sana naman hindi ko na mapanaginipan ang babae na iyon.
Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko iyong sinabi niya sa akin na. “Kahit ayaw o sa gusto mo, magpapakita at magpapakita pa din ako, umpisa pa lang ito , Matt. Hanggat hindi natatapos ang misyon ko hindi ako puwede makabalik sa pinanggalingan ko. Itaboy mo man ako sa buhay mo, tandaan mo na hindi ako susuko. Kung noon nakaya ko, ngayon kaya ko pa din.”
Sino ka ba at bakit kilala mo ako?
“Bro!” Natauhan na lang ako ng bigla akong tapikin ng kaibigan ko.
“Fourth, are you okay?” Tanong ng Professor ko sa akin. “Y-Yes, Ma’am.”
Umupo na ako sa kinauupuan ko kita ko naman na palihim na nagtitilian ang mga kaklase kong babae ng dumaan ako sa tapat nila, pero hindi ko na lang pinansin ang mga ito dahil wala akong pakialam sa kanila.
Kahit mag-effort pa sila o ano, I don’t care. Nag-umpisa ng magturo ang Professor namin. Tutok na tutok lang ako sa pakikinig sa klase hanggang sa matapos ito, sabay-sabay kaming lumabas ng mga kaibigan ko.
Habang naglalakad ulit kami sa hallway ay andiyan na naman ang mga tilian, hindi nalang ba sila nagsasawa at napapagod kakatili? Kasi ako nagsasawa na.
Seryoso lang ako naglalakad kasama ang mga kaibigan ko ng may biglang humarang na babae sa dinadaanan namin at inabot niya sa akin ang isang paper bag at letter.
“What is this?” Tanong ko dito. “Gift ko para sa’yo a-and I just want to say I-I like you.” Kinakabahang saad niya.
Tinignan ko lang iyong regalo at hindi ko ito kinukuha. Kita kong napayuko ito at parang mangiyak-ngiyak na, madami na ngayon ang tao na nakatingin sa amin.
“Dude, just accept it.” Bulong ni Xavier sa akin, tumingin ako sa kaniya.
“Kapag tinanggap ko iyan, mag-a-assume iyan at iisipin na may pag-asa pa din siya sa akin, yes I appreciated her courage in confessing, I know she has wanted me for a long time and she was just  tired herself and rely on the person who is not interested in her. In fact, if the person likes you, he will automatically approach you and he will not let you pay attention to him because he will automatically pay attention to you. so if I'm with you I'll stop if the person I want doesn't pay attention to me anymore.”
Pagkatapos ay nilagpasan ko na siya at sumunod naman ang mga kaibigan ko sa akin.

Komento sa Aklat (158)

  • avatar
    Mark Joshua Briones

    very nice

    5d

      0
  • avatar
    PenalesJireh

    good book

    7d

      0
  • avatar
    MalateArjay

    good

    13d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata