logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

C3: New Humble Abode

Kyoro POV
"YOU'RE JUST afraid in the darkness," the doctor said to me.
"No, I'm not." I shook my head.
"Well, as I see you are strong boy."
Nakahiga ako sa bed, ang ama ko naman ay kinakausap ang doctor. Binilhan ako ng nga laruan ng aking ama at ang nga nurse ay palagi akong kinakausap. Ngunit hindi ko matiyak ang dapat sabihin, mas minabuti ko na lamang manood sa Nickelodeon kaysa pansinin sila.
May nakita din akong ibang bata sa labas ng aking kwarto, ang batang babae na nakasakay sa wheel chair na kasing buhok ni Fia. Mahaba at kulot din ito. Dalawang nurse ang nakabantay sa kaniya, kasama ang kaniyang. Bumaba ako sa aking higaan at sinundan sila.
Napaisip ako sa mga aparatus sa kaniyang mukha at katawan ng batang babae. Hindi ito masyadong nagalaw, ni makipag-usap ay hindi siya kumikibo.
"Hi, kumusta ka?" tanong ko sa kaniya nang mag-isa lamang ito sa kaniya kwarto. Tinitigan lamang ako nito at pumikit-pikit ang kaniyang singkita na mata.
"Ni hao ma..." she whispered. Pangangamusta niya din pabalik.
"You speak mandarin... Konti lang alam ko doon. Yi Er Sa Liu Si Wu Liu," pagbibilang ko muna isa hanggang anim. Napangiti naman ito.
"Bakit nandito ka, bata?" Nag-aalalang sambit ng nurse ko at inalalayan.
"Zaijian!" pamamaalam ko bago makalabas ng pinto.
"Papagalitan ako ng papa mo niyan. Ikaw talaga Kyoro..." sermon nito ngunit sa malambing na paraan.
Kinabukasan ay doon palang ako ilalabas ni papa. Tatlong araw akong naroroon sa hospital kahit wala naman akong sakit. Binihisan ako ng nurse at isinakay ako sa wheel chair. Bigla namang may sumigaw sa kwartong pinasukan ko, sa kwarto ng batang babae.
"Time of Death; 7:00 am. Liana Alonza," the doctor said. I sighed after I heard it. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman kong mabigat sa aking kalooban. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko simula ng mawala si Fia.
Inalalayan ako ng papa ko na makasakay sa front seat ng sasakyan. In the midst of serenity my father asked me.
"What is the color of heaven?"
"Azzurro," I said means light blue. "In the azure sky, I see Fia, Dad."
"Anak, ipapasyal muna kita sa Solana," pagbanggit nito sa lugar na ngayon ko palang narinig. I saw the tall gate from a far. The wide view, parang naninibago muli akong lumabas. Masyado akong natakot sa pagkulong sakin ni mama sa cabinet na halos na kalimuntan ko na na ganito pala kalawak ang mundong ginagalawan ko.
Dumaan si papa sa Drive-thru upang bumili muna nang makakain namin sa byahe. Hindi ko inaasahang ipapasyal niya ko agad. Ilang buwan na din kaming hindi namamasyal. Ang pakiramdam na hindi ko matukoy ay ang pagiging kulang sa byahe namin. Wala na nga pala si Fia kaya hindi nagiging masaya ang byahe.
St. Louis Beltran Parish Church. Sa simabahan ako dinala ng aking ama dahil sunday ngayon ay magsisimba kami nang hindi kompleto. Ang misa ay hindi ko mawari ang dayalekto nila kaya itinanong ko ito sa aking ama.
"Gumagamit sila sa misa ng tagalog, english, at ilocano, anak."
Solano Children's Park naman ang pinuntahan namin. Madami akong nakilalang bata na nakipaghabulan pa. Ang ama ko ay dala ang kaniyang camera at kinukuhanan ang paligid. Madami namang stall, hinihila ko na ang akong ama para bumili ng mga pagkain na ngayon ko palang nakita. Sumunod na aming pinuntahan ang Heroes' Park. Madaming tao ang naglalakad kasabay namin. Ang bawat nakikita kong bayani ay hindi ko kilala at isa-isa yon pinakilala sa akin ng aking ama.
Bago sumapit ang gabi ay muli kaming nagbyahe. Kahit na nakapamasyal kami ay alintana ko ang pagiging kulang. "Papa, can we go back in the time we want?"
"Why, Kyoro?"
I staring at him. "Because, I want to hug my sister. Kahit sobrang kulit niya pa, nami-miss ko na siya."
"We can't bring back the time kahit anong gawin natin, anak. Kapag tapos na, natapos na."
Aking ipinikit ang mata ko. Pagkagising ko ay saktong umaga na. "Hindi pa pala tayo nakakauwi, papa?" takang usisa ko sa paligid kung saan ay puro damo ang nakikita ko.
Si papa naman ay nakatutulaka lamang at hindi kumikibo. "Uuwi na tayo, Kyoro. Tandaan mo na balang araw maiintindihan mo ang desisyon na gagawin ko."
"Bakit ho?"
"Anak, maging matatag ka sa buhay. Alam kong malakas kang bata. Kung darating man ang araw na muli tayong magtagpo, tatanggapin ko ang magiging galit mo sa'kin," mahabang lintanya niya.
"Hindi kita maintindihan, Papa. Ikaw ba papa ko... Bakit ganiyan ka magsalita papa?" Wala akong nakuhang sagot. "Papa, umuwi na tayo, bilhan natin si mama ng pasalubong para maging masaya siya."
Ang pagpatak sa luha ng aking ama. Nababahala ako sa mga sinambit niya na hindi ko malaman kung ano ang nais niyang gawin. Kami ay dumaan sa Asian Highway 26 kung saan ay may naalala akong lugar na pinanood namin ni Fia noon
"Papa, gusto ko pumunta din tayo sa Great Wall of China."
"Sige, anak."
Ngunit ang sagot niya ay malayo sa napuntahan naming detinasyon. 'Orphanage' ang nakita ko. Kaniyang pinarada ang sasakyan. Kinarga ako palabas sa kotse. Niyakap ko ng mahigpit ang ama ko... Akala ko noon ay masama ang panonood ng mga palabas sa television tulad ng sabi ni lolo Ignacio ngunit sa napanood ko ay iniiwan ang mga bata sa ganitong building.
Pinaupo muna ako sa lounge ni papa at kumuha ng tubig sa water despenser.
Wala na'kong salitang naibulalas pa. Hinayaan ko ang aking ama sa kaniyang desisyon na iwanan ako dito. Pinanood ko lamang siya kung paano niya gamitin ang mga salita na hindi totoo. Na hindi niya ko anak at napulot lamang. Masyado siyang nagmamadali, mga dahilan na hindi kapani-paniwala. Na-obserbahan ko ang kilos niya na hindi naman kataka-taka... At alam kong wala siyang kausap sa kabilang linya kung sa kalimang ganom nga iyon, kahit na wala akong pinagbabasehan. Sa huling nasilayan ko ay nag-abot ito ng sobreng puti atsaka na umalis ang ama ko.
"Anong pangalan mo bata?" maangas na tanong ng batang lalaki.
"Terminus..."
"Cleìvvriou Ashton nga pala, welcome to your new humble abode." Nakipag-kamayan ito ng pilit kahit ayokong ibigay ang kamay ko.
Inasikaso naman ako ng isang madre. Pagkabukas sa isang silid ay puro mga batang lalaki ang nakita ko. Ang iba roon ay hindi ko na ka-edaran. Apat na double deck bed ang nakita ko. Nang umalis ang madre...
"Welcome, pang-walong kasama namin. Kompleto na tayo sa silid na ito," sabi ng pinakamatangkad sa lahat. "Ilang taon kana bata?"
"Seven."
"Ako nga pala si Dayes Valley. Huwag kang matakot, hindi kami nanakit." He tapped my back.
"Simula ngayon ay kapatid ka na namin, Terminus," sabi ni Cleìvvriou.
"Anong klaseng pangalan yon?" tanong nung nasa itaas ng kama.
"You can call me Kyoro..."

Komento sa Aklat (60)

  • avatar
    AncayaLeah

    gandaaaaaa

    15d

      0
  • avatar
    Queenie Marie

    greatt

    31/07

      0
  • avatar
    AyeshaAkiko Meñoza

    it's sad

    29/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata