#TOE Chapter 5 Simula nung nangyari noong nakaraang araw ay umiiwas na ako kay Terrell. Kahit kahapon sa klase niya ay hindi ako nagsalita at mabuti na lang dahil ganoon din siya. Nakita ko rin siya sa main library kanina at ako na lang ang nag-adjust, ako na ang lumipat sa ibang library. Wala rin naman siyang dapat na ikabahala dahil hindi ko naman ipagkakalat na nakita ko siyang nagmamakaawa kay Stella at lalong-lalo na hindi ko ipagkakalat yung ano...yung basta! "That's it for today. About your quiz," huminto siya. "Ms. Ronquillo, kindly collect the answer sheets." Ngunit ako na naman ata ang trip na asarin ng tadhana dahil kung kailan todo iwas ako ay doon pa kami mas lalong pinaglalapit. Ilang beses akong nagpakurap-kurap upang makasiguradong hindi ako nananaginip. Saka lang ako natauhan nang magsilapit na sa akin ang mga kaklase ko para ipasa ang kanilang answer sheets. "Iba rin talaga dumiskarte ang isang Gabaldon," nakangising asong sabi ni Anna habang naglalakad kami papunta sa classroom nila Terrell. Nagpasama kasi ako sa kanilang dalawa ni Emily dahil hindi ko pa kayang harapin si Terrell nang mag-isa. Aba, todo iwas ako tapos ganito lang? Hindi pwede! "Himala at hindi na kayo nagbardagulan simula kahapon, anyare te?" tugon naman ni Emily. Nagkibit balikat ako bago huminto sa harap ng classroom nila. Natigil din ang dalawa sa paglalakad. Mabuti na lang at mukhang vacant pa nila ngayon. Sumilip ako at hinanap ng aking mga mata kung nasaan si Terrell. Wala rin naman siya sa upuan niya. Tiningnan ko ang mga kaklase niya. Nahihiya akong magtanong lalo na't mas matanda sila sa amin. Baka pilosopo pa ang iba. Ayaw ko naman ng away. "Si Terrell ba hanap mo?" biglang tanong ng babaeng kakapasok lang ng classroom nila. Tumango ako. Kaya pala pamilyar siya sa akin dahil siya pala yung nagturo rin sa akin noong nakaraan kung nasaan ang classroom ni Terrell. "Nasa Science Laboratory siya. May sasabihin ka ba sa kanya? Ako na lang ang magsasabi," aniya. "Ah, wala," Umiling ako at inabot sa kanya ang answer sheets. "Pakibigay na lang ito sa kanya. Salamat." Tumango siya at tiningnan ang answer sheets. May kung ano siyang binabasa doon bago tumingin ulit sa akin. "BSA?" tanong niya. Ngumiti ako ng tipid bago tumango. "Saang subject nag-substitute si Terrell?" kunot noong tanong niya. Hindi ko alam kung bakit ang dami niyang tanong pero dahil kailangan ko ng tulong niya ay sasagutin ko na lang ang mga tanong niya. "Microeconomics," sagot ko. May kung ano siyang hinahanap at nang huminto ito sa answer sheet ko ay may kung ano siyang tinitingnan. Alam niya ba ang pangalan ko? Sigurado naman ako sa sagot ko pero nacoconscious ako dahil nakakunot ang noo niya. Sinamaan ko ng tingin sila Anna at Emily dahil kanina pa nila ako sinisiko. Nilingon ko ulit ang babae at nakatingin pa rin siya sa papel ko. Marunong ba siya sa Microeconomics? May ganoon bang subject sa kurso nila? Nagtataka nga rin ako kung bakit marunong sa Microeconomics si Terrell. Nang marinig ko ang tunog ng bell ay nagpaalam na ako dahil mukhang wala naman siyang planong paalisin pa kami. Habang naglalakad pabalik sa building namin ay panay ang reklamo ng dalawa kong kaibigan. Hindi ko alam bakit galit na galit sila sa babaeng kaklase ni Terrell na nakausap namin kanina. "Feeling close kay Terrell!" ani Emily sabay irap. Agad namang sumang-ayon si Anna sa sinabi ni Emily at dumagdag pa talaga. "May sasabihin ka ba? Ako na lang ang magsasabi sa kanya," paggaya ni Anna sa sinabi ng babae kanina at ginaya niya pa talaga ang tono. Hanggang sa makabalik kami sa classroom ay walang tigil ang dada nilang dalawa. Pakiramdam ko talaga hindi na sila makakapasok pa sa langit sa dami ng kasalanan nila tapos balak pa ata nila akong idamay. Ang sumunod na subject ay ang Business Law. Walang masyadong discussion ang naganap at 70% ata ng oras ay puro kwento lang ni Prof Mesales tungkol sa love story nila ng kanyang asawa. Hindi ko alam bakit niya sinasabi sa amin yon eh wala naman itong konek sa Business Law. Napaisip tuloy ako. Hindi ko pa naranasang magmahal. Kung pagmamahal sa pamilya, kaibigan, at mga alagang hayop ay naramdaman at naranasan ko na pero kung pagmamahal sa isang tao ang pag-uusapan ay hindi ko pa ito naranasan. Nagkaroon na ako ng crush dati pero hindi umaabot sa puntong masasabi kong mahal ko na ito. Hanggang crush lang talaga. Hanggang paghanga lang. Kaya hindi ko alam kung ano ang pakiramdam. Kaya noong nakita ko kung paano nagmakaawa si Terrell kay Stella ay bigla akong natakot. Natatakot ako na baka dumating ang araw na ako rin ay magmamakaawa na para lang manatili ang taong mahal ko. Nakakatakot ang pagmamahal at ang magmahal. "Try this one. Supply Q equals three hundred plus three P. Demand Q equals one thousand eight hundred minus two P," aniya at isinulat ang equation sa isang yellow pad. Tumango ako at kinuha ang yellow pad para simulan na ang pagsagot. Inaamin kong medyo nahirapan ako lalo na't nagising akong lutang ngayong araw. Hindi ko masyadong naintindihan ang discussion niya. Napakamot ako sa aking batok nang makalipas ang ilang minuto ay hindi ko pa rin nakukuha ang sagot. Palihim kong sinulyapan si Terrell na seryosong nakatingin sa makapal na librong hula ko ay tungkol sa medisina. Napakatalino at hardworking niya naman. Paano niya kaya napagsasabay ang lahat ng ito? Ang sabi kasi nila Anna at Emily ay top 1 si Terrell palagi. Nakalunok ba siya ng libro noong bata pa siya? Habang palihim siyang pinagmamasdan ay doon ko lang napansin ang magandang hulma ng kanyang mukha. Ang tangos ng ilong niya, infairness. Medyo nakanguso siya ngayon at may suot din siyang reading glasses kaya nagmumukha talaga siyang mabait na estudyante. "You done?" agad akong umiwas ng tingin nang bigla siyang lumingon sa akin. Umiling ako at bahagyang umusog palayo sa kanya. Para akong nakukuryente sa tuwing nagtatama ang mga balikat namin. Sinubukan kong sagutan pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Hindi gumagana ang utak ko ngayon. Oh well, kailan ba gumana ang utak ko? "It's been ten minutes, Ms. Ronquillo. The clock's ticking." "Teka lang naman kasi!" irita kong sabi dahil masyado siyang atat. Porket talaga matalino siya. Nagulat ako nang bigla siyang umusog papalapit sa akin. Walang hirap niyang inocupado ang natitirang espasyo sa pagitan namin. Napatikhim ako dahil nararamdaman ko ang pagkati ng lalamunan ko. Paanong nakakayanan niyang umakto na para bang wala lang ang lahat? Marami na ba siyang babaeng nahalikan kaya parang wala lang sa kanya ang nangyari noong nakaraan? "Don't even try. Look at your solution, it's wrong from the very start," sabi niya at kinuha ang yellow pad. Nakanguso kong tiningnan siya habang binibilugan niya ang bawat mali ko sa solution ko. Nang matapos na siya ay hinarap niya ako. Hindi ko kaya ang malalim niyang titig kaya yumuko ako. "I explained it to the class for Pete knows how many times. How can you still not get it?" aniya. Seryoso ang kanyang tono. Kinagat ko ang aking labi dahil naiiyak ako. Kasalanan ko bang hindi ako kasing talino niya? At isa pa, ang bilis niya kayang mag-discuss kaya nahihirapan ako lalo na't hindi ako fast learner. "Hindi naman ako kasing talino mo," bulong ko. "That's not the case here, Ms. Ronquillo. You just don't put effort on it. You can always choose to learn. It's your effort to learn that matters, not the level of your intelligence." Hindi ako nagsalita. Kahit naman anong sabihin ko hindi rin siya maniniwala. Sinubukan ko namang intindihin kaso hindi talaga para sa akin ang Microeconomics. At isa pa, ayan na naman siya sa pang-iinsulto niya sa akin. Bakit hindi niya na lang ako diretsahin na ang bobo ko? "Bakit ba ako palagi pinag-iinitan mo? Hindi ko naman pinagkalat yung nakita ko sa parking lot at hindi ko rin pinagkalat yung pagnakaw mo ng halik sa akin," bulong ko. Hindi ko alam kung narinig ba niya ang sinabi ko dahil iniba niya agad ang usapan. Sinubukan niya akong turuan at kahit labag sa loob ko ay nakinig na lang ako. Kahit ganito ay ayaw ko rin namang bumagsak ako. Bakit ba kasi accountancy ang kinuha ko? "I'll see you tomorrow. Study the whole thing and familiarize it," sabi niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siyang mag-ayos ng mga gamit niya. Mamaya na ako aalis kapag nasigurado ko nang nakaalis na siya. "And about the kiss..." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Nadala lang siguro ako. Let's just pretend the kiss didn't happened."
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
very good for
02/09
0salamat
09/05/2025
0beautiful
14/04/2025
0Tingnan Lahat