logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Facade

Facade

Eshyriza


New World

LIFE is hard. It is difficult. You will fall, you will fail, and honestly, I don't know how to get up and continue living. I always ask, why I am still in the world? What is my purpose here that I am still alive?
I can no longer remember when was the last time I smiled and laughed. I no longer know what it feels like to be happy.
I climbed into my bed and sighed — Feeling so empty.
I just came home from my part time job. Tomorrow is saturday. Maybe for other people weekends are days to relax and be with the family. But for me, tomorrow seems like just a normal day too. To work for a living. To survive.
I wonder what it feels like to have a parent beside you. If I only had a parent, life would not be so difficult for me.
Sighing, I lay down on the bed and closed my eyes to escape reality. Tomorrow is another day.
"HOY! Callistee! Lumabas ka r'yan!" Because of the loud knock and loud shout, I woke up.
Umagang umaga ay muli na naman akong napabuntong hininga at napahawak sa sentido ko. Problema ang bumungad sa umaga kong 'to.
"Lumabas ka r'yan! Mag bayad ka na ng renta mo rito sa bahay!"
Wala akong choice kundi ang harapin ang may-ari ng tinutuluyan kong bahay. Nang buksan ko ang pinto ng bahay ay bumungad sa akin si Aling Marta. Mataray ang mukha nito. Nakataas ang isang kilay na halatang naka eyebrow at naka pulang lipstick.
"Aling Marta."
"Buhay ka pa pala! Nakalimutan mo na yatang mag bayad ng renta!"
"Magbabayad naman po ako—" Pinutol niya ang iba ko pang sasabihin.
"Kailan aber?! Kung ngayon, ay sasayahan pa 'ko sa 'yo. Pero kung ang sasabihin mo na naman ay sa susunod ay hindi na pwede! Sa susunod ka nalang nang sa susunod!" Napapikit ako sa malakas na sigaw nito sa harap ko.
"Hindi niyo po kailangan sumigaw—" Pinagtitinginan na kami ng mga kapitbahay.
"Wala kang pakialam! Kung gusto kong sumigaw ay gugustuhin ko!"
"Intindihin niyo po sana ak—"
"Intindihin mo rin ako, Callistee, kung ganoon! Nagtataguyod lang ako para may makain!"
I sighed once again. I understand her. I totally understand her. She's only doing this because it is necessary. Because it's her job. To live. To survive like me. Kung may labis mang makakaintindi sa kaniya ay ako 'yon.
Tumango ako kay Aling Marta na siyang kaharap ko. "Magbabayad po ako mamaya. Panghawakan niyo po ang sinabi kong 'to. Mamaya ay talagang magbabayad na po ako. Bigyan niyo lang po ako ng kaonting oras."
Bahagya nang kumalma ang mukha at pag hinga ni Aling Marta na siyang kanina pa sumisigaw.
"Babalikan kita mamaya para sa bayad mo dahil kung hindi ay mag impake ka na, Callistee."
Walang imik na tumango lang ako at sinirado ang pinto nang makaalis na ito sa harap ng pintuan ng bahay.
Parang walang buhay na napaupo ako sa upuan na gawa sa kahoy at napatulala na lang sa kawalan. Iniisip ang iba pang babayarin. Iniisip kung may pera pa ba ako? Kaya ko pa ba?
Kumilos na ako at nag handa. Pagkatapos kumain ay lumabas na ako ng bahay, suot suot ang aking uniporme sa trabaho. Bago pumasok sa trabaho ko sa coffee shop ay nag bayad muna ako ng renta sa bahay para kahit papaano ay wala na akong iisipin pa.
TAGAKTAK ang mga pawis na pinupunasan ko ang table rito sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Patapos na ang oras ng trabaho ko rito at halos mag gabi na.
Binitawan ko muna saglit ang pampunas sa kamay ko nang tumunog ang keypad phone sa bulsa ko. Napababa ako ng tingin doon bago nagtatakang kinuha ang keypad phone ko sa bulsa.
May text message ito kaya binuksan ko iyon at binasa. Bumuntong hininga ako saka binaba ang keypad phone ko pagkatapos. Nanghihinang umupo ako sa upuan sa tabi ng pinupunasan kong lamesa. Ang siko ay nakasandal sa ibabaw ng lamesa habang ang palad ay nasa noo ko.
"Callistee, kumilos ka na r'yan. Baka mapagalitan ka pag nakita ka ni Boss." Nag angat ako ng tingin kay Annie — Katrabaho ko. Tumango ako sa kaniya at tumayo na para bumalik sa pagpupunas.
"Namumutla ka." Nasa akin parin ang paningin nito, nakakunot ang noo.
Nagpapasalamat akong lumabas si Boss sa loob at hindi ko na kailangan pang sagutin si Annie sa sinabi nito. Bumalik na ako sa trabaho at lalo na siya.
The text message I received earlier came from my school. I need to pay my tuition fee and I still have requirements to pass.
When will this all end?
Minsan ay naiinggit ako sa iba na walang ibang iniisip. Masayang kasama ang pamilya, at nakakapag gala kasama ang mga kaibigan nila. Nabibili rin nila ang mga gusto nila ng hindi namomroblema.
Pero sa hirap ng buhay ngayon, hindi ko pwedeng unahin ang mga bagay na gusto ko lang dahil may mas importante akong mga kailangan na dapat bilhin at kailangan pag gamitan ng pera.
Kaya mas mabuting unahin ko ang mga kailangan ko kesa sa mga gusto ko.
SINANDAL ko ang mga palad ko sa buhangin sa may likuran ko at pinanood ang unti unting pagbaba ng araw at ang pag angat ng buwan. Rinig na rinig ko ang tunog ng alon mula sa dagat. Ang liwanag na nagmumula sa buwan ay nag re-reflect sa dagat. Naririnig ko naman ang tinig ng mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.
Napakalaya nila. Parang wala silang problema na iniisip habang malayang lumilipad sa himpapawid, katulad ng alon.
Hindi katulad ko, sunod sunod na problema ang dumadating. Hindi na naubos. Para akong nakakulong. Para akong nabubuhay na walang buhay.
I'm tired. . .
Parang walang malay na tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa buhangin at humakbang papalapit sa dagat. Unti unti ako nitong nilulunod. Mula sa talampakan ko, ngayon ay nasa leeg ko na ang tubig ng dagat.
I closed my eyes and a single tear fell from my eyes. I am slowly drowning. . .
Dinilat ko ang aking mga mata, I can't breath anymore. Nasa ilalim na ako ng dagat, paunti unti akong bumababa sa ilalim pa nito.
Bigla ay nakaramdam ako ng takot. Takot sa kamatayan. Ayoko na mabuhay pero nakakatakot ang mamatay. Ano nang mangyayari sa akin?
Tinaas ko ang kanang kamay ko paitaas. Nakikita ko pa ang liwanag na binibigay ng buwan sa ibabaw ng dagat.
"Hmmm!"
Ginalaw ko ang aking mga paa para maiangat ang aking sarili paitaas. Para makakuha ako ng hangin at makahinga.
Pero hindi ko maintindihan — Anong nangyayari?!
Napakadilim na ng parte na ito ng dagat at unti unti nang nanlalabo ang mga mata ko.
Parang may humihila sa akin pababa. Bigla ay naramdaman kong umikot ang tubig dito sa ilalim ng dagat. Kasabay ng panlalabo ng mata ko ay para akong nahihilo.
Anong nangyayari. . .
Umiikot na ang katawan ko kasabay ng tubig. Para ako nitong hinihigop. Nananaginip ba ako? Gusto kong kumawala. Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong. Pero hindi ko magawa. . .
Unti unti na akong bumibigay. Unti unti na akong nanghihina at napapikit na lamang hanggang sa kinain na ako ng kadiliman.
But before I lost consciousness, a scene entered my mind and I could hear a voice calling me.
Gusto ko pang mabuhay. . . Tulong. . .
UMUBO ubo ako kasabay ng pag labas ng tubig dagat sa bibig ko. Nanlalabo pa rin ang paningin ko. Dahan dahan akong umupo.
Nasaan ako?
Ginala ko ang aking paningin. Nasa tabing dagat ako ngayon. Ang mga alon ay sumasampal sa paa at tyan ko.
Buhay ako?
Umaga na. Napaka sigla ng mga ibon na ngayon ay walang sawang lumilipad kasabay ng hangin at pag sayaw ng masisiglang tanim. Napakagandang tanawin.
Pero. . . Nasa'n ako?!
Hindi ito ang pinuntahan ko kagabi! Walang mga tanim ang nakapalibot sa dagat na siyang pinuntahan ko kagabi pero ang dagat na nasa harap ko ngayon ay pinapalibutan ng mga tanim, puno at bulaklak.
Anong. . . lugar 'to?
I thought I was already dead, but when I opened my eyes. . . A new world welcomed me.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Chell Masbang

    500

    26d

      0
  • avatar
    John Lloyd Peleno

    happy

    26/07

      0
  • avatar
    ValderamaJerome valderama

    jerome

    09/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata