logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 1

Laveinna,
(pronounce like Labeyna)
Tahimik akong napapahikbi nang matapos kong basahin ang Blow by the wind ni TEN. Basang-basa na rin ang kumot ko, maging ang unan ay ganon din dahil sa walang tigil kong ka-iiyak. Medyo masakit kasi iyong nangyari sa dalawang bida. Talagang mapapa #Angsaket ka.
Ganito kasi iyan...,
Hindi ko pa man nasisimulang ipaliwanag ang aking nabasang istorya ilang minuto lang ang nakalilipas nang biglang malakas na sinipa ng magaling kong kapatid ang kama ko. Bale double deck kasi ang kama namin. Obviously, ako ang nasa itaas.
"Ano ba 'yan! Ate naman kung wala kang balak matulog please! Magpatulog ka naman!" Bakas ang iritasyon sa kaniyang sinabi. Doon na ako napanguso, gayunpaman ay hindi napigilang hindi mapairap.
Nakakainis naman ang isang 'to panira ng moment. Tsk! Napaka-kill joy.
"Bakit 'di kana lang matulog, nangingialam ka pa sa'kin!?" pasigaw ko ring banat sa kaniya. Kung kaya niya akong sigawan syempre ako rin kaya ko rin siyang bulyawan.
"For pete sake, ate! Don't you know that it's already 1 am in the morning? Please let me sleep!" mas malakas na niyang hiyaw ngayon. Kaya naman natahimik na ako. Kilala ko ang kapatid ko at kapag ganiyan na siya at nag-e-english na badtrip na talaga siya non.
She's Lairre Ricarte, kapatid ko siya, 13 years old at freshman student ng Southern Academy. For more info isa lang naman siyang gamer. Mahilig siya sa mga panlalaking laro like COC, Dota, at iba pa. Wala siyang hilig sa pag-aaral at hate na hate niya ang mga libro.
Ibi-nack ko na ang cellphone ko at pinatay na iyon para matapos na ang isyu nang napaka-epal kong kapatid at natulog na lang.
***
Naglalakad lang ako sa kahabaan nang isang madilim na pasilyo na ang sahig ay gawa sa kahoy at tila ba makaluma na ito na syang tanging nakikita nang aking mga mata. Hindi ganon kalinaw ang buong paligid sa paningin ko. Parang kahit ata anong gawin ko ay blur pa rin. Hanggang sa isang babaeng nakaitim na damit ang dumaan sa harapan ko, 'yung tipong nakapangmadre siya. Nakabelong itim din siya na para bang isa siyang black lady sa isang horror film kaya naman hindi ko makita ang mukha niya. Imbis na makaramdam ng takot ay tinamaan ako nang kyoryusidad kaya sinundan ko siya. Dahan-dahan lang ang paglalakad niya hanggang sa tumigil siya. Nanlaki ang mata ko. Teka hindi kaya naramdaman niyang sinusundan ko siya?
Subalit mali ang aking konklusyon. Tumigil lamang ito para alamin kung may tao ba sa paligid matapos ay pumasok siya sa isang pintuang gawa sa pawid na kaharap niya. Teka, hindi niya ba ako napansin?
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang akong napunta sa posisyon ng babae kanina. Ngayon, ako ang tumatahak papasok sa silid at tinutungo ang direksyon ng isang lalaking nakaharap sa isang study table at patuloy sa pagsusulat. Batid kong makalumang-makaluma talaga ang lugar kung nasaan ako. Kahit na tanging isang bakanteng silid lamang ito at wala nang ano pa mang gamit bukod sa study table at sa lalaking nagsusulat gamit ang ink.
Nagulat ako nang biglang may pana na akong hawak. Ramdam ko kung paano manginig ang kamay ko dahil sa nangyari. Nakatutok ito sa lalaking nakatalikod. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero kahit anong pilit kong gawin na ibaba ang kamay ko ay wala rin namang nangyari.
Biglang humarap ang lalaki subalit malabo ang mukha niya nang masilayan ko siya kaya't hindi ko rin sigurado kung sino siya.
Nagulat na lang ako nang bigla na lamang kumalas sa kamay ko ang palaso at tumama ito sa bandang puso nang lalaking kaharap ko. Tuluyang tumulo ang luha ko sa hindi ko maipaliwanag na sakit sa dibdib na nararamdaman ko nang dahil sa ginawa ko.
Pinatay ko sya! Pinatay ko pero sino ba siya at bakit? Bakit ko siya pinat—
***
"Ate ano ba gising binabangungot ka na!" Sa hudyat na 'yun ay bigla na lamang akong napabangon. Ramdam ko ang lakas ng tibok nang puso ko. Napakabilis nito na para bang nakipaghabulan ako sa mga toro. Hindi ko alam kung paano patitigilin iyon. Tuluyan nang sinakop ng kaba ang daloy nang paghinga ko. Sumisikip ang dibdib ko kaya naman para na tuloy akong hinahapo ngayon.
"Hey! Are you alright?" Bakas ang pag-a-alala sa tono ng kaniyang pananalita. Subalit tanging tubig lang ang salitang nasambit ko. "Yes! Yes! Sige ikukuha kita at tatawagin ko na rin sila 'Nay at 'Tay. Wait ka lang ate, okay?" Tinanguan ko na lang siya kaya dali-dali na siyang lumabas. Rinig ko pa ang sinigaw niyang pagtawag kila Nanay at Tatay.
"Nay! Tay! Si ate binangungot na naman!"
Oo, hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko ang weirdong panaginip na iyon. Dahil mula pa ata nung bata pa ako ay napapanaginipan ko na iyon. Noon pa man malimit ko nang sinasabi sa mga magulang ko ang panaginip na iyon. Nung una ay tanging ang salitang 'Panaginip lang iyon anak hindi iyon totoo' ang malimit nilang isinasagot sa akin. Subalit kalaunan ay ikinatakot na nila iyon.
Kwento pa nila sa akin isang araw raw nung bata pa ako. Sinabi ko raw nang paulit-ulit ang katagang 'Pinatay ko siya'. Sinubukan na nilang ipatingin ako sa isang psychiatrist pero wala naman daw akong sakit sa utak kaya parang nagsayang lang sila nang pera. Kada napapanaginipan ko iyon ay paulit-ulit ko lang nararanasan ang pagsikip nang dibdib ko at ang pakiramdam na hindi makahinga.
Huling beses kong napanaginipan iyon ay noong nakaraang taon pa at talagang ipinunta na nila Nanay ako sa isang magaling na albularyo dahil muntikan ko na talagang ikamatay iyon. Ang sabi ng albularyo ay isa raw itong karma o di kaya ay bangungot mula sa nakaraan. Walang sino man kila nanay at tatay ang nakaunawa sa sinabi nang albularyo, maging ako ay ganoon din.
Noon nga ay nagalit pa si Tatay sa albularyo dahil para raw pinapalabas nito na isa akong malas. Sabi pa ni Tatay manloloko lamang daw ang albularyo. Matapos kasing sabihin ang katagang iyon ay hindi na ito umimik pa, literal kasi mula sa araw na iyon ay bigla na lamang itong naging pipi sa hindi malamang dahilan. Naglaho ang albularyong iyon na parang bula nang makuha niya ang bayad nila Tatay.
Biglang bumukas ang pinto at doo'y bumungad sa akin ang nag-a-alalang mukha nang aking mga magulang.
"Jusmiyo!" anas ni Nanay at patakbong lumapit sa'kin. Umakyat siya para makalapit. "Ireng dalian mo kinakapos na ang ate mo!"
"Huwag kang masindak Lita alalayan mo si Enang at ilalabas natin siya rito sa kwarto."
Gayun nga ang ginawa ni Nanay, inalalayan akong makababa nang katre at si Tatay na ang umalalay sa akin palabas. Dinala nila ako sa likod bahay at kita ko kung papaano kandarikdikang inilagay ni Lairre ang isang bangko sa labas para aking maupuan. Pinaupo nila ako roon tsaka bahagyang hinagod-hagod ni Nanay ang likod ko.
"Tay! Heto na ho ang tubig!" Agad na kinuha ni Tatay ang basong may tubig mula sa kamay ni Lairre at inabot iyon kay Nanay para ipa-inom sa akin.
"A-Ayos kana ba anak?" Mangiyak-ngiyak si Nanay sa pag-aalala sa akin kaya kahit na hindi pa talaga ako okay ay pinilit kong ngumiti.
"Namumutla ka Enang anak," saad ni Tatay sabay pahid sa mukha ko. Batid kong pinahid niya nanaman ang mga luhang nakatakas mula sa mata ko nang hindi ko namamalayan at hindi ko alam ang dahilan. Enang ang palayaw ko at tanging ang pamilya ko lamang ang tumatawag sa akin noon. Ang baho diba? Pero mas mabaho pa rin ang kay Lairre kasi Ireng 'yung palayaw niya.
"Ate okay kana ba talaga?" Sa tanong na iyon ni Lairre ay doon ko na lang napansin na naka-uniform na pala siya. Nagmumukha siyang mabait kapag naka-uniform siya.
Isang white na long-sleeve at necktie na blue na tinernuhan nang paldang pinaghalong blue at white. Naka-high sock din siya at isang pares nang bagong-bagong sapatos na bili pa ni Tatay sa divisoria nang minsang lumuwas siya sa Maynila dahil sa isang proyekto. Isang pintor si Tatay habang si Nanay naman ay nagtitinda ng ulam sa bayan.
"A-Ayos na ako pangit mo, n-nagmukha kang m-matino sa hitsura mo n-ngayon Ireng." Pilit kong pagbibiro. Kaya imbes na mainis ay natawa na lang siya. Nakahinga naman nang maluwag sila Nanay at Tatay.
Matapos iyon ay nag-almusal na kami. Gustuhin ko mang pumasok dahil first day ay buo ang desisyon nila Nanay na huwag muna akong papasukin. Magpahinga na lamang daw ako dahil baka kung ano pa raw ang mangyari sa akin. Nag-iwan sila nang maliit na pera bago sila umalis.
Pumasok si Lairre habang si Nanay naman ay dumiretso na sa bayan para ayusin ang karinderya roon, sayang daw kasi ang kikitain niya kung tetengga lang siya dito sa bahay. Si Tatay naman ay lumuwas na papuntang Batangas dahil sa may bago siyang bahay na pipinturahan doon at mukhang sa susunod na Linggo pa siya makauuwi. Wala naman iyong kaso dahil ganon naman na talaga ang palagiang uwi ni Tatay.
Kaya ito ako ngayon nandito sa salas namin kaharap ang bukas na TV habang nag-scroll sa social media. Ang totoo, sinasadya kong hayaang bukas ang TV para magkaroon ng ingay. Ayaw na ayaw ko talaga kasi sa mga tahimik na lugar. Ewan ko ba at mas naririndi ako kapag tahimik lang.
Nang mabagot ay nag-search na lanh ako at si-nearch ko ang salitang 'WRITER TEN'.
Si Ten ang paborito kong author sa iba't-ibang writing platform. Napakagaling niya talaga at sa katunayan nga niyan, lahat na ata ng 24 niyang akda ay nabasa ko na. Bukod doon ay may mga nagawa na rin siyang libro under the unknown publishing company. Ang totoo niyan ay napakaprivate at mysterious ng manunulat na ito pero dahil doon at sa husay niyang magsulat ay minahal siya nang mga tao.
Isa ako sa mga followers niya na nagmamahal sa kaniya. Hindi lang 'yun, dakilang stalker niya pa ako pero in a good, wise and silent ways naman. Maraming chismis na isa raw multong manunulat si Ten. Like duh! As if namang may multo talaga. Meron ding nagsasabi na isang matandang babae na mga 50 years old daw si Ten base raw kasi sa pagkakasulat niya nang librong 'Off the Wall' ay parang marami na siyang karanasan tungkol sa mga buhay. Ang genre kasi ng OTW ay action na may pagka-tragic. Apat na raan din ang bili ko sa librong iyon, ang ganda-ganda kasi napakahaba pero sulit naman.
Subalit para sa'kin naniniwala akong isang gwapong lalaki si Ten, isang maginoo na gentleman pa. Teka? Parehas yata 'yun ah? Basta!
Ang teorya kong 'yun ay base sa observation ko. Well na-observe ko lang kung paano niya bigyan nang impact ang character ni Lion sa 'Blow by the wind'. May genre 'yun na Mystery/Thriller. Isang detective story na hinaluan ng Action/Romance at fantasy kasi may kakayahan si Ayan, ang leading lady ni Lion na makakita nang sunod na mamamatay gamit ang panaginip.
Isang academy story na talagang gigimbalin ka at babaliwin ka sa dami ng twist. Noong una, 'di ko talaga ma-gets kung bakit 'Blow by the Wind' ang pamagat pero nung matapos ko, halos ikalaglag nang panga ko at ikahagulgol ko talaga. Paano ba naman kasi sa dami ng pinagdaanan nila sa loob ng AX Academy para iligtas at ilabas ang mga estudyante sa kamatayan at sa tropa ni Satanas na si Head Master Yuko/ Dr. Yuko tapos sa huli ay namatay lang si Ayan subalit naligtas ni Lion ang buhay ng nakararami.
Bago mamatay si Ayan, sinabi nito kay Lion na magiging hangin siya na patuloy na hahampas at yayakap kay Lion para ipa-alala ang pagmamahalang nabuo nila nang magkasama. Kaya sa pamagat na Blow By the Wind, doon ko naisip na lalaki talaga si Ten. Tsaka kapansin-pansin na rin naman na karamihan sa mga akda niya ay palaging naiiwang mag-isa 'yung lalaki dahil na tetegi ang leading lady. Kaya naman naniniwala talaga ako na lalaki si Ten.
'Magandang umaga po, nandito nanaman ako upang magbigay nang trivia sa inyo. Alam niyo bang bukod sa katipunan ay may iba pang rebolusyonaryong grupo ang nauna pa rito. Sinasabing sa pagitan nang taong 1860 hanggang 1870 nabuo ang rebolusyonaryong grupo na nabanggit ito ay ang Cagabong Alliance -'
Sa hindi malamang dahilan ay napukaw nang balitang iyon ang atensyon ko. Saglit akong natigilan lalo na nang marinig ko ang nabanggit na pangalan nang grupo. Naramdaman ko ang unti-unting pagkirot nang puso ko sa hindi malamang dahilan. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa TV.
'Layunin ng alyansang ito na palayasin ang mga Espanyol sa bansang pag-aari nila. Pinapalooban ito nang halos isang daang myembro. May mga Tsinoy na kasapi ang samahan at karamihan ay mga Filipino na nilapastangan ng mga Espanyol. Muntik-muntikan na nilang maisakatuparan ang kanilang nais subalit natalo pa rin sila ng mga Espanyol. Walang sino man ang nakaaalam kung sino ang pinuno ng alyansang nabanggit. Sa kadahilanang lahat ng opisyales na nakakaalam ng totoong katauhan ng pinuno ng alyansang iyon ay pinatay tatlong buwan ang nakakaraan mula sa pagkatalo. Hindi man nila naisakatuparan ang layunin ay binuhay nila ang damdamin ng mga Pilipino. Ito po si Tino Carpio, magandang araw'
Ang balitang iyon ay nagbigay kilabot sa akin. Ang weird lang kasi ito ang unang beses na nagkaroon ako nang pake sa history ng Pilipinas. Hindi mawala ang kaba ko na para bang kunting kabog na lang ay sasabog na iyon ng bonggang-bongga. Huminga na lang ako nang malalim tsaka nag-desisyon na patayin na lang ang TV. Nababagot lang siguro ako kaya't kung ano-ano na lang ang iniisip.

Komento sa Aklat (57)

  • avatar
    Fhem De Castro

    Ayie this is a story for all ages. a history lesson in contemporary love romance. Beautiful, strong. I love how the plotline and the resolution go. it was so kilig and romantic.🥰🥰🥰Good job author💯💜💚

    29/05/2022

      1
  • avatar
    CastañedaGirly

    ganda sobra ❤❤❤

    12d

      0
  • avatar
    Paculanangjen

    must read . good novel

    24d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata