logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Ikalawang Kabanata

"Napaka-ingay mo," wika ng babae kaya nainis na naman ang Prinsipe.
"Nagrereklamo ka pa? Ikaw nga itong binato ako ng---mm!" Bago pa matapos ang kanyang sasabihin ay sinaksak na nito ng saging ang kanyang bibig.
"Matatamis ang mga prutas sa gubat na ito."
"Oo nga," sagot ng Prinsipe habang nginunguya ang saging ng matigilan siya. Agad niyang iniluwa ang saging at masamang tumitig sa babae.
"Sino kaba para--" hindi siya nito pinatapos ng sasabihin.
"Ako si Lili!"
Napabuga ng hangin ang Prinsipe. "Hindi ko tinanong ang pangalan mo."
Ngumiti si Lili, "Edi ako na lamang ang magtatanong sayo." Tumitig ito sa mga mata niya ng ilang segundo bago nagsalita ulit. "Anong pangalan mo?"
Natigilan ang Mahal na Prinsipe. Ngayon lang may babaeng nagkaroon ng lakas ng loob para titigan siya mata sa mata. Isang kasalanan at kawalan ng respeto ang tumingin sa mata ng sinumang nakatataas. Ngunit nakapagtatakang wala siyang lakas para tusukin ang mga ito at natagalan rin niyang salubungin ito.
"Bakit ko sayo sasabihin?" Supladong tanong nito.
"Eh anong itatawag ko sayo kung hindi mo sakin sasabihin?"
Natigilan siya. Walang sino man ang pwedeng makilala siya at makausap siya ng ganito. At kahit ilang beses pa nito tanungin kung anong pangalan niya ay hindi pwede. Kahit sabihin niya ay hindi pwedeng tawagin siya sa pangalan mismo.
Inilahad ni Lili ang maraming prutas na kanyang pinitas. "Kumain ako kanina bago pumunta dito. Sayo nalang ang sobra, busog na ako."
Nagtatakang tinignan ito ng Prinsipe. Napakainosente lang ng reaksyon ni Lili.
"Tagarito ka rin ba sa bayan?"
Hindi kumibo ang Prinsipe.
"Sa susunod na linggo na ang kaarawan ni Ama. May salo-salong magaganap, pumunta ka." Nakangiting ani ng dalaga. Umalis na ito ng makarinig ng ilang yapak at boses.
Natitigilang napatingin ang Prinsipe sa prutas na nasa mga braso niya na. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa papalayong si Lili.
"Mangmang ba siya? Paano niya nagagawang mag imbita sa taong hindi niya naman kilala?" Hindi makapaniwalang napatitig dito ang Prinsipe. "O baka iniisip niyang patay gutom na talaga ako?"
Habang naghihintay si Master Ken sa paglabas ng Prinsipe mula sa gubat ay hindi niya maiwasan mag-alala. Baka mapaano ito sa loob.
Nang makarinig siya ng kaliskis ay agad siyang napalingon. Nangunot ang noo niya ng makita ang Prinsipe na may yakap yakap na mga prutas.
"Titingin ka lang ba diyan? Ikaw ang magdala nito."
Agad tinulungan ni Master Ken ang Prinsipe saka nagtatakang napatingin dito.
"Saan ito galing?"
"Saan satingin mo?" Pabalang na tanong ng Prinsipe habang kumakain ng mansanas.
"Ang ibig kong sabihin, paano kayo nagkaroon nito? Umakyat po ba kayo?" Nag aalalang tanong ni Master Ken.
Nagtuloy tuloy lang sa paglalakad ang Prinsipe. "Bigay yan sakin."
"Sino po ang nagbigay, kamahalan?"
Agad naalala ng Prinsipe ang mukha ng nakangiting dalaga. "Galing siya sa langit."
Natigilan si Master Ken. Nangunot ang noo nito sa isinagot ng Prinsipe. Hindi niya nakuha ang nais nitong iparating.
Nang maramdaman ng Prinsipe ang nagtatakang tingin ni Master Ken ay tumigil ito sa paglalakad at hinarap ito.
"Isa siyang....
....unggoy."
Natigilan si Master Ken.
Tumingala ito sa langit at blangkong tinignan ang kalangitan.
"May unggoy sa langit?"
Napailing na lamang si Master Ken sa naisip at sumunod sa Mahal na Prinsipe.
Sa kabilang banda naman ay nakasama na ni Lili ang kanyang mga kaibigan ng may nagtatakang tingin.
"Lili, sino yung lalaking kausap mo kanina?" Tanong ni Aboy.
"Napakagandang lalaki niya," dagdag naman ni Mara.
"Nakita niyo?"
"Oo, kanina ka pa sinisilip ng mga iyan." Aning Cris.
"Hindi ko siya kilala," sagot ni Lili kaya nagkatinginan ang magkakaibigan.
"Oo nga pala, sa susunod na araw na ang kaarawan ni Ministro Roque. May naisip na ba kayong handog para sakanya?"
"Makikikain nalang ako," sagot ni Ton kaya binatukan siya ni Cris.
"Diyan ka magaling eh,"
"Biro lang, ito naman oh."
"Ako, wala pa akong naisip." Aning Aboy.
Umakyat ang makakaibigan sa puno ng narra. Mayroon silang munting kubo sa ibabaw na lagi nilang tinatambayan.
"Ano bang gagawin natin ngayon?" Tanong ni Mara.
"Napag usapan nating magkita-kita pero hindi natin alam ang gagawin." Aning Ton.
"Mag usap nalang tayo,"
"Tungkol saan?" Tanong ni Lili.
"Saan paba, edi tungkol sayo."
Hinarap siya ng kanyang mga kaibigan.
"Hindi ba't napag-usapan na natin yun kagabi?"
"Turuan mo nalang kami ng wikang Ingles."
"Tanungin niyo ako,"
"Ano ang Ingles ng maganda?" Tanong ni Mara.
"Beautiful."
"Byutipol?"
"Ano kaba, ayusin mo ang pagbigkas. Ulit, beautiful.."
"Beau...tipol."
"Beautiful."
"Beautiful!"
"Ayan, tama yan."
"Ibig sabihin, ako ay beautiful?"
Ngumiti si Lili, "sobra."
Tatango-tango si Ton sa narinig. Kahit papano ay may bagong salita siyang natutunan. Ano kaya ang magiging reaksyon ng babaeng nagugustuhan niya pag sinabihan niya ito. Baka humanga ito sakanya dahil may alam siyang wikang Ingles.
"Ano naman ang kumusta kana?" Tanong naman ni Aboy.
"Ganito, how are you?"
"How are yow?"
"Hindi, wag mong gawing yow sa huli. You lang, how are you?"
"Sige sige, how are you?"
"Tama!"
"Oh diba, isang beses lang ako nagkamali?" Anito kay Mara.
"Kahit na, nagkamali ka parin."
Inakbayan ni Aboy ang tahimik na si Ton, "Wala ka bang itatanong?"
"Syempre meron," napalunok si Ton, "Ano ang Ingles ng... Gusto kita?"
Nagtawanan ang magkakaibigan kaya sumimangot si Ton.
"I like you." Sagot ni Lili kaya napangiti si Ton. "Siguro, sasabihan mo siya ng I like you, ano?"
Nahihiyang tumango si Ton ng batukan siya ni Aboy. "Naku naman, ikaw ha may nalalaman ka ng ganyan."
"Mararanasan mo rin itong nararamdaman ko, taga mo yan sa bato."
"Sino ba kasi yang babaeng nagugustuhan mo? Pwede ka naming tulungan." Aning Mara.
"Huwag na, madamay pa kayo." Pabuntong hiningang sagot ni Ton.
"Pwede rin ba akong magtanong?"
Natigilan ang lahat ng magsita si Cris.
"Ano naman iyon?" Aning Lili.
"Anong Ingles ng Mahal kita?"
Nagkatinginan ang magkakaibigan.
"I love you." Sagot ni Lili.
Tumango tango si Cris, "I love you." Yumuko si Cris. "Napakagandang pakinggan."
Napalunok si Lili, "Mahal mo parin ba siya?"
Natigilan si Cris at sinalubong ang tingin ni Lili. "Ano naman kung oo?" Seryoso itong tinitigan si Lili, "Ikaw, mahal mo parin ba siya?"
Nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawa.
Nagkatinginan si Mara, Ton at Aboy. Tinging dapat pigilan na ang dalawa.
"Hayyy, ang init ng panahon. Magluto kaya tayo ng ginataan?"
Binatukan na naman ni Aboy si Ton, "Mainit na nga ang panahon, magluluto pa ng ginataan."
"Gusto ko ng magpahinga," nakangiting ani ni Lili at bumaba ng puno.
Hinabol siya ni Ton, "Ayos ka lang? Grabe yung tensyon kanina."
Tumigil sa paglalakad si Lili, "Sa loob ng apat na taon, nagawa bang mag usap ni Cris at ni Marco?"
Napakamot ng batok si Ton, "Hindi."
"Bakit?"
"Ewan ko. Minsan lang namin makita si Marco at pag nangyayari yun, hanggang tingin lang si Cris."
"Nasaan ba kasi ngayon si Marco?"
"Nagtratrabaho siya sa palasyo."
"Teka saan ka pupunta?"
"Kakausapin ko si Ama."
Lakad takbo ang ginawa ni Lili para makauwi ng bahay. Maraming bumabati sakanya at sinusuklian niya naman ito ng ngiti at kaway.
Pagkarating nito sa bahay ay naabutan niya ang Ama na kausap ang kapwa Ministro. Dahil naantig ang kanyang interes ay pinakinggan niya ang pag uusap nito.
"Nangangailangan ng bagong doktor ang palasyo."
"Baka bagong doktor para sa Prinsipe."
"Oo nga, may sakit ang Prinsipe pero halos lahat ng doktor ay pilit niyang pinapaalis. Wala na akong mahanap na batikang doktor maliban kay Doktor Gallo."
"Pasaway ang Prinsipe, nag-aalala ako kung ipapadala ko ang aking anak."
Natigilan si Lili. Walang ibang doktor sa pamilya nila, kundi siya.
"Bakit hindi natin subukan? Nasisiguro kong matalino at batikan ang inyong anak para maging doktor ng Prinsipe."
"Ayos lang naman sakin na ipadala siya sa Palasyo, ngunit kailangan kong tanungin muna siya."
"Ministro Roque, kailangan ring masabihan ang Prinsipe tungkol dito."
"Hindi siya papayag kung sasabihin natin agad."
"Eh, anong gagawin?"
"Malalaman niya, pag kaharap niya na."
Tahimik na pumasok si Lili sakanyang kwarto. Inisip niya ang pag uusap na narinig. Apat na taon rin siyang nalayo sa pamilya, at malalayo na naman siya kung papayag siyang magtrabaho sa palasyo.
"Lili," narinig ni Lili ang boses ng Ama mula sa pinto ng kanyang silid.
Tahimik lamang si Lili.
"Nag-usap kami kanina ni Ministro Natividad."
"Narinig ko po ang pag uusap niyo, Ama."
Bumuntong hininga si Ministro Roque, "Anong masasabi mo?"
Ngumiti si Lili, "Doktor ako, pasyente dapat ang inuuna ko."
Malungkot na ngumiti ang Ministro, "Doktor ka, pero anak rin kita. Tandaan mo yan."
Hindi nakaimik si Lili.
Isang magandang balita man na makakapagtrabaho siya sa Palasyo at mas malaki ang makukuha niyang sahod. Hindi parin iyon sapat para sumaya siya.
Nasa kalagitnaan na ng gabi nang may tumigil na babae sa harap ng bahay ng isang kilalang pamilya. Nakaitim ito at natatakpan ang kanyang mukha sa suot nitong maskara. May hawak itong espada sa kanang kamay. Malamig at madilim ang awra nito.
"You're too smart to be use." Anito na animong may kinakausap.
Walang makakaintindi sa ipinupunto niya lalo na't walang nakakaalam kung sino ang tinutukoy niya.
At nilisan niya na ang lugar.
Makalipas ng ilang araw ay maagang ginising ni Cris ang natutulog na kapatid ayun sa utos ng kanilang Ama.
"Lili, pwede ba, gumising kana."
Nagtalukbong ng kumot si Lili.
"Hanggang ngayon, tulog mantika ka parin."
Hindi kumibo si Lili.
"Bumangon ka na diyan kung ayaw mong bigwasan kita ng tubig." Nanakot na anito kaya dali daling bumangon si Lili.
Kakamot kamot itong napatingin kay Cris.
"Inaantok pa ako."
"Hinihintay kana ni Ama sa labas." Masungit anito at naunang lumabas.
Pabuntong hininga naman si Lili na nagtupi ng kumot saka lumabas.
"Maghanda kana anak, pupunta na tayo sa Palasyo."
"Ngayon na agad?"
"Oo."
"Ngunit kaarawan mo na bukas, Ama. Pwede bang pagkatapos ng kaarawan mo?"
"Ang raming reklamo, maswerte ka nga at makakapasok ka sa Palasyo." Aning Cris kaya nangunot ang noo ni Lili.
"Ano bang meron sa palasyo?"
Inirapan siya ni Cris, "Tao." At umalis.
Napakamot si Lili, "Alam ko naman iyon."
"Sige na, maghanda kana. Ngayon ka makikilala ng Prinsipe."
Walang nagawa si Lili kundi bumalik sa kwarto upang maghanda. Habang naghahanap siya ng magandang damit ay may kumatok sakanyang bintana. Nilapitan niya ito at binuksan kaya bumungad sakanya si Mara, Ton at Aboy.
"Anong ginagawa niyo rito?"
Malungkot ang mukha ng kanyang mga kaibigan.
"Iiwan mo na naman kasi kami."
"Nabanggit samin ni Cris na magtratrabaho ka daw sa Palasyo."
"Sa Palasyo naman iyon hindi ibang bansa."
"Kahit na, paano ka namin madadalaw kung istrikto ang patakaran sa loob?"
"Wag kayong mag-alala, lalabas ako minsan pag matyempuhan." Sagot ni Lili.
"Sige ka, kung gusto mo maparusahan."
"Mag iingat ka doon," aning Aboy kaya ngumiti si Lili.
"Mag-iingat ka lalo sa Prinsipe." Aning Mara kaya natigilan siya.
"Bakit?"
"Baka mapaibig ka sakanya." Nakangiting anito kaya napailing na lamang si Lili.
"Bakit? Gwapo at matalino ba siya?" Tanong nito.
Napaisip si Mara, "Kahit hindi ko pa siya nakikita, nararamdaman kong magandang lalaki siya. Ganun naman talaga ang mga Prinsipe diba? Nasa kanila na ang lahat."
Ngumiwi si Aboy, "Ang rami mong sinasabi. Ikaw Lili, mag iingat ka dun. Sabi nila, iritable daw ang Prinsipeng yun. Mainitin ang ulo, mabilis mainis, pasaway at gumagawa ng kalokohan. Mag iingat ka, wag kang magpapadala sa ganda ng mukha niya."
Napangiti na lamang si Lili sa inakto ng mga kaibigan. Napatingin naman siya kay Ton ng mapansing tahimik ito.
"Bakit?" Tanong ni Ton.
"Wala ka man lang habilin para kay Lili?" Tanong ni Mara kay Ton.
Napakamot sa batok si Ton, "Yung prinsipe, mahilig daw matulog yun."
Napailing si Mara, "habilin ba yan?"
Ngumiwi si Ton, "Oo na, mag iingat ka. Magpakita ka samin minsan."
Napangiti na lamang si Lili sa mga kaibigan. Naputol ang kanilang pag uusap ng marinig ang Ama. Pinaalis niya na ang tatlo saka nagbihis ng damit. Pagkalabas niya ay kumain siya at nagpaalam na sa Ina at kapatid.
Sa kabilang banda, tanghali na ng magising ang Prinsipe. Dinalhan siya ng pagkain at binihisan ng kanyang mga tagapagsilbi.
Napatingin siya sa kapapasok lang na si Master Ken.
"Kamahalan, nasa labas na po ang iyong bagong doktor."
Sinenyasan ng Prinsipe ang mga tagasilbi na umalis.
"Ganyan naba ako kalala sa tingin nila?"
"Nag-aalala lang sila sayo."
"Hindi naman ako ang may sakit." Pabulong na ani ng Prinsipe upang hindi marinig sa labas.
"Papunta na po sila dito,"
"Lahat ng nagiging doktor ko ay pinapaalis ko dahil wala akong tiwala sakanila. Sabihin mo, kanino humingi ng tulong ang matandang Ministro na iyon?"
"Kay Ministro Roque po."
Nangunot ang noo ng Prinsipe, "At sino namang doktor na ipinadala nila?"
Sumunod si Master Ken pagkalabas ng Prinsipe. Pumasok sila sa isang silid at hinintay ang pagpasok ng kanyang bagong doktor.
Nasa tabi lang si Master Ken at nagbabantay sa Prinsipe. Pero nararamdaman nitong nababagot na ang Prinsipe. Alam niyang ayaw nito ng mga doktor na pinapadala ni Ministro Natividad. Ngunit dahil narinig nito ang pangalan ni Ministro Roque ay kailangan niyang maglaan ng oras.
Sa lahat ng Ministro ay kay Ministro Roque siya may tiwala. Matalino at mabuting tao ito. Mahal ito ng bayan. Minsan rin itong naging kaibigan ng kanyang Ama.
Nang may kumatok ay pinagbuksan ito ni Master Ken. Naunang pumasok ang Ministro kaya tinanguan ito ng Prinsipe.
Ngunit natigilan ang Prinsipe ng makita ang sumunod na pumasok. Napakapamilyar ng mukha nito hanggang sa makilala niya ng tuluyan. Ito ang babaeng nakasalubong niya sa kagubatan.
"Siya ang anak ko, kamahalan. Magaling siyang doktor."
Nagkasalubong ang tingin ng dalawa.
Tinging hindi inaasahang muling magtatagpo.

Komento sa Aklat (29)

  • avatar
    Tisoy Mandeoya Laquip

    thank you

    13/07

      0
  • avatar
    Kristen Talaban

    It's good

    10/07

      0
  • avatar
    Ken Ken

    Nice one

    24/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata