logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

HARIETH ZARIE FEDENCIO
Sa halip na alas tres kami ng hapon umalis, naging alas-dose. Sa buong biyahe ay tahimik lamang kami. Nakayuko ako habang panaka-nakang sumusulyap kay Ryker. Madilim ang mukha niya at nagtatangis ang mga bagang. Panay ang paghagod at paggulo niya sa buhok, animo'y problemadong problemado siya. Naririnig ko rin ang mga mahihina niyang pagdaing at pagmumura. Napabuntong-hininga na lamang ako.
Makalipas ang ilang oras ay nakarating na kami sa iskinita papunta sa bahay namin. Bumaba ako ng kotse at inantay siyang bumaba. Nag-init ang magkabilaang gilid ng mga mata ko nang hindi siya bumaba, sa halip ay pinaandar niya ng mabilis ang kotse paalis. Bahagya akong tumingala sa araw na papalubog at kumurap-kurap. Patakbo akong pumasok sa bahay.
Ayoko nitong nararamdaman ko. mabigat, mabigat sa dibdib.
Nang makarating ako sa kwarto padapa akong bumagsak sa kama. Humagulgol ako ng iyak sa sobrang sama ng nararamdaman ko.
Galit ba siya sa akin? Sabi niya, bibilhan niya ako ng bagong cellphone. Not that gusto ko talagang tanggapin. Nagsawa na ba siya sa akin dahil nakuha niya na ako? Napag-isip isip niya bang masyado akong bata para sa kanya? Hindi ko na ba siya makikita ulit? Ipagpapalit niya na ba ako sa iba?
Sa kaisipang iyon, lalo akong napaiyak. Maraming bagay ang pumapasok sa utak ko.
Isipin ko palang na magkakaroon na siya kaagad ng ibang babae ay bumibigat na ang pakiramdam ko. Parang may pumipiga sa puso ko. Sa kaisipang hindi ko na siya makikita at ipagpapalit niya na ako sa iba, nawawarak na ang puso ko.
Oo nga at kakakilala ko pa lamang sa kanya pero bakit ganoon ang pakiramdam ko? Sumasama ang loob, hindi ko pa man siya lubos na kilala pero nahulog na ako kaagad sa kanya.
TANGHALI na nang magising ako. Mabuti na lamang at hindi ako kinatok o ginising ni kuya Kenie kagabi. Hindi ko alam ang ipapaliwanang sa kanya kung sakaling makita niya ang mugto kong mga mata. Napagbuntong hininga na lang ako. Panay rin ang silip ko sa cellphone dahil baka tumawag si Ryker, pero wala, ni blanko ay wala.
Kung puntahan ko kaya siya at magsorry? Pero wala naman akong ginawang masama sa kanya. At saan ko naman siya hahanapin? Ni hindi ko nga alam ang bahay nila. Nakakahiya naman magtanong kay Mayor Ariel.
Napatingin ako sa pintuan nang marinig ang malakas na mga katok.
Sino naman iyon? Si Ryker ba iyon?
Napaawang ang labi ko at nagalak ang puso sa kaisipang si Ryker ang kumakatok. Nakangiti kong binuksan ang pintuan pero agad ding napauwi nang makita ang dalawang lalaki na malalaki ang katawan, para silang mga bouncer sa bar, sa gitna nila ay isang babaeng mataba.
"A-ano pong kailangan niyo?"
"Nandyan ba si Kenie Fedencio?"
"Wala po... an-" Napaawang ang labi ko nang biglaan silang umalis. Tinatawag ko sila pero ang bilis ng mga lakad nila.
Pumasok ako sa kwarto at nagbihis dahil nabasa ang suot ko kanina habang kumakain. Malapit ang bungad ng kalsada dito sa amin kaya madali akong nakapunta. Natanaw ko pa ang mga lalaking kumatok sa pintuan kanina. Nagsipasok sila sa isang van na mahaba. Nang makapasok ang mga kasama, mabilis na pinaharurot ang sasakyan.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Bakit hinahanap nila ang kuya ko? Bakit ang dami nila?
Napakuyom ako ng kamay at namuo ang mga luha ko.
Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kuya ko. Pilit kong tinatawagan si kuya kenie pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kaya lalo akong nag-alala sa kanya.
Patuloy kong pinupusan ang mga luha sa pisngi ko pero parang walang nangyayari dahil sa patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Sobra talaga akong natatakot. Hindi ko kakayanin kung pati si kuya ay iiwan ako.
"Zarie!"
Napaangat ako ng tingin nang tawagin at harangan ni Aleng Merdie ang daraanan ko.
"Zarie, bakit hinahanap ng mga Police ang kuya mo?"
Nagulat ako sa tanong niya. Police?
"Po? Police?"
"Oo, di ba Police ang mga iyon? Di ba sila iyon? Kapag may mga raid, nagpupunta ang mga Police na iyan dito. Eh!"
"H-hindi ko po alam..."
"Naku! May kaso ba ang kuya mo? Nagdadrugs na rin ba? Naparewala na ba?"
Napamaang ako. "Hindi po totoo iyan! Mabait po ang kuya ko at hindi siya nagdadrugs." Nainis ako sa akusa ni Aleng Merdie. Hindi magagawa ng kuya ko iyon.
Napakamot ito sa ulo. "Eh, bakit siya hinahanap? Di ba ang mga Police sa mga drugs iyan?"
Hindi ako makasagot dahil wala naman akong alam pero isa lang ang nasisigurado ko, walang ginawang kasalanan ang kuya ko. Mali ang paratang ni Aling Merdie. Mabuting tao ang kuya ko.
"Aling Merdie, walang ginagawang masama ang kuya ko. Nagtatrabaho siya ng marangal. Kilalang kilala ko po siya at hindi gagawa ng masamang bagay ang kuya ko kung alam niyang ikakapahamak niya ito o ikakapahamak ko."
Nagtatangis ang mga ngipin ko at magkasalubong ang kilay na nilayasan si Aleng Merdie. May gusto pa sana siyang sabihin pero hindi ko siya pinakinggan, sa halip ay nagtakip ako ng dalawang tenga at umalis sa harapan niya.
Hindi gagawa ng masama ang kuya ko!
KINAKABAHAN ako pero kailangan ko itong gawin. Dahil na rin sa sinabi ni Aling Merdie, napagdesisyunan kong pumunta sa Hall of Justice. Aalamin ko kung may kaso nga ba ang kuya ko.
Nagulat at nanlaki ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko itong kinuha pero nang makitang unknown number ay hindi ko ito sinagot. Muling nagring ito pero hindi ko sinagot. Kinakabahan ako baka kung sino ito. Muli itong tumunog kaya sinet ko na lang ang setting ng silent.
Laking tuwa ko nang malaman sa Judge na wala naman daw na kaso ang kuya ko. Baka daw mis identity ang nangyari pero kahit pa ganon ay humingi na ako ng certificate, katunayan na wala talaga siyang kaso at pumunta na rin ako sa police Quarter's para magreport ng incident. Nang makarating ako sa kampo ng mga police, muling tumunog ang cellphone ko. Akala ko unknown number pa rin pero nang makitang si kuya Kenie ang tumatawag mabilis ko itong sinagot.
"Kuya!"
"Bunso, ok ka lang ba d'yan?"
"Opo kuya, nabasa mo ba ang text ko?"
"Oo, bunso baka di ako makauwi d'yan."
"Oo kuya, h'wag ka munang umuwi, natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa iyo."
"Ako din naman natatakot, pero di para sa sarili ko kundi sa iyo. Kukunin kita d'yan sa makalawa, lilipat tayo,"
"Sige po... nandito pala ako sa police Quarter's para magreport, nakakuha na kasi ako ng ceritificate mo."
"Sige, salamat bunso."
Kinakabahan ako dahil parang iba ang boses ni kuya ngayon, masyadong mababa.
"Kuya?"
"B-bunso?" Nangilid ang mga luha ko nang pumiyok ito at humagulgol ng iyak, kaya hindi ko rin maiwasan na umiyak. Natatakot na talaga ako. "Bunso.. tumawag si attourney sa akin. Ang kaso sa lupa na inakyat ko na sa korte noong nakaraan, dinismiss ng judge..."
Napabuka ang bibig ko. Biglang nanuyo ang lalamunan ko. "B-bakit daw kuya?"
Naririnig ko pa ang pagpupungas-pungas ni kuya, pumiyok itong nagsalita. "H-hindi ko alam... pati ang abogado na kinuha ko, umantras na."
"Kuya, umalis na lang tayo dito. Ayoko na dito..."
"Oo Zarie, aalis tayo dito,"
Nagpaalam na si kuya dahil aasikasuhin niya daw ang pagreresign sa trabaho niya para makalipat na kami. Pumayag ako kasi baka matunton nila ang kuya ko sa pinagtatrabahuhan niya.
Nang makapasok sa gusali ng mga police. Pinaupo muna ako sa waiting area. Habang nag-aantay, naglilibot-libot ang mga mata ko sa paligid. Hanggang sa may isang lalaking nakauniporme na pangpolice akong nakita. Naglalakad siya papunta sa direksyon ko at malaki ang ngiti nito. Napakunot ang noo ko dahil akala ko sa likuran ko ito ngumingiti at kumakaway pero nang makita kong wala namang tao at ako lamang, lalong nagsalubong ang kilay ko.
"Hello!"
Napamaang ako ng makalapit na siya sa akin.
"Si Ryker ba ang hanap mo?"
"Ryker?" Pagtataka kong tanong. Sinong Ryker? Isang Ryker lang naman ang kilala ko. Nanlaki ang mga mata ko ng may mapagtanto. "S-si R-ryker Police?" Hindi ko alam, tanging pangalan lang naman ang alam ko sa lalaki. Napakagat ako ng labi dahil sa pakiramdam ko ang tanga-tanga ko na sumama kay Ryker, samantalang wala akong alam ni isa sa kanya, bukod sa pangalan.
Kung malaki na ang mga mata ko, mas lalong malaki na ang mga mata nang lalaking kaharap ko.
"H-hindi mo alam? Hindi niya sinabi s-sa iyo kung anong trabaho niya?"
Umiling-iling ako. Namawis ang nuo nito na siyang ikinasalubong ng kilay ko. Para itong problemadong problemado, may mga binubulong pa ito na hindi ko marinig. Ngumiwi ito at napaiwas ng tingin.
"A-ano, mauna na ako bye,"
Mabilis itong umantras. Balak ko sanang tanungin ito kung nasaan si Ryker pero hindi ko naman alam kung paano ko tatawagin ang lalaking iyon. Nagmamadali itong maglakad. Narinig ko pa siyang kinakausap ang sarili. Ni hindi ko man lang pati na tanong kung anong pangalan niya at kung paano niya ako nakilala.
"Shit! Lagot ako nito. Ang daldal ko kasi eh! Baka matuluyan na akong maputulan ng dila ni Ryker."

Komento sa Aklat (18)

  • avatar
    LebrillaReshyl

    kailan updatd ng mga ibang books muh author cong

    23/07

      0
  • avatar
    Iglecia Dante

    so nice

    08/06

      0
  • avatar
    DiputadoAnna Fay

    nice story po😇

    07/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata